LOGIN“Chloe? Can you hear me?”
Isang malalim at kalmadong boses ang gumising sa akin mula sa pagkakahimbing.
Mabigat ang aking mga talukap nang pilit kong imulat ang mga mata. Una kong nasilayan ang puting kisame, kasunod ang malalabong hugis ng mga ilaw at kagamitan sa paligid.
“Hey, sweetheart. How are you feeling?”
Dahan-dahan kong ibinaling ang ulo ko sa pinagmulan ng boses.
May isang lalaking nakaupo sa tabi ng kama ko. Mas matanda siya sa akin, ngunit hindi maikakailang gwapo pa rin. Matangkad at matikas ang pangangatawan, maayos ang tindig, at may bahagyang uban sa kaniyang buhok na lalong nagdagdag sa kaniyang personalidad. Nakasuot siya ng mamahaling relo at simpleng ngunit halatang de-kalidad na damit. Mukha siyang mayaman. Hindi lamang basta may pera, kundi isang taong sanay igalang at sundin.
“Are you feeling dizzy? Does your head hurt?”
Napatitig lamang ako sa kaniya. Sino siya?
“Uhm…”
Bahagya siyang yumuko upang mas makita ang mukha ko.
“Take your time, sweetheart. The doctor said you might feel a little disoriented when you wake up.”
Sandali akong natahimik bago nagtanong.
“S-sino po kayo?”
Biglang nagbago ang kaniyang ekspresyon.
“Excuse me?”
“Who… who are you?”
Napakunot ang kaniyang noo bago siya tuluyang nakasagot. “Chloe, it's me. Michael.”
Michael? Wala akong kilalang Michael. Ang tanging Michael lang na kilala ko ay ‘yong nasa— wait…
“Do you not recognize me?” Napaayos siya ng pagkakaupo at bahagyang sumeryoso ang mukha. “Chloe, are you experiencing memory loss? Do you remember what happened?”
Napahawak ako sa aking ulo. Ang huli kong naaalala ay ang malakas na ulan, ang liwanag ng paparating na sasakyan, at ang businang narinig ko bago tuluyang magdilim ang lahat.
“Wait… What happened to me? Bakit ako nandito?”
“Apparently, you slipped in the bathroom.”
Napakurap ako. “Bathroom?”
“The housekeeper found you unconscious on the bathroom floor. You hit your head when you fell. We immediately brought you here.”
Napatitig lang ako sa kaniya.
CR? Pero hindi ba't nasagasaan ako?
Bumalik sa isip ko ang huling sandali bago ako mawalan ng malay. Ang sasakyang mabilis na papalapit, ang matinding pagsalpok ng kotse sa nanlalamya ko nang katawan. Hindi ako maaaring magkamali.
“Are you sure?” tanong ko.
“Of course. I was the one who brought you here.”
Napatingin ako sa kamay niyang marahang nakahawak sa akin. Hindi ko alam kung ano ang mas nakapagtataka—ang pagkagising ko sa isang ospital o ang lalaking tila kilalang-kilala ako.
“What's your full name?” tanong ko. Kailangan kong kumpirmahin ang hinala ko.
“Michael Anderson,” bigkas niya ng may ngiti sa kaniyang mga labi.
Parang may kung anong kumalabit sa aking utak. AHA!
“You have a daughter, right? Is her name Maxine? Maxine Anderson?”
Nanlaki ang mga mata ko.
“Well, of course,” sagot niya, “You’ve known of that.”
“So that means… I am Chloe Mayer… tama ba?”
“YES! I’m glad you remember,” natutuwang sabi nito.
Tama nga ang kutob ko. Nag-transmigrate ako sa nobelang binabasa ko. Paano naging posible ‘to? Ibig sabihin ba nito ay namatay na ako sa totoong mundo? Paano na si Rodrigo–
Bakit ko pa ba siya iniisip? Nagawa niya nga akong lokohin at isantabi.
Hindi na bale… narito na ako sa mundong ito. Ito na ang buhay ko. I’ll consider this my second chance at life na lang. Kung sa librong “The Price of Betrayal” ay ginawa lamang basahan ang bida, pwes, hindi nila maaasahan iyon sa akin.
Hindi man ako makakabawi sa pagtataksil nil Rodrigo at Macy, ipaghihiganti ko naman si Chloe Mayer.
Sa ngayon ay kailangan ko munang kilalanin ang mundong ginagalawan ko—lalo na’t baka iba na ang pakiramdam kung ikaw na mismo ang karakter sa loob nito.
Sa wakas ay unti-unti ko nang ibinalik ang tingin sa lalaking nasa aking harapan.
“Mr. Anderson…”
“Michael, sweetheart. You can call me just Michael… o pwede rin namang ‘sweetie’” hirit nito.
Hmm… Michael Anderson. Ang limampu't apat na taong gulang na biyudo na pinakasalan ng bida sa nobela. Siya ang lalaking tunay na nagmahal kay Chloe Mayer. At kung tama ang naaalala ko, dalawampu’t limang taon ang agwat nila. Kaedad ko nga rin pala ‘tong si Chloe Mayer.
Baka kaya dito na dumiretso ang kaluluwa ko?
Biglang bumukas ang p***o.
“Dad? How is she?”
Napalingon ako. Isang babaeng may maamong mukha ang pumasok sa silid. Nakasuot siya ng mamahaling damit at may maayos na make-up. Ngunit nang magtagpo ang aming mga mata, tila may kung anong pamilyar na damdamin ang gumising sa loob ko.
Macy?
Hindi… Maxine Anderson. Ang babaeng nagtaksil sa akin sa totoong buhay—ang supposed “best friend” ko.
“Chloe! You're finally awake!” Lumapit siya sa kama at bahagyang yumuko.
“God, you had us worried!”
Sa likuran niya ay may pumasok pang isang lalaki. Matangkad, gwapo, at may matalim na mga mata. Mula sa konteksto ng mga pangyayari, paniguradong siya si Robert Keller. Kaprehas ng sitwasyon kay Maxine ay nakuha rin niya ang hulma ng ex-fiancé kong si Rodrigo.
Napahigpit ang pagkakahawak ko sa kumot. Hindi ako maaaring magkamali. Iba lamang ang mga pangalan at apelyido nila, ngunit ang mga mukha nila ay hindi maikakaila.
“I'm glad you're okay,” sabi ni Robert. Napangiti siya nang bahagya.
Nakakagigil.
Alam ko namang pakitang tao lang itong dalawang ‘to, lalo na’t nandito si Mr. Anderson. Pero panigurado, sa sandaling mabaling lang ang mga mata nito ay mag-iiba na rin ang nakapinta sa kanilang mga mukha—mga nakabusangot at nanlilisik na mga mata na ang nakalapat sa kanilang mga pagmumukha.
Sa kabilang banda, maingat kong ibinalik ang tingin kay Michael. Hindi ko maaaring ipahalata sa kaniya ang aking pagkabigla, galit, at anumang emosyong nararamdaman. Hindi ko pa alam kung ano ang nangyari bago ako magising, ngunit malinaw na asawa ako ng kaniyang karakter sa nobela.
At base sa takbo ng kwento, mamatay pareho si Chloe at Michael. Si Chloe, sa kamay ng mga taksil na ito, at si Michael naman, sa pangungulila.
Hindi ko hahayaang maulit ang kuwento. This time, I would do things differently.
Hindi ko kailangang magmakaawa sa dalawang taong nagtaksil sa akin. Hindi ko rin kailangang gumanti sa pamamagitan ng pagpapakasal sa ama ng best friend ko dahil ang kapalarang iyon ay tila nauna nang itinakda para sa akin.
Ang kailangan ko ay mabuhay. At panatilihing buhay si Michael.
“Sweetheart?” tawag nito nang mapansin ang pananahimik ko.
Napalingon ako at bahagyang ngumiti.
“I'm okay, Michael. I'm just… a little confused.”
Marahan niyang hinaplos ang buhok ko. “That's alright. You don't have to remember everything right away. Just rest. I'll take care of you.”
Sobrang maalaga at mapagmahal ng lalaking ito. Hindi niya deserve na maging stepping stool lang para sa paghihiganti. At mas lalong hindi niya deserve na mamatay dahil sa sitwasyong mismong anak niya ang may pakana.
“Michael, you may be taking care of me now, but I’ll make sure to take care of you too later.”
“Chloe? Can you hear me?”Isang malalim at kalmadong boses ang gumising sa akin mula sa pagkakahimbing.Mabigat ang aking mga talukap nang pilit kong imulat ang mga mata. Una kong nasilayan ang puting kisame, kasunod ang malalabong hugis ng mga ilaw at kagamitan sa paligid.“Hey, sweetheart. How are you feeling?”Dahan-dahan kong ibinaling ang ulo ko sa pinagmulan ng boses.May isang lalaking nakaupo sa tabi ng kama ko. Mas matanda siya sa akin, ngunit hindi maikakailang gwapo pa rin. Matangkad at matikas ang pangangatawan, maayos ang tindig, at may bahagyang uban sa kaniyang buhok na lalong nagdagdag sa kaniyang personalidad. Nakasuot siya ng mamahaling relo at simpleng ngunit halatang de-kalidad na damit. Mukha siyang mayaman. Hindi lamang basta may pera, kundi isang taong sanay igalang at sundin.“Are you feeling dizzy? Does your head hurt?”Napatitig lamang ako sa kaniya. Sino siya?“Uhm…”Bahagya siyang yumuko upang mas makita ang mukha ko.“Take your time, sweetheart. The doctor
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o masaktan sa aking nasaksihan.Gising na si Rodrigo.Dalawang buwan akong naghintay. Dalawang buwan akong nagdasal, umiyak, at nagmakaawang bigyan siya ng pagkakataong magising. At ngayon, narito siya.Ngunit bakit hindi ako ang unang taong nasa tabi niya? Hindi man lang ba niya hiniling ang aking presensya? ‘Di ba niya naisipang ipaalam sa akin ang paggising niya?Bakit nauna pa sa akin si Macy?“We need to talk.”Inaasahan ko nang gugustuhin niyang balikan muna kung saang punto kami huling nahinto. Gayunpaman, hindi ko na nagawang isipan pa ito nang lubusan at ‘di ko rin napigilang hawakan ang kaniyang mukha. Nangingilid na naman ang luha ko habang sinusuri ang bawat bahagi nito.“Thank God! Akala ko… akala ko hindi ka na magigising!”Sinubukan ko siyang yakapit ngunit hindi niya agad ginantihan ang yakap ko. Sa halip, bahagya siyang umiwas at napatingin kay Macy.Doon ko napansin ang kakaibang kilos nila. Parang may alam silang hindi ko ala
“Some patients regain consciousness within days or weeks, while others may take several months. It depends on the extent of the brain injury and how the patient responds to treatment.”“Several months?” halos pabulong na ulit ni Tita Elena. Napailing siya at napahawak sa braso ng doktor.“May posibilidad din pong…” nag-aalangang dagdag ng doktor, “Baka hindi na rin po siya magising. Ipagdasal na lang po natin ang recovery ng pasyente.”“Hindi… Bata pa ang anak ko, Dok. Marami pa siyang pangarap. Ikakasal na nga sila…” Napatingin siya sa akin. “Dapat ikakasal na sila.”Tuluyan na siyang napahagulgol.Hindi ko na rin napigilang mapaluhod sa sahig. Napatakip ako sa aking bibig habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko.Ilang linggo na lamang at ikakasal na kami. Ilang buwan naming pinaghandaan ang araw na iyon. May napili na kaming simbahan, reception venue, at maging ang kulay ng mga bulaklak na gagamitin sa kasal.Naalala ko pa kung paano siya ngumiti nang una naming pag-usapan ang ma
“Hello, Chloe? Malapit na ako diyan. Please, wait for me… I want to talk it over in person.”Iyon ang huling mga salitang narinig ko mula sa aking fiancé na si Rodrigo bago niya tuluyang ibaba ang tawag matapos ang panibago naming pagtatalo.Dalawang araw na rin kaming hindi nag-uusap. Noong una, pataasan pa kami ng pride. Pero kahit noong ilang beses na niyang sinubukang makipag-ayos, hindi ko pa rin siya pinapansin.Nagsimula ang lahat nang mapansin kong madalas silang magkasama ng best friend kong si Macy. Ilang beses ko silang nakitang magkasamang kumakain, nagkikita pagkatapos ng trabaho, at tila may itinatagong sikreto sa akin.Noong una, hindi ko iyon pinansin. Matagal nang magkakilala sina Rodrigo at Macy, at alam kong malapit sila sa isa't isa. Ngunit nang mapansin kong palagi siyang umiiwas kapag tinatanong ko kung saan siya nanggaling, unti-unting nabuo sa isip ko ang posibilidad na may iba na siya.Hindi naman ako dating ganito.Sa totoo lang, hindi ako ‘yong tipo ng babae







