Compartir

Kabanata 2

Autor: Lynxir
last update Fecha de publicación: 2026-11-02 23:26:45

“Some patients regain consciousness within days or weeks, while others may take several months. It depends on the extent of the brain injury and how the patient responds to treatment.”

“Several months?” halos pabulong na ulit ni Tita Elena. Napailing siya at napahawak sa braso ng doktor.

“May posibilidad din pong…” nag-aalangang dagdag ng doktor, “Baka hindi na rin po siya magising. Ipagdasal na lang po natin ang recovery ng pasyente.”

“Hindi… Bata pa ang anak ko, Dok. Marami pa siyang pangarap. Ikakasal na nga sila…” Napatingin siya sa akin. “Dapat ikakasal na sila.”

Tuluyan na siyang napahagulgol.

Hindi ko na rin napigilang mapaluhod sa sahig. Napatakip ako sa aking bibig habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko.

Ilang linggo na lamang at ikakasal na kami. Ilang buwan naming pinaghandaan ang araw na iyon. May napili na kaming simbahan, reception venue, at maging ang kulay ng mga bulaklak na gagamitin sa kasal.

Naalala ko pa kung paano siya ngumiti nang una naming pag-usapan ang magiging buhay namin pagkatapos ng kasal.

“I can't wait to wake up beside you every morning, Chloe.”

At ngayon, hindi ko man lang alam kung kailan siya muling magigising.

“Dok, please…” pilit kong nilunok ang bara sa aking lalamunan. “May pag-asa pa po ba? Magigising pa po ba siya?”

Lumapit nang bahagya ang doktor.

“We are doing everything we can, Ms. Madrigal. For now, we need to give his body time to recover. We will continue monitoring his vital signs and neurological responses.”

Tumango ako kahit hindi ko na halos maintindihan ang lahat ng sinasabi niya.

“Rest assured that our medical team will continue to monitor him closely. You may be allowed to see him once the nurses have completed the necessary preparations.”

Pagkatapos noon ay nagpaalam na ang doktor. Naiwan kaming dalawa ni Tita Elena sa hallway, parehas walang imik.

Maya-maya, tumayo siya mula sa kinauupuan at hinarap ako.

“Chloe.”

Napatingala ako.

“Hindi ko alam kung kaya kong patawarin ka sa ngayon,” seryoso niyang sabi. “Hindi ko rin alam kung kailan matatanggap ng anak ko ang lahat ng nangyari.”

“Naiintindihan ko po.”

“Alam mo ba kung ano ang huling ginawa ng anak ko bago siya umalis? Tinawagan ka niya. Ilang beses ka niyang sinubukang kausapin. Hindi siya mapakali dahil gusto niyang maayos kayong dalawa.”

“Alam ko po…” Napayuko na lang ako habang binibigkas iyon.

“Hindi, Chloe. Hindi mo alam.” Nanginginig ang kaniyang boses. “Hindi mo alam kung gaano niya kagustong makipag-ayos sa iyo. Ilang araw siyang balisa. Hindi makatulog nang maayos. Hindi makakain. At kahit alam niyang bumabagyo, umalis pa rin siya dahil ayaw niyang matapos ang araw na hindi kayo nagkakaayos!”

“Tita, hindi ko naman po gustong mangyari ito…”

“Pero nangyari na!”

Nagsimula na ring tumulo ang aking mga luha at hindi ko na makontrol pa ang aking rumaragasang emosyon. “Alam ko pong nagkamali ako, pero mahal ko po ang anak ninyo.”

“Kung mahal mo siya, bakit hindi mo pinagkatiwalaan?”

Wala akong naisagot.

Sa kabila ng lahat ng taon naming magkasama, hinayaan kong manaig ang takot at selos. Mas pinili kong maniwala sa sarili kong mga hinala kaysa pakinggan ang lalaking nangakong makakasama ko habang-buhay.

“Hindi ko po alam kung paano ko aayusin ang lahat,” sagot ko. “Pero kung bibigyan niya pa ako ng pagkakataon, gagawin ko po ang lahat para makabawi.”

Umiling si Tita Elena.

“Hindi lahat ng bagay nadadaan sa paghingi ng tawad, Chloe. Hindi mo basta-basta maibabalik ang mga oras na nasayang dahil sa katigasan ng ulo mo.”

“Tita, please…”

“Alam mo ba kung ano ang pinakamasakit?” Biglang nanginig ang kaniyang boses. “Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag may nangyari sa anak ko. Siya na lang ang meron ako.”

Bakas sa mga mata niya ang takot na halos kapareho ng nararamdaman ko. Hindi lamang siya isang inang galit sa babaeng nakasakit sa kaniyang anak, isa rin siyang ina na natatakot mawalan ng taong pinakamamahal niya.

“Hindi ko po siya iiwan, Tita,” nanginginig kong sabi. “Kung kailangan ko pong maghintay, maghihintay ako. Basta sana ay gumising siya.”

Matagal niya akong tinitigan bago tuluyang umiwas ng tingin.

…

Makalipas ang ilang minuto ay pinayagan na kaming makita si Rodrigo.

Dahan-dahan akong pumasok sa silid kung saan naroon ang aking fiancé. Nakahiga siya sa hospital bed, may mga nakakabit na tubo at medical equipment sa kaniyang katawan. May benda sa bahagi ng kaniyang ulo at may mga pasa sa mukha at braso.

Napahawak ako sa aking bibig.

“Rodrigo…”

Lumapit ako sa kaniyang tabi at marahang hinawakan ang kamay niya. “I-I'm sorry, love.”

Walang tugon.

“Alam kong marami pa tayong kailangang pag-usapan. Pero please, gumising ka.”

Pinisil ko nang bahagya ang kaniyang kamay, umaasang kahit paano ay maramdaman niya ang presensiya ko.

“I promise I'll listen this time. Hindi na ako magagalit agad. Hindi na kita huhusgahan nang hindi ko muna naririnig ang side mo.”

Huminto ako upang punasan ang aking mga luha.

“About kay Macy… I don't even care anymore. Hindi na mahalaga kung ano man ang gusto mong sabihin sa akin. Gusto ko lang malaman mo na naniniwala akong hindi mo ako kayang saktan nang ganoon.”

Muli kong hinaplos ang likod ng kaniyang kamay.

“Please, Rodrigo. We still have a wedding to prepare for. You still have to wait for me at the altar. Ang dami pa nating plano, remember? You promised me a lifetime. So please, don't leave me hanging.”

Pilít akong ngumiti kahit nanginginig ang labi ko, kahit na nababalot ako ng lungkot, habang ang silid naman ay nababalot naman ng ingay ng mga makinang nakakabit sa kaniya.

Ibinaba ko ang aking noo sa kamay niya at tuluyan nang nagpakawala ng hikbi.

Hindi ko alam kung ilang araw, linggo, o buwan akong maghihintay. Hindi ko alam kung kailan siya muling magbubukas ng mga mata o kung maibabalik pa ba namin ang dating relasyon.

Ngunit mayroon akong isang bagay na tiyak.

Hindi ako susuko. Kung kailangan kong bumawi sa kaniya sa bawat araw na hindi ko siya pinagkatiwalaan, gagawin ko. Kung kailangan kong hintayin ang araw na muli niyang maririnig ang boses ko, maghihintay ako.

Dahil sa pagkakataong ito, hindi na ang pride ko ang pipiliin ko.

Siya na.

…

Dalawang buwan na ang lumipas.

Gabi-gabi akong bumibisita sa ospital pagkatapos ng shift ko sa trabaho. May mga pagkakataong pagod na pagod na ako, ngunit hindi ko pa rin magawang hindi siya puntahan.

Minsan ay nagdadala ako ng pagkain, minsan naman ay mga bulaklak. Paminsan-minsan, kinukwentuhan ko siya tungkol sa mga nangyari sa araw ko, kahit alam kong wala akong maririnig na sagot.

Dumating na rin ang kaarawan ko.

Hindi ko pa rin maalis sa sarili ang  agam-agam—what if, tama talaga ang hinala ko? What if, may namumuo nga sa pagitan nila ng best friend ko? 

Pero ngayon, alam kong wala ako sa lugar para hayaang mangibabaw pa ang aking mga hinala. Tanging hiling ko lang ngayon ay sana, magising ka na.

…

Tapos na ang shift ko para sa araw na ito. Bumili muna ako ng cake bago dumiretso ng ospital, para at least, makapag-celebrate ako kasama si Rodrigo.

Pagkatapos ng halos isang oras na biyahe, sa wakas ay nakarating na rin ko sa ospital. Inabutan pa nga ako ng ulan noong bumibili na ako ng cake. Muli kong naalala na umuulan din noong araw na naaksidente ang pinakamamahal ko. Gusto ko na siyang makita muli kaya dumiretso na ako sa kaniyang kwarto.

Papalapit na ako sa pintuan ng silid kung saan naka-confine si Rodrigo nang marinig ako ang mga tawanan mula sa likod nito.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng p***o ay bumungad ang abot tengang ngiti ni Rodrigo… habang nakatingin sa babaeng nasa kaniyang tabi.

Huli kong nakita ang ngiting iyon ay noon pang nag-propose siya sa akin two years ago. Pero ngayon, ang ngiting iyon ay hindi na nakatuon sa akin, kundi sa bestfriend kong si Macy.

Naiwan akong nakatayo, tulala, at nanlumo sa pagkabigla. Hindi ko alam kung nabigla ba ako sa tuwa, dahil sa wakas, gising na ang fiancé ko, o nabigla ako dahil wala man lang tumawag o nag-text sa akin para i-inform akong nagising na siya. Wala, ni isa.

Hindi ko namalayan na lumuwag pala ang pagkakahawak ko sa cake at nabitawan ito dahil sa bigla. Sa tagal kong nakatayo sa bukana ng kwarto ay wala man lang nakapansin sa aking presensya, not until noon nalaglag ko na ang box ng cake na bitbit ng nanlamya kong mga kamay.

Gulat na ekspresyon ang bumungad sa akin pagkalingon nilang lahat sa direksyon ng kinatatayuan ko. Maging si Tita Elena, wala ring imik. Napalihis ang tingin ko kay Rodrigo na bahagyang nakabuka ang bibig, tila nakakita ng multo.

“Rodrigo, gising ka na pala,” dali dali kong paglapit dito.

“C-Chloe… You’re here. We need to talk.”

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • You Stole My Man, Now Your Old Man Is Mine   Kabanata 4

    “Chloe? Can you hear me?”Isang malalim at kalmadong boses ang gumising sa akin mula sa pagkakahimbing.Mabigat ang aking mga talukap nang pilit kong imulat ang mga mata. Una kong nasilayan ang puting kisame, kasunod ang malalabong hugis ng mga ilaw at kagamitan sa paligid.“Hey, sweetheart. How are you feeling?”Dahan-dahan kong ibinaling ang ulo ko sa pinagmulan ng boses.May isang lalaking nakaupo sa tabi ng kama ko. Mas matanda siya sa akin, ngunit hindi maikakailang gwapo pa rin. Matangkad at matikas ang pangangatawan, maayos ang tindig, at may bahagyang uban sa kaniyang buhok na lalong nagdagdag sa kaniyang personalidad. Nakasuot siya ng mamahaling relo at simpleng ngunit halatang de-kalidad na damit. Mukha siyang mayaman. Hindi lamang basta may pera, kundi isang taong sanay igalang at sundin.“Are you feeling dizzy? Does your head hurt?”Napatitig lamang ako sa kaniya. Sino siya?“Uhm…”Bahagya siyang yumuko upang mas makita ang mukha ko.“Take your time, sweetheart. The doctor

  • You Stole My Man, Now Your Old Man Is Mine   Kabanata 3

    Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o masaktan sa aking nasaksihan.Gising na si Rodrigo.Dalawang buwan akong naghintay. Dalawang buwan akong nagdasal, umiyak, at nagmakaawang bigyan siya ng pagkakataong magising. At ngayon, narito siya.Ngunit bakit hindi ako ang unang taong nasa tabi niya? Hindi man lang ba niya hiniling ang aking presensya? ‘Di ba niya naisipang ipaalam sa akin ang paggising niya?Bakit nauna pa sa akin si Macy?“We need to talk.”Inaasahan ko nang gugustuhin niyang balikan muna kung saang punto kami huling nahinto. Gayunpaman, hindi ko na nagawang isipan pa ito nang lubusan at ‘di ko rin napigilang hawakan ang kaniyang mukha. Nangingilid na naman ang luha ko habang sinusuri ang bawat bahagi nito.“Thank God! Akala ko… akala ko hindi ka na magigising!”Sinubukan ko siyang yakapit ngunit hindi niya agad ginantihan ang yakap ko. Sa halip, bahagya siyang umiwas at napatingin kay Macy.Doon ko napansin ang kakaibang kilos nila. Parang may alam silang hindi ko ala

  • You Stole My Man, Now Your Old Man Is Mine   Kabanata 2

    “Some patients regain consciousness within days or weeks, while others may take several months. It depends on the extent of the brain injury and how the patient responds to treatment.”“Several months?” halos pabulong na ulit ni Tita Elena. Napailing siya at napahawak sa braso ng doktor.“May posibilidad din pong…” nag-aalangang dagdag ng doktor, “Baka hindi na rin po siya magising. Ipagdasal na lang po natin ang recovery ng pasyente.”“Hindi… Bata pa ang anak ko, Dok. Marami pa siyang pangarap. Ikakasal na nga sila…” Napatingin siya sa akin. “Dapat ikakasal na sila.”Tuluyan na siyang napahagulgol.Hindi ko na rin napigilang mapaluhod sa sahig. Napatakip ako sa aking bibig habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko.Ilang linggo na lamang at ikakasal na kami. Ilang buwan naming pinaghandaan ang araw na iyon. May napili na kaming simbahan, reception venue, at maging ang kulay ng mga bulaklak na gagamitin sa kasal.Naalala ko pa kung paano siya ngumiti nang una naming pag-usapan ang ma

  • You Stole My Man, Now Your Old Man Is Mine   Kabanata 1

    “Hello, Chloe? Malapit na ako diyan. Please, wait for me… I want to talk it over in person.”Iyon ang huling mga salitang narinig ko mula sa aking fiancé na si Rodrigo bago niya tuluyang ibaba ang tawag matapos ang panibago naming pagtatalo.Dalawang araw na rin kaming hindi nag-uusap. Noong una, pataasan pa kami ng pride. Pero kahit noong ilang beses na niyang sinubukang makipag-ayos, hindi ko pa rin siya pinapansin.Nagsimula ang lahat nang mapansin kong madalas silang magkasama ng best friend kong si Macy. Ilang beses ko silang nakitang magkasamang kumakain, nagkikita pagkatapos ng trabaho, at tila may itinatagong sikreto sa akin.Noong una, hindi ko iyon pinansin. Matagal nang magkakilala sina Rodrigo at Macy, at alam kong malapit sila sa isa't isa. Ngunit nang mapansin kong palagi siyang umiiwas kapag tinatanong ko kung saan siya nanggaling, unti-unting nabuo sa isip ko ang posibilidad na may iba na siya.Hindi naman ako dating ganito.Sa totoo lang, hindi ako ‘yong tipo ng babae

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status