Share

Chapter 15

 

 

PILIT iwinaglit ni Gieselle sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Ma'am Dina. Gusto niyang tanungin si Martin tungkol dito pero mas pinili niyang huwag na lang. Baka isipin ng lalaki na wala siyang tiwala at maging mitsa pa iyon ng kanilang pagtatalo.

Unang beses itong ayaw niyang makipagtalo. Dati’y gustong-gusto niyang nang-aaway ng boyfriend lalo na kung sinasapian ng tupak. Pero ngayon ay umiiwas na siya.

"Paano mo nga pala nalaman na mahilig ako sa minatamis na saging?" pagbubukas ng lalaki sa usapan.

"Nabanggit lang ni Ate Toyang," simpleng sagot niya at tumahimik ulit.

"Bili muna tayo ng softdrinks." Inihinto ng lalaki ang sasakyan sa labas ng convenience store.

Bumaba na rin siya at sinamahan ito sa loob. Pagkatapos kunin ang sadya, pumila na sila sa counter.

"Mauna ka na sa sasakyan, ako na ang pipila," alok niya sa lalaki.

"Sigurado ka?"

Tinanguan niya ito. Napapansin rin niya ang simpleng sulyap ng mga cashier sa kanyang kasama kaya gusto niyang
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status