Share

KABANATA 48

EYA

"DOPPELGANGER..." Bigkas ni Eda nang ikuwento niya rito at kay Ebo ang sinabi ni Master sa kanya. Sinabi kasi ni Master na may pumasok na kamukhang-kamukha raw ni Ebo. Kaya labis tuloy siyang nabahala.

Pinag-krus ni Ebo ang mga hita nang makaupo ito. Seryoso ang anyo nito.

"Obvious naman na si Niran lang ang may kakahayan nang ganoon. Ibig lang sabihin, alam na niya ang tungkol sa pinagbubuntis ng asawa mo. Bakit hindi pa natin payatin ang magiging anak niyo para matapos na ito?" nang-uuyam na suhestiyon ni Ebo.

Dumilim ang anyo niya at nagtiim ang bagang niya. "Baka gusto mo mauna?" nangagalaiting banat niya kay Ebo.

Para na rin nito sinabi na saktan ang asawa niya. Hindi siya papayag na mangyari iyon, at mas lalong hindi siya papayag na patayin ang magiging anak nila.

Pagak na natawa si Ebo.

"Kung kaya mo..." pang-asar na sabi nito.

Akma sana niya susugurin ito nang humarang si Eda sa harapan

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status