Share

Kabanata 6

Author: Quen_Vhea
last update Last Updated: 2025-08-01 18:32:37

Daphen's POV

Pagpasok ko sa opisina, iba ang tingin ni Wilbert sa akin. Hindi na siya yung tipikal na malamig at walang pake. Parang pinag-aaralan niya ang bawat galaw ko.

"Sit," sabi niya habang nakaupo sa swivel chair niya. "We need to talk."

Napalunok ako. Naku, baka tanggalin na niya ako dahil nalaman niyang may sakit ako.

"You have a brain tumor," diretsong sabi niya. "And you're still working like nothing's wrong. Are you insane?"

"Mr. Bryd, I already told you, kaya ko pa naman. Kailangan ko ang trabahong 'to," sagot ko, pilit na matatag ang boses kahit kinakabahan ako.

Napakunot ang noo niya. "Money? Is that what this is about? Kung pera ang problema—"

"Don't," putol ko sa kanya. "Hindi ko kailangan ng awa. Ayokong isipin mo na nakikipagtrabaho ako dahil sa habag mo."

Tinitigan niya ako nang matagal, halatang naiinis at naguguluhan sa ugali ko. "You're stubborn. But... fine. If you're staying here, then you'll follow my rules."

Wilbert's POV

Hindi ko alam kung bakit biglang naiiba ang pakiramdam ko para sa babae na 'to. Usually, I don't care kung may sakit man ang mga empleyado ko. Pero kay Daphne, iba. Siguro dahil nakita ko kung paano siya lumaban kahit na hirap na siya.

"Starting today, you'll have shorter hours," sabi ko, pilit na kalmado ang boses ko. "And I'll personally take you to the hospital for check-ups, whether you like it or not."

Nagulat siya. "What? Hindi mo kailangan gawin 'yon—"

"I said it's not a request," malamig kong putol. Pero sa loob ko, gusto ko lang siguraduhin na hindi siya babagsak sa harap ko ulit.

Nang makita kong nanginginig ang kamay niya habang nagtatype, hindi ko maiwasang ibaba ang laptop niya at sabihing, "Go take a break. Drink water. You look like you're about to collapse."

"Mr. Bryd, please, I'm fine," reklamo niya.

"Fine?" Umirap ako. "Kung fine ka, bakit parang may pasa ang mukha mo sa pagod? You're my assistant now. You're supposed to be efficient, not self-destructive."

Daphen's POV

"Daphne, get your things," utos ni Wilbert habang nililigpit ang laptop niya.

Napakunot ako ng noo. "Bakit?"

"I'm driving you home."

"Huh? No, no, hindi na kailangan. Marunong naman ako umuwi mag-isa," sagot ko, pilit na tumatawa.

"Do you even hear yourself?" Tumaas ang kilay niya, tila nagpipigil ng inis. "You can barely stand straight. Either I drive you home, or I'll personally carry you out of this building. Your choice."

Napasinghap ako. "Wow, bossy much?"

"I'm your boss," malamig niyang sagot. "Now, move."

Tahimik kami sa loob ng sasakyan, at tanging tunog ng engine ang naririnig. Nagulat ako nang buksan niya ang radio, pero agad din niyang pinatay nang makita ang itsura ko.

"You look tired," sabi niya, hindi na ganoon kalamig ang tono. "You should rest more."

"Rest? Eh paano ko gagawin 'yon kung kailangan kong magtrabaho?" Napatingin ako sa bintana. "Hindi lahat ng tao kagaya mo, Mr. Bryd. Hindi lahat ng tao may luxury na huminto lang at magpahinga."

Tumingin siya saglit sa akin, parang may gustong sabihin pero hindi matuloy. "You're too stubborn," bulong niya.

"Maybe... pero at least I'm fighting," sagot ko nang mahina.

Natahimik siya, pero napansin ko ang bahagyang pagkahigpit ng hawak niya sa manibela—parang may iniisip siya.

Pagdating namin, bumaba ako agad. "Thanks for the ride, Mr. Bryd," sabi ko, pilit na ngumiti.

Pero bago ako tuluyang makalakad papasok, tinawag niya ako. "Daphne."

Paglingon ko, nakita ko siyang nakasandal sa kotse, seryoso ang mukha. "If you ever need... help. With your treatment. Or anything." Tumigil siya saglit. "Just tell me."

Natigilan ako. "Bakit ka nag-aalok ng tulong? Wala ka namang pakialam sa iba, 'di ba?"

Tumingin siya nang diretso sa akin. "I don't know. Maybe I care... a little."

Natahimik ako, hindi alam ang isasagot. Kaya ngumiti na lang ako nang bahagya. "Goodnight, Mr. Bryd."

The Next Day....

Maagang pumasok si Wilbert at tinawag agad ako.

"Daphne, you're coming with me to an event today. Charity activity for kids at Bryd Foundation," sabi niya habang inaayos ang kanyang coat.

"Charity? Ikaw?" Napataas ang kilay ko. This guy doesn't look like the 'kind' type.

He glared at me. "What? You think I'm heartless?"

"Uh... no?" sagot ko, pilit na iniwas ang mata ko.

"Good. Let's go," malamig niyang sabi pero may bahid ng amusement sa tono niya.

Pagdating namin sa event hall ng Bryd Mall, sinalubong kami ng mga bata mula sa orphanage. May mga regalo at pagkain na nakahanda, at may mga volunteers na nag-aasikaso.

Nagulat ako nang makita kong kusa siyang lumapit sa mga bata at ngumiti. Oo, ngumiti.

"Kuya Wilbert!" sigaw ng isang batang lalaki na sabay yakap sa kanya.

"Uy, Angelo," bati niya, sabay salo sa bata at nilagay ito sa balikat niya. "You've grown taller since last time."

Hindi ko maiwasang mapatitig. He knows their names?

Habang nagbibigay siya ng mga regalo, nakita ko ang ibang side niya—yung hindi malamig at bossy. Nagtatawa siya kasama ang mga bata, naglalaro ng simpleng basketball shoot game sa gilid.

"Wow," bulong ko sa sarili ko. "He's... actually nice."

Habang nakaupo ako sa gilid, napansin niyang nakatingin ako.

"What?" tanong niya, nakataas ang kilay.

"Nothing," ngumiti ako. "Just... di ko lang in-expect na magaling ka pala sa mga bata."

Natawa siya nang mahina. "Kids are honest. They don't pretend. I like that."

Napangiti ako nang bahagya. So he has a heart after all.

Tahimik kami ni Wilbert habang naglalakad papunta sa parking lot. Hawak niya ang coat niya habang medyo nakangiti pa rin, parang naaalala pa ang saya ng mga bata kanina.

"Kanina..." sabi ko, b breaking the silence. "Hindi ko akalaing magaling ka pala sa mga bata. Parang ibang tao ka doon."

Tumingin siya sa akin nang saglit, may kaunting ngiti sa gilid ng labi. "You thought I was a monster, didn't you?"

"Hmm..." kunwari nag-isip ako. "Maybe... just a little. Pero kanina, parang—" Napahinto ako. "Parang nakakita ako ng ibang side mo."

"I'm not as bad as you think," sabi niya, sabay tingin sa malayo. "It's just... not everyone deserves to see that side of me."

Napangiti ako. "So, bakit ako? Bakit pinapakita mo?"

Nagtagpo ang mga mata namin. Ilang segundo kaming tahimik. "I don't know," sagot niya sa mababang tono. "Maybe... because you don't look at me the way everyone else does."

Habang nagmamaneho siya, hindi na ganoon ka-cold ang aura niya. Tumingin siya saglit sa akin at napansin kong medyo namumula ang pisngi ko.

"You should smile more," bigla niyang sabi. "Hindi bagay sa'yo ang mukhang pagod palagi."

"Wow, compliment ba 'yon? Or just another way of saying mukha akong zombie?" biro ko, pero may halong hiya.

Ngumisi siya, first time kong makita siyang totoong ngumiti. "Maybe both."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • You are my Sunshine   YAMS BOOK 2 Kabanata 4

    Daphne’s POVKinabukasan, maaga akong nagising. Hindi ko alam kung talaga bang nakatulog ako o basta na lang akong nakapikit buong gabi. Parang sunod-sunod lang ang mga nangyayari. Parang gising ako sa bangungot.Pero kahit gusto ko na lang umiyak buong araw, hindi puwede.Hindi puwedeng malaman ng mga anak ko.Pagbaba ko, nadatnan ko si Sam na nagsusuklay ng buhok sa dining area habang si Alby naman ay nanonood ng cartoons. Pareho silang nakangiti. Walang kaalam-alam. At ayoko pa silang bigyan ng dahilan para matakot.“Good morning, Mommy!” bati ni Sam habang nakangiting lumapit at humalik sa pisngi ko.“Morning, anak,” pilit kong ngiti. “Nagugutom ka ba? Gusto mo ba ng pancake o

  • You are my Sunshine   YAMS BOOK 2 Kabanata 3

    Daphne’s POVAraw ng alis ni Wilbert papuntang Palawan. Maaga siyang nagising, naligo, at tahimik na nag-empake ng last-minute essentials habang ako’y nakaupo lang sa kama, hawak ang mug ng mainit na tsaa. Tahimik lang ang buong kwarto, parang may bumabalot na malamig na hangin sa paligid.“Hon, gising ka na pala,” sabi niya habang sinusuksok ang laptop sa travel bag.“Hindi naman ako halos nakatulog,” sagot ko, sabay higop sa tsaa.Lumapit siya sa akin, hinaplos ang buhok ko at ngumiti. “I’ll be back agad. Just three or four days.”“Hmm. Be careful,” maikli kong sagot. Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit, pero may bumabara sa dibdib ko. Parang

  • You are my Sunshine   YAMS BOOK 2 Kabanata 2

    Daphne's POVIsang linggo na lang at aalis si Wilbert papuntang Palawan para sa business meeting niya. Gusto ko man maging excited sa family trip na susunod pagkatapos nun, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba — parang may kutob akong hindi ko maipaliwanag.Pagkatapos naming ihatid si Samantha sa school, dumiretso na ako sa Dior Fashion House. May meeting kasi ako with our creative directors para sa upcoming fashion show sa Hong Kong.Pagdating ko sa opisina, sinalubong agad ako ng assistant kong si Marie. “Ma’am, here’s your coffee and itinerary for today. Also, may investor po na gustong makipag-meeting in person. Big client from Singapore.”“Thanks, Marie. Can you schedule the meeting sa Friday?” sagot ko habang binu

  • You are my Sunshine   YAMS Book 2 Kabanata 1

    Daphne's POV It’s been 10 years. Malaki ang nagbago sa buhay ko simula noong makilala ko si Wilbert. Even my fortune changed, ipinasa na sa akin ni Lolo ang company niya. I am now the owner of the Dior Fashion House. Well, what can I say? Parang almost lahat na ata nasa akin na ,from my husband to my precious daughter, Samantha Miracle Dior Bryd, who’s already 12 years old. I also gave birth to my youngest son, Alby Kieth Dior Bryd, who’s already 6 years old. He’s a lot like his dad sometimes masungit pero sweet. Wala na akong hihilingin pang iba kung hindi ang makita na masaya ang pamilya ko. “Hon, oo nga pala, I’m going to have a business meeting next week sa Palawan,” sabi sa akin ni Wilbert habang nakahiga na kami sa kama. Napatingin ako sa kanya, medyo napakunot ang noo ko. “Gaano katagal?” tanong ko habang inaayos ang kumot sa pagitan naming dalawa.

  • You are my Sunshine   YAMS Book 2

    Hello everyone! Book 2 will be posted soon so stay tune po.

  • You are my Sunshine   End of Book 1

    Daphne's POV Two Years Later The morning sun streamed into our home, and I woke up to the sound of little footsteps. Pagmulat ko ng mata, nakita ko si Samantha, dalawang taong gulang na ngayon, nakangiti habang hawak-hawak ang paborito niyang stuffed toy. "Mommy, wake up!" masaya niyang sabi. Napangiti ako at kinuha siya para yakapin. "Good morning, my little miracle." Sa kusina, naroon si Wilbert, naghahanda ng almusal habang kumakanta ng mahina. Nilingon niya kami, ngumiti, at lumapit para halikan ang pisngi ko. "Good morning, Mrs. Bryd. How are my girls today?" "Perfect," sagot ko, tinitingnan ang lalaking dati ay hindi ko akalaing magiging mundo ko. Minsan naiisip ko, what if I gave up? What if I never fought through my sickness or never let Wilbert into my life? Hindi ko mar

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status