All Chapters of The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst): Chapter 61 - Chapter 70
116 Chapters
Chapter 55
Napatili si Carnation nang ihagis siya ni Luca sa super king size bed ng silid. Matalim na tingin ang ibinato niya sa binata. "Hindi ba pwedeng dahan-dahan lang? Kailangan ba talaga na itapon mo ako!" naiinis na sigaw niya sa binata na nakatayo sa harap niya."I'm sorry," tangin nasabi ng binata kaya lalo sumimangot si Carnation."Bakit mo ba ako dinala dito?" tanong niya at nilibot ang tingin sa paligid. Ngayon lang niya na pagmasdan ng maigi ang silid ng dakilang Mr. Lust, noong unang beses kasi na pumasok siya sa silid na ito hindi man lang niya nagawa na tignan ang silid. "Ano ang ginagawa mo?""Naghuhubad?""Alam ko! Ang ibig kung sabihin, bakit ka naghuhubad sa harap ko!" Bigla-bigla na lang nagtanggal ng damit ang binata sa harap niya ng walang paalam. Hindi niya tuloy alam kung saan itutuon ang tingin. "Ano ba! Magdamit ka nga Luca!""Masyado namang boring kung tatambay lang tayo dito ng walang ginagawa," sabi pa nito na hindi tumigil sa pa
Read more
Chapter 56
"Likewise," palaban na sagot ni Carnation kay Tilaine at nilabanan ang masama nitong tingin sa kanya. Oo, mas maganda si Tilaine, sexy at mayaman, pero hindi siya magpapatalo dito! Ito nga ang almost perfect… Na kay Tilaine na lahat ng pwedeng hilingin ng isang katulad niya na pinagkaitan ng mundo sa maraming aspeto ng buhay. Pero buo ang loob niya na labanan ang babae dahil alam niyang sa huli siya ang nakasungkit ng puso ni Luca. Isang nanunuya na ngisi ang tugon ni Tilaine sa kanya. Pinag-cross nito ang mga braso sa harap ng dibdib. "That's good to hear. Hindi natin kailangan magustuhan ang isa't-isa. Sa tingin ko, alam mo na ang tunay na relasyon namin ni Luca." Sandali siyang natigilan ngunit marahan na tumango bilang tugon sa babae. "At kampante ka na niyan?" makahulugan na tanong ni Tilaine. Nakunot ni Carnation ang noo. "Huwag ka munang magdiwang dahil sa nalaman mo. Malay natin may gawin ako at magbago ang ihip ng hangin…" Hindi napigilan ni Carnatio
Read more
Chapter 57
"Kanina pa. Nasaan ka na?" nakasimangot na tanong ni Carnation sa kabilang linya. Anong oras na, wala pa rin ito sa pinag-usapan nila na lugar. "Akala ko ba 4pm? Anong oras na, oh! Meron akong duty sa CDL ng 6pm!" "Bakit ako wala? May performance tayo ni Lizette 'di ba? Wait mo lang, malapit na kami!" sagot naman ni RJ sa kabilang linya. May usapan sila ng kaibigan na magkikita ngayon, kasama nito si Vinn, ang kaibigan din nila na matagal na niyang hindi nakikita. "Oo na, pahamak ka naman eh!" "Duh… Hayaan mo na. Malakas ka naman kay Big Boss! Hindi ka na dapat nagtatrabaho ng Casa de Lujuria, dapat nga eh madam ka na," biro pa nito. "Tigilan mo na nga ako, sige na. Bye. Kita na lang tayo. Hintayin ko kayo sa loob." Pumasok na siya sa loob ng Café pagkatapos ibaba ng tawag. Sa counter agad nagtungo si Carnation para mag-order ng maiinom, natawa pa siya nang makita ang gulat na gulat na itsura ni Angelo, ang dati niyang katrabaho. "Hala! Kumust
Read more
Chapter 58
Mabilis na bumaba si Carnation ng taxi at tumakbo sa loob ng hospital, sa emergency room agad siya itinuro ng nurse sa reception nang itanong niya ang tungkol sa binata. Hindi malaman ni Carnation ang gagawin, nanginginig ang kamay at tuhod niya sa sobrang pag-aalala, sana ay hindi fatal ang kondisyon ni Luca. Ilang hospital bed na ang tinignan niya, pero hindi nakita ni Carnation ang boss. Tumindi pa ang kaba niya dahil dito, pakiramdam niya ay mababaliw na siya sa pag-aalala, ilang nurse na ang tinanong niya ngunit pare-pareho lang ang sinasabi ng mga ito, sa emergency room daw niya makikita ang hinahanap na binata. Pagod na siya sa pagtakbo ng matagal at ramdam niyang bibigay na ang tuhod niya, hindi na niya kayang maglakad. Naupo siya sa upuan na nakita sa gilid ng lobby. Hapo at habol ang hininga, nag-angat ng tingin si Carnation nang may nakitang sapatos ng lalaki sa harap niya. "Hey," sabi nito. Sumimangot agad siya at sinipa ng malakas ang tuh
Read more
Chapter 59
"Let's go…" Hindi na hinayaan ni Carnation na magsalita ang binata na kaharap. Kinuha niya ang hand bag at tinalikuran ito.Si Luca naman natauhan sa galit at agad na hinabol ang umalis na dalaga. Ang bilis nitong maglakad. Naabutan niya lamang si Carnation sa parking area. Hiningal pa siyang inabot ang siko nito at hinaharap sa kanya."I'm sorry. Hindi ko lang talaga nagustuhan ang ginawa niya kaya hindi ko mapigilan ang sarili na suntukin siya," paliwanag niya sa mata lang ni Carnation nakatingin. Ang totoo ay uminit talaga ang ulo niya, nang insultuhin nito ang dalaga. Hindi naman siya bayolente na tao, pero kusang kumilos ang katawan niya kanina at sinapak ang matanda. That old man hit a nerve."Hindi mo kailangan mag-sorry," malumanay na sagot ni Carnation. Nakunot ni Luca ang noo nang mag-iwas ito ng tingin, ngunit 'di pa rin naitago ang luha sa mga mata."Hey, why are you crying?" malambing na tanong niya at marahan na inangat ang mukha ng d
Read more
Chapter 60
Luca pinned her on the wall as soon as they got inside his house. Hinalikan siya nito ng buong pagsuyo sa labi, na agad naman tinugon ni Carnation. Hindi niya alam kung paano sila nakarating sa bahay ng binata sa loob lamang ng maikling panahon. Basta ang natatandaan niya ay humiwalay ito sa halik niya, pinaandar ang sasakyan na parang kumakarera kay kamatayan, at sa isang kisap ng mata nasa harap na sila ng bahay nito.Luca intensifies the kiss. The young man's lips were warm and soft, Carnation could still taste the bittersweet taste of the wine Luca had earlier. Their bodies pressed together heatedly against the wall as they breathed heavily, tasting each other's lips. She could feel the butterflies dancing in her stomach. Kakaiba ang pakiramdam na dulot ng mga halik ni Luca sa kanya, may kung anong emosyon ang nagigising sa puso ni Carnation.Habol ang hininga na naghiwalay ang labi nila ng binata. Pinagdikit nito ang noo nila, nang sandaling iyong ramdam niya ang
Read more
Chapter 61
"Hindi ba pwedeng dito ka na lang matulog?" Pinisil ng binata ang kamay niya. Katatapos lang nilang maglinis ng kusina, pagkatapos kumain ng tikoy kasama si Farkas."Saan naman ako matutulog dito? Alangan naman tumabi ako kay Binibining Mist.""Bakit sa kanya kung pwede naman na sa akin?" sabi nito at ngumiti ng malapad. "Don't worry. We're just going to sleep.""Talaga lang ah?""Yeap, may isang salita ako." Napailing siya at mahinang tumawa sa sinabi nito. Ang laki naman ng tiwala nito sa sarili. Tignan na lang talaga niya, baka mamaya niyang kainin nito ang sariling mga salita."So?""Fine. Basta tulog lang..." Lumawak lalo ang ngiti nito. Excited na kinuha nito ang kamay niya at hinatak siya palabas ng kusina, hinila siya ng binata hanggang kwarto nito sa third floor.Hindi mapigilan ni Carnation na mapangiti, nang marahan siyang inupo ng binata sa gilid ng higaan nito. Nagpaalam ito sandali, nang makabalik may dala na itong pamal
Read more
Chapter 62
"Hindi ko alam na narito ka sa bahay.""Oh my gosh!" nagulat na sabi ni Carnation at hinarap ang taong nagsalita. "Binibining Mist! I-ikaw pala." Nataranta niyang kinuha ang tasa ng kapi at itinago iyon sa likod.Maaga siyang nagising kaya naisipan niya na maghanda ng breakfast in bed para kay Luca. Sa labis na excitement, na wala sa isip niya na kasama pala nito ang mga kapatid sa bahay. Tsk. Hindi talaga siya nag-iisip! Nakakahiya tuloy na nahuli siya ni Mistina sa kusina na hindi naman niya pag-aari."Anong ginagawa mo?" tanong nito at sinilip ang likod niya kaya lalo lang niyang itinago sa likod ang kape. "You don't have to hide it.""Ano. K-kape lang ito na ginawa Binibining Mist—""You don't need to address me with that, wala naman tayo sa Casa de Lujuria.""G-ganun po ba...""Yes, just call me Ate Mistina." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ng babae. Hala? Bakit naman ate? "Mukhang gulat na gulat ka ah? I know everything ab
Read more
Chapter 63
"Blooming ka ngayon, ah?" Nanunukso na sabi ni Lezitte sa kanya habang nag-aayos sila sa waiting room. May performance sila ngayon kasama ni Rj, at balita niya VIP lang ang nasa list ng audience na manonood sa kanila."Tch! Ako na naman ang nakita mo.""Oy, hindi... Totoo nga kasi, blooming ka. Ano finally ba natuklaw ka na ng anaconda ni Sir Rufus?" Nakunot niya ng noo sa sinabi ng kaibigan."Si Rufus?""Oo, ang sabi ni Boss Farkas kaya raw hindi ka naka-duty ng ilang araw dahil binahay ka ni Sir Rufus." Napanganga siya. Hindi lubos maintindihan ang mga sinasabi ng kausap. Anong binahay siya ni Rufus? Huling nakita niya ang lalaki ay noong party ni Samantha. Hindi na nga niya ito nagawang siputin sa mga season nila dahil palagi niyang kasama si Luca."Hindi naman ganun—" Kusa siyang huminto sa pagsasalita nang mapansin sa repleksyon sa salamin ang mga kasamahan nila. Nasa kanya na halos ang atensyon ng mga ito. "Oo, may special
Read more
Chapter 64
"I'm sorry..." Tumigil sa pagmasahe ang mga kamay ni Carnation. Naupo siya ng maayos sa kama sa tabi ng nakadapa na binata at tinakpan ng puting tuwalya ang lantad na likod nito. "Para saan?" tanong niya, ang isang kamay ay tinukod sa kama habang ang isa ay hinahaplos ang buhok sa gilid ng ulo nito. Hindi nagsalita si Luca, nanatili itong tahimik at nakadapa sa kama kaya naman ay hinulaan na niya. "Tungkol ba sa nangyari kanina sa backstage?" Hindi pa rin ito nagsalita. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Carnation dahil doon. "Hindi mo naman kailangan mag-sorry. Wala ka namang ginawang mali, ako nga dapat ang mag-sorry dahil sa nangyari." Gumalaw si Luca, tumihaya ito sa kama at tinitigan ang mukha niya. "Bakit ka naman magso-sorry?" "Dahil pinili kong ilihim ang relasyon natin?" patanong niyang sagot. Siya naman talaga ang may gusto na ilihim muna ang lahat sa pagitan nila, dahil magulo pa ang buhay niya.
Read more
PREV
1
...
56789
...
12
DMCA.com Protection Status