ASHLEY
NAKITA nila ni Ria na hinuli si Abo ng mga pulis at kinaladkad ito papasok sa police mobile car. Nagkatinginan sila ni Ria. Napabuntong hininga siya. Mabilis silang sumunod sa presinto kung saan dinala si Abo.
Sinusuotan ito ng isang pulis ng jersy shorts. Kaagad sila lumapit at kinausap ang naturang pulis.
"Sir, excuse me. Pasyente ito sa mental hospital, nakatakas lang," bungad agad ni Ria sa pulis. Tinignan muna sila ito bago nagsalita.
"Saan mental hospital? Sigurado ba kayo?" tanong sa kanila ng pulis.
Sabay silang tumango ni Ria. Nabanggit pa si Ria ng pangalan ng mental hospital. May tinawagan din si Ria doon sa mental hospital para kumpirmahin ng pulis kung tama ba ang sinasabi nila. Mabuti na lang at nakiayon sa kanila ang langit dahil sakto ang sumagot ng tawag ay pinsan ni Ria. Sinabi lang nito na may nakatakas nga na pasyente na galing doon.
Kaya matiwasay na nakuha nila si Abo. Nakaka
Hello, Ako si Nikky. Salamat sa pagbabasa at suporta! :)
ASHLEY UMAYON NAMAN ang lahat ng plano nila ni Ria. Pumayag kaagad si Dr. Lee na dalhin si Ebo sa China para masuri. Nagpadala si Dr. Lee ng mga staffs na maghahatid kay Ebo at nakasama siya kay Ria. Bigla tuloy siyang nasabik makita si Eya. Napag-alaman din nila na nakikipag-ugnayan na rin si Dr. Lee sa ibang malalaking bansa. Natuklasan kasi ng mga siyentipiko na triple ang lakas ni Eya sa isang Grizzly Bear at sa isang Oxen. "Napatay daw ni Eya ang isang Grizzly Bear ng isang suntok lang," kuwento ni Ria. Nai-kuwento rin lang din ito kay Ria ng isang staff. "At--walang kahihirap nito hinuli ang isang Oxen at kinakin niya," dugtong pa ni Ria. Namangha siya. Hindi niya alam na ganoon kalakas si Eya. Napasulyap sila kay Ebo na tahimik lang na nakahiga habang nakatali ang kamay at paa nito. "At saka ang usap-usapan yata na dadaan ng training sa US Army si Eya, gagastusan ito ng Amerika pero malakas na tumatanggi ang Unit
EYA NAPATUNGO siya nang matapos na ang pinapagawa sa kanya ni Dr. Lee. Marami ito pinagawa sa kanya tulad nang labanan niya ang isang malaking oso, isang agresibong malaking baka at ngayon naman ang labanan ang isang leon. Noon una naninibago siya sa lakas na taglay niya. Bago sa kanya iyon, hindi niya rin akalain na kaya niyang bumuhat ng isang kotse ng walang kahirap-hirap. Nilalabas ni Dr. Lee lahat nang nakatagong abilidad niya. "You are indeed powerful creature, Eya," natutuwang bigkas ni Dr. Lee. Hindi pa niya lubos maunawaan ang ibig nito sabihin. May ibang lengguwahe ito na hindi pa siya pamilyar. Bagamat tinuturuan din siya ni Dr. Lee na magbasa, sumulat at magsalita ng ibang lengguwahe. "Nasaan ang Master Ash ko? Ang sabi mo nandito siya kaya sumama ako saiyo!" hiyaw niya. Malapit na siyang mapuno. Ilan araw na niyang hindi nakikita si Master Ash. Nangako pa naman ito na dadalawin siya subalit hindi ito nagpakita. Hinuha niya
EYA MABIGAT ang loob niya. Nakita niya si Master Ash subalit hindi niya man lang nagawang lapitan ito. Hindi niya talaga maunawaan ang nangyari sa kanya. Nag-aalala rin siya sa kung ano mararamdaman nito. Galit siguro si Master Ash sa kanya dahil hindi niya ito pinansin. Malakas siyang humiyaw saka sinuntok nang matindi ang sahig. Kasalukuyan nasa loob na siya ng silid niya, kasama ang wala pa rin malay na lalaki. Ang dinig niya ay kauri rin niya ito. Kauri? Ano nga ba ang tawag sa kanya? Anong klaseng nilalang nga ba siya? Ilan sandali pa ay bahagya gumalaw na ang lalaki. Umungol ito at napabalikwas ng upo. Hinipo nito ang batok saka matalim na tumingin sa kanya. "Nagkita tayong muli, mahal kong kapatid." Nahindik siya. Nakatitig lang siya sa lalaki. Kinakausap ba siya nito gamit ang isip? Naririnig niya ang isip nito? "Sino ka? Ano ang ibig mo sabihin?" tanong niya rin sa isip. Hindi niya alam
ASHLEY NARAMDAMAN niya ang paghimas ni Ria sa likod niya. Dalawang araw na ang lumipas buhat nang bumalik sila sa Pilipinas galing China. Pinaalis sila ni Dr. Lee maging si Ria ay inalis na sa trabaho nito. Wala pa rin humpay ang pagluha niya, labis siyang nalungkot dahil sa hindi pagpansin ni Eya sa kanya. Bakit? Bakit hindi siya nito pinansin? Palaisipan pa rin sa kanya ang dahilan. "Ssh..tahan na, Ash. Siguro kailangan mo nang bitawan si Eya. Iba siya sa'tin. Kung ano man iyang nararamdaman mo, kailangan mo na itigil 'yan dahil walang magandang idudulot saiyo iyan," lintanya ni Ria habang inaalo siya. Suminghot-singhot naman siya. Narinig pa niya ang mahinang pagbuntong hininga ng kaibigan. "May inalok pala sa'kin na trabaho sa Amerika, I think sa may Georgia yata iyon. Tinanggihan ko pero ini-refer naman kita," kapagkuwa'y sabi ni Ria sa kanya. Bahagya siya napatingin sa mukha nito. "Bakit mo tinanggihan?" naguguluhan tano
EYA GAMIT ang lakas nila ni Ebo, nasira nila ang malaking bintana salamin. Nagkagulo ang lahat ng mga tauhan ni Dr. Lee ng tuluyan sila makalabas ni Ebo. Naging mabagsik ang anyo nila, lahat ng tao ay inaangilan nila. Kaya naman tumakbo ang lahat sa kung saan-saan. "Tara na. Huwag na tayo magsayang ng oras pa rito at---" putol na wika ni Ebo. Isang malakas na putok ang naulinigan niya kasabay ang pagbagsak ni Ebo. "E-Ebo!" sigaw niya. Tinamaan si Ebo ng baril. Napatingin siya sa mga sundalo na may hawak-hawak na mga baril at nakatutok sa kanila. Marahan naman bumangon si Ebo bakas ang dinadaing na sakit sa likod dahil sa tama ng bala. "Nagbago na isip ko, Eya. Ubusin muna natin ang oras natin dito bago tayo umalis," nanggagalaiting sabi ni Ebo. Hindi na siya nakasagot dahil mabilis na sinugod ni Ebo ang mga sundalong nakaharang sa kanila. Walang kahirap-hirap nito naiilagan ang tama ng mga baril. Isa-isa
ASHLEY DALAWANG BUWAN na ang lumipas mula nang dumating siya rito sa Atlanta, Georgia. Naging maayos naman ang pakikisalamuha niya sa mga kasama sa trabaho sa hospital.Lumapit ang isang nurse sa kanya at kinausap siya. "Hi, Ashley! Ms. Glendridge wants to talk to you later in her office." Nagtaka siya pero tumango at ngumiti na lang din siya. Bakit kaya? Sa loob kasi ng dalawang buwan, hindi pa niya ito nakikita. Nagkakausap lang sila lagi sa telepono kung may sasabihin ito sa kanya. At saka wala naman siya gaano trabaho rito. Siya lang kasi ang nag-iisa nag aasikaso sa morgue at ang kagandahan pa ay pang umaga ang pasok niya. Hindi siya puyat at marami siya oras makapag-relax. Sa katanuyan nga, marami na rin siya naging kaibigan dito at may manliligaw na rin siya. Napangiti siya nang maisip si Charlie ang amerikano na kilala niya rito sa Atlanta. Matanda ito sa kanya ng sampo taon, inaya siya ni Charlie na kumain sa
ASHLEY MALAWAK na ngiti ang ibinungad niya kay Charlie nang pagbuksan niya ito ng pinto. Sinundo siya ni Charlie sa mismo apartment niya. "You are so beautiful, Ashley," nakangiting papuri ni Charlie sa kanya. Kiming ngumiti siya. Nakasuot siya ng isang simpleng puting bestida na abot hanggang tuhod at puting sandals. "Thank you, Charlie," tugon niya. Inaya na siya ni Charlie na umalis at sumakay sa kotse nito. Dinala siya ni Charlie sa isang fine dining restaurant. Naging gentleman si Charlie sa buong gabi ng dinner date nila. Marami sila napag-usapan tungkol sa trabaho niya at sa iba pang bagay. Palabiro rin ito kaya panay ang tawa niya habang nagku-kuwento ito ng mga nakakatawang experience nito sa buhay. Nang matapos sila kumain pinasyal naman siya ni Charlie sa park. Kung saan makikita ang malaking tower clock dito sa Atlanta. "Nice isn't it?" tanong ni Charlie saka sila naupo sa isang bench sa park pahara
ASHLEY KANINA pa siya nakauwi, kanina pa rin niya tinatawagan si Charlie subalit ring lang ng ring ang telepono nito. Pilit niya pinapakalma ang sarili, at pabulong na nagdadasal para sa kaligtasan nito. Ilan minuto pa ay sinagot na ni Charlie ang tawag niya. Oh, thank God! "Oh, God! Charlie, are you okay? I'm so sorry for what happened--" "Who's this?" tanong ni Charlie sa kabilang linya. Nagsalubong ang mga kilay niya. "A-Ashley..." Alanganin tugon niya. Ano ba ang nangyayari? "Ashley who? I'm sorry, lady but I don't know who you are, goodbye." Iyon lang ang sinabi nito at saka ibinaba ang tawag. Natigalgal naman siya sa inakto ni Charlie. Ano 'yon? Na-who you siya bigla? Napapailing na lamang siya dahil hindi siya makapaniwala. Laglag ang balikat na napaupo siya sa kama niya. Bumuntong hininga na lang siya. Bahala na nga, ang mahalaga nalaman niya nasa maayos si Charlie. At least, tahimik siyang makak