Share

KABANATA 33

EYA

KAAGAD siyang nagtungo sa bahay ni Eda kung saan kasama rin nito si Ebo. Umasim bigla ang mukha ni Ebo nang dumating siya.

"Ano na ang napag-usapan niyo?" bungad niya agad sa dalawa. Umupo siya sa mahabang upuan katabi si Eda.

"Amoy na amoy kita, Eya. Akala ko ba kakausapin mo lang si Ashley, mukhang ibang pag-uusap ang ginawa mo," may halong pang-aasar na sabi ni Eda sa kanya habang si Ebo ay umingos sabay ikot ng mata sa kanya.

Ngumisi siya. Palibahasa kasi walang alam sa babae. Hindi sa nagyayabang siya, kahit papaano may alam na siya pagro-romansa sa babae.

"Nag-usap na kami. Balik tayo sa pinag-uusapan natin kanina," seryosong sabi niya. Kanina pinag-uusapan nila kung paano mahahanap ang huling kapatid nila na si Ero.

"Lahat tayo itinapon sa ilalim ng dagat ni Niran. Baka nasa ilalim pa rin siya ng dagat," saad ni Eda. May punto ito. Itinapon silang lahat ng kanilang ama na si Niran sa ilalim ng

NIKKYOCTAVIANO

Hi, Ako si Nikky. Salamat sa patuloy na pagbabasa at suporta.

| 2
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status