You are my Sunshine

You are my Sunshine

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-08-04
Oleh:  Quen_VheaBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel4goodnovel
10
1 Peringkat. 1 Ulasan
9Bab
11Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Paano kung isang araw, malaman mo na lang na mawawala ka na pala, hindi ba sobrang sakit noon para sa'yo? Paano kung sa panahon na iyon, hindi mo inaasahang makilala ang lalaking magpapatibok ng puso mo, na biglang magbibigay saya sa buhay mo nang hindi mo alam? Why would God give you someone when all you think is wala na talagang pag-asa ang buhay mo dahil sa maraming kamalasan ang natatanggap mo simula noon pa man?

Lihat lebih banyak

Bab 1

Kabanata 1

Daphen's POV

"Iha, I'm sorry, but you have a stage 2 brain tumor," sabi ng doctor sa akin. I froze upon hearing it. Kaya pala palagi na lang sumasakit ang ulo ko-it's because of the tumor na lumalaki sa ulo ko.

"Iha, are you still there?" pagtawag sa akin ni Doc. Kaya napabalik ako sa ulirat at ngumiti na lang kasi alam ko sa sarili ko na natatakot ako sa maaaring mangyari sa akin-kung mabubuhay ba ako nang matagal o hindi.

"Doc, can we do something about that po ba?" tanong ko sa kanya.

Tumingin sa akin si Doc, halatang mabigat ang sasabihin niya. "Iha, may mga paraan pa naman tayo. We can try surgery, radiation, or chemotherapy. Pero kailangan natin magmadali bago pa ito lumala."

Parang humigpit ang dibdib ko sa narinig. Surgery? Radiation? Hindi ko alam kung kaya ba ng katawan ko 'yon, o kung kaya ba ng puso ko ang lahat ng mangyayari.

"Doc... if ever po ba na hindi ako magpa-opera, ano ang mangyayari?" tanong ko, mahina ang boses na parang bata.

Umiling siya at saglit na tumingin sa mga papel sa kamay niya. "Iha, ayoko kang takutin, pero the tumor will keep growing. Pwede nitong maapektuhan ang pag-iisip mo, ang paningin, at pwede rin itong magdulot ng coma."

Napalunok ako at napatingin sa sahig. Paano kung wala na akong panahon? Paano kung lahat ng pangarap ko, hanggang pangarap na lang?

"Doc... give me time po, ha? I need to think about it." Pinilit kong ngumiti kahit ramdam kong nangingilid ang luha ko.

Tumango si Doc. "Iha, you're strong. But remember, the sooner we act, mas may chance tayo na malagpasan mo 'to."

I bid my farewell as I walk out of Doc's office, para akong lutang na kayang anurin ng hangin kung saan man ako dadalhin ng mga paa ko. Hindi ko alam kung ilang oras akong nagpalakad-lakad pagkatapos kong lumabas sa hospital.

Hindi ko na nga namamalayan na may nabangga na pala akong tao.

"Watch where you're going, miss!" malamig na sabi sa akin ng lalaking nabangga ko.

Hindi ko natignan ang mukha niya at yumuko na lang ako.

"S-sorry po," nanghihina kong sabi sa kanya. Matapos kong sabihin iyon, I fainted in front of him. The last thing I saw was his blurry face, at hindi ko na rin naramdaman na nahulog ako.

Pagmulat ng mga mata ko, amoy na amoy ko ang malinis at malamig na hangin na galing sa aircon. Pagtingin ko sa paligid, hindi ito hospital... pero parang condo unit na mamahalin. Saan ako?

Napalingon ako sa gilid at napatayo agad nang makita ko ang isang lalaking nakaupo sa sofa, nakatukod ang siko sa tuhod habang nakatitig sa akin.

"Finally, gising ka na," malamig niyang sabi, habang nakataas ang isang kilay.

"Uh... sino ka?" mahina kong tanong, hawak-hawak ang ulo kong tila mabigat pa rin.

Ikaw pa lang ang babae na nawalan ng malay sa harap ko," sabay tayo niya, diretsong lumapit sa akin. "I brought you here, sa condo ko, kasi nag-collapse ka sa gitna ng daan."

Napalunok ako. Condo niya? Hindi ko alam kung matatakot ba ako o magpapasalamat. "S-sorry po, and thank you... I'll just go na lang," sabay pilit akong tumayo.

Pero bigla niyang hinawakan ang braso ko, hindi naman madiin pero sapat para mapatigil ako.

"Hoy, are you even okay? You look pale. May sakit ka ba?" tanong niya, this time may bahid na ng pag-aalala ang boses niya.

Napayuko ako. Sakit? Oo, meron. Pero paano ko sasabihin sa isang estranghero na may brain tumor ako?

"H-ha? Wala, pagod lang ako," I lied sabay pilit na ngumiti.

Pero hindi siya kumbinsido. "You don't look fine. Wala ka bang pamilya? Boyfriend? Kahit sino man lang na tatawagan?"

Parang tinusok ang puso ko sa tanong na iyon. Wala. Wala akong kasama sa buhay ko.

"None," maikli kong sagot.

"What's your name?" tanong niya sa akin.

"I'm Daphne Dior, just call me Daphne na lang. How about you, what's your name?" tanong ko rin sa kanya, kahit nahihiya ako.

"Wilbert Keith Bryd," sagot niya, sabay kindat ng kaunti na para bang sinasabi niyang hindi ko makakalimutan ang pangalan niya.

Wilbert Keith Bryd... Napalunok ako, parang bigla akong nahiya. Ang sosyal naman ng pangalan niya.

"Wilbert... thank you ulit sa pagdala sa akin dito. Kung hindi dahil sa'yo, baka nakahandusay pa rin ako sa kalsada."

"Yeah, you're welcome," sagot niya habang tumayo at naglakad papunta sa kitchen counter. "But seriously, are you okay? Fainting like that, it's not normal. You look pale."

"Pagod lang ako," sagot ko, pilit na ngumiti. Pero halatang hindi siya naniniwala.

"You don't look fine, Daphne. Wala ka bang dapat tawagan? Pamilya? Boyfriend?"

Natigilan ako at napa-yuko. "W-wala."

Kumunot ang noo niya, halatang nagtataka. "Then what were you even doing out there? Parang wala kang pupuntahan."

Napahawak ako sa sentido ko, hindi alam kung sasabihin ko ba ang totoo. Should I tell him? Should I tell this stranger that I have stage 2 brain tumor?

"Then what were you even doing out there? Parang wala kang pupuntahan," tanong ni Wilbert habang nakapamewang, tinititigan ako na para bang binabasa ang kaluluwa ko.

Hindi ako agad nakasagot. Paano ko ba sasabihin na wala talaga akong direksyon? Na nalilito ako sa buhay ko?

"I... I just needed some air," sagot ko na lang, pilit na ngumingiti.

Napailing siya. "You almost passed out in the middle of the street dahil lang 'sa air'?" Napataas ang kilay niya, halatang hindi kumbinsido.

Tahimik lang ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin.

Bigla siyang nagbuntong-hininga at umupo sa gilid ng coffee table. "You know, most girls would kill just to faint in front of me, pero ikaw parang wala ka lang."

Napaangat ako ng tingin. "Ha? Bakit naman?"

"Don't tell me you don't know me," sagot niya na parang nagtataka.

Umiling ako. "Should I?"

Nakataas ang kilay niya, sabay ngumisi. "Wilbert Keith Bryd. Heir of Bryd Wealth. I own Bryd Mall."

Nanlaki ang mata ko. Bryd Mall?! As in yung mall na palaging laman ng social media dahil sa mga luxury brands?

"B-billionaire ka?!" halos hindi ko maisatinig ang tanong ko.

Nagkibit-balikat lang siya, parang wala lang. "More like trillionaire-to-be, but yeah, something like that."

Natahimik ako, hindi makapaniwala. "Sanaol sayo pre," Hindi halata sa kanya, kasi kahit simple lang ang suot niya, ang presensya niya palang ay malakas na.

"Now," sabi niya, nakatitig sa akin, "are you going to tell me what's wrong, or do I have to force you to eat first before ka pa ulit himatayin dito sa condo ko?"

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

user avatar
Chelle
Most Recommended Story! 🫶
2025-08-04 20:19:00
0
9 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status