Compartir

Kabanata 3

Autor: Lynxir
last update Fecha de publicación: 2026-11-02 23:27:58

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o masaktan sa aking nasaksihan.

Gising na si Rodrigo.

Dalawang buwan akong naghintay. Dalawang buwan akong nagdasal, umiyak, at nagmakaawang bigyan siya ng pagkakataong magising. At ngayon, narito siya.

Ngunit bakit hindi ako ang unang taong nasa tabi niya? Hindi man lang ba niya hiniling ang aking presensya? ‘Di ba niya naisipang ipaalam sa akin ang paggising niya?

Bakit nauna pa sa akin si Macy?

“We need to talk.”

Inaasahan ko nang gugustuhin niyang balikan muna kung saang punto kami huling nahinto. Gayunpaman, hindi ko na nagawang isipan pa ito nang lubusan at ‘di ko rin napigilang hawakan ang kaniyang mukha. Nangingilid na naman ang luha ko habang sinusuri ang bawat bahagi nito.

“Thank God! Akala ko… akala ko hindi ka na magigising!”

Sinubukan ko siyang yakapit ngunit hindi niya agad ginantihan ang yakap ko. Sa halip, bahagya siyang umiwas at napatingin kay Macy.

Doon ko napansin ang kakaibang kilos nila. Parang may alam silang hindi ko alam.

“Happy birthday, by the way,” mahinang sabi ni Macy.

Napatingin ako sa kaniya. “Thank you,” malamig kong sagot bago muling ibinaling ang atensyon kay Rodrigo. “Bakit hindi mo ako tinawagan? Kailan ka nagising?”

“Chloe, I…”

“Two months akong naghihintay. Araw-araw akong pumupunta rito. Bakit walang nagsabi sa akin?”

“Hindi pa naman kasi kami sigurado kung kailan siya tuluyang makakabawi,” sagot ni Macy.

“Hindi kita tinatanong,” mapang-uyam kong sagot sa aking “best friend”

“Chloe!” mahinang saway ni Rodrigo.

Napatingin ako sa kaniya.

“Why? What's going on?”

“Chloe, can we talk… now?” tanong ni Rodrigo.

“Of course. I've been waiting for this conversation.”

Napatingin siya kay Macy at sa iba pang nasa loob ng silid bago nagsalita.

“Can ya’ll give us a moment?”

“Sigurado ka ba, anak? Ngayon na?”

“Ma, please…”

Agad naman silang tumayo at lumakad, ngunit bago tuluyang lumabas si Macy ay hinawakan muna niya ang balikat ni Rodrigo.

“I'll be outside, okay?” malambing na bulong nito sa kaniya.

Hindi ko napigilang mapatingin sa kamay niyang nakapatong sa balikat ng fiancé ko. Nang tuluyang maisara ang p***o, huminga nang malalim si Rodrigo.

“Chloe, there's something I need to tell you.”

“I'm listening.”

“About our engagement…”

Napakunot ang noo ko. “What about it?”

Sandali siyang natahimik bago muling nagsalita.

“I was planning to call it off.”

Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ko.

“I'm sorry?”

“I was going to cancel our engagement that night. Before the accident.”

Hindi ako agad nakapagsalita.

“B-but why?”

“Because I don't think we're working anymore, Chloe. We keep fighting. Every time I try to explain something, you immediately assume the worst. I can't keep doing this.”

Napatawa ako nang mahina.

“Is that why you wanted to see me? To break up with me?”

“I wanted to talk to you properly. In person. I didn't want things to end with another argument.”

“Then why didn't you just say that?”

“Because I didn't want to hurt you over the phone.”

Napatingin ako sa kaniya.

“Was there someone else?”

Hindi siya agad nakasagot. At sa katahimikang iyon, nakuha ko na ang sagot.

“Rodrigo…”

“It's Macy.”

Parang may kung anong napunit sa loob ng dibdib ko.

“I knew it. I f*cking knew it. Matagal na ba?”

“Chloe, please—”

“Matagal na ba?” ulit ko.

Napabuntong-hininga siya.

“We've been getting closer. I didn't plan for this to happen, but I realized that I have feelings for her.”

Napahawak ako sa dibdib ko. Dalawang buwan akong nagdasal na magising siya. Dalawang buwan akong naniniwalang may pagkakataon pa kaming ayusin ang lahat.

At ngayon, ito pala ang sasabihin niya sa akin? All this entire time.

“Alam mo ba kung gaano ako nag-alala sa iyo?” nanginginig kong tanong. “Alam mo ba kung ilang gabi akong hindi nakatulog dahil iniisip ko kung magigising ka pa?”

“I know, and I'm grateful for that.”

“Grateful?”

“Chloe, I appreciate everything you've done. But I don't want to give you false hope.”

Biglang bumukas ang p***o at nagsalita si Tita Elena papasok muli ng silid, nasa likuran niya si Macy na akmang pinipigilan pa siya.

“Sa totoo lang, Chloe, dapat mo ring pag-isipan kung ano ang naging bahagi mo sa nangyari.”

Napalingon ako.

“Excuse me?”

“Rodrigo gave you everything. Minahal ka niya, sinuportahan ka niya, at ginawa niya ang lahat para maging masaya ka. Pero ano ang isinukli mo? Wala kang ginawa kundi pagdudahan siya.”

“Tita, hindi po ninyo alam ang buong kwento—”

“Then tell me! Ano ba ang ginawa ng anak ko para pagdudahan mo siya nang ganoon?”

Hindi ako nakapagsalita.

“See?” dagdag niya. “Wala kang maipaliwanag dahil alam mong wala siyang ginawang masama.”

Napatingin ako kay Rodrigo.

“Hindi mo ba ako ipagtatanggol?”

Iwas ang kaniyang tingin. “Chloe, please. Let's not make this harder than it already is.”

Napatawa ako, ngunit wala nang natitirang saya sa aking mukha.

“Harder? You know what's hard? Waking up every day thinking that the person you love might never open his eyes again. And now that he's finally awake, I find out that he's been falling for my best friend.”

“Ex-best friend, I suppose,” mahinang singit ni Macy mula sa pintuan.

“Unbelievable.”

“Chloe, don't make a scene,” sabi ni Rodrigo.

“I'm making a scene?”

“Hindi mo ba naiintindihan na hindi na kita kayang mahalin gaya ng dati?” diretsong sagot niya.

Napatigil ako na lamang ako sa mga sinabi niya. Iyon ang pinaka masakit. Hindi ang pagtataksil niya… hindi ang pagkawala ng engagement. Kundi ang malaman na habang ipinagdarasal kong magising siya, maaaring hinihintay na pala niyang makasama ang ibang babae.

“Fine.”

Pinunasan ko ang mga luha ko.

“Congratulations sa inyong dalawa.”

“Chloe—”

“Don't. Hindi ko na kailangan ng paliwanag mo.” Dinampot ko ang aking bag at mabilis na lumabas ng silid.

“Chloe! Wait!” sigaw ni Macy.

Hindi ako lumingon. Hindi ko na kayang marinig ang mga boses nila. Hindi ko na kayang makita ang mga mukha nilang mapanisi, na para bang ako pa ang may kasalanan.

Paglabas ko sa ospital, sinalubong ako ng malakas na buhos ng ulan. Wala na akong pakialam.

Patuloy lamang akong naglakad hanggang sa makarating sa gilid ng kalsada. Nanginginig ang buong katawan ko habang pilit na pinipigilan ang paghikbi.

Bumalik sa isip ko ang nobelang binasa ko. Ito na nga ang kinakatakot ko. Halos lahat ng nangyari sa akin ay naglinya na sa takbo ng istorya. Pinagtaksilan nga ako ng dalawang taong pinagkatiwalaan ko nang lubos.

“Hindi naman ako si Chloe Mayer…” bulong ko sa sarili.

Ngunit bakit parang pareho na pareho ang nangyayari sa akin?

Nalunod na ako sa sarili kong mga iniisip. Hindi ko na alam kung nasaang lupalop na ako. Ang tanging nagpagising na lamang sa aking diwang tunaw sa kalungkutan ay ang nakaririnding busina at nakasisilaw na liwanag ng ilaw ng paparating na humaharurot na kotse.

At bago ko pa magawang umiwas, isang matinding impact ang naramdaman ko sa aking katawan.

Mabilis ang mga pangyayari. Matapos ng pagkasilaw, sa isang iglap ay nandilim na ang lahat.

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • You Stole My Man, Now Your Old Man Is Mine   Kabanata 4

    “Chloe? Can you hear me?”Isang malalim at kalmadong boses ang gumising sa akin mula sa pagkakahimbing.Mabigat ang aking mga talukap nang pilit kong imulat ang mga mata. Una kong nasilayan ang puting kisame, kasunod ang malalabong hugis ng mga ilaw at kagamitan sa paligid.“Hey, sweetheart. How are you feeling?”Dahan-dahan kong ibinaling ang ulo ko sa pinagmulan ng boses.May isang lalaking nakaupo sa tabi ng kama ko. Mas matanda siya sa akin, ngunit hindi maikakailang gwapo pa rin. Matangkad at matikas ang pangangatawan, maayos ang tindig, at may bahagyang uban sa kaniyang buhok na lalong nagdagdag sa kaniyang personalidad. Nakasuot siya ng mamahaling relo at simpleng ngunit halatang de-kalidad na damit. Mukha siyang mayaman. Hindi lamang basta may pera, kundi isang taong sanay igalang at sundin.“Are you feeling dizzy? Does your head hurt?”Napatitig lamang ako sa kaniya. Sino siya?“Uhm…”Bahagya siyang yumuko upang mas makita ang mukha ko.“Take your time, sweetheart. The doctor

  • You Stole My Man, Now Your Old Man Is Mine   Kabanata 3

    Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o masaktan sa aking nasaksihan.Gising na si Rodrigo.Dalawang buwan akong naghintay. Dalawang buwan akong nagdasal, umiyak, at nagmakaawang bigyan siya ng pagkakataong magising. At ngayon, narito siya.Ngunit bakit hindi ako ang unang taong nasa tabi niya? Hindi man lang ba niya hiniling ang aking presensya? ‘Di ba niya naisipang ipaalam sa akin ang paggising niya?Bakit nauna pa sa akin si Macy?“We need to talk.”Inaasahan ko nang gugustuhin niyang balikan muna kung saang punto kami huling nahinto. Gayunpaman, hindi ko na nagawang isipan pa ito nang lubusan at ‘di ko rin napigilang hawakan ang kaniyang mukha. Nangingilid na naman ang luha ko habang sinusuri ang bawat bahagi nito.“Thank God! Akala ko… akala ko hindi ka na magigising!”Sinubukan ko siyang yakapit ngunit hindi niya agad ginantihan ang yakap ko. Sa halip, bahagya siyang umiwas at napatingin kay Macy.Doon ko napansin ang kakaibang kilos nila. Parang may alam silang hindi ko ala

  • You Stole My Man, Now Your Old Man Is Mine   Kabanata 2

    “Some patients regain consciousness within days or weeks, while others may take several months. It depends on the extent of the brain injury and how the patient responds to treatment.”“Several months?” halos pabulong na ulit ni Tita Elena. Napailing siya at napahawak sa braso ng doktor.“May posibilidad din pong…” nag-aalangang dagdag ng doktor, “Baka hindi na rin po siya magising. Ipagdasal na lang po natin ang recovery ng pasyente.”“Hindi… Bata pa ang anak ko, Dok. Marami pa siyang pangarap. Ikakasal na nga sila…” Napatingin siya sa akin. “Dapat ikakasal na sila.”Tuluyan na siyang napahagulgol.Hindi ko na rin napigilang mapaluhod sa sahig. Napatakip ako sa aking bibig habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko.Ilang linggo na lamang at ikakasal na kami. Ilang buwan naming pinaghandaan ang araw na iyon. May napili na kaming simbahan, reception venue, at maging ang kulay ng mga bulaklak na gagamitin sa kasal.Naalala ko pa kung paano siya ngumiti nang una naming pag-usapan ang ma

  • You Stole My Man, Now Your Old Man Is Mine   Kabanata 1

    “Hello, Chloe? Malapit na ako diyan. Please, wait for me… I want to talk it over in person.”Iyon ang huling mga salitang narinig ko mula sa aking fiancé na si Rodrigo bago niya tuluyang ibaba ang tawag matapos ang panibago naming pagtatalo.Dalawang araw na rin kaming hindi nag-uusap. Noong una, pataasan pa kami ng pride. Pero kahit noong ilang beses na niyang sinubukang makipag-ayos, hindi ko pa rin siya pinapansin.Nagsimula ang lahat nang mapansin kong madalas silang magkasama ng best friend kong si Macy. Ilang beses ko silang nakitang magkasamang kumakain, nagkikita pagkatapos ng trabaho, at tila may itinatagong sikreto sa akin.Noong una, hindi ko iyon pinansin. Matagal nang magkakilala sina Rodrigo at Macy, at alam kong malapit sila sa isa't isa. Ngunit nang mapansin kong palagi siyang umiiwas kapag tinatanong ko kung saan siya nanggaling, unti-unting nabuo sa isip ko ang posibilidad na may iba na siya.Hindi naman ako dating ganito.Sa totoo lang, hindi ako ‘yong tipo ng babae

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status