เข้าสู่ระบบAlfonso's POV)
Pinapanood ko siya mula sa likod ng heavily tinted glass ng sasakyan ko. Basang-basa siya ng ulan, nanginginig ang buong katawan, at nakayuko habang nakaharang sa harapan ng kotse ko. Kahit nakatalikod o nakayuko, kahit ilang taon pa ang lumipas, kilalang-kilala ko ang hugis ng katawan niya. Si Chantal. Ang babaeng nagparamdam sa akin kung gaano kasakit at kahirap ang maging mahirap. Kaninang umaga pa lang, eksaktong alas-otso nang mag-report ang executive secretary ko sa opisina para sabihing nasa lobby siya. Buong araw akong hindi mapakali sa executive suite ko. Kahit may mahalaga kaming board meeting kasama ang mga foreign investors, lumilipad ang isip ko. Ilang beses akong tumayo sa tapat ng floor-to-ceiling glass window ng opisina ko sa fiftieth floor para tingnan siya mula sa itaas. Nakita ko kung paano siya umupo sa gilid ng entrance. Nakita ko kung paano siya naghintay nang walang kain, walang tubig, at walang pahinga sa ilalim ng matinding sikat ng araw hanggang sa dumilim ang langit. Gusto ko siyang pababain sa security at ipataboy. Gusto kong iparamdam sa kanya ang parehong pagpapahiya na naranasan ko noon. Pero may isang bahagi ng utak ko ang gustong malaman kung hanggang saan ang kaya niyang tiisin. Gusto kong makita kung gaano siya kadesperada. Sumandal ako sa leather seat ng sasakyan habang patuloy ang pagbagsak ng malakas na ulan sa windshield. Bumalik sa alaala ko ang lahat ng pinagdaanan ko five years ago. Isa lang akong hamak na working student noon sa isang sikat na unibersidad. Naglalakad ako nang ilang kilometro araw-araw makatipid lang ng pamasahe, habang si Gideon Sandoval ay nakasakay sa mamahaling sports car at pinagkakaguluhan ng lahat. Mahal na mahal ko si Chantal noon. Siya ang unang babaeng nagpatibok ng puso ko. Kahit alam kong langit siya at lupa ako, sinubukan ko pa rin. Nagtrabaho ako bilang dishwasher sa gabi at delivery rider sa madaling-araw para lang makaipon ng pambili ng bulaklak at pagkain para sa kanya. Ilang beses akong nagtapat, ilang beses akong naghintay sa labas ng gate ng mansyon nila, pero paulit-ulit niya akong tinanggihan. Sa huli, pinili niya pa rin ang lalaking may pera, pangalan, at koneksyon. Naaalala ko pa nang gabing pumunta ako sa bahay nila para ibigay ang regalo ko sa birthday niya. Naabutan ko silang magkasama ni Gideon sa garden. Nang makita nila ako, tumawa lang si Gideon at tiningnan ang luma kong sapatos, habang si Chantal naman ay umiwas ng tingin na para bang ikinahihiya niya na kilala niya ako. At kinabukasan, hinarang ako ni Gideon sa eskinita sa labas ng unibersidad kasama ang dalawa niyang bodyguard. Itinulak nila ako sa pader at dinuro-duro ni Gideon ang dibdib ko. "Look at yourself, Alfonso," sabi niya noon habang nakangisi. "Ni pambili ng maayos na sapatos wala ka, tapos maglalakas-loob kang ligawan si Chantal? Know your place, trash. Layuan mo siya bago ko pa ipasara ang maliit na karinderya ng nanay mo at ipakulong siya sa gawa-gawang kaso." Lumayo ako. Hindi dahil duwag ako, kundi dahil ayokong madamay ang nanay kong may sakit sa puso. Nilunok ko ang lahat ng pride ko. Ibinuhos ko ang lahat ng galit, hiya, at sakit sa pagtatrabaho. Halos hindi na ako natutulog, nagkakasakit na ako sa sobrang pagod at gutom, hanggang sa bawian ng buhay ang nanay ko nang hindi man lang nakakatikim ng ginhawa. Ang pagkamatay niya habang hawak ko ang malamig niyang kamay sa isang pampublikong ospital ang nagtulak sa akin para patayin ang anumang awa sa puso ko. Ginawa kong sandata ang galit ko. Ngayon, isa na ako sa pinakabatang bilyonaryo sa bansa. Ang G&B Corporation ay mas malaki, mas mayaman, at mas makapangyarihan na kaysa sa buong angkan ng mga Sandoval. Pero ngayon, narito siya. Ang babaeng dahilan ng lahat ng sugat ko, nakatayo sa gitna ng malakas na ulan at nagmamakaawa sa harapan ng sasakyan ko. "Sir Alfonso, paano po ito? Mukhang hindi po siya aalis diyan kahit businahan ko nang malakas," tanong ng driver ko habang nakatingin sa rearview mirror. "Baka po mag-cause ng scene sa labas ng building." Huminga ako nang malalim, pilit na pinapatigas ang puso ko na parang gustong lumambot nang makita ang nanginginig niyang balikat. "Give me the umbrella." "Pero Sir, malakas po ang ulan, baka mabasa kayo—" "I said give me the umbrella," malamig kong putol sa kanya. Inabot ng driver ang malaking itim na payong. Binuksan ko ang p***o ng sasakyan at bumaba sa gitna ng malakas na buhos ng ulan. Malamig ang hangin at agad na nabasa ang laylayan ng mamahalin kong pantalon. Naglakad ako palapit sa kanya habang hawak ang payong, pinipilit na itago ang kirot sa dibdib ko nang makita ko nang malapitan kung gaano siya kaputla, kapayat, at nanghihina. "Chantal," malamig kong tawag. Nag-angat siya ng tingin. Magulo ang basang buhok niya na nakadikit sa maputla niyang pisngi. Nang makita niya ako, nanlaki ang mga mata niya at agad siyang lumuhod sa basang semento. Kumapit ang nanginginig niyang mga kamay sa laylayan ng pantalon ko. "Alfonso! Thank God lumabas ka. Please, tulungan mo ako," humahagulgol niyang sabi, halos hindi na maintindihan ang boses niya dahil sa panginginig ng mga labi niya sa lamig. Pinilit kong tumawa nang mapakla, kahit parang sinasaksak ang puso ko habang nakikita siyang nakaluhod sa harap ko. "Look at the irony of life. Ang dating prinsesa ng pamilya Sandoval, nakaluhod ngayon sa harap ng lalaking binasura niya noon. What kind of drama is this, Chantal? Inutusan ka ba ng magaling mong asawa para guluhin ang kumpanya ko? Is this another one of Gideon's dirty tricks?" Umiling siya nang mabilis, kumakapit pa rin nang mahigpit sa pantalon ko na para bang ako na lang ang natitirang lubid na puwede niyang kapitan. "Hiwalay na kami! He signed the divorce papers last night. Niloko niya ako, Alfonso. Dinala niya ang kabit niya sa bahay namin at pinalayas niya ako nang walang kahit ano. Wala na akong natira." Natigilan ako. Tiningnan ko nang diretso ang mga mata niya. Walang bakas ng pagsisinungaling o pag-arte doon. Puro sakit, pagod, at matinding desperasyon lang ang nakikita ko. "At bakit ako ang pinuntahan mo?" tanong ko, ibinababa nang kaunti ang payong para matakpan siya mula sa ulan, kahit kunwari ay naiinis pa rin ako. "Hindi ba't malinaw na sinabi mo sa akin noon na hinding-hindi ka magkakagusto sa isang katulad ko? Bakit hindi ka humingi ng tulong sa mga mayayaman mong kaibigan o sa mga ka-sosyo ng pamilya mo?" Tumayo siya, pilit na nilalabanan ang panginginig ng tuhod niya. Muntik pa siyang matumba pero agad siyang nakabawi. Tumingin siya sa akin nang may matinding determinasyon at galit sa mga mata. "Alam kong galit ka sa akin, Alfonso. Alam kong hindi mo ako mapapatawad sa lahat ng ginawa ko sa'yo noon, at hindi ko hinihingi ang kapatawaran mo," sabi niya habang pinupunasan ang tubig-ulan sa mukha niya. "Pero ikaw na lang ang nag-iisang tao na alam kong kayang tapatan at pabagsakin si Gideon. Gusto kong makaganti. Gusto kong ipamukha sa kanya ang lahat ng ginawa niya sa akin at sa pamilya ko." "And what's in it for me?" tanong ko, monakataas ang isang kilay at nakapamulsa ang isang kamay. "I'm a businessman, Chantal, not a charity foundation. Hindi ako pumapasok sa isang bagay nang walang kapalit." "Iniiwan ako ng asawa ko dahil sa babae niya, kaya gusto ko ring mag-asawa ulit," diretsa niyang sabi. Napakurap ako. Tama ba ang narinig ko sa gitna ng malakas na ulan? "Will you marry me, Alfonso?" tanong niya ulit, hindi kumukurap kahit bumabagsak ang ulan sa mukha niya. "Promise, I will treat you good this time. Susundin ko ang lahat ng gusto mo. Tutulungan kitang pabagsakin ang Sandoval Group. Alam ko ang lahat ng sikreto sa negosyo nila, ang mga iligal nilang transaksyon, at kung saan sila kumukuha ng pondo. Basta tulungan mo lang akong bumangon at makaganti sa kanya." Natahimik ako. Biglang pumasok sa isip ko ang mayabang na mukha ni Gideon. Ang makita ang pagbagsak ng kumpanya niya habang kasal sa akin ang babaeng akala niya ay habambuhay niyang hawak sa leeg? Masyadong nakakatukso. Isang perpektong paghihiganti para sa lahat ng pangmamaliit niya sa akin at sa nanay ko noon. Pero sa kabilang banda, biglang pumasok ang mga babala sa isip ko. Naalala ko ang sinabi ng matalik kong kaibigan at business partner nang malaman niyang bumalik na ako sa bansa. "Huwag na huwag ka nang lalapit kay Chantal, Alfonso. She's poison. Pinaglaruan ka na niya noon, at sisirain ka lang niya ulit kapag nakuha na niya ang gusto niya." Tama siya. Mapanganib ang babaeng ito. Hindi ako dapat magtiwala nang basta-basta. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Basang-basa siya, naninigas na sa lamig ang mga labi niya, pero nakataas pa rin ang noo niya. Hindi pa rin nawawala ang tapang at pride ng isang Chantal. At kahit anong pilit kong itanggi sa sarili ko, may isang bahagi pa rin ng pagkatao ko ang ayaw siyang makitang nahihirapan nang ganito. Naglakad ako pabalik sa sasakyan at binuksan ang p***o sa likod. Lumingon ako sa kanya habang hawak pa rin ang payong. "Fine. Hop on," sabi ko nang walang kahit anong emosyon sa boses ko. "Actually, I needed a personal maid right now. Nag-resign ang katulong ko kaninang umaga, and I need someone to clean my penthouse and cook my dinner tonight." Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya, sinundan ng bahagyang pamumula ng pisngi niya dahil sa pang-iinsulto ko. Pero sa halip na magalit o umatras, agad itong napalitan ng isang tipid pero matapang na ngiti. "Deal," sagot niya. Kinuha niya ang maliit niyang maleta sa gilid ng kalsada, inilagay ng driver ko sa compartment, at sumakay siya sa tabi ko sa loob ng sasakyan. Isinara ko ang p***o at umandar ang kotse palayo sa gusali. Habang tahimik kaming bumibiyahe sa gitna ng malakas na ulan, pasimple kong sinulyapan ang babaeng basang-basa sa tabi ko. Nakayakap siya sa sarili niya habang nakatingin sa labas ng bintana. Hinubad ko ang suit jacket ko at ibinalot sa balikat niya bago pa ako makapag-isip nang maayos. Alam kong simula sa gabing ito, isang mapanganib na laro na ang pinasok naming dalawa.Chantal's POV)Halos magyelo ang buong katawan ko sa sobrang lamig ng aircon sa loob ng sasakyan ni Alfonso. Nakayakap ako sa sarili ko habang nakatingin sa bintana, pinapanood ang mabilis na pagdaan ng mga ilaw sa kalsada. Basang-basa pa rin ang bestida ko at nanginginig ang panga ko, pero pilit kong pinipigilan ang pagngangalit ng mga ngipin ko. Ayokong magmukhang kawawa sa harap niya. Nakapirma na ako sa kontrata ng paghihiganti nang sumakay ako sa kotse na ito, at hindi na ako puwedeng umatras.Narinig ko ang pagkaluskos sa tabi ko. Biglang may tumabing na makapal at mabangong tela sa balikat ko. Napalingon ako at nakita ang mamahaling suit jacket ni Alfonso na nakabalot na sa akin. Amoy mamahaling pabango at matapang na kape."Don't get the wrong idea," malamig niyang sabi habang nakatingin pa rin sa hawak niyang tablet. "I just don't want you getting sick on your first day. Sino na lang ang maglilinis ng penthouse ko kung mamamatay ka sa pulmonya?"Napakagat ako sa labi ko at ma
Alfonso's POV)Pinapanood ko siya mula sa likod ng heavily tinted glass ng sasakyan ko. Basang-basa siya ng ulan, nanginginig ang buong katawan, at nakayuko habang nakaharang sa harapan ng kotse ko. Kahit nakatalikod o nakayuko, kahit ilang taon pa ang lumipas, kilalang-kilala ko ang hugis ng katawan niya.Si Chantal. Ang babaeng nagparamdam sa akin kung gaano kasakit at kahirap ang maging mahirap.Kaninang umaga pa lang, eksaktong alas-otso nang mag-report ang executive secretary ko sa opisina para sabihing nasa lobby siya. Buong araw akong hindi mapakali sa executive suite ko. Kahit may mahalaga kaming board meeting kasama ang mga foreign investors, lumilipad ang isip ko. Ilang beses akong tumayo sa tapat ng floor-to-ceiling glass window ng opisina ko sa fiftieth floor para tingnan siya mula sa itaas. Nakita ko kung paano siya umupo sa gilid ng entrance. Nakita ko kung paano siya naghintay nang walang kain, walang tubig, at walang pahinga sa ilalim ng matinding sikat ng araw hanggan
Hinding-hindi ko malilimutan ang amoy ng mamahaling pabango na kumapit sa sofa namin nang gabing iyon. Dahil hindi iyon sa akin. Masyadong matapang, masyadong matamis, at sigurado akong galing iyon sa babaeng nakaupo ngayon sa kandungan ng asawa ko.Nakatayo lang ako sa bungad ng sala, mahigpit ang hawak sa laylayan ng simple kong bestida. Dalawang taon. Dalawang buong taon akong nagbulag-bulagan sa lahat ng kalokohan ni Gideon. Kinaya ko ang malamig niyang pakikitungo tuwing uuwi siya nang madaling-araw. Tiniis ko ang mga bulung-bulungan at mapang-uyam na tingin ng mga amiga niya tuwing may party kaming dinadaluhan. Pinilit kong intindihin ang mga gabing hindi siya umuuwi dahil daw sa trabaho, kahit alam kong nasa ibang kama siya. Pero ang dalhin ang kabit niya dito mismo sa pamamahay namin? Ibang usapan na iyon."Gideon," tawag ko, pilit na pinapatatag ang boses ko kahit nanginginig na ang buong katawan ko sa pinaghalong galit at sakit.Sabay silang lumingon sa direksyon ko. Ni hind







