LOGIN
“Bakit ngayon ka lang, Zarchx?”
Bungad ni Amary sa kaniyang asawa ng makapasok ito sa kanilang silid. Pasuray-suray ito halatang nakainom na naman. Wala namang bago, mula ng maikasal siya sa binata at magsama sila sa iisang bubong walang gabi na hindi ito umuwi ng lasing. Sa kabila ng lasing nitong asal, his entire demeanor scream power and wealth. His handsome face that every young lady admired, but still his cold eyes shows no emotions and how ruthless he is. Hinubad nito ang suot na jacket at galit na itinapon sa kung saan. “Wala kang pakialam! sino ka ba sa inaakala mo para question-in ang mga ginagawa ko?” Galit na sigaw nito na ikinayuko niya. “And who the hell are you to fucking lay on my bed?” Dagdag pa nito nang makita siyang nakahiga sa kama. Kaagad namang napabalikwas ng bangon si Amary nang marinig ang nakakatakot na sigaw ng asawa na umalingawngaw sa buong kwarto. Natatarantang inayos niya ang kama at binitbit niya ang libro na kaniyang binabasa. Napatingin siya sa kinaruruonan ng asawa. Masama itong nakatingin sa kaniya na para bang isang Leon na handa na siyang lapain. Lumapit siya sa asawa. “Zarchx, may pakialam ako dahil asawa mo ako! Sa tingin mo tama bang umuwi ka ng ganitong oras?” Hindi alam ni Amary kung saan nanggagaling ang lakas ng loob na sumagot sa asawa. Nagulat si Amary ng biglang hablutin ng asawa ang kaniyang panga at madiin itong hinawakan. “Baka nakakalimutan mong sa pesteng papel lang tayo mag-asawa! Wag mong ginagamit sa akin ang buwisit na salitang ‘yan dahil hindi ‘yan bebenta sa akin! Pesteng merger agreement na ‘yan sa dami-dami ng babaeng pwedeng bumitbit ng pangalan ko, bakit ikaw pa?!” “Kahit kailan, hinding-hindi ko gugustuhin na matali sa isang katulad mo! Mag-asawa tayo pero hindi ibig sabihin, pag-aari mo ako! I will never gonna accept you as my wife, bitch!” Galit ang bumabalot sa pagkatao nito at nakikita niya 'yon sa kung paano siya itrato nito. Mas pinagdidiinan pa nito ang pagkakahawak sa panga niya. “A–Aray Zarchx n–nasasaktan ako...” Mangiyak-iyak siya sa sakit na nararamdaman dahil sa mahigpit nitong pagkakahawak sa kaniyang panga, nakahawak rin siya sa kamay nito. “Talagang masasaktan ka at masasaktan ka sa akin babae! Hindi lang ito ang matitikman mo sa akin. Ginusto mo ‘to 'di ba? Pwes, pagdusahan mo!” Napasalampak siya sa sahig ng itulak siya nito. Sa higpit ng pagkakadiin nito sa panga niya, namanhid ang kaniyang mukha. ”Zarchx, lasing ka lang magpahinga ka— A-Aray! Zarchx...” Napatayo na lang siya ng biglang hilain ng asawa ang kaniyang buhok. Pakiramdam niya mahihiwalay na ang kaniyang ulo sa leeg dahil sa lakas ng pagkakahila nito sa kaniya. Hindi niya alam kung sa braso nito o ang sariling buhok ang hahawakan para hindi siya masaktan ng sobra sa ginawang pagsabunot nito sa kaniya. Pinaharap siya nito dahilan para makita niya ang galit nitong mukha. She's afraid seeing his wrath in his handsome face. “Call me, Leon! Para malaman mo kung anong kayang gawin ng isang Leon sa isang nakakasuklam na daga!” Sigaw nito sa kaniyang mukha na ikinapikit niya dahil sa sobrang takot dito. “We’re not friends to call me Zarchx. Sa susunod na maririnig kung tatawagin mo ako ng ganiyan, makikita mo ang hinahanap mo!” Binitawan nito ang kaniyang buhok dahilan para muli siyang mapaupo sa sahig habang naghahabulan ang mga luha sa pisngi. Naglakad ito papunta sa banyo, wala itong pakialam kung masasaktan siya sa mga binibitawan nitong salita ngunit wala nang mas sasakit pa ang maramdaman ang pananakit nito ng physical. Halos mamanhid ang kaniyang ulo sa sakit ng pagkakasabunot nito sa kaniya. Ganu'n din ang kaniyang panga, mahapdi na ito. Inisip niyang lasing lang ito kaya nagawang saktan siya ng ganu'n. ‘Hindi ito ang unang beses na sinaktan ka niya, Amary!’ Her mind remind her. Oo. Hindi ito ang unang beses na nakatikim siya nang pananakit ni Zarchx. Palagi nitong ipinaparamdam sa kaniya kung gaano siya ka hindi gusto. Pero hindi niya kayang iwan kahit na miserable ang buhay niya sa piling nito. Hindi dahil sa ayaw niyang mabigyan ng kahihiyan at madismaya sa kaniya ang kaniyang mga magulang. Tiisin ni Amary ang lahat ng sakit na ipinaparamdam nito sa kaniya dahil mahal niya ang kaniyang pamilya. Nagtitiis siya hindi lamang para sa pamilya niya, kundi dahil sa mahal niya ang binata. Mahal na mahal niya ang kaniyang asawa kaya hindi niya magawang iwan. Buwan pa lang naman ang binibilang niya sa pagtitiis dito. Hindi siya sumusuko dahil alam niyang maaga pa ang lahat para sa kanilang dalawa, maari pang magbago si Zarchx sa pakikitunggo sa kaniya. ‘Magbabago siya!’ She want this marriage work. Gusto niyang maranasan at maramdaman kung paano maging masaya ang buhay may asawa. Gusto niyang maging masaya kasama ito. Gusto niyang magkaroon ng katahimikan ang kanilang relasyon. Hangga't may bagong umaga may pag-asa, hindi siya nawawalan nang pag-asa na darating ang isang umaga na minamahal na siya ng asawa katulad nang pagmamahal na ibinibigay niya. ‘Nanggaling ako sa kompleto at masayang pamilya. Sisiguradohin ko na magiging masaya rin ako sa aking asawa.’ Hinding-hindi siya magsasawang maghintay kahit na gaano pa man katagal. Ganu'n niya ka mahal ang asawa, mahal na mahal. Nanghihinang bumangon si Amary sa pagkakasalampak sa sahig at tinungo ang kaniyang silid. Bago siya pumasok nilapitan niya muna ang kaniyang asawa na mahimbing na natutulog sa sarili nitong kama. Marahan niyang hinawi ang buhok nito na nakakatakip sa noo. Mahimbing na itong natutulog kaya malaya siyang titigan ang gwapo nitong mukha na hindi niya nagagawa sa tuwing gising ito. “Hinding-hindi ako napapagod na intindihin ka dahil mahal na mahal kita, Zarchx,” She force smile. “Mamahalin mo rin ako...” Her tears leaky down to her cheek. Hindi niya alam kung hangang saan siya dadalhin ng kaniyang pagmamahal pero isa lang ang alam niya, mananatili siya sa tabi nito anuman ang mangyari. Titiisin niya lahat, magsasawa rin ito sa pananakit sa kaniya. Nasa loob lang naman nang kwarto ni Zarchx ang kaniyang silid. Ang master bedroom, malawak ito dahil sakop ang kalahating floor. Nakapaloob dito ang isang malaki at malambot na kama, mayroong mini-living room sa loob, tatlong pinto ang naruruon maliban sa main door, ang isa ay para sa banyo. Ang isa naman ay para sa walk-in-closet ni Zarchx, at ang isa ay ang study room at mini-bar. Mayroon ring sliding door na aakalain mong design lang ito sa kwarto na hindi mo iisipin na isa itong secret room at ‘yon ang kwarto ni Amary. Isang malaking kama, dresser at isang malaking cabinet lang ang nasa loob nito. Ibinagsak ni Amary ang katawan sa kaniyang malambot na kama at nagsimula na namang manubig ang kaniyang mga mata. Hindi niya lubos maisip kung anong kulang sa kaniya, kung anong mali sa kaniya para kasuklaman siya ng asawa ng ganito? Wala naman siyang ginagawang masama dito halos lahat naman ginagawa niya para maging mabuting asawa. Tinitiis niya ang lahat ng sakit at paghihirap dahil gusto niyang maging maayos ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Nakatulog siya sa kakaiyak at hindi niya namalayan ang oras na umaga na pala. Nagising siya ng may liwanag na tumatama sa kaniyang mukha, dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata at nakatingin sa bintana kung saan nanggagaling ang liwanag. ‘Hangga't nakikita ko ang panibagong umaga, may pag-asa!’ She smile. ‘Mamahalin niya rin ako katulad nang pagmamahal ko sa'yo, hindi man ngayon pero darating ang araw na iyon.’ Ramdam niya ang pamamaga ng kaniyang mata, mahapdi rin ang kaniyang panga na para bang namamanhid pa rin ito pero pinagwalang bahala niya ‘yon at lumabas ng kwarto niya para magtungo sa banyo. Magka-ibang kama man ang tinutulogan nilang mag-asawa pero iisang banyo lang ang kanilang ginagamit. Kaagad siyang lumabas ng kaniyang silid para ipaghanda ito ng almusal bago pumasok sa opisina. Hindi nga siya nagkamali, nang makalabas siya sa kaniyang silid nakita niya ang asawa na mahimbing pang natutulog. Naglakad siya papunta sa kama at pinagmasdan ito. Bumaba si Amary sa kusina para maghanda ng almusal, pinagluto niya ito ng sopas. Hinihanda niya na rin sa mesa para kapag bumaba na ito ay kakain na lang. Habang nagtitimpla ng kape narinig niya ang yabag, nagmamadali niyang tinapos ang pagtitimpla. Masarap siyang magtimpla ng kape kaya nga gustong-gusto ni Klint ang timpla niya. “G-Good morning, Leon, pinaghanda kita ng almusal, ito magkape ka muna.” She managed to smile because his happy to see him even last night wasn't a good to remember. Tiningnan nito ang mesa kung saan ang hinihanda niya bago tiningnan ang tasa ng kape na hawak niya. Sumilay ang munting ngiti sa labi ni Amary ng kunin ng asawa ang kape na itinimpla niya. Nakatitig lang siya sa asawa habang humihigop ito ng kape. Hindi pa rin maalis ang ngiti na nakaukit sa kaniyang labi ngunit kaagad na parang bula ng ibuga nito sa mukha niya ang kape. “Putangina! Anong klaseng kape ba ‘to? Buwisit! Ang sama ng lasa kasing sama na ikaw ang bubungad sa umaga!” Pabagsak na inilapag ni Zarchx ang tasa sa mesa dahilan para matapon ito. Nanatiling nakaawang ang labi ni Amary habang nakatingin dito, tumulo ang kaniyang luha, hindi iyon halata dahil basa ang kaniyang mukha dahil sa kape. Pwede naman sa lababo idura ang kape na hinigop nito kung hindi gusto ang pagkakatimpla, bakit sa mukha niya pa ito ibinuga? “Walang kwenta! Ikaw nagluto nito?” Turo nito sa sopas na gawa niya, tango lang ang na isagot niya dito. Nagbabakasakaling tikman nito ang niluto niya. “Pwes kainin mo! Wag na wag kang magluluto na hindi mo kayang kainin. Naiintindihan mo?!” Tumango siya. Kaagad naman itong nilisan ang kusina at narinig niya ang pagbukas-sara ng pinto na may malakas na impact, maya-maya pa ay narinig niya ang paalis na tunog ng sasakyan. Bumuhos ang kaniyang luha habang nanghihina na naupo sa isang silya. Inabot niya ang tissue at pinunasan niya ang kaniyang mukha. Pinagmamasdaan niya ang kaniyang mga ginawa. Hindi man lang nito pinansin ang hinanda niya, maging ang kape na itinimpla niya ay hindi nagustuhan. She cry a loud. She's hurt.You are currently reading . . . ZARCHX MONTENEGRO (PENDILTON HEIR SERIES 2) Written by BLACK_JAYPEI
Itinabi ni Urence ang pagkain at inumin nila ni Zarchx bago binuksan ang hawak na sobre na naglalaman ng mga larawan na kaniyang nakolekta.Unang inilapag ni Urence sa mesa paharap kay Zarchx ang larawan ng mag-asawa—kuha ang larawan na iyon sa isang press conference.“Simulan natin sa kanilang dalawa, Boss. Ito si Mr. Alejandro at Mrs. Kayatana Montenegro, ang may-ari ng Montenegro Corporation. Maituturing na isa ito sa pinakamayamang pamilya sa bansa. Karamihan sa mga proyekto nito ay katuwang ang Pendilton Empire.”Titig na titig si Zarchx sa larawan habang isinasaulo ang mukha ng mga ito at nakikinig sa mga sinasabi ni Urence.“Sina Mr. & Mrs. Montenegro ay may dalawang anak na lalaki. Ang panganay ay si Zarchx Montenegro at ikaw ‘yon, Boss.”Sinulyapan ni Zarchx si Urence. “I have brother?”“Yes, Boss.” Pangalawang larawan na inilapag ni Urence ay larawan ni Lance Javier—kuha iyon sa tabing dagat. Ang anggulo ng larawan ay tila naglalakad ito na lumingon sa likuran kung na saan
Sa Mariano Private Resort. . .Sa dalawang araw na nakalipas, walang ibang ginawa si Odisza kundi ang kumbinsihin ang kaniyang ama na pabalikin si Zarchx sa Resort o ‘di kaya ay hayaan sila ni Zeus na sundan ito.Sobrang nag-aalala na si Odisza para kay Zarchx. Hindi niya alam kung saan ito dumiretso pag-alis sa resort at wala itong kakilala na pwedeng matuluyan.Zarchx only have her and the resort!“Papa, please give me back my phone!” Paki-usap ni Odisza.Kinumpiska ni Julio ang cellphone ni Odisza at pinagbawalan itong gumamit ng gadgets upang hindi ito magkaroon ng koneksyon kay Zarchx.Rinding-rindi na si Julio kay Odisza na palaging Zarchx na lang ang bukang-bibig nito.“Tumigil ka!” Bulyaw ni Julio at sinampal si Odisza.Sumalampak si Odisza sa sahig, hindi makapaniwalang nag-angat ng tingin sa kaniyang ama habang may dugong naglalandas sa gilid ng labi.Napako si Julio sa kaniyang kinatatayuan bakas sa mukha ang gulat dahil maging siya ay nagulat sa nagawa sa sarili niyang ana
“What are you doing, boys?” tanong ni Amary sa mga bata ng makarating sa sala. “Punishing ourselves.” ani Alas. “Because we're bad boys.” Segunda naman ni Zarchx Junior. Huminga ng malalim si Amary. “That's enough.” “Not yet, Momma.” Nilapitan ni Amary ang dalawang bata. Hinawakan niya ang pulsuhan nito upang humarap sa kaniya at pagkatapos lumuhod siya sa harapan nito upang makapantay ang mga ito. “No one say you have to punish yourselves. You are kids and it's normal that you can do mistakes.” “Listen. . .” Amary smiles. “A kids who know their mistakes doesn't deserve a punishment. When they admitted their mistakes, they deserves understanding. They don't have to punish themselves to be a good boy because making mistakes doesn't means they're bad boys.” “We upset Grandpapa, we deserve his punishment.” Alas said. “Does he give you punishment?” “No, Momma.” “It means Grandpapa show understanding and means you're a good boys.” Nagkatinginan si Zarchx Junior at Alas bago saba
Pinoproseso pa ni Odisza ang kaniyang mga nalaman. Masakit na marinig na sa isang araw at gabi nitong hindi umuwi ay may kasama itong babae. Ngunit hindi niya makakakaya na mawala ang kaniyang asawa. Masyado niya itong mahal upang ipaubaya sa iba. Siya at si Zeus ang pamilya nito! Kung papalayasin ito ng kaniyang ama ay sasama sila dahil hindi niya kayang mabuhay na wala si Zarchx sa kaniyang piling. Hindi pwedeng mapunta si Zarchx sa iba! Sa kaniya lang ang asawa niya! “Odisza. . . Let's go!” Aya ni Zarchx nang marinig ang mga papalapit na yabag. Maging si Urence ay napatingin sa paligid nang marinig ang mga kaluskos at mga yabag na tila nakapalibot sa kanila. Napalunok si Odisza at nilingon ang kaniyang ama. “Kung papalayasin mo ang asawa ko, Papa, sasama kami sa kaniya ng anak ko.” “Nahihibang ka na ba?!” Bulaslas ni Julio. “Hindi kayo aalis ng apo!” “Mahal ko ang asawa ko, Papa! Ipaglalaban ko ang kompletong pamilya na nararapat para sa anak ko!” Pangangatwiran ni Odisza
“Zarchx!” Tumakbo si Odisza palabas ng bahay upang sundan si Zarchx at bago pa man siya makalapit kay Zarchx narinig niya ang galit na sigaw ng kaniyang ama na siyang ikinahinto niya. Nais na paniwalaan ni Odisza ang kaniyang ama ngunit sa tuwing pinagbibintangan nitong nay babae si Zarchx ay wala itong napapatunayan. Kung kaya't naisip ni Odisza na gumagawa na naman ng paraan ang ama upang paghiwalayin sila ni Zarchx. Ilang beses na nitong sinubukan kung kaya't paniniwalaan niya ang sinabi ni Zarchx dahil hindi iyon ang unang beses na pinagtangkaan ng ama ang buhay ni Zarchx. “Papa!” Nagsusukatan ng masamang tingin si Julio Mariano at Zarchx. Si Diego ay pinupukol rin ng masamang tingin si Zarchx at ang mga kasamahan nito ay nasa likod na para bang isang senyas lang awtomatikong gagawa ng gulo. Si Urence naman ay nakatayo malapit kay Zarchx habang ang mga mata nito ay nakamasid kina Julio at pinag-aaralang mabuti ang mga galaw nito. Kumapit si Odisza sa braso ni Zarchx at tini
Palipat-lipat ang tingin ni Amary sa dalawang bata nang mapagtanto na tinakasan nito si Don Leon at kung hindi niya pa ito nakasalubong ay maaring nakalayo na ito. Naawa bigla si Amary nang maisip si Don Leon. Matanda na para bigyan ng mga isipin. Alam niyang nag-aalala na ito sa kaniya dahil hindi siya dumating kahapon patapos tumakas pa ang mga bata ngayon. “Halika na! Hinahanap na kayo ng Grandpapa niyo at sigurado akong nag-aalala na ‘yon sa inyo!” Hinawakan niya ang kamay ng dalawa. “Don't do this again, you're making your Grandpapa worried.” “Sorry, Tita, we just wanted to eat icecream.” Yumuko si Alas. “Momma, it's my idea. Sorry.” Yumuko din si Zarchx Junior. Binitawan saglit ni Amary ang kamay ni Alas at pinindot ang elevator. Muling hinawakan ang kamay ni Alas habang naghihintay na bumukas. Habang si Alas at Zarchx Junior parehong nakayuko ay nagsulyapan ito nang makahuluhang tingin. Naiisip ni Zarchx Junior na may nangyaring masama sa kaniyang Momma kung kaya't ganu'n







