Share

Chapter 64

"I'm sorry..." Tumigil sa pagmasahe ang mga kamay ni Carnation. Naupo siya ng maayos sa kama sa tabi ng nakadapa na binata at tinakpan ng puting tuwalya ang lantad na likod nito.

"Para saan?" tanong niya, ang isang kamay ay tinukod sa kama habang ang isa ay hinahaplos ang buhok sa gilid ng ulo nito.

Hindi nagsalita si Luca, nanatili itong tahimik at nakadapa sa kama kaya naman ay hinulaan na niya. "Tungkol ba sa nangyari kanina sa backstage?" Hindi pa rin ito nagsalita. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Carnation dahil doon.

"Hindi mo naman kailangan mag-sorry. Wala ka namang ginawang mali, ako nga dapat ang mag-sorry dahil sa nangyari." Gumalaw si Luca, tumihaya ito sa kama at tinitigan ang mukha niya.

"Bakit ka naman magso-sorry?"

"Dahil pinili kong ilihim ang relasyon natin?" patanong niyang sagot. Siya naman talaga ang may gusto na ilihim muna ang lahat sa pagitan nila, dahil magulo pa ang buhay niya.
Chapitre verrouillé
Continuer à lire ce livre sur l'application

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status