INICIAR SESIÓN
“Hello, Chloe? Malapit na ako diyan. Please, wait for me… I want to talk it over in person.”
Iyon ang huling mga salitang narinig ko mula sa aking fiancé na si Rodrigo bago niya tuluyang ibaba ang tawag matapos ang panibago naming pagtatalo.
Dalawang araw na rin kaming hindi nag-uusap. Noong una, pataasan pa kami ng pride. Pero kahit noong ilang beses na niyang sinubukang makipag-ayos, hindi ko pa rin siya pinapansin.
Nagsimula ang lahat nang mapansin kong madalas silang magkasama ng best friend kong si Macy. Ilang beses ko silang nakitang magkasamang kumakain, nagkikita pagkatapos ng trabaho, at tila may itinatagong sikreto sa akin.
Noong una, hindi ko iyon pinansin. Matagal nang magkakilala sina Rodrigo at Macy, at alam kong malapit sila sa isa't isa. Ngunit nang mapansin kong palagi siyang umiiwas kapag tinatanong ko kung saan siya nanggaling, unti-unting nabuo sa isip ko ang posibilidad na may iba na siya.
Hindi naman ako dating ganito.
Sa totoo lang, hindi ako ‘yong tipo ng babaeng madaling magselos. Ngunit may isang bagay na nagbago sa akin nitong mga nakaraang linggo.
Isang nobelang hindi ko dapat masyadong sineryoso.
“The Price of Betrayal.”
Matagal na sa aking pinapabasa ng isang officemate ko ang tragic romance novel na ‘to. Tungkol ito sa isang babaeng nagngangalang Chloe Mayer na niloko ng kaniyang fiancé at mismong best friend niya.
Magkarelasyon pala nang palihim ang dalawa habang abala ang bida sa paghahanda para sa nalalapit nilang kasal. Nang malaman ni Chloe ang pagtataksil, tuluyan siyang nagbago. Sa halip na magmakaawa sa kaniyang dating fiancé, pinili niyang gumanti sa pamamagitan ng pagpapakasal sa ama ng best friend niyang si Maxine. Si Mr. Michael Anderson.
Isang limampu't apat na taong gulang na biyudo, matagumpay na negosyante, at isa sa pinakamayayamang lalaki sa kwento.
Akala ni Chloe Mayer ay sapat na ang pagpapakasal niya sa ama ng babaeng sumira sa kaniyang relasyon upang makaganti. Ngunit hindi niya inaasahang tunay siyang mamahalin ni Michael. Siyempre, noong binabasa ko ito ay sobra man ang galit ko, kinikilig talaga ako sa chemistry nilang dalawa ng bida.
Sa kabila ng malaking agwat ng kanilang edad, naging mabuti itong asawa sa kaniya. Ibinigay nito ang lahat ng maaari niyang hilingin—pagmamahal, seguridad, at isang tahanang hindi niya kailangang ipaglaban.
Kita ang hindi inaasahang masaya at puno ng pagmamahal na buhay nilang mag-asawa, binalot naman ng inggit ang kaniyang dating fiancé, habang ang best friend niya ay hindi matanggap ang pagiging technically stepmother ng babaeng inagawan niya.
Nais nilang maging miserable ang buhay ni Chloe, o mas malala pa—ang tuluyan siyang mawala sa buhay nila.
Sa bandang huli, namatay ang bida dahil sa sabwatan ng dating fiancé at best friend niya. Naiwan naman si Michael na wasak ang puso. Hindi nito kinaya ang pagkawala ng babaeng minahal niya at kalaunan ay namatay rin dahil sa komplikasyon ng kaniyang karamdaman na pinalala ng matinding heartbreak.
Walang happy ending. Walang redemption at puno lamang ng trahedya. Sinalo niya ang parusang hindi naman niya kailangang pagbayaran.
Ang pinakanakakainis pa? Kapangalan ko ang bida.
Ilang beses ko nang naisip na nagkataon lamang iyon. Kung sa bagay… iyon din naman ang dahilan kung bakit pilit na inirerekomenda sa akin ni Heart ang librong ‘yon. Hindi rin naman bihira ang pangalang Chloe. Ngunit habang tumatagal, hindi ko maiwasang ikumpara ang sarili ko sa kaniya.
Pareho kaming may fiancé. Pareho kaming may best friend na babae. At pareho kaming may dahilan upang pagdudahan ang closeness ng dalawang taong pinakamalapit sa amin.
Kaya nang makita kong palaging magkasama sina Macy at Rodrigo, hindi ko maiwasang maalala ang nobela.
What if? What if ganoon din ang nangyayari sa akin?
Alam kong hindi makatarungan ang paghihinala ko. Ngunit hindi ko rin mapigilan ang sarili kong kabahan.
Sinubukan naman ni Rodrigo na ipaliwanag ang lahat.
“Chloe, please. Hindi ito ang iniisip mo.”
“Then what am I supposed to think, Rodrigo? Na nagkataon lang na palagi kayong magkasama?”
“Can you just trust me for once?”
Masakit mang aminin, hindi ko siya pinagkatiwalaan. Mas pinili kong maniwala sa sarili kong hinala kaysa pakinggan ang paliwanag ng taong ilang taon ko nang minamahal.
At sa kabila ng masamang panahon, ipinilit pa rin niyang pumunta sa bahay ko upang makapag-usap kami nang masinsinan.
“Chloe, please… Let’s just talk in person.”
Ilang beses ko siyang sinabihang huwag nang tumuloy dahil bumabagyo, ngunit hindi siya nagpatinag.
Sinong mag-aakalang iyon na rin pala ang mga huling salitang maririnig ko bago tuluyang magbago ang aming mga buhay?
…
Higit dalawang oras na ang nakalipas, hindi pa rin dumarating si Rodrigo.
Paminsan-minsan ay sumisilip ako sa bintana upang tingnan kung may sasakyang humihinto sa tapat ng bahay. Malakas ang buhos ng ulan at halos hindi na makita ang kabilang bahagi ng kalsada.
Ilang beses ko nang binuksan ang aming conversation. Nandoon pa rin ang huling mensahe niya.
“I'm on my way.”
Napabuntong-hininga ako. Dapat ba akong mag-message? Kumustahin kung nasaan na siya? Sabihing mag-ingat siya?
Ngunit bago ko pa magawang magdesisyon, biglang nag-ring ang cellphone ko. Baka si Rodrigo na kaya dali dali ko itong sinagot nang hindi tinitingnan ang screen.
“Hello, Rodrigo. Nasaan ka na ba?”
“Hello! This is Nurse Julie of St. Luke's Medical Center. Is this Ms. Chloe Madrigal?”
Bahagyang kumunot ang noo ko.
“Uhh, yes po. Sorry. Bakit napatawag po kayo?”
“Ikaw po kasi ang listed contact person ni Mr. Rodrigo Martinez. He was rushed here an hour ago due to a road accident and is currently under surgery. Please head to the hospital immediately po.”
Parang biglang huminto ang mundo.
“N-nurse… Ano pong nangyari? Kumusta po siya?”
“I'm sorry, ma'am, but the attending physician will be able to explain his condition better. Please come here as soon as possible.”
Bago pa ako makapagtanong muli, nagpaalam na ang nars. Nanginginig ang mga kamay kong ibinaba ang telepono.
Hindi pwede. Bakit kailangang mangyari ito? Kasalanan ko ito.
Kung binabaan ko lang sana ang pride ko at pinakinggan ang panig niya, baka hindi na siya kinailangang magmaneho sa gitna ng malakas na bagyo. Kung sinagot ko lang sana ang mga tawag niya, baka hindi na siya nagmamadaling pumunta sa bahay ko.
“Rodrigo…” bulong ko habang tuluyan nang tumulo ang aking mga luha.
Dali-dali kong kinuha ang aking bag at susi ng sasakyan bago nagmamadaling lumabas ng bahay.
Please, Rodrigo. Hayaan mo akong makabawi. This time, paniniwalaan na kita at kakausapin kahit ilang oras pa.
…
Halos hindi ko na maalala kung paano ako nakarating sa ospital. Buong biyahe ay nanginginig ang mga kamay ko sa manibela habang paulit-ulit na binabalikan ang huling pag-uusap namin.
Pagkaparada ko ay agad akong bumaba at nagtungo sa concierge.
“Excuse me! I'm looking for Rodrigo Martinez. He was brought here earlier due to a car accident.”
“Ma'am, are you a relative of the patient?”
“I'm his fiancée.”
Bago pa makasagot ang receptionist, isang pamilyar na boses ang biglang umalingawngaw mula sa likuran ko.
“Aba't may gana ka pang magpakita ng pagmumukha rito.”
Napalingon ako. Nakatayo roon ang ina ni Rodrigo na si Tita Elena. Namumugto ang mga mata nito at halatang ilang oras nang umiiyak. Ngunit nang magtagpo ang aming mga mata, biglang nagbago ang ekspresyon niya.
“Really? After mistreating my son? Ang kapal naman talaga ng mukha mo, Chloe!”
“Tita…”
“Don't you dare call me that!”
“I'm sorry po. Gusto ko lang pong malaman kung kumusta na si Rodrigo.”
“Ngayon mo pa naisipang mag-alala? Alam mo ba kung gaano ako natakot nang makatanggap ako ng tawag na naaksidente siya?”
“Hindi ko po sinasadya…” Napayuko na lang ako.
“Hindi mo sinasadya? Hindi mo ba alam na ilang oras siyang nagmaneho sa gitna ng bagyo para lang puntahan ka?”
Naramdaman kong lalong bumigat ang dibdib ko. Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko, ngunit wala akong masabi. Nasa loob ng operating room ang lalaking mahal ko at hindi ko alam kung buhay pa ba siya sa susunod na kami’y magkita.
“Alam ko pong nagkamali ako,” mahinang sagot ko, “Pero mahal ko po ang anak ninyo.”
“Kung mahal mo siya, bakit hindi mo siya pinagkatiwalaan?”
Wala akong naisagot. At bago pa muling makapagsalita si Tita Elena, biglang bumukas ang p***o ng ICU.
Agad naman kaming napalingon sa isang doktor na palabas mula sa loob.
“Dok! Kumusta po ang anak ko?” mabilis na tanong ni Tita Elena.
“Dok, please. Kumusta po si Rodrigo?”
Nagkasabay kami sa pagtatanong.
Huminga nang malalim ang doktor bago nagsalita.
“Are you both relatives of Mr. Rodrigo Martinez?”
“I'm his mother,” mabilis na sagot ni Tita Elena.
“And I'm his fiancée,” dagdag ko.
Tumango ang doktor. “First of all, we have to inform you that the patient sustained serious injuries from the accident. Nagkaroon po siya ng intracranial hemorrhage at nagtamo rin ng ilang fractures sa katawan, including his clavicle and ribs.”
Naramdaman kong nanghina ang aking mga tuhod sa narinig.
“Gaano po kalala, Dok?” tanong ni Tita Elena.
“Based on the initial findings, Mr. Martinez sustained a skull fracture that caused damage to one of the arteries inside his head. This resulted in an epidural hematoma. Kinailangan po namin siyang operahan upang maalis ang naipong dugo at mabawasan ang pressure sa kaniyang utak.”
“Pero… pero okay na po siya ngayon, hindi ba, Dok?”
“Successful naman po ang surgery. We were able to control the bleeding and stabilize his condition. However…”
“However, what, doctor?” pagtanong ko habang nanlalamig ang aking mga palad.
“Unfortunately, Mr. Martinez remains unconscious. At this point, he is in a comatose state.”
Parang may kung anong mabigat na bagay ang bumagsak sa aking dibdib. Hindi ito maaari… Hindi pwedeng ganoon na lang matatapos ang lahat.
At sa unang pagkakataon, hindi ko na alam kung alin ang mas kinatatakutan ko—ang mawala si Rodrigo o ang malaman na baka tama ang lahat ng kinatatakutan ko tungkol sa kaniya.
“Chloe? Can you hear me?”Isang malalim at kalmadong boses ang gumising sa akin mula sa pagkakahimbing.Mabigat ang aking mga talukap nang pilit kong imulat ang mga mata. Una kong nasilayan ang puting kisame, kasunod ang malalabong hugis ng mga ilaw at kagamitan sa paligid.“Hey, sweetheart. How are you feeling?”Dahan-dahan kong ibinaling ang ulo ko sa pinagmulan ng boses.May isang lalaking nakaupo sa tabi ng kama ko. Mas matanda siya sa akin, ngunit hindi maikakailang gwapo pa rin. Matangkad at matikas ang pangangatawan, maayos ang tindig, at may bahagyang uban sa kaniyang buhok na lalong nagdagdag sa kaniyang personalidad. Nakasuot siya ng mamahaling relo at simpleng ngunit halatang de-kalidad na damit. Mukha siyang mayaman. Hindi lamang basta may pera, kundi isang taong sanay igalang at sundin.“Are you feeling dizzy? Does your head hurt?”Napatitig lamang ako sa kaniya. Sino siya?“Uhm…”Bahagya siyang yumuko upang mas makita ang mukha ko.“Take your time, sweetheart. The doctor
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o masaktan sa aking nasaksihan.Gising na si Rodrigo.Dalawang buwan akong naghintay. Dalawang buwan akong nagdasal, umiyak, at nagmakaawang bigyan siya ng pagkakataong magising. At ngayon, narito siya.Ngunit bakit hindi ako ang unang taong nasa tabi niya? Hindi man lang ba niya hiniling ang aking presensya? ‘Di ba niya naisipang ipaalam sa akin ang paggising niya?Bakit nauna pa sa akin si Macy?“We need to talk.”Inaasahan ko nang gugustuhin niyang balikan muna kung saang punto kami huling nahinto. Gayunpaman, hindi ko na nagawang isipan pa ito nang lubusan at ‘di ko rin napigilang hawakan ang kaniyang mukha. Nangingilid na naman ang luha ko habang sinusuri ang bawat bahagi nito.“Thank God! Akala ko… akala ko hindi ka na magigising!”Sinubukan ko siyang yakapit ngunit hindi niya agad ginantihan ang yakap ko. Sa halip, bahagya siyang umiwas at napatingin kay Macy.Doon ko napansin ang kakaibang kilos nila. Parang may alam silang hindi ko ala
“Some patients regain consciousness within days or weeks, while others may take several months. It depends on the extent of the brain injury and how the patient responds to treatment.”“Several months?” halos pabulong na ulit ni Tita Elena. Napailing siya at napahawak sa braso ng doktor.“May posibilidad din pong…” nag-aalangang dagdag ng doktor, “Baka hindi na rin po siya magising. Ipagdasal na lang po natin ang recovery ng pasyente.”“Hindi… Bata pa ang anak ko, Dok. Marami pa siyang pangarap. Ikakasal na nga sila…” Napatingin siya sa akin. “Dapat ikakasal na sila.”Tuluyan na siyang napahagulgol.Hindi ko na rin napigilang mapaluhod sa sahig. Napatakip ako sa aking bibig habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko.Ilang linggo na lamang at ikakasal na kami. Ilang buwan naming pinaghandaan ang araw na iyon. May napili na kaming simbahan, reception venue, at maging ang kulay ng mga bulaklak na gagamitin sa kasal.Naalala ko pa kung paano siya ngumiti nang una naming pag-usapan ang ma
“Hello, Chloe? Malapit na ako diyan. Please, wait for me… I want to talk it over in person.”Iyon ang huling mga salitang narinig ko mula sa aking fiancé na si Rodrigo bago niya tuluyang ibaba ang tawag matapos ang panibago naming pagtatalo.Dalawang araw na rin kaming hindi nag-uusap. Noong una, pataasan pa kami ng pride. Pero kahit noong ilang beses na niyang sinubukang makipag-ayos, hindi ko pa rin siya pinapansin.Nagsimula ang lahat nang mapansin kong madalas silang magkasama ng best friend kong si Macy. Ilang beses ko silang nakitang magkasamang kumakain, nagkikita pagkatapos ng trabaho, at tila may itinatagong sikreto sa akin.Noong una, hindi ko iyon pinansin. Matagal nang magkakilala sina Rodrigo at Macy, at alam kong malapit sila sa isa't isa. Ngunit nang mapansin kong palagi siyang umiiwas kapag tinatanong ko kung saan siya nanggaling, unti-unting nabuo sa isip ko ang posibilidad na may iba na siya.Hindi naman ako dating ganito.Sa totoo lang, hindi ako ‘yong tipo ng babae







