Lahat ng Kabanata ng The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst): Kabanata 81 - Kabanata 90
116 Kabanata
Chapter 75
Malaki ang bawat hakbang ng magkapatid na Lindenhurst nang makarating sa ospital kung saan dinala ang kanilang ama. Nang matagpuan nila ang silid kung saan ama, agad silang sinalubong ni Samantha. Mukha itong wala pang tulong ng ilang araw, ang masayahin at maaliwalas nitong mukha ay napalitan ng stress. “Samantha, kumusta ang dad?” nag-aalala na tanong ni Mistina. Hinawakan nito ang kamay ng kanilang stepmother at marahan itong hinila para maupo sa couch na naroon sa silid. “Ano ang sabi ng mga doctor?” “Stable na siya. Wala na sa bingit ng kamatayan, pero ang sabi ng doktor ay huwag daw natin i-stress ang daddy ninyo.” Malalim na nagpakawala ng buntong-hininga si Luca at nilingon ang ama na payapang natutulog sa kama nito. Hindi niya inakalang makikita niya ang ama sa ganitong kalagayan. “Ano ba kasi ang nangyari? Bakit inatake siya sa puso?” Iritableng tanong ni Farkas at na upo sa kabilang bahagi ng couch kung saan nakaupo si Mistina at Samantha. Si Luca naman ay doon naupo sa s
Magbasa pa
Chapter 76
“Hindi pa ba tumatawag sa iyo si Farkas?” tanong ni Carnation sa kaibigan na nakaupo sa sofa at kumakain ng mangga na may bagoong. Binisita niya ito dahil gusto raw na may kasama na kumain ng hinog na mangga na sinasawsaw sa bagoong. Ngunit hindi naman niya maatim na kumain dahil hindi niya talaga ma-imagine ang lasa! “Hindi pa. Hayaan mo ang baliw na iyon, hindi ko naman siya kailangan.” Napailing siya sa sinabi ng kaibigan. “Kailan mo itong sabihin sa kanya Lizette. Hindi pwedeng solohin mo lang ang tungkol sa bagay na ito. Dalawa kayong gumawa nito, dalawa din kayong dapat na humarap sa naging resulta.” “Hindi ko siya kailangan,” malumanay na sagot ni Lizette. “Nag-resign na ako at wala na kaming koneksyon sa isa’t-isa. Kaya ko namang buhayin ang sarili ko at ang maliit na... “ Matunog na lumunok si Lizette. “Kaya kong buhayin ang maliit na taong ito sa loob ko.” “Ayaw mo bang lumaki ang batang iyan na may ama?” “May ama naman talaga siya.
Magbasa pa
Chapter 77
Two years later. . . "Good Morning, Ma'am." "Good Morning! Si Kuya Wren ba pumasok na?" tanong ni Carnation sa secretary nang pumasok siya ng sariling opisina. "Hindi pa dumating si Sir Wren. Pero sigurado naman po na papasok iyon ngayon. Last week lang sila dumating ng asawa niya after ng honeymoon nila," imporma naman nito at sumunod sa kanya. "Ganun ba?" Hinubad ni Carnation ang suot na suit at sinampay sa sandalan ng swivel chair niya. Ang secretary naman niya ay agad na tinungo ang maliit niyang pantry at nagtimpla ng kapi. "Anong nga na nga pala ang nangyari doon sa meeting na pina-cancel ni kuya?" "Ayon po, nag-reschedule na ako. Mamaya na pong 3pm ang meeting, sana sumipot na ang kapatid niyo." Napailing si Carnation sa sinabi ng secretary. Dapat kasi pumasok na ng opisina ang kuya niya ng nakaraang linggo. Ang problema hindi na yata maiwan ang asawa. Naku! Tatlong buwan nga na nag-honeymoon ang mga ito sa iba't-ibang bansa sa mundo, tapos kulang pa rin? "Grabe po mag-hon
Magbasa pa
Chapter 78
"Mabuti naman at naisipan mong pumasok ngayon? Akala ko talaga balak mong ibigay sa akin ang kompanya mo," anas ni Carnation nang pumasok sa opisina ng nakatatandang kapatid. Nasabi sa kanya ng secretary na pumasok ito kaya naman agad niya itong pinuntahan sa opisina nito."I can do that. Gusto mo ba?" Sakay ng kapatid sa sinabi niya."No thanks! Hindi ko pinangarap na maging CEO, kuntento na ako sa trabaho at yaman ko."Malakas na tumawa ang kapatid niya. Itinuro nito ang lounge area sa opisina nito kaya doon siya naupo. Tumayo naman si Wren mula sa office table nito at naupo sa couch na katapat ng kinauupuan niya."Hindi agad kami nakabalik ni Mistina dahil nagkaroon ng problema sa kanila pagkatapos ng kasal namin. Last week naman, marami kaming inasikaso sa bahay kaya hindi rin ako nakapasok," paliwanag ng kapatid."So… Kumusta ang buhay may asawa? Masaya ka ba ngayon?" Hindi niya gustong maging tunog bitter. Sadyang hindi lang maganda an
Magbasa pa
Chapter 79
"Ma'am, hinihintay kayo ni Sir Wregan sa ibaba," imporma ng secretary niya nang pumasok ito ng opisina.Kunot ang noo na nag-angat ng ulo mula sa binabasa na papeles si Carnation. "Ano ang ginagawa niya sa lobby? Bakit hindi siya umakyat dito?"“Ang sabi niya sa akin, bumaba daw kayo.” Kibit balikat na sagot ng secretary niya. Hindi na tuloy maipinta ang itsura niya. Ano naman kaya ang kailangan ng lalaki sa kanya at siya pa ang gusto niyang pumunta dito.“Sige, paki-cancel na lang ng mga meetings na naka-schedule today. Malakas ang kutob ko na itatakas na naman ako ng isang iyon. Malamang narinig niyang pumasok si Kuya Wren,” utos niya at niligpit ang mga gamit sa kanyang table.“Sige po, Ma’am. Sasabihin ko rin ba kay Sir Wren na umalis kayo ni Sir Wregan?”“Hindi na. I’m sure alam na niya, knowing Wregan. Malamang sinabi na ni Wregan kay Kuya Wren na aalis kami.” Tumango ang secretary a
Magbasa pa
Chapter 80
Inalalayan siya ni Wregan pababa ng kotse. Kinuha nito mula sa kamay niya ang box ng triple chocolate cake na binili sa isang sikat na bake shop. Tanggahili sila umalis ni Wregan ng Batangas at hapon na sila nakarating ng Maynila, at na-traffic pa sila sa EDSA papunta sa bahay ni Wren. Ginabi na tuloy sila.Sabay silang pumasok sa main door ng bahay ng kanilang nakatatandang kapatid. Nakita sila ng isa sa mga katulong doon at agad na sinalubong."Magandang gabi, Ma'am, Sir." Ngumiti si Carnation sa katulong."Si kuya?" tanong ni Wregan at niligon ang sala ngunit walang kahit isang tao doon."Nasa dinning na po sila, Sir. Ako na po ang magdadala ng hawak niyo," anang maid at kinuha sa kamay ni Wregan ang box ng cake, ngunit hindi naman iyon binigay ni Wregan. Hindi niya na iwasan na samaan ng tingin ang kasama."Ano ba ang ginagawa mo?" bulong niya kay Wregan at siniko ito."Sir, ako na po—""Hindi na manang, ako na. Sama
Magbasa pa
Chapter 81
Kanina niya pa binabasa ang report na hawak pero wala talaga siyang maintindihan. Wala sa trabaho niya ang isip niya. Lumilipad ito kung saan sa loob ng kanyang opisina. Nakakainis! Bakit kasi kailangan na makita pa niya si Luca? Pwede namang nanatili na lang ito sa New York at hindi na bumalik ng Pilipinas."May problema ba? Kanina mo pa binabasa ang isang pirasong papel na 'yan," puna ni Lizette at nilapag ang tasa ng kape sa ibabaw ng center table. Pinatulog na nito ang anak.Sunod-sunod siya umiling. "Wala. Hindi ko lang maintindihan ang mga nakasulat.""Bakit? Masyado bang komplikado ang laman ng isang piraso ng papel na iyan?" Naupo ito sa carpeted floor ng sala tulad niya at sinilip ang papel na hawak niya. "Ay, gaga! Paano mo kasi maintindihan wala namang nakasulat! Naku… Mauve, kilala na kita may problema ka talaga. Sabihin mo na. Ano ba kasi ang gumugulo sa isip mo?"Napasinghap siya. Dapat ba niyang sabihin? Ah, kasama nga pala ni Luca ang kapatid. Alam na kaya ni Lizette na
Magbasa pa
Chapter 82
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Ang tingin ay nag-palipat-lipat kay Farkas at Lizette, parehong napatlang ang dalawa na nakatitig lang sa isa't-isa. Mukhang ito na ang kinakatakutan na araw ng kaibigan niya, ang malaman ni Fast ang tungkol sa anak nito. "Akin na muna si baby," aniya at lumapit kay Lizette. "Sa tingin ko ay kailangan ninyong mag-usap." Kinuha niya mula kay Lizette ang baby nito at pumasok sa loob ng bahay para bigyan si Farkas at Lizette ng panahon na mag-usap. “Malalagot talaga ang mommy mo sa daddy mo, baby.” Nailing siya. Kung bakit ba kasi nagpunta dito ang lalaking iyon. Malalim na nagbuntong-hininga siya at hinalikan sa noo ang karga na baby.  “Kay Tita ka muna ah? Si Mommy at Daddy mo kasi nag-uusap,” kausap niya sa baby at naupo sa sofa ng salas. Mula sa bulsa ng suot na jacket kinuha niya ang smartphone nang mag-ring iyon ng ilang beses. “Yes?” sagot niya sa tawag ng secretary. “Ma’am, may lalaki
Magbasa pa
Chapter 83
Nakatayo sa harap ng malaking bintana na gawa sa salamin, mahigpit ang kapit ni Carnation sa puting kurtina ng bintana. Tanaw niya ang asul na dagat ngunit hindi niya magawang purihin iyon dahil sa galit na nararamdaman sa lalaking sapilitan na nagdala sa kanya sa isla kung nasaan siya ngayon.“Handa na ang pagkain. Come on, samahan mo akong mag-agahan,” masuyo at puno ng lambing na alok sa kanya ni Luca na naroon lang nakatayo sa kanyang likuran.“Hindi ako gutom,” matigas at matatag niyang sagot. Hindi niya ito sasabayan kumain kahit na ano ang mangyari. Kahit pa tutukan siya nito ng baril sa ulo. Mas mabuti nga siguro na mamatay na lang siya kesa ang makasalo itong kumain. Ganun katindi ang galit niya sa dito“Hindi pwede. Hindi ka kumain ng hapunan kagabi kaya kailangan mong kumain ngayon. Tara na, kailangan magkaroon ng laman ang tiyan mo, huwag matigas ang ulo Carnation, baka magkasakit ka sa ginagawa mo.”“
Magbasa pa
Chapter 84
Mabilis na inagaw ng katulong ang tasa na hawak ni Carnation, sa gulat marahas niya itong nilingon. "Manang! G-ginulat mo ako.""Pasensya na ma'am. Ano ho ang gusto niyo? Ako na ang gagawa," presenta nito at hinila siya paupo sa high chair. "Gusto niyo ng kapi?""H-hindi na manang, okay lang ako." Tumayo siyang muli. "Kaya ko naman ang sarili ko, ako na po ang gagawa—""Ma'am… mahigpit na bilin po sa amin ni Sir Luca na pagsilbihan kayo.""Pero kaya ko po—""Mawawalan ako ng trabaho kapag hinayaan ko kayong gawin ang gusto niyo Ma'am." Hindi natuloy ni Carnation ang paglapit sa countertop para ipaghanda ang sarili ng kapi. Malalim siyang napasinghap. Hinarap niya muli ang katulong at tipid itong nginitian.“Mukhang wala na nga akong magagawa.” Pagsuko niya at hinayaan na itong ipagtimpla siya ng kapi. Pinagkasya na lamang niya ang sarili sa pag-upo sa high chair at inaliw ang sarili sa pagtingin sa mga gamit sa
Magbasa pa
PREV
1
...
789101112
DMCA.com Protection Status