LOGINPLEASE BE HUMBLE AND SENSITIVE.✨
Sa kabilang banda, Ang office room sa loob ng mansion ni Zarchx ay isang fully soundproof room na maihahalintulad sa isang anechoic chamber.Ang opisina na iyon ay espasyo para kay Zarchx, kung kaya't ang mga gamit nito ay nakalatag ng maayos sa dapat lalagyan.Ang desk-table, nakalatag ang mga blueprint ng mansion ni Zarchx. Ang mga kagamitan, titulo at iba pang bagay ay nakaayos sa lalagyan na para bang mayroong gumagamit no'n.Magkaharap si Klinton at Zarchx, nakatayo sa tapat ng desk-table na pinagmamasdan ang nakalatag na blueprint.“Kung ano ang nasa blueprint, iyon rin ang nasa kinatatayuan mo.” imporma ni Klinton.Tumango si Zarchx at pinakatitigan ang blueprint na tila inaaral ang bawat parte no'n.Napalunok si Zarchx. “This is my style, I guess.” “Truly yours.” Dinukot ni Klinton amg cellphone sa bulsa. Napailing si Klinton nang bigla iyong magshutdown. “Damn, wrong timing.”Binuksan ni Klinton ang drawer ng desk, kinuha ang charger at pumunta sa mini-living room upang ma
Sumapit na ang alas sais ng hapon, naging madilim na ang paligid. Awtomatikong bumukas ang mga ilaw sa labas ng mansion ni Zarchx, ito ang nagsilbing liwanag.“Kuya!” Sabay na sambit ni Zarchx Junior at Flint na pumapalag sa mga nakahawak sa kanila.“Behave.” Usal ni Alas.Tinanggal ng mga tauhan ni Emilio ang mga dalang baril at ipinatong sa hood ng sasakyan pagkatapos apat na lalaki ang pumalibot kay Alas at Ace.Parehong naka-posisyon na pakikipaglaban si Alas at Ace, magkalapat ang likod na umikot na sinusuri ang galaw ng mga kalaban.“They are trying to caught us.” Imporma ni Ace.“I got this two.” ani Alas na tinutukoy ang nasa kaniyang harapan.“Be careful, brother.” Inilahad ni Ace ang palad.Inilapat ni Alas ang palad sa palad ni Ace, naglikha pa iyon ng tunog. “You too, big bro!” Dumukwang kay Alas ang isa para dakpin ngunit agad na nakaiwas si Alas at awtomatikong nagpakawala ng malakas na sipa na tumama sa pisngi ng kalaban, natumba ito. Sinugod ng suntok si Alas ng isa p
Bahagyang itinagilid ni Zarchx Junior ang ulo habang nakatingin kay Uno at Dos tanda na buksan nito ang gate.Agad na nakuha ng dalawang guwardiya ang nais iparating ng dalawang bata. Ang pagbanggit ni Zarchx Junior na “best friend” ay kasingkahulugan na mortal na kalaban. At ang ginawang senyas ni Flint tanda na dinukot sila ng mga ito.Ilang saglit na nakatitig ang dalawang guwardiya kay Zarchx Junior na tila sinusuri kung may plano ang mga ito na dapat nilang pagkatiwalaan.Sininyasan ni Uno si Dos na buksan ang gate. Lumapit si Uno sa sasakyan ni Emilio. “Makakapasok kayo alang-alang sa mga little masters.” Pinindot ni Dos ang remote ng gate at dahan-dahan na itong bumubukas kung kaya't ang mga sasakyan ay binuhay na ang mga makina upang pumasok sa loob.Bago pa man makaalis ang mga ito sa kinaroroonan, dumating ang humaharorot na dalawang pambatang big bike, hindi alintana ang masikip na daan dahil sa mga nakapilang sasakyan. Nilampasan iyon na tila mga pro rider. Sabay na puma
Sa hospital, Nadatnan ni Amary na nakahiga si Amber sa hospital bed, tulala ito, walang ingay na masaganang umaagos sa pisngi nito ang mga luha. Natigilan si Amary nang makita ang ganu'ng kalagayan ng kaibigan at pakiramdam niya'y pinipiga ang puso niya sa sakit. Lumabas si Kayatana mula sa banyo at agad nitong nakita si Amary at sinalubong. “Amary, hija!” “Hello, Mommy.” Sinulyapan ni Amary si Amber. “Kamusta na po si Amber?” Bakas sa mukha ni Kayatana ang lungkot at pagkabigo na sinulyapan si Amber. “Hindi siya nagsasalita magmula ng magising siya, ginawa ko na ang lahat ng pangungumbensi kay Lance na pumunta rito total anak niya rin ang nawala pero masyadong matigas ang ulo.” Huminga ng malalim si Amary. Masyadong komplikado ang sitwasyon para kay Amary dahil nasa pagitan siya ng kaniyang matalik na kaibigan at mabuting bayaw. “Marami lang hong ginagawa si Lance, Mommy. Susubukan kong kausapin si Amber.” Pagpapakalma ni Amary. “Oh siya. Lalabas muna ako para bumili
Sa Paraiso De Pendilton, Nakatipon ang mga tauhan ni Don Leon sa malawak na bungad ng Paraiso. Nakikinig kay Jorah na sinasalaysay ang mahigpit na utos mula sa Don. Ang mga tauhan ay mahahati sa apat na grupo at binibigyan ng kaniya-kaniyang destino na hahalughugin upang mahanap ang mga little masters. “Halughugin niyo ang buong paligid ng Paraiso, suyurin niyo ng maigi ang kagubatan! Huwag kayong babalik dito na walang dalang magandang balita! Hindi pwedeng masaktan ang mga little masters. Kailangan na makabalik sila dito ng buong-buo! Naiintindihan niyo?” Malakas na sambit ni Jorah upang marinig ng lahat. Ang utos ng Don Leon ay makabalik ang mga apo na kung ano ang itsura nito ng umalis ay ganu'n rin itong makabalik. “Sir Jorah, kung dinukot sila ng mga kalaban. Hindi natin matitiyak ang kaligtasan nila.” tanong ng isang tauhan. “Kaya mas kailangan nating madaliin ang paghahanap sa mga little masters bago pa mahuli ang lahat!” Tugon ni Jorah. “Hindi bibigyan ng katiting na a
“Lance wouldn't like it, would you tell him?” “Gago ba kami?” Tumawa si Scott. “Baka kami pa unang mabugbog kaysa sa'yo.” “Magkakampi sila ni AKAS ngayon laban sa'yo kaya mag-iingat ka sa dalawang ‘yan.” Bilin ni LV. “Huwag mo ng pansinin, may pinagdadaanan rin si Lance. Brokenhearted ‘yan.” Segunda pa ni LV. Scott tap Zarchx shoulder. “Magsabi ka lang, kaming bahala sa'yo.” Kinamayan ni Zarchx si LV at Scott. “Thanks, thanks.” “What are you three whispering there?!” Puna ni Renzi habang naglalakad papalapit sa kanila. Sabay-sabay na napalingon sina Scott, Zarchx at LV kay Renzi. Maging sina AKAS ay napalingon rin. “May problema ba kung kami naman ang magbibigay banta kay Zarchx?” Sinalubong ni LV si Renzi. Ngumisi si Renzi. “Gago! Tama na ‘yang banta kay Zarchx, wala ng mapaglalagyan ‘yong tao sa kaliwa't kanan niyong banta!” “Bakit ikaw? Wala ka bang masasabi?” Panghahamon ni Scott. “Ang masasabi ko lang sa'yo, King. Malaking gulo ang pinasok mo, namamangka ka sa dalawang
Kasalukuyang pababa sa sala si Odisza nang mahagip ng paningin ang ama at tiyuhin sa tapat ng mansion na kinakausap ang mga tauhan na tila may giyerang pupuntahan. Lumapit si Odisza upang malaman kung saan pupunta ang mga ito na handa na sa pag-alis. “Papa, Tiyo Emilio?” Kuha ni Odisza ng atensyon
Sa Paraiso De Pendilton, Nagising si Flint sa liwanag na tumatama sa kaniyang mukha mula sa bintana. Agad na bumangon at lumabas ng kaniyang kwarto, tumakbo ito patungo sa kwarto ni Zarchx Junior nang maalala na mayroon silang gagawin. “Zarchx Junior! Zarchx Junior!” sigaw ni Flint habang paulit
Nag-iinat si Scott na para bang sumasayaw pa sa excitement na malaman kung ano ang nangyayari. “Alright, puksaan ba ito ng mga—ay! Putangina mong gago ka! Nandito ka pa rin?” Napatalon si Scott at tumago sa likod ni AKAS nang mabungaran si Zarchx. Binalingan ni AKAS ng masamang tingin si Scott kun
Agad na binunot ni Cyrus ang kaniyang baril at ikinasa bago tumakbo. “Stop!” Sabay-sabay na nagbunot ng baril sina Lance, LV, Renzi, AKAS at Zarchx na nagmamadaling umalis sa kanilang kinauupuan. Tumakbo sa iba't-ibang deriksyon upang mahuli ang taong nakamasid sa kanila. It's Urence. Napamura ng







