Share

Pagtulong

Rhianna'sPOV

Bumaba na ako sa kwarto ni Ylona. Nakatulugan na niya ang paglalaro. Pagbaba ko ay nadatnan ko si Leo na may kausap sa kabilang linya.

"Okay Agent. Maraming salamat po." wika niya. Tumikhim ako para ipaalam ang presensya ko. Lumingon siya sakin

"Rhianna, ikaw pala yan. Kamusta si Ylona?" tanong niya sakin. Ngumiti ako sa kaniya tsaka siya nilapitan at umupo sa tabi niya.

"Nakatulog e." wika ko at isinandal ang aking ulo sa kaniyang balikat.

"Sabi ni Agent Jerald, wala pa daw progreso ang paghahanap nila. Mukhang mahirap hanapin si Don Ysmael." wika niya na dahilan para mabaling ang pansin ko sa kaniya.

"Naiintindihan ko. Hindi naman biro ang paghahanap e." wika ko.

"Gusto mo bang mamasyal mamaya pagkauwi natin?" tanong niya sakin. Biglang nagliwanag ang mukha ko dahil sa sinabi niya.

"Oo naman! Saan mo ako dadalhin?" wika ko na punong-puno ng excitement sa boses.

"May alam akong hardin na medyo malayo dito. Tiyak na magugustuhan mo doon." wika niya habang titig na titig
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status