Share

Chapter 5

"How long will you be gone?" tanong niya rito habang minamasdan itong nagtitipa sa laptop.

Gusto niyang pigilan ang binata na huwag munang bumalik sa trabaho nito sa Manila. Ilang linggo na lang ang natitira matatapos na ang bakasyon niyang hinihingi sa ahensya nila. Alam niyang hiram lamang ang mga sandaling nakasama niya ang binata dahil kapag lalabas na ang tunay na Silvia ay mawawala na siya sa eksena.

Isa pa, babalik na rin siya sa Canada at ipagpatuloy ang buhay niya roon. Magiging isang matamis na ala-ala na lamang ang relasyon nila ni Zacahria sa kanya.

Nang gabing ibinigay niya ang sarili sa binata ay wala siyang naramdamang pagsisisi. Isa lang ang siguradong alam niya, mahal na niya ang binata. At sa tingin niya may kunti na rin siyang halaga para rito iyon nga lang para iyon sa tunay na Silvia. Hindi niya alam kung mapapatawad pa ba siya ni Zacahria sa oras na malaman nitong nagsisinungaling lamang siya.

"I don't know. Maraming trabaho ang naiwan ko sa Manila na kailangan kong ayusin," kibit-balikat na sabi nito sa kanya.

"Ahh, okay I wish babalik ka rito after 2 weeks. I just wanted to spend more time with you," nalulungkot na saad niya sa binata.

Kumunot ang noo ni Zacahria pagkatapos ay nilapitan siya at niyakap nang mahigpit. Hinahalikan nito ang kanyang buhok.

"Look, I'll come back here after 2 weeks but after that uuwi kana sa inyo. Hinihintay ka na ng mommy at daddy mo. They missed you so much bhabe."

"And after that maghihiwalay na tayo, I can focus my career and you also."

"What are you talking about?! You kidding me! Anong maghihiwalay? Walang maghihiwalay bhabe kaya nga sa pagbalik ay kasama kana dahil it's a day for our engagement. Excited na sila mommy at daddy na makita kang muli," masayang sabi nito sa kanya.

Hindi siya umimik nanatili lamang siyang tahimik subalit sa kaloob-looban ng kanyang puso ay lihim na nadurog paunti-unti. Gusto niyang aminin ang totoo kay Zacahria pero paano? Hindi niya alam kung paano at saan siya magsisimula.

" Are you not happy, bhabe? Matutupad na ang kahilingan ng daddy mo para ikakapanatag ng kompanya natin," saad ulit ni Zacahria nang hindi parin siya nagsasalita.

Hindi alam ni Olivia kung saan nanggaling ang sakit na nararamdaman sa kanyang puso. Sobrang bigat niyon at kunti na lang ay parang sasabog na ang dibdib niya.

She cried silently.

Gusto niyang magsalita ngunit parang may bumabara sa kanyang lalamunan dahil kapag ibinuka niya iyon hindi salita ang lalabas sa bibig niya kundi impit na mga d***g.

Hindi niya halos ma imagine kung gaano ka saya si Silvia kapag gaganapin na ang engagement party nila ni Zacahria tapos siya hindi na muling babalikan pa ng binata. Ibabaon sa limot at hindi na muling maaalala pa.

To be short she's not exist anymore.

Isa siyang kilalang matapang na babae at walang kinatatakutan. Lagi siyang sanay sa bakbakan at patayan. Halos buong buhay niya ay problema, patayan at kung ano-anong klase ng krimen ang kanyang hinahawakan. Subalit pagdating kay Zacahria hindi niya makita kung nasaan ang totoong Olivia. Mahina ang damdamin niya at babaeng-babae siya pagdating sa binata.

Hindi ni Olivia namalayan na unti-unti na palang dumaloy ang masaganang luha sa kanyang pisngi. Nag-aalalang tinignan siya ng binata. " Are you okay bhabe? Why are you crying? May nasabi ba akong hindi mo nagustuhan?"

Umiiling-iling siyang nginitian ang binata at bahagyang tinuyo ng panyo ang kanyang mga luhang nanunubig sa mata.

" Could you please stay with me tonight? Huwag ka munang bumalik sa Manila?"

"Iyon lang ba ang dahilan kung bakit ka umiiyak? Sabihin mo sa akin, bhabe. May problema ba?" nag-aalalang tanong nito sa kanya.

"Wala naman mamimis lang kasi kita," mahinang saad niya rito.

Niyakap siya nang mahigpit ng binata.

" Oh, you're so sweet bhabe. Okay hindi na muna ako aalis I will call Luther and Luke na lang later. I will stay here two weeks and after that sabay na tayong babalik sa Manila. Is it better to you?" nakangising tanong nito sa kanya at marahan na hinahaplos ang kanyang pisngi. Tumango naman siya bilang tugon.

"Could you please make love with me?"

"You don't need to ask that bhabe, " paanas na sabi ng binata bago nito unti-unting hinubad paisa-isa ang kanyang saplot.

I'm really sorry,bhabe but I need to do this. Gusto kong bago mo ako ibaon sa limot ay may ala-ala akong makukuha mula sa'yo.

Hibang na kung hibang bahala na mawawala man ako sa sistema ni Zacahria I will make sure na mas lamang parin ako sa Silvia na iyon. Sa kanya ang pangalan at kayamanan ni Zacahria, sa akin naman ang puso at kaluluwa ng binata.

NANGINGINIG ang mga kamay ni Olivia habang binabasa ang nakalagay na headline sa newspaper. 'Zacahria Forb Rockfeller and Silvia Celeste Mcmoran engagement party'', ano pa ang dapat niyang asahan? Tapos na ang kahibangan niya para sa lalaki at panahon na para bumalik siya sa dating buhay niya. Nag-iinit ang gilid ng kanyang mga mata palatandaan na sobra siyang nasaktan sa pangyayari.

Kailangan na niyang umalis. Hindi siya dapat maabutan pa ng binata pero bago pa niya maisara ang maleta ay may bisita siyang hindi inaasahan.

Hindi alam ni Olivia kung paano magsalita dahil namanhid ang kanyang dila. Hindi siya makapaniwala sa nasaksihan dahil para lamang siyang nakatingin sa mismong repleksiyon sa salamin. No wonder kung bakit hindi

siya pinaniniwalaaan ng mga tao dahil wala silang pinagkaiba ng babae maliban sa buhok nitong blonde at pinakulot sa parlor ang dulo ng buhok nito.

"So it's true na magkamukha talaga tayo. Saan kaba nagpa-surgery at ginaya mo pa talaga ang mukha ko," deretsahang sabi nito sa kanya.

Nakataas ang isang kilay nito habang kinakagat ang kuko sa kaliwang kamay. Pulang pula ang labi nito na mas lalong nagpatingkad sa maputi nitong kutis. Kulang ang salitang maganda para e-describe iyon kay Silvia. Para itong Hollywood actress na napapanuod niya sa tv mataas, sopistikada at manipis ang katawan. Kung itatabi siya sa dalaga magmumukha lamang siyang alalay para rito.

Hindi niya lubos maisip kung bakit ayaw na ayaw ng binata kay Silvia gayong halos perpekto na ito.

" Excuse me I don't know who you are and hindi ako produkto ng retoke," kalmadong saad niya sa dalaga."Paano mo nalamang nandito ako?" tanong niya sa dalaga.

"Hindi na importante iyon kung paano ko nalaman. Anyway tapos na ang pagpapanggap mo bilang ako."

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Inihayag na ni Zach sa publiko ang engagement namin kaya hindi ko na kailangan pang pagtaguan silang lahat. Look hindi ko alam kong anong connection mo sa akin dahil kinopya mo talaga ang buo kong mukha but salamat parin dahil ginampanan mo ang papel ko bilang Silvia," seryusong saad nito.

"Ngayong nandito na ako at papakasalan na ako ni Zach I think it's time for you to go."

Zachariah's POV

"Are you really sure about this anak?" hindi makapaniwalang tinignan siya ng ina niya habang binabasa nito ang deadline sa newspaper.

Hindi na siya nagulat pagkagising niya ay nasa front page na ng newspaper ang headlines ang pangalan niya. Maraming paparazzi na nagmamanman sa kanila kaya hindi na siya nagtataka pa kung paano ito nakaabot sa mga diyaryo ang tungkol sa engagement party nila ni Silvia.

Napapangiti talaga siya sa tuwing naalala ang laging nakabusangot na mukha ng dalaga. Ilang oras pa nga lang siyang nawala pero namis na niya agad ang boses nito.

"Hey, are you listening to me, Zach?"

Napapitlag siya nang marinig muli ang tawag ng kanyang Ina.

"Wews! My son is inlove now! She's so lucky!"

Ngumiti lamang siya sa kanyang Ina at hinalikan ito sa pisngi.

"Wait is it Silvia? Siya ba ijo?"

Tumango siya sa ina.

"Yes mom, hindi nga ako makapaniwala sa sarili ko na sa kabila nang lahat ng galit ko sa kanya at pagkamuhi ay uniibig na pala ako sa kanya. And take note mom, she changed a lot! Ibang iba na siya ngayon kaya I decided talaga na hindi na kami maghihiwalay pa," masayang saad niya sa ina.

"Well, it's good anak. Iyon naman ang sabi ko sa'yo noon eh, na balang araw ay matutunan mo rin siyang mahalin and hindi nga ako nagkamali. Well, I will call someone for catering para sa party ninyo," masayang saad ng Ina niya habang niyayakap siya nito.

Tumango naman siya bilang pagsang-ayon sa suhestisyon ng mommy niya.

Pumunta siya sa mini gym ng bahay nila medyo matagal narin siyang hindi nakakapag ehersisyo nang biglang tumunog ang phone niya.

It's Tita Sabel!

"Hello po tita?" masayang bungad niya rito.

"Ijo naku thank you so much talaga dahil umuwi na si Silvia rito."

Napakunot ang noo niya. Si Silvia umuwi na sa kanila? Hindi man lang siya nito tinawagan nag usap pa naman sila na sabay silang uuwi sa bahay nito.

"Po? Ahh kailan lang Po siya umuwi?"

"Ngayon lang Umaga ijo, masaya siya niyang ibinalita sa akin ang tungkol sa engagement party ninyo nextweek. Alam ko talagang ikaw lang ang makakapagpa amo ng anak ko eh!"

"You're welcome tita."

"Sige ijo pakisabi na rin sa mommy mo na dito na kayo maghapunan mamaya magpapaluto ako nang masarap na putahe."

"Okay Po tita, see you tonight."

Kunot noong tinawagan niya si Silvia para e confirm kung umalis nga ito sa Tagaytay.

"Hello, Zach?"

"Where are you?"

"Nasa bahay, why?"

"Saang bahay ba , Silvia?"

"Huh?Ammh sa Tagaytay, bakit mo na itanong?"

"Wala..I..I just missed your voice," kunot noong saad niya rito sa kabilang linya habang may malalaim na iniisip.

"Kailan ka ba uuwi rito?"

"Later baby, antayin mo lang ako dahil may mahalaga tayong pag-uusapan pagbalik ko."

"O-okay sige dahil magluluto ako nang masarap na caldereta, bye."

Nawalan nang gana si Zach mag gym dahil hindi mawala sa kanyang isipan ang tungkol Kay Silvia. Muli niyang pinagtagpi tagpi ang mga pangyayaring naganap sa pagitan nila ng dalaga. Alam niyang may mali na nangyayari at kailangan niyang malaman kung totoo ba ang kutob niyang nagpapanggap lang ang dalaga bilang Silvia.

"Hello, 434 this is Zach may ipapagawa ako sa iyong importanteng bagay. Magkita tayo ngayon sa opisina ko."

If you are not Silvia then sino ka ba talaga? Bakit magkamukha kayong dalawa?

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status