Hazel hates her fiance, looking like a god, which is awfully handsome right now. He looks ethereal! Kung ibang tao siya ay malamang napanganga na siya at naging hugis puso na ang kanyang mga mata. Sino ba ang hindi mapapa-head over heels sa gwapong lalaking ito na tila hinugot sa men’s magazine at parang kakambal ni Hermes, greek god of the messengers. Side profile palang ay maglalaway ka na.
Halatang hindi ito natulog noong biniyayan ng gwapuhan ni Lord ang lahat. May lahi kasi itong Maltese, Espanyol at Filipino. Pinaghalo-halo ang lahi nito kaya nakabuo ng kaaya-ayang uri. Parang palagi itong nagsa-sun bathing sa pagiging moreno, light brown ang mga mata nito na may makakapal na kilay, matangos ang ilong at matataas ang cheekbones, hugis oval ang mukha at may katamtaman laki na bibig. Lalo itong gumagwapo kapag ngumiti at lumabas ang dimples. Medium mullet ang hairstyle nito at palaging nahahati ang bangs. Kaso taliwas ang mukha nito sa ugali nito. Binilisan ni Dominic ang pagsasalita sa phone nang mapansin siya. “H’wag mong kalimutan kumain, at siya hanggang dito na lang.” Binaba nito ang cellphone, marahang naglakad patungo sa sofa saka prenteng umupo. Nawala ang pagiging banayad at maginoo nito kanina, at malamig na sumalpok ang kilay. Walang gana itong pinagkatitigan siya. “Come here.” Nakipagtagisan siya ng tingin, binatuhan niya rin ito ng malamig na tingin. Lumapit nga siya rito pero umupo naman siya sa tapat nito, imbes sa tabi nito gaya ng dati. Napuna nito ang lamig sa kanyang mga mata. Kumislot siya nang pinitik nito ang lighter, sumunod ang paglitaw ng apoy at ang halimuyak ng gas. Naiirita siya sa amoy, umaandar ang allergy niya tuwing malalanghap iyon. Kaya iritable niyang pinapay ang kamay para iwaksi ang amoy. Walang paki si Dominic sa kanya, kalmado nitong sinindihan ang sigarilyo at sinimulan ang paghithit ‘nun. “Ameliá is back,” wika ni Dominic Juarez, kuminang ang guilt sa mga mata nito. Kinibot ni Hazel Xaviera ang dulo ng labi. “And so?” “Let's postpone our wedding.” Nasa antipitasyon na niya ito matapos matanggap ang balita mula kay Charlotte. “What the—” Gusto nitong i-postpone ang kasal dahil dumating ang minamahal nitong si Golden Hen. “May malubha siyang karamdaman,” mabilis nitong wika sabay abot ng brown envelope sa kanya. “Admission letter ito ng Oxford. Mas mabuti siguro na mag-aral ka muna sa abroad.” Malamig pa sa yelo niyang pinagkatitign iyon, pero nang-uuyam siyang ngumisi imbes na tanggapin iyon. “Mag-aaral sa abroad?” Bumagsak ang mukha nito. “‘Di ba pangarap mong makapag-aral doon? Ito na iyon…” “Mali ka! Hindi ko pangarap iyon kundi sa’yo. Ah, gusto mo akong umalis para may oras kang makipaglampungan sa kanya, tama? Ok, fine!” Marahas niyang hinablot iyon, hinugot ang dokumento sa loob at pinunit hanggang sa magkapira-piraso. Sinaboy niya ‘yon sa buong opisina at binato ang huling papel sa mukha nito. Nabura ang init at pagiging maunawain sa mukha ni Dominic matapos masaksihan ang bastos niyang ugali. “Tsaka hindi na kailangan i-postone ang kasal, let's just cancel it immediately,” deklara ni Hazel. Umakyat-baba ang dibdib niya habang nakipagtagisan uli ng tingin sa nobyo. What’s the point of postponing it? It’s better to cancel it, before she becomes a problematic person, right? His face dropped drastically. Hindi makapaniwala si Dominic sa minutawi ng bibig nito. Nagulat siya sa pagbabago ng ugali nito Ipapa-cancel ang kasal? Nahihibang ba ito? “May sakit si Ameliá. Aalis naman siya kapag gumaling na siya. Saka h’wag kang mag-aalala kasi bibigyan kita ng engrandeng kasal.” “Fvck!” Tinutop niya ang ulo. “May sakit o baka buntis?” Naghari ang katahimikan. Mabigat ang tensyon sa ere. Naikuyom nito ang palad. “Ano ba’ng pinagsasabi mo? Ano ba’ng alam mo ha?” “Pumunta ka sa hospital na walang appointment sa lugar gaya ng obstetric at gynecology department.” “Don’t you find it ironic that you’re talking to me about a grander wedding now?” Tama nga ito, ikakasal na sila sa susunod na linggo. Balak ata nitong lumihis sa topic nila tungkol sa pambababae nito, tapos ginamit pa ang kasal nila. He was playing two-timing her, and he really thought that she wouldn’t dare to dump him? Lingid dito ay kayang-kaya niyang itapon na parang basura ang mga taong binibwesit lamang siya. “And then, she’s not pregnant! She's just sick!” gigil na saad nito. “Yeah, I understand. May sakit nga siya pero kailangan pa ba na ikaw mismo ang sasama sa kanya sa hospital? Tapatin mo nga ako, ano ang relationship status niyo ngayon?” Lalong dumilim ang mukha ni Dominic. Wala balak si Hazel na panoorin ang pagiging halimaw nito kaya tumayo siya at dali-daling umalis. Saglit siyang huminto para sabihin: “Ngayon na bumalik na siya, hindi na siya makakaalis pa. Tutal, hindi niya naman kayang bayaran ang lahat ng inutang niya sa buong Kamaynilaan.” Dalawang taon naging payapa ang relasyon nila. Naiipit lamang si Dominic sa dalawang taong nag-aagawan dito. Noon sinira niya ang relasyon nito kay Amelia, ngayon ay sisirain ni Amelia ang relasyon niya rito. Para silang nahihibang sa iisang lalaki na walang ginawa kundi maging feeling gwapo. Para maging healthy ang relasyon nila ay dapat pareho nilang iwo-work out kaso… “I’m warning you, h’wag mo s’yang pahirapan!” Humigpit ang hawak niya sa door knob. Para siyang mabangis na hayop na binatuhan ito ng tingin. Tumiim bagang ang lalaki. “Sino ka ba para ikansela ang kasal? Akala mo siguro palalampasin lang ito ng pamilya Monteverde?! Hindi ka makakawala sa kapalaran na ito, Hazel!” Lalong naging yelo ang mga mata niya. Marami pa ring tanga na di marunong i-distinguish kung sino ang malapit at malayong kamag-anak. Wala na siyang pakialam sa sasabihin ng pamilyang iyon. Sabi nila ‘blood is thicker than water’ pero itong peste niyang kadugo mas paborito pa si Amelia na isang hamak na impostora. Maraming taon na nakililipas, yaya ng pamilya Monteverde ang tunay na ina ni Amelia. Noong panahong iyon ay nagkataon na nakasabay nitong mabuntis si Claudia Monteverde, ang kanyang tunay na ina. Dahil sa pagiging adik ng asawa nito sa sugal ay naging walang silbi ‘yon at nangarap ang yaya na palakihin ang anak sa isang maginhawa at mayamang pamilya. Kaya naman noong sabay na nanganak ang dalawa ay gumawa ito ng matinding krimen. Pinagpalit nito ang anak sa anak ni Claudia. Kinuha ang bata at binenta sa isang misteryosong pamilya. At siya ‘yon, si Hazel Xaviera Trevisan na lumaki sa madilim na mundo. Samantala, nagpatuloy sa pagtatrabaho ang yaya niya, sinusubaybayan na lumaki ang anak nito at nanatili sa tabi nito. Hanggang sa dumating ang pagkakataon, apat na taon na nakalilipas ay naaksidente si Amelia at nadiskubre ng mga ito na hindi ito ang tunay na anak. The shocking secret was revealed, so they began to search for their daughter. Nakita nga siya pero sa kamasamang palad ay mas minamahal ng mga ito ang pekeng anak kesa sa kanya.Roxas Boulevard Residence.Hundreds of millions for a house.For Amelia Monteverde.Halos gusto niyang humalakhak.Para mapasaya si Amelia—-hindi ‘yon pagmamahal. Kundi isang negosyo.A bribe for the Monteverde family’s favor. At si Shaira naman, nakikilalahok ang inosente, tanga, sunod-sunurang Shaira, na niniwala pa rin sa bawat kwento ni Amelia.Kaawa-awa. Ni hindi nito alam na ang lalaking patay na patay ito—si Lucas—ay may dalawang taong bastardong anak na tinatago. Magsisisi talaga ito kapag malaman nito na hindi perpekto ang ideal man nito at ginagamit lamang ito.Initsa niya ang cellphone sa lamesita. “What a waste of sleep.” Sumandal ulit siya sa couch nang saktong umilaw ang kanyang cellphone. Si Charlotte. Mas karapat-dapat sagutin ang tawag na ito.“Beshy,” bati nito sa banayad na tono. Charlotte was one of the few she didn’t mind hearing from.“Hindi mo ba narinig ang balita?” matalim nitong turan. “Gustong bilhin ni Dominic ang Roxas Boulevard Estate para kay Amelia. Hin
Muling umalingawngaw ang boses ni Shaira na puno ng hinanakit kay Hazel. “Still pretending to be composed, huh? Some things never change.”Binaba ni Hazel ang baso, sumandal sa couch at pinag-krus ang binti. “You called to reminisce?” malamig niyang tugon.Huling-huli ng tenga niya ang maiksi pero napang-uyam na tawa. “Ruminate? Tumawag ako para ipaalala sa’yo na isa kang kaawa-awa. No wonder Dominic doesn’t want you. Tingnan mo nga ‘yang sarili mo, you’re cheap and clingy. You should be grateful nga kasi he let’s you live long enough to see what you missed.”Ngumisi siya. “Bulag ka ba? I was the one who dumped him, remember?”Kalmado ang tono niya, pero mistulang kutsilyo ang bawat salitang minutawi ng bibig niya. Saka sinundan iyon ng panandaliang nang-uuyam na tawa nito.“You dumped him?” ulit nito, tumatawa na para bang nagbibiruan sila. “Oh please, ‘wag kang mahangin. You just wanted to climb higher, right? Gusto mong yumaman? Makinig ka sa sasabihin ko—-darating din ang panahon
“Don’t talk nonsense,” seryosong turan ni Dominic.Kumurap si Amelia. “Seryoso ako, Dom.” Nanginig ang mga labi nito, namumutla ang mga ito. “Tuwing aatakehin ako, hindi ko alam kung aabutin pa ako ng umaga rito… kung makikita ko pa ba ang langin sa bintana kinabukasan.”Mahina ang boses nito, pero mistulang hinihiwa ang katahikan ng silid. Hindi pa rin umaalis ang amoy ng disinfectant sa ere, steady ang tugtog ng monitor na parang naka-countdown.Tanging ang mga taong nasa bingit ng kamatayan ang makakintindi ng totoong takot. Iyong tipong gumagapang sa mga buto, nilalamot ka sa loob-looban. Hindi maigay o madrama ang lungkot sa mga mata na tila tahimik silang nilulunod.He reached over and wrapped her cold hand in his. Mainit ang kanyang palad at walang bakas ng pangangatog. “Don’t worry,” aniya. “Ilalabas kita rito.”Kumurap ito. “Talaga?”“Drake is already arranging things,” imporma niya. “Once it’s ready, I’ll discharge you myself. Makikita mo ulit ang bukang-liwayway at takip-si
Nasa kalagitnaan ng tawag si Claudia nang marinig ang pangalan ni Lucas pati ang ospital. Hindi siya naghintay magtanong. Humigpit ang kanyang mga daliri sa cellphone; ang susunod na mangyayari ay pinagkatiwala niya si Amelia kay Dominic.“Take care of her,” aniya, sabay sukbit ng kanyang hand bag.Nang sandali niyang marating ang ward kung saan ang kanyang unico hijo ay sinalubong siya ng malalamlam na ilaw na sinamahan ng madalim na mukha ni Lucas.“Anong nangyari sa’yo?” Nangatog ang kanyang boses sa gitna ng pagkabalisa at galit. “Sino ang may gawa sa’yo nito?”Pinilit nito ang sariling bumango, lumitaw ang ilang butil ng pawis sa noo nito. “You can’t open another card for Hazel,” umiigting ang panga nitong wika. “Not this time.”May sapat na lakas pa naman itong umungol, ibig sabihin ay hindi pa ito mamatay. Ngunit, sa ganoong kaliit na bahay ay sandali niyang nakalimutan huminga.“Alam ko,” aniya, pinasadahan ang tingin ang anak. “Hindi ko bubuksan iyon. Pero tapatin mo nga ako,
“Find that doctor,” ani Claudia. “Edward Cruz ang pangalan niya. Sigurado akong kilala mo siya.”Si Edward Cruz isang mahusay na heart surgeon galing France, ang doktor na hindi nauubusan ng pasyente. His hands were once called the hands that could command the rhythm of life itself. Kaso bigla itong naglaho sa medical world dalawang taon nakakaraan. Walang nakaalam kung bakit. Wala ring nangaas magtanong.“He hasn’t taken a single case then,” dugtong ni Claudia, halatang desperada. “Pero wala ng ibang makakapagligtas kay Amelia kundi siya lang. Sinubukan kong humanap ng ibang espesyalista pero walang nakakalpas sa kanya.”Dumilim ang mukha niya. Kinuyom ang kamay na nasa tagiliran. “You’re right about his skill,” amin niya. “Pero tiyak mahihirapan tayong kumbinsihin siya.” “E di, humanap ka ng paraan,” asik nito, hindi na makontrol ang takot sa lalamunan nito. Kulang na lang ay magpapadyak ito para makalumutan ang tako. “Maawa ka, Domz. Nakita mo ang medical records ni Amelia. Mabili
Tinatamad na sumandal si Edward sa kanyang upuan. Kumikibot ang dulo ng labi niya habang pinapanood si Hazel na walang humpay sa pagsubo ng pagkain nito. Sandali itong huminto, tinaasan siya ng kilay pero muling sinubo ulit ang kanin na may ilang pirasong gulay. Napapikit ito habang ngumunguya pero nang muling dinilat ang mga mata ay tila nakakita ng multo dahil nasulubong nito ang malamig na mukha ni Killian. Sinamaan lamang ito ng tingin ng dalaga bago nilunok ang pagkain.Mahina siyang napabuntong hininga. “See? Gaya ng sinabi ko—dapat hayaan natin maging malaya na lumaki ang mga bata. Tingan mo siya, kumakain na parang lion. Gutom na gutom. She’s much better than before.”Bumaba ang temperatura ng silid nang lumutang sa ere ang kanyang biro. Pinukulan siya ng mala-kutsilyong tingin ni Killian, dahilan para sumabit sa ere ang hawak nitong kutsara’t tinidor. Bahagyang umiigitng ang panga.He only smirked, undeterred. “What? Nagsasabi lang naman ako ng totoo ah.”He wasn’t wrong, and