Share

KABANATA 7

Author: Sweet Pancakes
Natapos ang salu-salo at isa-isang nagsiuwian ang mga kasamahan, halatang magaan ang loob at masaya ang gabi.

Si Sky na lang ang naiwan. Dahil sa maikli niyang buhok na hanggang balikat, leather jacket, hilig sa motorsiklo, at palaging malamig na ekspresyon, mukha siyang malaya at hindi basta-basta lapitan. Pero sa totoo lang, mahilig siyang kumapit kay Adelaide at magpa-cute.

Ngayon, mahigpit siyang nakahawak sa braso nito, ayaw bumitaw. “Boss, isama mo ako. Ano bang saysay ng buhay kung hindi na kita makikita araw-araw?”

Tinapik ni Adelaide ang noo ni Sky, halatang wala nang magawa. “Ilang taon ka na ba?”

“Mas bata pa sa’yo.”

“Eksakto,” sagot ni Adelaide. “Dahil mas bata ka, tandaan mong tawagan ako kapag may problema ka.”

Namula ang mga mata ni Sky. Pilit niyang nilunok ang luha, ayaw magpakitang mahina.

“Boss,” bulong niya habang mas lumalapit, “hindi mabuting tao ang matalik mong kaibigan. Mag-ingat ka sa kanya, hindi naman sa sinisiraan ko siya—ahh, basta! Mag-ingat ka sa kanya, iba ang kutob ko.”

Tumango si Adelaide. “Alam ko.”

“Huwag mong maliitin ang sinasabi ko.”

“Alam kong may pagkatanga ako, pero hindi ibig sabihin no’n ay hindi na ako magigising.”

Agad umiling si Sky. “Hindi ka tanga. Sa totoo lang, sobrang talino mo. Pero kahit gaano ka katalino, may mga taong malapit sa’yo na kaya ka pa ring traydurin.”

Tahimik sandali si Adelaide. Totoo ang sinasabi ni Sky. Minsan, mas malinaw talaga ang nakikita ng nasa gilid kaysa sa mismong nasa loob ng laro.

Matapos makaalis si Sky, lumabas din si Angela. Siya ang nagbayad ng bill, halos agawin pa mula sa kamay ni Adelaide. Pero matapos mamahagi ni Adelaide ng pera, ano pa nga ba ang saysay ng maliit na halagang iyon bilang kabutihang-loob?

“Laide, magta-taxi ka ba pauwi?” tanong ni Angela habang papalapit.

Hindi agad sumagot si Adelaide. Tinaasan lang niya ng kilay si Angela. “Hindi ka naman uminom kanina. Tubig ang laman ng baso mo noong nag-toast ka.”

Biglang napatigil si Angela. “A… ayoko lang talagang uminom.”

“Hindi,” kalmadong sagot ni Adelaide. “May tinatago ka sa akin.”

“Ano naman ang itinatago ko…” nagmamaang-mangang wika nito.

“Hindi ka buntis, ‘di ba?”

Nanlaki ang mga mata ni Angela. Hindi niya inasahan na ganoon kabilis tatama ang hula ni Adelaide.

Nang makita ang reaksiyon niya, ngumiti si Adelaide na parang sigurado na. “Buntis ka nga.”

“Ako?” wala sa sariling tinuro ni Angela ang sarili.

“Plano mo pa bang itago sa akin?” nagkunwaring nasasaktan si Adelaide sa akto nito.

Nagmamadaling nagsalita si Angela, halatang naguguluhan. “Gusto ko sana… gusto ko talagang sabihin sa’yo. Hindi ko lang mahanapan ng tamang oras. Saka masyado kang busy, ayaw ko namang maabala ka.”

Marahang huminga si Adelaide, parang sinadyang magpakita ng pasensya. “Sige. Ngayong tayo na lang, maging tapat ka sa akin. Kaninong anak ‘yan?”

“Hindi mahalaga kung sino ang ama.”

“Syempre mahalaga.” Diretso ang tingin ni Adelaide.

Nabigo si Angela na makahanap ng maayos na palusot. Kita sa mukha niya ang kaba at pag-aalala.

“Ah… sa totoo lang,” mahina niyang sabi, “kay Pierre.”

Pinikit ni Adelaide ang mga mata. Si Pierre ay dating nobyo ni Angela. Talagang nagawa nitong magsinungaling nang harapan para lang linlangin siya. Hanggang saan aabot ang pagsisinungaling nila?

“Tatlong taon na kayong hiwalay, ‘di ba?” malamig niyang tanong.

“Nagkita kami ulit kamakailan,” mahina ang boses ni Angela. “Nagkataon lang… napunta kami sa isang hotel. Isang gabi lang, at agad na nagbunga ang nangyari sa amin.”

“Grabe ka talaga.”

Naningkit ang mga mata ni Adelaide. Bigla niyang itinaas ang kamay at sinampal si Angela. Umalingawngaw ang tunog sa tahimik na gabi.

Napatakip si Angela sa pisngi niya, gulat na gulat ang tingin kay Adelaide. “Ikaw… anong karapatan mong saktan ako? Nababaliw ka na ba, Laide?”

“Dahil nakita ko si Pierre sa business trip na ‘yon,” sigaw ni Adelaide, galit na galit ang anyo. Itinuro niya si Angela. “At kasal na siya! Hindi ko akalaing magiging kabit ka!”

“Ako…” Natigilan si Angela, walang maisagot.

“Wala ka bang hiya?” tuloy ni Adelaide. “Paano mo nagawang sirain ang pamilya ng iba?”

“Hindi ko alam…” nanginginig ang boses ni Angela.

“Sobrang nadismaya ako sa’yo.”

Pagkasabi niyon, tumalikod si Adelaide at naglakad palayo, walang lingon-lingon. Sa loob-loob niya, may kakaibang gaan.

Sumakay siya ng taxi. Sa salamin sa likuran, nakita niya si Angela na nakatakip pa rin sa mukha, parang kawawang iniwan sa gitna ng gabi. Kinuha ni Adelaide ang kanyang telepono at tumawag, bahagyang ngumisi.

“Sa likurang pasukan ng hotel,” sabi niya sa driver.

Pagbaba ng taxi, dumiretso si Adelaide sa lobby. Mula roon, nakita niya si Angela na nakatayo pa rin sa labas, tila may hinihintay.

Makalipas ang ilang sandali, huminto ang isang itim na Bentley sa tapat ng hotel. Bumaba si Felix mula sa driver’s seat. Paglapit niya sa harap ng sasakyan, biglang tumakbo si Angela papunta sa kanya, umiiyak, at mahigpit siyang niyakap.

Matapos marinig ang mga sinabi ni Angela, inakbayan siya ni Felix, bakas sa kilos niya ang bigat sa dibdib.

Masakit pa rin ang puso ni Adelaide. Ang lalaking minahal niya at ang kaibigang minsan niyang inakala na laging kakampi niya. Hindi ganoon kadaling tanggapin ang ganitong klaseng pagtataksil, kahit kanino.

Pero hindi si Adelaide ang tipong guguho kapag parang bumagsak ang mundo. Hindi siya ‘yong mawawalan ng lakas para magpatuloy. Isa lang ang malinaw sa kanya: ang pinaghirapan niya ay dapat may kapalit. At kung ang kapalit ay pagtataksil, hahanapin niya ang hustisya sa sarili niyang paraan.

Huminga siya nang malalim, inayos ang sarili, saka tumayo at lumabas.

“Mahal?”

Sa salitang iyon, pareho silang natigilan. Si Felix ang unang kumilos. Agad niyang inalis ang braso niya kay Angela at bahagyang itinulak ito palayo.

Nabigla si Angela at muntik pang matisod.

“Kayo… kayong dalawa?” tanong ni Adelaide, kunwaring walang alam, malamig ang tono.

“Ako…” nagmamadaling paliwanag ni Felix. “Pumunta ako rito para sunduin ka. Nakita ko si Angela sa may pinto. Umiiyak siya, kaya…”

“Kaya niyakap mo siya at inalo?” diretso ang tanong ni Adelaide.

Mabilis na lumapit si Felix sa kanya at bumulong, halos nagmamakaawa ang boses. “Bigla siyang sumugod sa akin. Itinutulak ko na sana siya palayo nang lumabas ka.”

“Talaga?” bahagyang tumaas ang kilay ni Adelaide.

“Wala ka bang tiwala sa akin?”

Tumigil si Adelaide. Sandaling nagtagpo ang mga mata nila bago siya ngumiti, banayad pero mahirap basahin.

“Siyempre may tiwala ako sa’yo,” sabi niya. “At may tiwala rin ako kay Angela.”

Lumapit si Adelaide kay Angela. Maingat niyang hinawakan ang kamay nito at pinisil, parang may iniisip na mabigat.

“Nasaktan ka kanina, at alam kong masakit iyon,” sabi niya sa mababang boses. “Pero ginawa ko iyon para magising ka. Para tumigil ka sa pagsira ng pamilya ng iba. Para tumigil ka sa pagiging kabit. Naiintindihan mo ba ang gusto kong mangyari?”

Masakit pa rin ang pisngi ni Angela. Bahagya siyang yumuko at mahina ang sagot. “Hindi ko talaga alam na may asawa na siya. Kung alam ko lang, hinding-hindi ko gagawin iyon.”

Napabuntong-hininga si Adelaide, parang biglang napagod. “Hay naku. Galit lang ako kanina.” Tiningnan niya si Angela, tila sinusukat ang bawat salita. “Sa tingin mo ba hindi kita kilala? Alam ko kung anong klaseng tao ka. Mabait ka, maayos, at palaging nasa tama. Kaya mas hindi ko maintindihan kung paano ka napunta sa ganitong sitwasyon.”

Huminto siya sandali, saka malamig na nagpatuloy. “Si Pierre ang dapat sisihin. May asawa na, pero nang-aakit pa rin ng iba. Nakakadiri.”

Tumama ang mga salitang iyon sa dalawa. Namutla si Angela. Si Felix naman ay hindi maitago ang paninigas ng mukha.

Tumingin si Adelaide kay Angela. “Plano mo bang ituloy ang pagbubuntis?”

“Ha?”

“Tinatanong kita,” ulit ni Adelaide, malinaw at diretso. “Gusto mo bang ipanganak ang batang ito?”

Napalingon si Angela kay Felix, saglit na nag-alinlangan, saka tumango. “Oo. Gusto ko. K-Kahit naman bunga lang siya ng gabing iyon ay nagmula pa rin ito sa akin.”

Walang sabi-sabing niyakap ni Adelaide si Angela. Sa unang tingin, parang puno ng pag-aalala ang yakap niya.

“Bilang kaibigan mo,” sabi niya, dahan-dahan ang tono, “suportado kita sa anumang desisyon mo. Kung gusto mong ituloy, itutuloy natin. Sasamahan kita sa checkups, tutulungan kita pagkatapos manganak, at pati sa pag-aalaga ng bata. Hindi ka mag-iisa.”

Nanatiling tahimik si Felix, habang si Angela ay nakatayo sa loob ng yakap, hindi alam kung dapat ba siyang gumaan o mas lalo pang kabahan.

“Salamat… salamat talaga.”

Ngumiti si Adelaide. “Paano kung ganito, ako na lang ang maging ninang ng anak mo.”

“Ha?”

“Para mas bagay,” dagdag pa niya na parang nagbibiro, “ang asawa ko naman ang magiging ninong. Ang saya, ‘di ba?”

Puro salita lang iyon, pero kapwa napilitan sina Felix at Angela na ngumiti, halatang hindi komportable.

Masiglang itinulak ni Adelaide si Angela papasok sa likod ng kotse. “Hatid muna kita,” sabi niya, saka siya umupo sa passenger seat sa harap.

Si Felix ang nagmaneho. Noong una, halata ang kaunting ilang, pero mabilis din siyang kumalma. Tutal, dati na silang tatlo na magkasamang bumiyahe. Ang dating kaba at hiya, parang matagal nang nilamon ng panahon.

Si Angela ang mas mabilis naka-adjust. Habang tumatakbo ang sasakyan, unti-unting sumiksik ang selos sa dibdib niya habang tinitingnan si Adelaide sa passenger seat.

Asawa siya. Ang upuang iyon, malinaw na sa kanya dapat.

Nagkunwari si Adelaide na walang napapansin. Nakikipagkwentuhan siya, tumatawa, parang walang bigat ang lahat.

Hanggang sa huminto ang kotse sa berdeng ilaw.

Yumuko si Adelaide para pulutin ang kung anong nahulog sa sahig. Pag-angat niya, biglang nagbago ang ekspresyon niya.

“Felix,” malamig niyang sabi, “may iba ka bang isinasakay dito?”

Itinaas niya ang lipstick na hawak niya, halatang hindi kanya.

“Talagang pinauupo mo pa ang ibang babae sa upuang ito?” sigaw niya, puno ng galit at panunumbat.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • You Tricked Me with a Fake Marriage, So I Married a Tycoon   KABANATA 50

    Kinabukasan, bumalik si Adelaide sa bahay ni Angela at nadatnan niya roon si Felix at ang kanyang ina, parehong mukhang galit na galit. Gayunpaman, kumunot ang noo ni Angela, mukhang dismayado."Laide, paano mo nagawa ang ganoong kawalang-hiya? Paano naman ang reputasyon ni Felix, ang reputasyon ng pamilyang Villareal?"Tinaasan ni Adelaide ang isang kilay. "Anong ginawa ko? Ano bang pinagsasabi mo?”Napangiwi si Felix at inihagis ang ilang mga larawan sa mesa. "Tingnan natin kung paano mo ito ipapaliwanag!"Tumingin si Adelaide at nakitang mga larawan nga nila ni Dion sa hotel noong nakaraang gabi. Ang ilan ay nagpakita sa kanila na nagtatawanan at nag-uusap, ang ilan ay nagpakita sa kanya na magkaakbay kay Dion na papasok sa elevator, at ang ilan ay nagpakita sa kanila na papasok sa isang silid ng hotel.Napakalinaw ng mga larawan; malinaw na nagsikap si Angela."Ano pa bang dapat ipaliwanag? Matagal ko nang alam na hindi siya mapakali, laging kasama ang lalaking ‘yan at madalas na n

  • You Tricked Me with a Fake Marriage, So I Married a Tycoon   KABANATA 49

    “Simula pa lang ay nilinaw ko na sa iyo ang lahat. Alam ko na gusto mo ang posisyon bilang Mrs. Villareal, at gusto kong magkaroon ng anak. At hindi ako makikipaghiwalay kay Laide. Nangako kang wala kang magiging reklamo sa set-up natin,” mariing paalala ni Felix sa tunay niyang asawa.“Pero…pero mahal na mahal kita! Kaya handa akong i-give up ang kaibigan ko, ang pagkakaibigan namin. At handa akong mamuhay nang nakakahiya, para lang mabigyan ka ng anak. P-Pero ikaw… handa kang bitiwan ako. Handa kang saktan ako!” humihikbing wika ni Angela.Nang makitang umiiyak si Angela, nakaramdam si Felix ng awa at tumayo para nilapitan siya.“Ann-Ann, h’wag kang umiyak. Kontrolin mo ang emosyon mo, dahil nararamdaman iyan ng baby natin,” malumanay na pangaral ni Felix.“Galit ka pa rin ba sa akin? Dahil sa ginawa ko?” parang batang usal nito.“Inilagay mo na 'yan sa bulsa ko noong nakaraan, at dahil d’yan ay nag-away kami ni Laide. Paano ako hindi magagalit? Kamuntikan na tayong mabuko. Anong

  • You Tricked Me with a Fake Marriage, So I Married a Tycoon   KABANATA 48

    Hindi na posible ang pagbabalik sa pamilyang Villareal, kahit ano pang sabihin ng mga ito sa kanya ay hindi na siya maniniwala. Dahil pumayag na siya sa kasal na magpakasal sa anak ni Mr. Yuchengco. Ang paglipat mula sa bahay ng pamilyang Villareal ang kanyang paninindigan na isang palabas lang. Tungkol naman kay Felix, hindi na niya ito bibigyan ng pagkakataong lokohin pa siya ulit. Sapat na ang ilang taong pagpapakatanga niya rito.Pumunta pa rin si Adelaide sa bahay ni Angela, sa pagkakataong ito ay si Felix ang naghahatid sa kanila pabalik.Dahil nabanggit ni Adelaide na gusto niyang kumain ng street food at hipon mula sa Roxas Alley, agad na naghanda si Felix na magmaneho papunta roon nang isang oras para bumili."Ann-ann, ikaw anong gusto mo?" Sinadya ni Adelaide na tanungin si Angela.Agad na tumingin si Angela nang may pagtataka, "Pagod na pagod si Felix pagkatapos ng mahabang araw ng trabaho. At gusto mo pa siyang magpakalayo-layo para lang mabili ka ng street food at hipon?

  • You Tricked Me with a Fake Marriage, So I Married a Tycoon   KABANATA 47

    Gusto niya itong ibunyag, ngunit hindi niya ito pinayagan! Hindi pa sa ngayon, dahil hindi pa ito ang tamang oras. Ngayon palang nagsimula na ang laro, walang makakatapos dito hangga't hindi siya ang mismong tatapos ng laro.Ano kaya ang masasabi ni Angela? Yumuko na lang siya nang malalim, na parang siya ang may kasalanan ng lahat ng gulo."Hay naku, gawin na natin ito para kay Ann-ann. Tutal, siya naman ang may gawa ng gulo na ito." Tumingin si Adelaide sa ama ni Felix. "Ano ang magagawa ko?"Nakahinga nang maluwag ani Robert, ngunit habang iniisip ang dapat gawin ni Adelaide, nagduda siya kung kaya ba talaga nitong gawin. Pero sa ngayon, kahit ano na lang ang kaya niyang gawin, kahit na tila wala nang pag-asa."Tumatanggi ang Yuchengco na makipag-ugnayan sa atin ngayon. Hindi epektibo ang mga tawag sa telepono o ang mga personal na pagbisita ni Felix.""Kaya gusto mong kontakin ko si Mr. Dion? Para makausap ko siya?” paglilinaw ni Adelaide."Dahil ikaw ang nakikipag-usap sa Y

  • You Tricked Me with a Fake Marriage, So I Married a Tycoon   KABANATA 46

    "Habang pauwi, naikuwento sa iyo ni Felix ang tungkol sa proyekto sa Yuchengco, 'di ba...""Ang ibig mong sabihin ay yung pulang panloob?"Napatitig si Roberto. "Anong pulang panloob? Ang ibig kong sabihin...""Paano niya nalaman kung paano ipaliwanag?" Naputol ang sasabihin nang dalawang beses, huminga nang malalim si Roberto, ngunit nang makita ang paulit-ulit na ekspresyon ni Adelaide, alam niyang para makakuha ng tulong ngayon, kailangan niyang linawin ang isyu tungkol sa pulang panloob.Pero sa pag-iisip ng pulang panloob, at pagkatapos ay itinapon ito sa sopas ng manok, nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na pagkahilo. At pagkatapos, sa pag-iisip na kay Angela ito, nakaramdam siya ng pagkahilo habang nakatingin pa lamang sa kanya.Naramdaman ang panandaliang pagkasuklam ni Roberto, mahigpit na kinuyom ni Angela ang kanyang mga kamao."Laide, hindi ito ang tamang oras para pag-usapan ito. May nangyaring masama sa kumpanya...""Kung gayon, kailan ang tamang oras? Kailang ang tam

  • You Tricked Me with a Fake Marriage, So I Married a Tycoon   KABANATA 45

    Alam na alam ni Adelaide ang kakayahan ni Angela."Ipakalat mo ang balita, at hintayin mong kumatok ang ibang mga kumpanya." Bago pa man umalis si Adelaide sa kumpanya, nagsimula nang tawagan ni Dion ang mga tao mula sa Villareal, ngunit hindi niya sinagot kahit isang tawag. Nang makapasok siya sa kanyang sasakyan sa underground parking garage, huminto ang sasakyan ni Felix sa tapat ng sa kanya.Bumaba si Felix sa driver's seat, at bumaba si Angela sa passenger seat, ang isa ay mukhang balisa, ang isa naman ay nataranta."Ipinagkatiwala sa iyo ni Tatay ang isang napakahalagang proyekto dahil nagtiwala siya sa iyo, at sinira mo ito!" Hindi napigilan ni Felix na sumigaw kay Angela.Agad na namula ang mga mata ni Angela. "Napaka-tiwala ko sa disenyo ko, Felix. Alam ko ang kakayahan ko. Hindi ko alam kung bakit hindi sila nasiyahan. Siguro pinahihirapan lang nila tayo?""Nagpapalit na sila ng mga kumpanya ng dekorasyon. Sa tingin mo ba ay pinahihirapan lang nito ang mga bagay-bagay?"Na

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status