Share

Chapter 4 - Arestado

Author: Hinata Writes
last update publish date: 2026-06-26 14:46:47

Naalimpungatan ako sa tunog ng cellphone ko. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang unan at matutulog na sana ulit nang bigla kong naalala ang mga nangyari kagabi.

May lalakeng humalik sa akin.

Binuhat niya ako papunta sa VIP room.

Tapos...

Tapos!

Sa sobrang pagkabigla ay napabalikwas ako nang bangon at kaagad na napatingin sa sarili ko. Kumunot ang noo ko nang makitang suot ko ang mga damit ko. Kahit ang undies ko ay suot ko pa.

Panaginip lang ba iyong kagabi?

Teka? Bakit parang disappointed ako?

Tumunog ulit ang cellphone ko at nang hanapin ko iyon ay maayos itong nakalagay sa bedside table kasama ang card holder ko at susi ng sasakyan ko.

Inabot ko ang cellphone ko at nakitang si Charm iyon— ang handler ng grupo namin. Kaagad ko iyong sinagot.

"Vivian is coming."

Kaagad niya ring pinatay ang tawag. Walang tanong-tanong, walang kailangang ipaliwanag. Iyon ang rules niya.

Pure work. Hindi niya pinapakialaman ang personal naming buhay. Pero sa oras na pumalpak kami pagdating sa trabaho— mas masahol pa siya kay satanas.

At si Vivian...

Our one and only foundress. Ang nagbigay ng titulong lakwatsera sa akin. Kung bakit ay walang nakakaalam.

Sinuri ko ang sarili ko. Sinigurong walang nakakabit na chip sa katawan ko o sa mga damit at gamit ko. Hindi ko pa naman kilala ang lalakeng iyon. Anong malay ko kung kalaban pala siya. Mas mabuti nang maingat.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at kaagad na lumabas ng VIP room. Sakto namang nakasalubong ko si Mavi, katatapos lang siguro ng shift niya at pauwi na rin.

Hindi ko gusto ang pagkakangiti niya sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit?"

"Hindi mo naman naikwento sa amin na may jowabels ka pala," nakangiti niyang sabi at marahan pa akong siniko. "In fairness, ang gwapo at ang yummy pa."

So hindi pala panaginip iyong kagabi?

Binihisan niya ako at maayos pang nakalagay ang mga gamit ko sa bedside table. Gentleman ba siya o nang-aasar lang? Na parang bang sinasabi niyang 'pasalamat ka at matinong lalake ang nakasama mo kagab'.

Napahinga ako nang malalim. Isa pa, bukod sa dignidad ko ay wala namang nawawala sa mga card ko at kahit ang susi ng sasakyan ko ay hindi niya man lang ninakaw.

Sa panahon ngayon, bihira na lang talaga ang mga lalakeng ganoon. Pero hindi pa rin ako bilib. Kung gentleman naman pala siya, hindi sana siya nag-take advantage sa akin dahil lasing ako. Pare-parehas lang talaga ang mga lalake. Kapag may putaheng nakahain, kakain at kakain talaga sila.

Wala na akong magagawa. Kasalanan ko rin naman.

One night stand lang naman iyon at sigurado akong hindi na kami magkikita.

"Aalis ka na?"

Muntik na akong mapatalon nang makasalubong ko siya nang makalabas na ako ng bar. May bitbit siyang paperbag na galing sa isang fastfood.

"Ayaw mong mag-almusal muna?" tanong niya pa.

Inisip ko pa naman na na-hit and run ako. Pero bumili lang pala siya ng agahan.

Mas lalo kong nakikita ang gwapo ng mukha niya. Lalakeng-lalake. Hindi gaanong maselan pero halatang matikas ang pangangatawan niya.

Pero ang ipinagtataka ko ay bakit parang naputulan ako ng dila at hindi ko alam kung anong sasabihin. Bago ko pa man mahanap ang kung anong dapat sabihin ay may biglang sumigaw.

"Hoy! Mga hayop kayo!" Isang babaeng nakasakay sa isang magarang kotse. "Talagang umabot ng umaga ang kalandian ninyo!"

At hindi ko na napaghandaan ang sumunod na nangyari. Isang baldeng tubig ang sinaboy niya sa akin. Sino bang mag-aakalang may dala siyang balde ng tubig sa magarang kotse na iyan?

"Fuck you!" sigaw pa ng babae. Kaagad na humarurot palayo ang sasakyan.

Napanganga na lang ako at hindi na makagalaw sa kinatatayuan ko. Ten years na akong hindi nakakaranas ng kamalasan. Ngayon na lang ulit at dahil pa sa lalakeng ito!

"Ayos ka lang ba?" tanong niya at binitiwan ang dalang paperbag saka lumapit sa akin. Halatang hindi niya alam ang gagawin habang nakatingin sa akin na parang basang sisiw.

Sinamaan ko siya ng tingin at akma niya sana akong hahawakan pero itinaas ko ang kamay ko at hindi na siya pinansin. Baka kasi kapag nagsalita pa ako ay tuluyan na akong sumabog. Dali-dali akong naglakad papunta sa kung saan naka-park ang kotse ko.

Habang nagmamaneho ay kung ano-anong plano na ang inisip ko. Hahanapin ko ang babaeng iyon at gaganti ako sa ginawa niya! Nagkamali siya nang kinalaban. Forte ko pa naman ang pangangalap ng impormasyon. Hindi ako lakwatsera para lang sa wala.

At ang lalakeng iyon? Sinusumpa ko siya!

Kaagad akong naligo pagkauwi ko sa condo ko. Pagkatapos maligo ay nagtapis ako ng tuwalya habang pinapatuyo naman ang buhok ko gamit ang isa pang tuwalya.

Natigilan ako nang makita ang sarili ko sa salamin. May pulang marka sa leeg ko. Tinanggal ko ang tuwalya at tumambad sa akin ang napakaraming pulang marka.

"Ang bwesit na yun!"

Naglagay ako ng ilang damit at gamit sa maliit kong maleta. May mga gamit naman ako sa isla kaya okay na ito. Hindi ko pa alam kung ilang araw kaming lalagi roon. Minsan lang umuwi si Vivian kaya siguradong mahalagang bagay ang sadya niya rito.

Pero sa totoo lang ay hindi pa siya nakikita nang personal ng buong grupo. Kaya ngayon na personal siyang pupunta ay may pag-asa na akong masabi sa kanya ang lahat ng katanungan ko.

Nilagay ko sa maliit na packbag ang passport ko, cellphone, at ang undetectable kit na meron ang bawat isa. Para lang iyong salamin na may foundation pero sa maliit na portion nito sa ibaba ay nakalagay ang ibat-bang maliliit na basic weapon na nagagamit namin sa bawat mission. Gawa iyon ni Rhiona, ang expert technologist ng grupo.

Na-check ko na rin ang plane ticket na in-email sa akin ni Eura. Lahat nang may kinalaman sa computer at hacking ay trabaho niya.

Mga isang oras din ang binyahe ko papunta sa airport.

"Ikaw na naman, ma'am? Kababalik mo lang kahapon galing Hong Kong, ahh," sabi ng guard habang tinitingnan ang passport ko.

Ngumiti ako. "Ganoon talaga, kuya. Hindi ko na alam kung saan gagastusin ang pera ko. Bibili lang ako ng kape sa Palawan at babalik din."

Yap! I'm not a lakwatsera for nothing.

Ganoon na kalayo ang niliko ng buhay ko. Mula sa isang babaeng halos patayin ang sarili makapagtrabaho lang para sa kapatid na hindi man lang tumanaw ng utang na loob, hanggang sa babaeng kung saan-saang lupalop ng mundo na napadpad.

Iyon ang trabaho ko. Kumakalap ako ng impormasyon na hindi sakop ng kakayahan ni Eura.

Mga assassin kami. Pito kaming lahat sa grupo. Maraming grupo sa organisasyon namin— ang Hermana. Ang islang pupuntahan ko ay isang isla na pag-aari ng Hermana, ang Isla Hermana. Iyon ang nagsilbing hideout ng organisasyon.

Pero...

Mga masasamang uri ng tao sa lipunan lang ang pinapatay namin. Pero hindi ibig sabihin niyon ay hindi na kami masama. Kahit kailan ay hindi resonable ang pumatay kahit ano pa man ang dahilan.

At iyon ako.

Masama ako.

Nakapila na ako para sa check in nang biglang may sumulpot sa harapan ko.

"Miss Yzrah Scarlet Valmores, inaaresto ka namin sa salang identity theft o impersonation..."

Hindi ko na marinig ang mga sinasabi niya dahil nabigla talaga ako na ang lalakeng nakasiping ko kagabi ay isa palang pulis at inaaresto ako ngayon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Yzrah, Ang Lakwatsera (Bachelorette Series 1)   Chapter 28 - Mansyon Ng Mga Animal

    Muntik na akong mapasigaw nang malamang ang location na binigay ay ang mismong mansyon ni Olympia Savada. "Mukhang umaayon sa atin ang tadhana."Ang misyon ay makapasok sa kampo nila. Sabihin na lang natin na wala sa mansyon ni Olympia ang kampo ng Red Serpent pero ang makapasok sa mansyon niya ay malaking bagay na.Naghanda na ako. Nilagay ko na sa mga mata ko ang undetectable contact lense. Sinuot ko na rin ang hikaw ko na isang earpiece.Nilagay sa maliit kong pouch ang salamin na may foundation, pero hindi iyon basta foundation lang. Sa loob niyon ay may iba't ibang maliliit na bagay na nagagamit namin sa mga misyon namin— may maliit na karayom na pwede maging susi, may maliit na blade, at kung ano-ano pa. Undetectable rin ito.Nagsuot ako ng mga damit na ang mga brand ay ayon sa panlasa ni Olympia."Woahhh..." bulong ni Eura habang nakatingin sa akin mula sa screen."Pwede ka rin pala maging tao, Cap?" nang-aasar na tanong ni Amariya.Nakaabang na ang medic at tech team sa monito

  • Yzrah, Ang Lakwatsera (Bachelorette Series 1)   Chapter 27 - Kidnap

    Kinabukasan ay maaga akong nagising at naghanda. Pagdating ko sa library ay may nakahanda ng almusal pero wala si Ivan sa loob. Nakita ko ring nasa flower vase na ang binigay niyang bulaklak kagabi."Good morning, Cap," halos sabay na bati nina Eura at Anthony na mukhang kagigising lang."Good morning," ganti kong bati. "Natulog ba kayo?"Tumangi si Eura. "Sina Sir David at Charm ang pumalit sa amin kagabi at sila naman ang natutulog ngayon. Minsan ay tumutulong din ang tech team at medic team."Tumango na lang ako at kaagad na humigop sa kape. Mainit pa naman. Nasaan ba si Ivan?"Kung hinahanap mo si Ivan ay may binili lang saglit sa convenience store," sabi pa ni Anthony."Hindi ko siya hinahanap," pagdedepensa ko."Good morning, Cap," bati ni Samantha. Kasunod niya namang nagpakita sa screen ay sina Harvey at Renzo."Good morning, guys," sabay na bati ng dalawa.Hindi nagtagal ay nasa screen na rin sina Zereen at Alaric."So, anong ganap today?" tanong ni Zereena."As usual, hihint

  • Yzrah, Ang Lakwatsera (Bachelorette Series 1)   Chapter 26 - Plan B

    Nandito na kami sa library at nakaharap sa malaking screen na naka-divide sa apat— para kaming nag-group video call. Nakahanda naman ang buong plano, ang pagsasagawa na lang ang kulang, kaya wala akong ibang ginagawa kung hindi ang nakaabang sa cellphone ko at naghihintay ng messae mula kay Charmaigne."Paano kung hindi tayo makatanggap ng message o kahit anong imbitasyon mula kay Charmaigne?" tanong ni Eura mula sa kabilang linya.Hindi man namin nakikita ang lahat pero naririnig naman namin ang bawat isa dahil sa earpiece na gamit namin."Magpapapansin nang magpapapansin," sagot ni Ivan."Hindi pwede," kaagad ko namang sabi. "Makakahalata na sila kapag ganoon. Isa pa, kumalma kayo. Ni hindi pa nga nag-isang araw."Pero sa loob-loob ko, paano nga kung hindi?Back to scratch na naman.Panimulang plano na naman na hindi kami mahahalata. Kailangan iyong parang natural encounter lang. Kumbaga tinadhana talagang magtagpo ang mga landas namin. Iyong balang araw ay ituturing niya akong best

  • Yzrah, Ang Lakwatsera (Bachelorette Series 1)   Chapter 25 - Maelynn

    Halos mapanganga ako sa hinanda niya. Nakaluto siya ng steak? Tapos ang hitsura ay parang iyong nasa restaurant talaga. Tapos ang set up ng mesa ay hinanda niya rin. May pa-wine pang nalalaman. Kulang na lang talaga ay kandila at bulaklak.Ano ba itong naiisip ko."Tikman mo muna bago mo ako purihin diyan," nakangising sabi ni Ivan.Inirapan ko lang siya at naghiwa na sa steak. "Ang aga pa para maghapunan.""Alas sais na kaya hapunan na rin na matatawag," sagot niya naman at biglang umalis.Kulang na lang ay mapapitik ako sa ere dahil ang sarap! Napapatango pa ako at naghiwa ulit at ipinatong iyon sa mashed potato bago sinubo. Ang sarap ng kombinasyon!Pero wala bang rice?Nagulat ako nang may nilapag siyang isang bouquet ng pulang rosas. "Para sayo. Bilang isang manliligaw, normal naman siguro kung magbigay ako ng bulaklak? At pula iyan, Scarlet..."Kailan pa siya nakabili nito?Napatingin ako sa kumpol ng pulang rosas. Unang beses kong makatanggap ng bulaklak. Ganito pala ang pakira

  • Yzrah, Ang Lakwatsera (Bachelorette Series 1)   Chapter 24 - Chef

    "Navy, on it.""Jade, all eyes.""Amber, standby.""Scarlet, we're ready," sabi ko habang nagtatakang tingin naman ang ibinibigay sa akin ni Ivan."Anong klaseng mga codename ba ang meron kayo?" nakataas ang kilay na tanong ni Ivan. "Tapos sayo, scarlet? Dapat sayo poison."Sinapak ko siya at kaagad naman siyang napa-aray. "Kung hindi ka bobo, mga kulay ang mga codename namin. Kaya kapag nasa misyon kami, kahit hindi namin mabasa ang mga codename, makita lang namin ang kulay, alam na namin kung sino iyon."Obvious naman kung anong kulay ang mayroon ang bawat isa sa amin kung pagbabasehan lamang ang codename namin.Scarlet ang codename ko at kulay pula iyon.Navy ang codename ni Samantha at kulay blue naman iyon.Jade ang kay Eura at obviously green iyon.Amber kay Zereena at kulay orange naman iyon.Canary ang codename ni Xena at kulay yellow iyon.Ivory ang kay Amariya at gray ang kulay niyon.Plum kay Rhiona at violet naman iyon.Sa nakalipas na mga taon ay naging paborito na namin

  • Yzrah, Ang Lakwatsera (Bachelorette Series 1)   Chapter 23 - Sayo Lang Uuwi

    "Bago ko ipaliwanang ang mga detalye ng palabas na gagawin natin ay kailangan muna ninyong malaman na may pitong target tayo," pagpapaliwanag ko ulit at hindi na pinansin ang nakasimangot na si Ivan. "Nang si Olympia na ang namamahala ng Red Serpent ay muntik na itong maipasara. Pero sa tulong ng kanyang anim na kaibigan ay naisalba nila ito. Kaya sa kasalukuyan ay hindi lang si Olympia ang may-ari ng Red Serpent. Kung hindi pito silang lahat. Bawat isa sa kanila ay may departamento.""Tang ina, ang lala nila..." sabi ni Rhion. "May departamento pa silang nalalaman."Napapatango naman ang karamihan."Ibig sabihin, hindi natin mapapabagsak ang Red Serpent kung si Olympia lamang ang target. Hindi kawalan ng Red Serpent kung mawalan sila ng isang departamento," patuloy ko sa pagpapaliwanag. "Kaya ang lahat sa atin dito ay magagampanan ang role ng pagiging actor at actress. Bawat team ay may sariling target. Higit sa lahat, hindi sabay ang pag-atake sa bawat target. One at a time."Nilin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status