author-banner
Lynxir
Lynxir
Author

Novels by Lynxir

The Billionaire Doctor’s Unwanted Son is a Medical Prodigy

The Billionaire Doctor’s Unwanted Son is a Medical Prodigy

Anim na taong pinalaking mag-isa ng isang ulila at dalagang inang si Tasha Lane ang kaniyang anak na lalaking si Bailey. Isang kahig, isang tuka man ang uri ng pamumuhay, lumaking edukado si Bailey na mayroong pambihirang katalinuhan at interes sa panggagamot at medisina. Iniimbak niya ang kaniyang karunungan—sapat upang maging laging handa para matulungan ang kaniyang inang tila lapitin sa aksidente. “Bailey, saan mo ba natutunan lahat ng 'yan?” Pagtatakang tanong ni Tasha sa kaniyang anak na tutok sa pagpapatak ng betadine sa maliit na hiwa ng kaniyang ina. “Sa books.” “Lahat?” “Mostly. May videos din. But I don’t watch them when you’re around. Sabi mo kasi, baka hindi ako makatulog.” “BAILEY! Hindi naman talaga dapat nanonood ng gano'n ang anim na taong gulang!” “Five ako noong una kong napanood. For educational purposes, ma.” Napapailing na lang palagi si Tasha sapagkat minsan, iniisip niyang may matandang doktor na nakasapi sa katawan ng kaniyang anak. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman, ang pambihirang kakayahan at pagkakahawig ni Bailey sa tinaguriang prodigy at billionaire doctor na si Dr. Kael Reed ang siyang magkokonekta sa kanilang mga buhay at mag-uungkat sa anim na taong lihim na maaaring magpabago sa kanilang kapalaran magpakailanman.
Read
Chapter: Kabanata 4
“Make way!” pagmamadali ng mga doktor, tulak ang matanda patungong emergency room.“Kindly wait here for the meantime, someone will approach in a bit to ask you some questions.”Magkahawak-kamay na tumayo ang mag-ina sa bukana ng ospital, habang naghihintay. Palingon-lingon naman si Bailey, nagmamasid sa mga pangyayari sa paligid.“Ma, I want to roam around,” paalam nito, “Pretty please?”“Excuse me, are you Ms. Tasha Lane?” tanong ng lumapit na nurse.Hindi pa nakakasagot si Tasha ay bumitaw na si Bailey bago tumakbo at kumaway.“Mama, I'm off!”“Bailey, anak!”“I promise I won't get lost,” sabay kindat ng bata bago kumaripas ng takbo patungo sa sumunod na hallway.Sa kabila ng kaniyang pag-aalala ay kumpiyansa pa rin si Tasha na hindi manggugulo ang kaniyang anak. Alam niya ang kakayanan nito at kung gaano siya kadisiplinado, kaya hinayaan na lamang niya ang anak niyang halatang excited maglibot. First kasi niyang makapasok sa loob ng yaong prestihiyosong ospital.“Uhh, miss, pasens
Last Updated: 2026-10-28
Chapter: Kabanata 3
Tirik na ang araw alas diyes pa lang ng umaga. Siksikan nanaman ang mga tao sa Sapphire Public Market. Puno ng mga taong nagkukumahog makabingwit ng sariwang mga gulay at isda. Naghalo rin ang amoy ng bagong lutong maruya, karne, hinog na mangga, at basang karton. Sa pagitan ng mga tindahan, may mga mamimiling nakikipagtawaran at mga tinderong nag-uunahang tawagin ang mga suki.“Ma, let me carry those plastic bags. A woman shouldn’t be carrying heavy stuff.”“Aba, aba! Minamaliit mo ba ang mama?”“No. I’m saying that a man is biologically stronger than a woman, primarily due to differences in muscle mass, body composition, and hormones. It’s just science.”“And biologically, I am much taller and older than you. You are still growing, anak. Let’s not stunt your growth by forcing your tiny body to do so much at a young age, okay?”“But… I’m a man. Manly enough to stay by your side and protect you,” ani Bailey, nakatingala sa kaniyang ina nang may kinang sa mga mata.“O siya, sa iyo ang
Last Updated: 2026-10-28
Chapter: Kabanata 2
“Hindi mo kailangang ipagkaila. Alam ko naman ang gusto mo.”Madilim ang kwarto. Ang tanging nagpapaliwanag sa silid ay ang kulay kahel na dimmed bedside lamp.Kasing kulay ng apoy ang silid, kasing init din nito ang tensyong nababalot sa dalawa.Mula sa pintuan ay dahan dahang lumapit ang babae. Binalot ng kaniyang anino ang silid, bago isinara nang tuluyan ang pinto. Tumambad ang kaniyang pulang bodycon dress na swak ang pagkakahulma sa balingkinitan niyang pangangatawan.Kasing init ng kulay ng paligid ang namumulang mga pisngi ni Kael. At bago pa siya makapagtanong, lumapit ito habang unti unting nilulugay ang itim at mahaba niyang buhok. Sa bawat hakbang ng babae ay paatras siya nang paatras hanggang sa siya ay mabunggo na sa gilid ng kama, bago siya tuluyang napahiga.Tumatagaktak ang pawis ni Kael. Naglalaban ang init ng kanilang mga katawan at malamig na temperatura ng kanilang air-conditioned room.At nang yumuko ito upang bumulong sa kaniyang tainga, narinig niya ang kaniyan
Last Updated: 2026-10-28
Chapter: Kabanata 1
“Aray!”Napabalikwas si Bailey nang kaniyang marinig ang pag-inda ng kaniyang inang si Tasha Lane, kasabay ng kalampag ng mga nagsibasagang bote. Mula sa pagkakaupo at pagbabasa ng bagong hiram niyang librong “How to First Aid” mula sa library, habang naghihintay sa labas ng isang bar, nag-aalala siyang kumaripas papunta sa kaniyang inang nadulas sa likod ng building habang bitbit ang isang buong case ng beer.“Mama!” sigaw ng bata. “Are you okay?” Napalingon si Tasha sa maliit na anim na taong gulang niyang anak, na tumatakbo habang may sukbit na mabigat na bag sa likuran. May salamin itong bahagyang dumudulas sa ilong, maayos na nakatuck-in ang polo sa pantalon, at may ekspresyong para bang siya ang pinakabatang doktor sa isang medical conference.“Oo, anak. Okay lang ang mama—”Napatigil sa pagsasalita si Tasha nang kaniyang subukang tumukod upang makaupo mula sa pagkakabagsak. Napansin ni Bailey ang malubhang pagdurugo ng kanang kamay ng kaniyang ina at inangat ito. Tumambad ang
Last Updated: 2026-10-28
You Stole My Man, Now Your Old Man Is Mine

You Stole My Man, Now Your Old Man Is Mine

Akala ko, ang pinakamasakit na pagtataksil ay manggaling sa taong pinakamamahal ko. Hindi ko alam na mas masakit pala kapag pati ang matalik mong kaibigan ay kasabwat niya. Matapos akong lokohin ng fiancé kong si Rodrigo at best friend kong si Macy, namatay ako sa isang aksidente. Ngunit sa halip na tuluyang mawala, nagising ako sa katawan ni Chloe Mayer—ang bida sa isang tragic romance novel na minsan ko nang nabasa. Pamilyar ang lahat. Mayroon din siyang taksil na fiancé at best friend. Ngunit ang mas nakakagulat, ang ama mismo ng babaeng umagaw sa nobyo niya ang lalaking napangasawa niya na si Michael Anderson. Isang mayaman, biyudo, at limampu't apat na taong gulang na lalaking dalawampu't limang taon ang tanda sa kaniya. Sa orihinal na kwento, nagsimula ang kanilang pagsasama bilang paghihiganti. Ngunit nauwi iyon sa isang tunay na pagmamahalan, hanggang sa mapaslang si Chloe sa sabwatan ng kaniyang mga kaaway. Naiwan si Michael na wasak ang puso hanggang sa tuluyan ding mamatay dahil sa matinding pangungulila. Ngunit hindi ako ang dating Chloe Mayer. Alam ko ang magiging kapalaran namin, at hindi ko hahayaang maulit ang trahedya. Kung kailangan kong pakisamahan ang ama ng babaeng umagaw sa dati kong nobyo, gagawin ko. Pero sa pagkakataong ito, hindi lang sa paghihiganti iikot ang aming pagsasama. “You stole my man. Now, your old man is mine. And this time, I'll make sure the happy ending will be ours.”
Read
Chapter: Kabanata 4
“Chloe? Can you hear me?”Isang malalim at kalmadong boses ang gumising sa akin mula sa pagkakahimbing.Mabigat ang aking mga talukap nang pilit kong imulat ang mga mata. Una kong nasilayan ang puting kisame, kasunod ang malalabong hugis ng mga ilaw at kagamitan sa paligid.“Hey, sweetheart. How are you feeling?”Dahan-dahan kong ibinaling ang ulo ko sa pinagmulan ng boses.May isang lalaking nakaupo sa tabi ng kama ko. Mas matanda siya sa akin, ngunit hindi maikakailang gwapo pa rin. Matangkad at matikas ang pangangatawan, maayos ang tindig, at may bahagyang uban sa kaniyang buhok na lalong nagdagdag sa kaniyang personalidad. Nakasuot siya ng mamahaling relo at simpleng ngunit halatang de-kalidad na damit. Mukha siyang mayaman. Hindi lamang basta may pera, kundi isang taong sanay igalang at sundin.“Are you feeling dizzy? Does your head hurt?”Napatitig lamang ako sa kaniya. Sino siya?“Uhm…”Bahagya siyang yumuko upang mas makita ang mukha ko.“Take your time, sweetheart. The doctor
Last Updated: 2026-11-02
Chapter: Kabanata 3
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o masaktan sa aking nasaksihan.Gising na si Rodrigo.Dalawang buwan akong naghintay. Dalawang buwan akong nagdasal, umiyak, at nagmakaawang bigyan siya ng pagkakataong magising. At ngayon, narito siya.Ngunit bakit hindi ako ang unang taong nasa tabi niya? Hindi man lang ba niya hiniling ang aking presensya? ‘Di ba niya naisipang ipaalam sa akin ang paggising niya?Bakit nauna pa sa akin si Macy?“We need to talk.”Inaasahan ko nang gugustuhin niyang balikan muna kung saang punto kami huling nahinto. Gayunpaman, hindi ko na nagawang isipan pa ito nang lubusan at ‘di ko rin napigilang hawakan ang kaniyang mukha. Nangingilid na naman ang luha ko habang sinusuri ang bawat bahagi nito.“Thank God! Akala ko… akala ko hindi ka na magigising!”Sinubukan ko siyang yakapit ngunit hindi niya agad ginantihan ang yakap ko. Sa halip, bahagya siyang umiwas at napatingin kay Macy.Doon ko napansin ang kakaibang kilos nila. Parang may alam silang hindi ko ala
Last Updated: 2026-11-02
Chapter: Kabanata 2
“Some patients regain consciousness within days or weeks, while others may take several months. It depends on the extent of the brain injury and how the patient responds to treatment.”“Several months?” halos pabulong na ulit ni Tita Elena. Napailing siya at napahawak sa braso ng doktor.“May posibilidad din pong…” nag-aalangang dagdag ng doktor, “Baka hindi na rin po siya magising. Ipagdasal na lang po natin ang recovery ng pasyente.”“Hindi… Bata pa ang anak ko, Dok. Marami pa siyang pangarap. Ikakasal na nga sila…” Napatingin siya sa akin. “Dapat ikakasal na sila.”Tuluyan na siyang napahagulgol.Hindi ko na rin napigilang mapaluhod sa sahig. Napatakip ako sa aking bibig habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko.Ilang linggo na lamang at ikakasal na kami. Ilang buwan naming pinaghandaan ang araw na iyon. May napili na kaming simbahan, reception venue, at maging ang kulay ng mga bulaklak na gagamitin sa kasal.Naalala ko pa kung paano siya ngumiti nang una naming pag-usapan ang ma
Last Updated: 2026-11-02
Chapter: Kabanata 1
“Hello, Chloe? Malapit na ako diyan. Please, wait for me… I want to talk it over in person.”Iyon ang huling mga salitang narinig ko mula sa aking fiancé na si Rodrigo bago niya tuluyang ibaba ang tawag matapos ang panibago naming pagtatalo.Dalawang araw na rin kaming hindi nag-uusap. Noong una, pataasan pa kami ng pride. Pero kahit noong ilang beses na niyang sinubukang makipag-ayos, hindi ko pa rin siya pinapansin.Nagsimula ang lahat nang mapansin kong madalas silang magkasama ng best friend kong si Macy. Ilang beses ko silang nakitang magkasamang kumakain, nagkikita pagkatapos ng trabaho, at tila may itinatagong sikreto sa akin.Noong una, hindi ko iyon pinansin. Matagal nang magkakilala sina Rodrigo at Macy, at alam kong malapit sila sa isa't isa. Ngunit nang mapansin kong palagi siyang umiiwas kapag tinatanong ko kung saan siya nanggaling, unti-unting nabuo sa isip ko ang posibilidad na may iba na siya.Hindi naman ako dating ganito.Sa totoo lang, hindi ako ‘yong tipo ng babae
Last Updated: 2026-11-02
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status