LOGINKanina pa ako nakaupo rito sa loob ng interrogation room. Hindi ko alam kung bakit dinala pa nila ako rito dahil wala namang nagtatanong o nag-i-interrogate sa akin.
Dalawang oras na ang lumipas at kanina pa umalis ang eroplanong sasakyan ko. Kapag ako nakatanggap ng parusa mula kay Charm, babalikan ko ang mga hayop na iyon. Sa twing naaalala ko ang lalakeng iyon, gusto kong sabunutan ang sarili ko. Paano ko hinayaan ang sarili kong magkaroon ng ugnayan sa isang pulis! On the second thought, hindi ko rin naman kasalanan dahil malay ko bang pulis pala siya. Alangan namang bago ako makipag-sex sa kanya ay tatanungin ko muna siya kung anong trabaho niya? Pero kasalanan ko rin naman dahil naglasing ako. Pero hindi pa naman ito nangyayari sa akin noon pa— Teka lang... Planado ba ito lahat ng pulis na iyon? Mas lalo tuloy akong naiinis! Kapag nalaman ng grupo na naisahan ako ng isang hamak na pulis, hindi lang nila ako pagtatawanan, araw-araw nila akong aasarin! Kung planado niya ito, ibig sabihin ay under surveillance na ako? Paano nangyari iyon? Ni minsan ay hindi pa kami nahuhuli at hindi rin kami nag-iiwan ng ebidensya. Malinis kaming magtrabaho. At ang pinakaimposible pa ay kapulisan ang nakahuli sa amin? Maniniwala pa ako kung mas mataas na opisyal o mga private intelligence at mga bihasang agent. Pero isang pulis? No way! Ang Hermana ay isang international na organisasyon. Kung mahuhuli man kami mas matatanggap ko pa kung INTERPOL ang makakahuli sa amin! Hindi naman sa nagmamayabang ako na assassin kami. Pero naman kasi, hindi ko talaga matanggap! Hindi ko matanggap na nahuli kami? O hindi ko lang matanggap na nakipag-sex ako sa pulis na iyon! Pero bakit nagiging maingay ako sa isipan ko? Muntik na akong mapatalon nang biglang bumukas ang pinto. Pero kunwari ay wala akong pakialam. Kalma self. "Handa ka na ba sa mga tanong?" May nilapag siyang laptop at mga folder sa mesa. Nakatingin lang ako sa gitna ng mesa at kahit gusto ko siyang tingnan nang masama ay pinigilan ko ang sarili ko. Kahit hindi ko siya lingunin alam kong siya ang lalakeng iyon. Ngayon ko lang din napagtanto na hindi ko alam ang pangalan niya. Nyeta! "Panglan?" Nagsimula na siya sa pagtatanong. Ngumisi ako. "Kanina lang ay binanggit mo nang buo ang pangalan ko nang arestuhin mo ako." "Parte lang ng procedure at protocol," sagot niya naman sa akin. Sa pagkakataong ito ay matapang kong sinalubong ang mga tingin niya sa akin. "Ah, parte rin pala ang pakikipagsiping sa akin sa protocol ninyo?" Gumalaw ang Adam's apple niya at saglit kaming nagtitigan. Una siyang umiwas ng tingin at bago niya pa mapatay ang live audio recording ay bumukas muli ang pinto. "Nag-sex kayo!" Nang lingunin ko ang sumigaw at mapagsino siya ay kaagad akong napangisi. "Wow... Sa tingin ko ay kailangan ko ang abogado ko dahil may kakasuhan akong babae na bigla na lang akong sinabuyan ng isang baldeng tubig. Tapos malalaman kong pulis pala ang babaeng iyon?" "Anong sabi mo!" sigaw pa ng babae at may mga pulis na ang humihila sa kanya palabas. "Under Article 287 of the Philippine Revise Penal Code, unjust vexation, also classified as a form of light coercion," mayabang kong sabi sa kanya. Hindi man ako nakapag-aral nang maayos pero grabe ang training na dinanas namin sa Hermana. "Pwede kang masuspende sa posisyon mo at malala pa ay baka matanggal ka sa serbisyo." Nanlaki ang mga mata niya sa sobrang pagkainis sa akin pero wala na siyang nagawa nang hilain na siya ng dalawang pulis. Kaagad ko namang hinarap ang walang hiyang pulis na hindi na makatingin sa akin. "I want to make a phone call, unless you want your badge to be taken from you." "Look, it's not—" "Hindi ko kailangan ng paliwanag mo," putol ko sa sanang sasabihin niya. "Kailangan ko ang abogado ko." "Papayagan kitang tumawag—" "At sino ka para hingan ko ng permiso?" taas-kilay kong tanong sa kanya. "This is only an emergency arrest dahil wala kayong pinakitang warrant of arrest. Kung may ipapakita kayong ebidensya para akusahan ako ng identity theft, baka pwede ko pang sagutin ang mga tanong ninyo." Tinulak niya ang mga folder na dala niya kanina papalapit sa akin. "Nandyan lahat." Tiningnan ko lang iyon. "Wala akong panahon para basahin lahat ng iyan. Trabaho mong ipaliwanag sa akin ang lahat, hindi ba? I missed my flight, will you compensate it?" Narinig ko ang malalim niyang paghinga at saka pinaharap sa akin ang laptop. "You were caught on camera." Tiningnan ko naman ang tinutukoy niya. Ako nga ang nasa screen. Tiningnan ko ang petsa. Naalala kong nasa kalagitnaan ako ng misyon ng araw na iyon. Tang inang Eura! Akala ko ba na-hack niya lahat ng CCTV sa building na iyon? "Nang araw na iyan ay namatay ang isang mayor sa isang bigating event ng mga pulitiko. Sa lahat ng mga taong naroon, ikaw ang kahina-hinala. Pumasok ka gamit ang pangalan mong Yzrah. Pero ayon sa original na listahan ng mga bisita, wala ang pangalan mo," mahaba niyang paliwanag. Nilipat niya ang screen. "Pumasok kang naka-gown pero lumabas kang naka-all black tight suit?" Isa-isa niyang binuklat ang mga folder. "Ayon sa Philippine Statistic Authority, late registered ang birth certificate mo dahil in-adopt ka ng isang mayamang babae, si Vivian Valmores." Tinuro niya ang picture ni Vivian. "Dumaan naman sa legal process ang adoption, kaya walang kwestyon doon. Pero..." Hindi ko alam kung paano niya nakuha ang lahat ng impormasyon na iyon. Ayon kay Charm ay burado na ang lahat ng tungkol sa akin bilang si Yzrahlynn Ramirez. Pati ang record ko sa kaso kong pagpatay sa mga magulang ko ay burado na rin. Walang dapat ipag-alala roon. Kaya saan ba patungo itong mga sinasabi ng bwesit na ito? "... may nakuha kaming impormasyon na may isang Yzrahlynn Ramirez ang nakulong noon dahil sa kasong pagpatay sa mga magulang niya." Ano raw? Parang may bombang sumabog sa harapan ko nang marinig ko iyon. Sari-saring emosyon din ang sumabog sa puso ko. Sampung taon na ang lumipas at akala ko ay nakalimutan ko na ang nakaraan. Pero detalyado pa rin pala ang mga iyon sa isipan ko. Pero nagkakamali siya kung iniisip niyang natamaan niya ang emosyon ko. "So, diversion lang pala ang identity theft at hindi naman talaga iyon ang dahilan kung bakit inaresto ninyo ako," nakangisi kong sabi sa kanya at nakita ko namang natigilan siya. "Ginawa lang ninyong panakip-butas iyon para ma-pressure ako at umamin sa salang pagpatay. Magiging ilegal ang pag-aresto ninyo sa akin sa identity theft dahil wala naman kayong ebidensya na nagnakaw ako ng pagkakakilanlan ng isang tao. Gusto ninyo akong paaminin sa pagkamatay ng mayor na iyon pero dahil wala ring direktang ebidensya kaya dinaan ninyo sa emergency arrest. Ang layunin talaga ninyo ay halungkatin ang condo ko." Napasandig siya sa back rest ng inuupuan niya. May kung ano akong nakitang emosyon sa mga mata niya pero hindi ko alam kung ano iyon. Para siyang namangha dahil natumbok ko ang plano nila. Sorry na lang sila. Hindi basta-basta ang training na pinagdaanan namin. At ang pag-analyze sa plano nila ay isang maliit na bagay lamang. "Hindi ka pala magaling lang sa ungol." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nyeta! Nakuha niya na ang inis ko!Muntik na akong mapasigaw nang malamang ang location na binigay ay ang mismong mansyon ni Olympia Savada. "Mukhang umaayon sa atin ang tadhana."Ang misyon ay makapasok sa kampo nila. Sabihin na lang natin na wala sa mansyon ni Olympia ang kampo ng Red Serpent pero ang makapasok sa mansyon niya ay malaking bagay na.Naghanda na ako. Nilagay ko na sa mga mata ko ang undetectable contact lense. Sinuot ko na rin ang hikaw ko na isang earpiece.Nilagay sa maliit kong pouch ang salamin na may foundation, pero hindi iyon basta foundation lang. Sa loob niyon ay may iba't ibang maliliit na bagay na nagagamit namin sa mga misyon namin— may maliit na karayom na pwede maging susi, may maliit na blade, at kung ano-ano pa. Undetectable rin ito.Nagsuot ako ng mga damit na ang mga brand ay ayon sa panlasa ni Olympia."Woahhh..." bulong ni Eura habang nakatingin sa akin mula sa screen."Pwede ka rin pala maging tao, Cap?" nang-aasar na tanong ni Amariya.Nakaabang na ang medic at tech team sa monito
Kinabukasan ay maaga akong nagising at naghanda. Pagdating ko sa library ay may nakahanda ng almusal pero wala si Ivan sa loob. Nakita ko ring nasa flower vase na ang binigay niyang bulaklak kagabi."Good morning, Cap," halos sabay na bati nina Eura at Anthony na mukhang kagigising lang."Good morning," ganti kong bati. "Natulog ba kayo?"Tumangi si Eura. "Sina Sir David at Charm ang pumalit sa amin kagabi at sila naman ang natutulog ngayon. Minsan ay tumutulong din ang tech team at medic team."Tumango na lang ako at kaagad na humigop sa kape. Mainit pa naman. Nasaan ba si Ivan?"Kung hinahanap mo si Ivan ay may binili lang saglit sa convenience store," sabi pa ni Anthony."Hindi ko siya hinahanap," pagdedepensa ko."Good morning, Cap," bati ni Samantha. Kasunod niya namang nagpakita sa screen ay sina Harvey at Renzo."Good morning, guys," sabay na bati ng dalawa.Hindi nagtagal ay nasa screen na rin sina Zereen at Alaric."So, anong ganap today?" tanong ni Zereena."As usual, hihint
Nandito na kami sa library at nakaharap sa malaking screen na naka-divide sa apat— para kaming nag-group video call. Nakahanda naman ang buong plano, ang pagsasagawa na lang ang kulang, kaya wala akong ibang ginagawa kung hindi ang nakaabang sa cellphone ko at naghihintay ng messae mula kay Charmaigne."Paano kung hindi tayo makatanggap ng message o kahit anong imbitasyon mula kay Charmaigne?" tanong ni Eura mula sa kabilang linya.Hindi man namin nakikita ang lahat pero naririnig naman namin ang bawat isa dahil sa earpiece na gamit namin."Magpapapansin nang magpapapansin," sagot ni Ivan."Hindi pwede," kaagad ko namang sabi. "Makakahalata na sila kapag ganoon. Isa pa, kumalma kayo. Ni hindi pa nga nag-isang araw."Pero sa loob-loob ko, paano nga kung hindi?Back to scratch na naman.Panimulang plano na naman na hindi kami mahahalata. Kailangan iyong parang natural encounter lang. Kumbaga tinadhana talagang magtagpo ang mga landas namin. Iyong balang araw ay ituturing niya akong best
Halos mapanganga ako sa hinanda niya. Nakaluto siya ng steak? Tapos ang hitsura ay parang iyong nasa restaurant talaga. Tapos ang set up ng mesa ay hinanda niya rin. May pa-wine pang nalalaman. Kulang na lang talaga ay kandila at bulaklak.Ano ba itong naiisip ko."Tikman mo muna bago mo ako purihin diyan," nakangising sabi ni Ivan.Inirapan ko lang siya at naghiwa na sa steak. "Ang aga pa para maghapunan.""Alas sais na kaya hapunan na rin na matatawag," sagot niya naman at biglang umalis.Kulang na lang ay mapapitik ako sa ere dahil ang sarap! Napapatango pa ako at naghiwa ulit at ipinatong iyon sa mashed potato bago sinubo. Ang sarap ng kombinasyon!Pero wala bang rice?Nagulat ako nang may nilapag siyang isang bouquet ng pulang rosas. "Para sayo. Bilang isang manliligaw, normal naman siguro kung magbigay ako ng bulaklak? At pula iyan, Scarlet..."Kailan pa siya nakabili nito?Napatingin ako sa kumpol ng pulang rosas. Unang beses kong makatanggap ng bulaklak. Ganito pala ang pakira
"Navy, on it.""Jade, all eyes.""Amber, standby.""Scarlet, we're ready," sabi ko habang nagtatakang tingin naman ang ibinibigay sa akin ni Ivan."Anong klaseng mga codename ba ang meron kayo?" nakataas ang kilay na tanong ni Ivan. "Tapos sayo, scarlet? Dapat sayo poison."Sinapak ko siya at kaagad naman siyang napa-aray. "Kung hindi ka bobo, mga kulay ang mga codename namin. Kaya kapag nasa misyon kami, kahit hindi namin mabasa ang mga codename, makita lang namin ang kulay, alam na namin kung sino iyon."Obvious naman kung anong kulay ang mayroon ang bawat isa sa amin kung pagbabasehan lamang ang codename namin.Scarlet ang codename ko at kulay pula iyon.Navy ang codename ni Samantha at kulay blue naman iyon.Jade ang kay Eura at obviously green iyon.Amber kay Zereena at kulay orange naman iyon.Canary ang codename ni Xena at kulay yellow iyon.Ivory ang kay Amariya at gray ang kulay niyon.Plum kay Rhiona at violet naman iyon.Sa nakalipas na mga taon ay naging paborito na namin
"Bago ko ipaliwanang ang mga detalye ng palabas na gagawin natin ay kailangan muna ninyong malaman na may pitong target tayo," pagpapaliwanag ko ulit at hindi na pinansin ang nakasimangot na si Ivan. "Nang si Olympia na ang namamahala ng Red Serpent ay muntik na itong maipasara. Pero sa tulong ng kanyang anim na kaibigan ay naisalba nila ito. Kaya sa kasalukuyan ay hindi lang si Olympia ang may-ari ng Red Serpent. Kung hindi pito silang lahat. Bawat isa sa kanila ay may departamento.""Tang ina, ang lala nila..." sabi ni Rhion. "May departamento pa silang nalalaman."Napapatango naman ang karamihan."Ibig sabihin, hindi natin mapapabagsak ang Red Serpent kung si Olympia lamang ang target. Hindi kawalan ng Red Serpent kung mawalan sila ng isang departamento," patuloy ko sa pagpapaliwanag. "Kaya ang lahat sa atin dito ay magagampanan ang role ng pagiging actor at actress. Bawat team ay may sariling target. Higit sa lahat, hindi sabay ang pag-atake sa bawat target. One at a time."Nilin







