Share

CHAPTER 13 - MALARIA

YVONNE'S POV.

Nakakatulog na ako nang bigla akong magising. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mga kamay ni Ervin na unti-unting lumalamas sa dibdib ko. Naramdaman ko na rin ang paghalik niya sa balikat ko. Pati na rin ang pagdikit ng kaselanan niya sa pang-upo ko.

Tinapik ko ang kamay niya sa dibdib ko at bahagyang lumayo sa kaniya. Nanatili akong nakatalikod sa kaniya.

"Ano ba, Ervin? Nakikita mo namang natutulog na ako," galit na sabi ko.

"Isa lang naman, honey..." hinahapong sabi niya.

Napasinghal ako sa inis.

"Ervin, please! Ayoko! Inaantok na ako. Tsaka na lang 'yan," suway kong muli sa kaniya ngunit nagpatuloy lamang siya sa ginagawa niya.

"Ervin, ano ba?!" Bumangon ako nang pagalit. Bumangon din siya at sumimaktol sa akin. Nagmamakaawa ang mukha niya.

"Sana naman irespeto mo ako. Kung ayoko, huwag mo akong pilitin!" iritableng sigaw ko at bumangon sa kama. Akma na akong aalis nang hawakan niya ang kamay ko. Doon ko lang napagtanto na wala na siyang damit pang-itaas. Ma
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status