All Chapters of The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst): Chapter 71 - Chapter 80
116 Chapters
Chapter 65
"Wala ka na bang bibilhin?" tanong ni Luca kay Carnation pagpasok nila ng sasakyan ng binata pagkatapos bumili ng cake. Pupunta sila ngayon sa bahay ni Wren Leath, at tulad ng napag-usapan nilang dalawa. Dumaan muna sila sa café na dating pinagtatrabahuhan ni Carnation para bumili ng pasalubong kay Wren. "Wala na, ito lang naman ang gusto kung dalhin sa kanya. Ikaw ba, may gusto kang bilhin para may Kuya Wren?" "We are not that close actually. Hindi ko alam ang mga gusto niya, bibisita lang talaga ako sa kanya dahil kay Mistina." Tinignan nito ang box ng cake na nasa lap niya. "I think that will be enough." "Mhmm… Si Kuya Wren lang naman ang naroon sa bahay at ang dalawang katulong niya." Tumango si Luca at pinausad na ang sasakyan patungo sa pupuntahan. Hindi pa niya nakausap si Wren Leath tungkol sa gaganapin na kasal nito at ng kapatid niya. Sobrang niyang kinagulat ang balita na natanggap, hindi naman kasi nagsasabi ang kapatid niya tungkol sa lov
Read more
Chapter 66
Naabutan ni Carnation si Wregan sa salas, at bago pa man siya tuluyang makapasok sa loob ng bahay, kinabig nito sa balikat si Luca na nakatayo upang salubungin si Wren na pababa ng hagdan at bigla na lang sinuntok sa mukha, si Luca ay natumba sa sahig dahil sa lakas ng suntok nito. "Wregan!!" malakas na sigaw ni Carnation. Mabilis siyang tumakbo patungo sa dalawang lalaki. Wala sa loob na tinulak niya si Wregan at dinaluhan si Luca nakaupo sa sahig. "Are you out of your mind!?" galit na sigaw niya. Nilingon niya si Luca at maingat na hinawakan ang napuruhan nitong pisngi. "Ayos ka lang ba?" Sunod-sunod na tumango ang binata. "I'm fine, don't worry. Hindi ko lang inaasahan ang ginawa niya kaya hindi ako nakailag," mahinahon at nakangiti na sagot naman nito. Si Wregan na nanonood sa dalawa ay nagkuyom ng kamao, hindi niya na pag-igtingin ang panga sa nakikita. The woman he truly loves is protecting his love rival from him. Nag-mukha siyang kontrabida sa
Read more
Chapter 67
“Magkapatid kayo?” Nakuyom ni Carnation ang kamao. Sinulyapan niya si Wregan na labis ang pagkunot ng noo, nakatingin sa kanila ni Wren, naghihintay ng confirmation. “Sumagot ka kuya, tama ba ang narinig namin?” “Yes, Carnation is my half-sister. Magkapatid kami sa ina," sagot ni Wren. Nagpakawala ito ng malalim na buntong hininga. "Her father and my mother had an affair." "Kaya mo kami sinira?" akusa agad ni Wregan. Tila ba siguradong-sigurado ito sa naisip. "Yes, I ruined your relationship because Carnation is my sister. I was informed that you got yourself a girlfriend, nakarating din ito kay Dad at inutusan niya ako. He told me to investigate your girl, knowing him, hindi niya hahayaan na mapunta ka sa kung sino lang na babae. At doon ko nalaman ang ugnayan naming dalawa, na may kapatid pala ako sa ina at si Carnation iyon." "Pero bakit hindi mo na lang sinabi sa akin? Bakit kailangan mo pa akong i-set up at gawing gago!?" galit na sigaw n
Read more
Chapter 68
“Masarap ba?” nakangiting tanong ni Carnation kay Luca pagkatapos itong subuan. Nagluluto siya ng pasta at gustong tikman ng binata ang ginawa niya na sauce. “Mhmm… I love it! I think this will be my new favorite,” todo ang ngiti ang puri ni Luca sa natikman na sauce. "Maniwala ako sayo…" "Oo nga, sobrang sarap. It felt like I'd tasted the heave," banat ni Luca. Malakas na tumawa si Carnation, iba kasi ang naging dating ng sinabi nito sa kanya, ang laswa. "Tch!" angil ni Wregan na nakaupo sa high chair. Nanonood sa dalawa na sweet at panay ang asaran habang nagluluto sa kusina. Banas na banas na siya sa nakikita, hindi nakakatuwa, gusto niyang bangasan si Luca. Alam naman niya na sinasadya nito na inisin siya at lalo lang siyang naiinis dahil tagumpay nitong na sira ang mood niya. "Anong ginagawa mo r'yan?" Baling ni Luca sa kanya na ngayon ay nakayakap sa maliit na baywang ni Carnation. "Kung hindi mo gusto ang nakikita mo, umalis ka na lang,
Read more
Chapter 69
“Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na kapatid mo si Wren Leath,” saad ni Luca. Nakahiga ito sa kama sa loob ng sekretong silid sa opisina nito sa Casa de Lujuria. Yakap nito ang dalagang si Carnation na unan ang braso niya. “Hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong maramdaman noong unang beses kong malaman. Pakiramdam ko pinaglaruan ako ng lahat. Pero ang totoo may parte sa puso ko na sobrang sumaya dahil kapatid ko pala talaga ang lalaking pinangarap kong maging nakatatandang kapatid noon.” Yumakap sa katawan ni Luca ang dalaga. “Pero hindi ko masabi na masaya akong nalaman na kapatid ko siya, galit pa rin ako sa ginawa niya.” “Does that mean you wish to be with Wregan again?” kaswal na tanong ni Luca. Ngunit kinakabahan sa magiging sagot ni Carnation. Paano kung hilingin nito na bumalik kay Wregan? F*ck. Ito na naman siya sa pag-overthink. Siya na ang pinili ni Carnation, hindi na magbabago ang pasya nito. Hindi nga ba? “Hindi.” Naging mahigpit ang ya
Read more
Chapter 70
"Kumusta na si Farkas?" tanong agad ni Carnation at tumayo mula sa lounge. "Ano ang nangyari? Bakit siya inatake?" "Sino ang walang hiyang sumaksak sa kanya?" galit agad na tanong ni Lizette at sinalubong si Luca na pumasok ng opisina nito kasama si Gregory. "He's fine. Fortunately, hindi malalim ang tinamo niyang mga saksak—" "Mg saksak!? Bakit? Gaano ba karami ang saksak niya?" "Hey, relax. Dalawang saksak sa tiyan ang tinamo ni Fast at isa naman sa balikat," ani Luca. "Mabuti na lang at lahat ng saksak niya ay hindi bumaon ng malalim, wala rin siyang organs na tinamaan," pagpapatuloy ni Gregory. "Hindi pa namin alam kung ano talaga ang nangyari sa kanya sa parking. Hindi pa rin siya nagigising at hindi namin alam kung kailan siya magigising." "Hindi ba pwede na i-check ang CCTV? I'm sorry nakunan ng CCTV ang nangyari sa kanya sa parking," suhestiyon naman ni Carnation. Naglakad patungo sa kanya si Luca at mahigpit siyang niyakap. "Inaasikaso na ni Pride ang security cameras.
Read more
Chapter 71
"Hindi ako sang-ayon sa kasal n'yo ni Binibining Mist." Natigilan si Wren na nakaupo sa driver's seat ng sasakyan at nilingon ang kapatid na nakaupo sa passenger seat. Magkasama silang dalawa dahil gusto ni Wren na ilabas ang nakababatang kapatid na babae para mag-dinner "Mhmm? Why so sudden? Hindi na lang ang boyfriend mo ang kontrabida sa love story namin ni Mist, pati na rin ikaw. Bakit?" Umikot ang mata ni Carnation. "Hindi ako kontrabida kuya, hindi lang talaga ako payag na si Binibining Mist ang maging asawa mo." "Bakit nga?" "Feeling ko ginagamit ka lang niya. Malakas ang kutob ko kuya, I'm sure may binabalak siya." Hindi niya alam kung ano binabalak ni Mistina, pero sigurado talaga siya na kaya ito magpapakasal sa kapatid niya, dahil gusto nitong gamitin si Wren sa kung ano man ang plano nito. "You don't have to worry about her and our wedding. Hindi naman ikaw ang pakakasal sa kanya, bakit kailangan mo pang alalahanin ang bagay na iya
Read more
Chapter 72
Papasok pa lang si Carnation ng Casa de Lujuria, nang bumaba siya ng taxi ay bigla siyang hinablot ni Lizette sa kamay at hinila papasok ng hotel. Gulat niyang nilungon ang kaibigan at hiniyaan itong hatakan siya. “Bakit ka nagmamadali? May nangyari ba sa loob?" nag-aalala niyang tanong sa kaibigan nang mapansin itong hindi mapakali. Nasa loob na sila ng elevator patungong Casa de Lujuria. "Gising na raw si Farkas," tila maiiyak na sagot ni Lizette. Hindi niya sinasadya na matawa pero ang cute lang kasi ng kaibigan niya, alalang-alala sa baby boss nila. "Walang nakakatawa, Mauve! Alam mo ba na sobrang nag-alala ako sa hayop na iyon!" "Chill ka lang. Hindi mo naman kailangan sumigaw. Alam kong nag-aalala ka kay Farkas." Binitawan ni Lizette ang kamay niya. Sumimangot ang kaibigan na humarap sa pinto ng elevator. "Bakit hindi mo pinuntahan si Farkas? Hinintay mo pa talaga ako." "Bakit sa tingin mo papayagan nila akong pumasok sa kwarto niya? Isa pa, nar
Read more
Chapter 73
Bumukas ang pinto ng opisina ni Luca at lumabas doon ang apat na lalaki. Hindi niya pa nakita ang mga lalaking ito, ngayon pa lang. Sunod na lumabas ng opisina nito si Luca na agad siyang napansin na nakatayo sa lobby. Nagkunot ito ng noo nagtataka kung bakit naroon siya nakatayo suot lamang ang manipis na roba. Nag-iwas siya ng tingin sa binata at niyuko ang ulo. Binati niya ang mga lalaking dumaan sa harap niya kasama na ang kasintahan na lumingon pa sa kanya ng isang beses bago ito tuluyang lumakad kasama ng mga lalaki. Wala sa sariling nagkuyom ni Carnition ang kamao. Hinabol niya ng tingin ang papalayong binata na 'di na muli lumingon sa kanya. Ano ang nangyari? Bakit pakiramdam niya may nagbago dito? Iba ang mga tingin ng binata sa kanya nang nagtagpo ang kanilang mga mata. Malamig ang tingin nito na para bang hindi siya kilala, at iyon ang unang beses
Read more
Chapter 74
“Hindi ka ba ihahatid ni Carnation?” nanunukso na tanong ni Farkas na nakaupo sa shotgun seat, habang siya ay nasa backseat. They’re now waiting for Mistina na sobrang tagal bumaba, dahil ang daming dala. “She doesn’t want to go,” nagdaramdam niyang sagot sa kapatid. Tinawagan niya ang dalaga kagabi para sana imbitahan itong sumama sa paghahatid sa kanila sa airport, pero nagbilin lang itong mag-iingat siya sa byahe. Hindi niya tuloy alam kung aalis ba o huwag na lang. Halata kasi sa boses ng dalaga kagabi na nagtatampo pa rin ito. “Aww… So sad naman niyan, bro. Baka pagbalik mo may ibang nagko-comfort na sa girlfriend.” Sulsol pa ng kapatid niya at malakas na tumawa. Sinamaan ito ng tingin ni Luca at ipinakita ang middle finger niya sa kapatid, lalong lumakas ang tawa niyo dahil sa ginawa niya. “Bakit kasi hindi ka na lang magpa-iwan dito?” “Shut up, Fast. You know why I’m going with you.” “Because you miss dad?” Malutong na nagmura si Luca. Si Farka
Read more
PREV
1
...
678910
...
12
DMCA.com Protection Status