Share

CHAPTER 08

Tatlong taon na mahigit magmula noong makaramdam muli ng kalayaan si Devon matapos niyang putulin ang koneksyon sa lalaking inakala niya'y hanggang dulo ay makakasama niya. High school noong makilala ang varsity player na kumuha ng atensyon niya dahil bukod sa mahusay ito sa paglalaro ng basketball, may taglay itong charisma na nagpapatili sa mga kababaihan sa tuwing tumutungtong ito sa gym sa kanilang eskwelahan. Walang interes si Devon sa kahit na anong sports noon ngunit araw-araw siyang pumupunta sa gym masilayan lang ang lalaking bumihag sa puso niya na kinalaunan ay naging nobyo niya.

Mestizo at mayroong maamong mukha na kapag nginitian ka, maaari kang mangingisay sa tuwa. Bilog ang mga mata, may makapal na kilay at matangos na ilong. Kulot ang kulay kahoy nitong buhok na isa sa mga katangiang panlabas na kumuha sa atesyon noon ni Devon.

" Hello, my darling. Long time no see. " Mariing napalunok si Devon nang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status