Share

KABANATA 5

Penulis: Spinel Jewel
last update Tanggal publikasi: 2026-03-14 20:58:32

Panibagong araw ko sa opisina at patuloy pa ring bumibigat ang aking pakiramdam lalo na kapag naiisip ko ang sinabi ni Kael. Kahit gaano ko pilit itapon sa isip ko, paulit-ulit pa rin iyong bumabalik at tila ba naging bigat na nakadagan sa dibdib ko.

"Okay ka lang ba, dzai?" tanong sa akin ni Carol habang sumisilip mula sa kanyang monitor. "Napansin ko since dumating yung bagong CEO natin, hindi ka na mapakali."

Umangat ang kilay niya, tapos biglang ngumiti na parang may alam. "H'wag mong sabihing may crush ka sa kanya?" dagdag pa niya, sabay kiliti sa tagiliran ko.

"Ano ka ba!" mabilis kong tinakpan ang bibig niya habang napalinga-linga ako sa paligid. Buti nalang busy ang lahat sa kanya-kanyang gawain.

"Tumigil ka d’yan, baka mamaya may makarinig pa sa ’yo. Mag-concentrate ka nalang kaya sa trabaho mo noh?" sabi kong gano’n sabay irap sa kanya.

Naging abala ang sumunod na mga oras kaya hindi ko namalayan na uwian na pala.

"Dzai, mauna na muna ako ha, may date pa kami ng boyfriend ko eh," wika ni Carol at nagmamadaling nagligpit ng mga gamit.

"Hay naku. Mapapa-sana all nalang ako nito. Sige dzai goodluck," nakangiti kong sabi. "Ano uuwi kaba mamaya sa apartment?"

"Not sure. You know na," sagot nito at ngumisi ng makahulugan.

"Sige dzai. Tatapusin ko lang itong ginagawa ko. Enjoy." Sabi ko at kumindat sa kanya.

"Hmm...Gumanti ka rin ng panunukso sa akin ha," aniya bago tuluyang lumabas ng opisina. Umalis na rin ang iba ko pang mga kasamahan kaya ako na lang ang naiwan sa loob.

Makaraan ang isang oras at tapos na rin ako sa aking ginagawa. Tumayo ako at niligpit ang mga gamit ko.

Ngunit bigla na lamang kumulog ng malakas.

Parang uulan yata. Wala pa naman akong payong kaya kailangan ko ng makaalis at baka maabutan pa ako ng malakas na ulan sa daan.

"Hay naku, ba't walang dumadaang sasakyan?" usal ko sa aking sarili. Naglakad-lakad ako sa kabilang kanto ngunit bigla namang may huminto na sasakyan sa likuran ko kaya mabilis akong napalingon.

"Miss Belmonte, hop in."

Biglang lumakas ang kabog ng aking puso nang mapagtanto kong si Kael yon sakay ng kanyang itim na limousine.

"Okay lang po, sir,” pilit kong sabi kahit halatang nag-aalangan ako. “Baka istorbo lang—”

“Huwag ka nang tumanggi,” putol niya, mahinahon pero may bigat ang boses. Bumukas ang pinto sa likod ng limousine na para bang wala akong pagpipilian. “Mukhang uulan na, at wala ka namang payong.”

Napatingin ako sa langit—tila ba nakipagsabwatan pa ang ulap sa kanya dahil kasunod no’n ay muling kumulog. Napabuntong-hininga ako bago tuluyang sumakay.

“Salamat po,” mahina kong sambit habang maingat na isinasara ang pinto.

Umandar ang sasakyan, at saglit na binalot ng katahimikan ang loob. Ang tanging maririnig lang ay ang mahinang ugong ng makina at ang hindi mapakaling tibok ng puso ko.

Ilang saglit pa’y tuluyan nang bumuhos ang ulan. Sunod-sunod ang kidlat na waring hinahati ang madilim na langit, kasabay ng nakakabinging kulog. Nanatili akong tahimik, nakasandal sa upuan habang pinagmamasdan ang mga patak ng ulan na dumadausdos sa salamin ng bintana.

Bigla, isang malakas na putok ang umalingawngaw.

Napapitlag ako. “A-ano ’yon?” hindi ko napigilang itanong, bahagyang napahawak sa hawakan ng pinto.

“Relax,” kalmadong sabi ni Kael habang mariing hinawakan ang manibela. “Pumutok ang isa sa mga gulong.”

Ramdam ko ang unti-unting paghina ng takbo ng sasakyan bago niya ito maingat na itinabi sa gilid ng kalsada, habang patuloy na binubugbog ng ulan ang paligid.

Narinig ko ang mahinang langitngit ng preno habang tuluyan kaming huminto sa gilid ng kalsada. Lalong lumakas ang buhos ng ulan, para bang sinasadya nitong palalain ang sitwasyon.

“Stay here,” utos niya, at akmang bababa ng sasakyan ngunit mabilis kong napigil ang kamay niya.

"Sir, malakas po ang ulan, siguradong mababasa po kayo. Siguro patigilin muna natin."

Nakita ko mula sa gilid ng aking mga mata na nakatitig siya sa akin, kaya pinilit kong h'wag siyang tingnan.

"Thanks for your concern, baby."

Parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang tawagin niya akong 'baby,' Mas lalong kumabog ng malakas ang dibdib ko. 

Diyos ko. Sana tumila na 'tong ulan at nang makaalis na kami. Bulong ko sa isipan.

"Are you okay?" bigla niyang tanong. "Giniginaw ka ba?"

"H-hindi naman po sir."

"C'mmon, Aira. Tayo lang namang dalawa rito, so no need to be formal. Call me Kael, okay?"

Marahan lang akong tumango. 

Halos mag-iisang oras na kami sa loob ng kotse, ngunit parang wala talagang planong tumigil ang ulan. Napatingin ako sa aking relo.

Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa relo.

“Malapit na pala mag-alas sais,” mahina kong sambit.

“May hinahabol ka bang oras?” tanong ni Kael habang nakasandal sa upuan at nakatingin sa akin.

Mabilis akong napailing. “Wala naman po—ah… wala naman. Nasabi ko lang.”

“Then relax,” sagot niya. “Hindi ka naman mawawalan ng trabaho kung malate ka ng uwi ngayon.”

Hindi ko napigilang mapangiti nang bahagya. Kung tutuusin, siya nga pala ang boss ko.

Muling kumulog sa labas kaya napapitlag ako. Hindi ko namalayang napahawak na pala ako sa braso niya.

Saglit kaming natigilan pareho.

Dahan-dahan kong binawi ang kamay ko na parang napaso. “S-sorry…”

“It’s okay,” mahina niyang sagot.

Sandaling katahimikan na naman ang bumalot sa loob ng kotse. Ngunit kakaiba ang pakiramdam—parang masyadong maliit ang espasyo sa pagitan naming dalawa.

“Aira,” bigla niyang tawag.

“P-po?”

“Kanina pa kita gustong tanungin.”

Napatingin ako sa kanya.

“Bakit parang umiiwas ka sa akin sa opisina?”

Parang may bumara sa lalamunan ko. Hindi ko agad nasagot ang tanong niya.

“Hindi naman po…” mahinang tanggi ko.

Tumaas ang isang kilay niya, tila hindi kumbinsido.

“Really?” sabi niya habang bahagyang lumalapit ang mukha sa akin. “Because it feels like you're avoiding me.”

Napaatras ako nang kaunti sa upuan.

“H-hindi po, sir—ah… Kael. Busy lang talaga ako.”

Sandali siyang natahimik, tila pinag-aaralan ang mukha ko.

Pagkatapos ay napabuntong-hininga siya.

“Good,” sabi niya. "Dahil ayaw kong iniiwasan mo ako."

Hindi ako nakaimik. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko., Dahil ang totoo, ayaw ko talagang mapalapit sa kanya.

Hindi dahil sa ayaw ko siya.

Kundi dahil masyado siyang mapanganib para sa puso ko. Tama na 'yong isang gabing pagkakamali. Ayaw ko ng maulit pa 'yon dahil baka masaktan na naman ako. Boss ko si Kael. Malayo ang agwat ng estado namin sa buhay kaya hindi ako ang tipo ng babaeng seseryosohin niya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Wrong Room, Right Mistake   KABANATA 5

    Panibagong araw ko sa opisina at patuloy pa ring bumibigat ang aking pakiramdam lalo na kapag naiisip ko ang sinabi ni Kael. Kahit gaano ko pilit itapon sa isip ko, paulit-ulit pa rin iyong bumabalik at tila ba naging bigat na nakadagan sa dibdib ko."Okay ka lang ba, dzai?" tanong sa akin ni Carol habang sumisilip mula sa kanyang monitor. "Napansin ko since dumating yung bagong CEO natin, hindi ka na mapakali."Umangat ang kilay niya, tapos biglang ngumiti na parang may alam. "H'wag mong sabihing may crush ka sa kanya?" dagdag pa niya, sabay kiliti sa tagiliran ko."Ano ka ba!" mabilis kong tinakpan ang bibig niya habang napalinga-linga ako sa paligid. Buti nalang busy ang lahat sa kanya-kanyang gawain."Tumigil ka d’yan, baka mamaya may makarinig pa sa ’yo. Mag-concentrate ka nalang kaya sa trabaho mo noh?" sabi kong gano’n sabay irap sa kanya.Naging abala ang sumunod na mga oras kaya hindi ko namalayan na uwian na pala."Dzai, mauna na muna ako ha, may date pa kami ng boyfriend ko

  • Wrong Room, Right Mistake   KABANATA 4

    Kinabukasan, habang nagfocus ako sa pag-encode ng mga sales report,"Aira, pinapatawag ka sa opisina ni sir Kael," wika ni Mrs. Perez.Biglang nanlaki ang mga mata ko. "Po? A-ako?" "Oo, kailangan raw niyang makausap ang top-performing sales consultant sa kumpanyang ito," ani Mrs. Perez. "Uhm, pakidala mo nalang itong sales report, last quarter. Gusto raw niyang makita."Muli na namang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Hindi naman ako maaring tumanggi dahil nasa trabaho ako, baka mamaya masesante pa ako ng wala sa oras kung di ako sumunod. Wala na talaga akong kawala pa. Diyos ko."Dzai, goodluck." Bulong sa akin ni Carol, sabay ngisi na parang nanunukso na naman. Tumayo ako at binitbit ang folder. Palakas ng palakas ang tibok ng aking puso, habang tinungo ko ang elevator.Makalipas ang ilang minuto nasa third floor na ako at nasa doorstep na ng opisina ng CEO. Huminga ako ng malalim bago kumatok sa pintuan."Yes, come in."Pagkarinig ko ng malalim na tinig mula sa loob, halos nanghi

  • Wrong Room, Right Mistake   KABANATA 3

    Pumasok ako sa opisina ng KR Cyber Corporation nang may baong kaba at bigat sa dibdib. Mahigit tatlong linggo na rin mula nang magdesisyon akong bumangon muli mula sa pagkawasak ng puso ko. Kahit na kasama ko sa trabaho ang walanghiya kong ex-boyfriend at ang traydor kong bestfriend, pero kailangan kong maging matatag dahil umaasa sa akin ang pamilya ko sa probinsya. "Hoy dzai, alam mo bang meron daw tayong bagong CEO na papalit kay Don Ricardo. Balita ko ang apo raw nitong lalaki ang hahalili sa kanya," wika sa akin ni Carol. Bilib din naman ako sa isang ito, at hindi talaga nahuhuli sa balita."Ganu'n ba? Ang lakas talaga ng radar mo noh?" nakangiti kong wika."At ngayon daw darating ang bago nating boss."Tango lang ang itinugon ko saka nagpatuloy sa ginagawa.Makalipas ang ilang oras,"Dzai, nandito na raw ang bagong CEO. Tara at kailangan nating i- welcome sa entrance door," yaya sa akin ni Carol."Naku, tatapusin ko lang muna 'tong ginagawa ko. Tutal naman pormal ding ipapakila

  • Wrong Room, Right Mistake   KABANATA 2

    Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko, tila ba may mabigat na batong nakapatong dito. Idinagdag pa ang matinding kirot ng ibabang bahagi ng aking katawan. Para itong pinupunit at nanginginig sa bawat paggalaw ko. Napasinghap ako habang pilit na bumangon, ramdam ang hapdi na kumakawala mula sa pagitan ng aking mga hita. Para bang bawat kalamnan at litid doon ay may bakas ng isang gabing hindi ko inaasahan.“Diyos ko! anong nangyari?” bulong ko sa sarili, nanginginig ang boses at halos maiyak. Napuno ng takot ang puso ko, lalo na nang makita ko ang pulang mantsa sa bedsheet at mapansin ko ang mga nagkalat na damit sa sahig.Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang igawi ko ang paningin ko sa kama. Doon ko nakita ang lalaking mahimbing na natutulog, nakatihaya, at walang saplot pang-itaas. Bahagyang natakpan ng kumot ang ibabang bahagi ng kanyang katawan, ngunit sapat na ang nakita ko para lalo akong manginig sa kaba at hiya.Napatitig ako sa kanya at hindi ko maiwasang humanga

  • Wrong Room, Right Mistake   KABANATA 1

    AIRA'S POV“Sa loob ng limang taon, ito lang pala ang gagawin niya sa akin?” Para akong baliw na kinakausap ang sarili habang nilalagok ang alak sa baso. Wala akong pakialam kung anong tingin sa akin ng mga tao sa bar. Kung lasinggera o desperada. Ang gusto ko lang ay makalimutan itong sakit na tumatagos hanggang sa kaibuturan ng aking puso. Itong bar ang una kong naisip na puntahan matapos kong masaksihan ang pagtataksil ng lalaking minahal ko sa loob ng limang taon.“Today was supposed to be our fifth year anniversary,” mahina kong bulong habang nagsasalin ng alak sa baso. Gusto ko sana siyang sorpresahin pero ako pala ang masosorpresa."Walanghiya ka Ramon. Niloko mo ako, kayo ng bestfriend ko!”Muling dumaloy ang luha sa aking mga mata habang tinutungga ang natitirang laman ng tequila. Ang pait at init nito’y parang kaakibat ng pait na iniwan niya sa puso ko.Unti-unti kong naaalala ang bawat salitang binitiwan niya sa harap ko, nang mahuli ko silang nagtatalik ng walanghiya kong k

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status