Lahat ng Kabanata ng SOLD TO BE THE BILLIONARES WIFE|FILIPINO|: Kabanata 211 - Kabanata 220
227 Kabanata
Chapter 26.10
“Paano nangyari iyon?” mahinang tanong sa kaniya ng ama nila Vena.Nang mga oras na iyon ay halos hindi siya makatingin rito ng diretso dahil ipinangako niya rito na sisiguruhin niyang nasa maayos at safe na lugar si Vena ngunit ganito naman ang nangyari. Kung tutuusin ay wala nga siyang mukhang maihaharap rito pagkatapos nga niyang malaman na nakaalis pala si Vena sa isla sa tulong ni ate Lorna dahil sa sobrang pagmamakaawa nito na tulungan siya.Hindi niya alam kung paano niya ito nakumbinsi ngunit nasisiguro niya na ginawa nito ang lahat ng makakaya nito upang mapapayag niya ito na tulungan siya.“Hindi ko rin po alam. Ang alam ko lang ay nasa mabuti at safe siyang lugar pero ganito naman ang nangyari, pasensiya na po.” paghingi niya rito ng paumanhin. Nasa tabi nito ang dalawang anak nito na kasama niyang nagpunta doon at nakaupo sila sa paanan nito.“Wala naman may gustong mangyari ito lalong- lalo ka na.” sabi nito na ikinagaan ng kalooban niya dahil mukhang hindi naman ito gal
Magbasa pa
Chapter 26.11
Hindi siya kaagad nakasagot sa tanong nito at pagkatapos ay lumunok na lamang habang nag- aapuhap ng pwede niyang isagot sa tanong nito. Para siyang na- corner ng mga oras na iyon dahil sa tanong nito, paano niya ba ipapaliwanag ang sarili rito.“Mahal—” pinilit niyang abutin ito ngunit mas umatras lamang ito.Kitang- kita niya ang sakit sa mga mata nito ng mga oras na iyon. Parang pinipiga ang kaniyang puso habang nakikita niya na tumutulo ang mga luha nito sa mata. Ni minsan ay hindi niya naisip na malalaman nito ang tungkol sa pagtataksil niya.Halos magtatatlong taon na rin naman ang nakalipas noong panahong nakipaghiwalay siya sa babaeng iyon at nangako naman ito na hindi manggugulo sa kanila kaya naging malinis ang paghihiwalay nila noon. Sa katunayan dahil nga sa maselang pagbubuntis noon ng kaniyang asawa sa pangatlo nilang anak na si Thirdy ay napilitan siyang hindi tabihan ito at halos ayaw din naman siya nitong makita noong panahong iyon dahil sa paglilihi nito.At dahil sa
Magbasa pa
Chapter 26.12
Kinaumagahan ay maagang bumangon si Armando upang makipag- usap sa babaeng dahilan kung bakit muntikang masira ang kanilang pamilya. Nangako siya sa kaniyang asawa na kakausapin niya ito at aayusin niya ang gusot na iyon. Ipnangako niya rin sa kaniyang mahal na asawa na wala na itong dapat pang ipag- alala dahil sinisiguro niya na malilinis niya iyon.Mabuti na lamang at mabait ang kaniyang asawa at hindi nito pinairal ang pagiging matigas ang puso nito at inintindi na lang ang mga nangayri. Sa katunayan nga ay ito pa ang nag- sorry sa kaniya dahil alam naman nito na may naging pagkukulang naman talaga ito.Dahil sa impormasyon na ibinigay ng kaniyang asawa sa kaniya ay madali niyang natunton ang bahay nito at halos magulat pa ito nang buksan nito ang pinto. Kitang- kita niya nga ang gulat sa mukha nito nang makita siya, siguro ay hindi nito inasahan na makikita siya nitong nakatayo doon.“A- anong ginagawa mo rito?” nauutal na tanong nito sa kaniya.Hindi niya sinagot ito bagkus ay n
Magbasa pa
Chapter 26.13
Ilang linggo rin na nananatili si Vena sa incubator bago siya tuluyang naiuwi at ang masaklap ay ipinanganak nga siyang malusog ngunit nawala naman ang ina niya dahil lang sa batang dumating sa bahay nila noong araw na iyon.Labis niya itong sinisisi noon sa pagkawala ng kaniyang asawa ngunit alam niya na wala din itong kaalam- alam sa mga nangyayari dahil bata pa lamang ito. Ang ina nito ang may kasalanan sa lahat pero kahit sisihin pa niya ito ay wala na siyang magagawa pa dahil nga namatay din ito sa isang aksidente nang araw na iyon kung saan ay plinano talaga nitong magpakamatay kaya nag- iwan pa ito ng sulat.Para nga mailayo siya sa kahihiyan maging ang pamilya niya ay ipinabago niya ang pangalan ng batang lalaki at inirehistro sa pangalan nilang mag- asawa bilang ikaapat nilang anak at si Vena ang ikalima. Pineke din nila ang taon nito at inilagay na sumunod ito kay Thirdy at mas hamak na bata ito ng isang taon rito kahit na ang totoo ay halos magkasing edad lang din naman ang
Magbasa pa
Chapter 27.1
UNTI- unting napamulat ng mga mata si Vena. isang kakaibang silid ang kinamulatan niya at hindi siya pamilyar doon. Napahikab pa siya at pagkatapos ay napapikit. Pakiramdam niya ay kulang pa ang tulog niya ngunit nang mga oras na iyon ay ramdam na ramdam niya ang pamumugto ng mga mata niya na tila ba busog na busog ang mga iyon sa pagtulog.Dahan- dahan siyang nagmulat ng mga mata at pagkatapos ay bumangon mula sa kaniyang pagkakahiga, kasabay nang pag- ikot ng paningin niya sa buong silid at napatanong kung nasaan nga ba siya. Akmang mag- iinat sana siya nag biga na lamang na hindi niya mahila ang kaniyang kamay.Nang lingunin niya ito ay agad na nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa labis na pagtataka kung bakit nakakadena ang isang kamay niya. Bigla tuloy niyang ipinilig ang kaniyang ulo at binalikan niya ang mga nangyari kahapon upang maalala niya.Napapikit siya at pagkatapos ay napamulat nang maalala niya na tumakas siya mula sa isla at kinagabihan ay umuwi siya sa kanilang bah
Magbasa pa
Chapter 27.2
Pagkalabas nila ng pinto ay kaagad na sinundan ni Cathy si Ceazar upang komprontahin. Gusto niyang malaman ang dahilan kung bakit bigla na lamang nagbago ang plano nito dahil ang unang plano nila ay kukuhanin nila ang lahat ng kayamanan ng pamilya Silvestre at wala pa silang nakukuha kung tutuusin.“Kailangan nating mag- usap Ceazar.” mariing sabi niya rito at sinundan niya talaga ito hanggang sa kusina.Pinanuod niya kung paano ito nanguha ng softdrinks in can at bago nito buksan iyon ay tinapunan siya nito ng tingin.“Mag- usap? Wala tayong dapat pag- usapan Cathy.” malamig na tugon nito na ikinapalnlaki ng kaniyang mga mata.“Anong wala? Bakit bigla na lamang nagbago ang plano mo Ceazar? Tapos diba ang pangako mo sa akin ay dalawa tayo na aalis ng bansa pero bakit si Vena ang binabalak mong iaalis rito at hindi ako?” punong- puno ng hinanakit na lintaya niya rito.Lumagok muna ito mula sa hawak nitong softdrinks at pagkatapos nitong uminom ay nagpunas pa ito ng bibig at pagkatapos
Magbasa pa
Chapter 27.3
Maghapong hindi kumain si Vena kahit na tinanggal na ni Ceazar ang kadena sa kamay niya. Ni maging ang uminom ng tubig ay hindi niya ginawa. Naisip niya kasi ay bakit pa siya kakain kung nakakulong lang din naman siya ng ganuon. Wala ng silbi pa kung kakain pa siya dahil mas gugustuhin na lamang niya ang mamatay kaysa ang mabuhay kung hindi na rin naman siya makakaalis pa sa kamay ni Ceazar.Wala siyang ginawa kundi ang mahiga sa kama at mag- isip ng pwede niyang gawin upang makatakas doon ngunit parang napaka- imposible nun dahil tiyak niya na maraming tauhan ito sa labas na nakabantay sa kanila. Isa pa ay hindi rin ito ang naghatid kanina ng pagkain sa kaniya kundi tauhan lamang nito.Hindi niya pinag- aksayahan na tanungin ito kung nasaan si Ceazar dahil wala naman siyang pakialam rito. Isa pa ay labis siyang nagsisisi ng mga oras na iyon dahil sa kahangalang ginawa niya. Kung sana naniwala siya at nagtiwala na lang siya kay Andrei e di sana ay hindi nangyari sa kaniya iyon pero da
Magbasa pa
Chapter 27.4
Dahan- dahang pumasok sa silid si Ceazar. Halos maghapon siyang wala doon dahil inasikaso niya ang kanilang passport ni Vena maging ang kanilang plane ticket. Hindi na niya kailangang mag- aksaya pa ng oras pa, isa pa ay nag- withdraw na rin siya ng pera para sa pag- alis nila.May naihanda na siyang bahay na tutuluyan nila sa ibang bansa at sapat na rin ang pera na hawak niya para sa ilang taon ngunit alam niya na kukulangin iyon kaya doon na lang niya proproblemahin, kaysa ngayon niya pa iisipin baka maubos na ang oras niya kakaisip.Pagkapasok na pagkapasok niya ay tahimik ang buong silid. Agad niyang nakita si Vena na payapang natutulog sa kama kaya maingat siyang lumapit rito at pagkatapos ay tinanggal niya ang ilang hibla ng buhok nito na bumabagsak sa mukha nito.Agad niyang napansin na may natuyong luha pa sa pisngi nito at bakas rin ang mamumugto ng mata nito. Nangingitim rin ang ilalim ng mga mata nito at ang mas lalong nakaagaw ng atensiyon niya ay ang maputlang mga labi ni
Magbasa pa
Chapter 27.5
“Alam kong napakalaking kasalanan ang nagawa ko sayo,” sabi nito sa kaniya. “At humihingi na ako ng tawad sa iyo ngayon pa lang. Nandito ako dahil handa ko ng sabihin sa inyo kung nasaan ang eksaktong lokasyon ni Vena at ni Ceazar.” sabi nito pagkatapos lamang nitong makaupo.“Anong pumasok diyan sa utak mo Cathy?!” malakas na tanong ng impostor ni Vin. magkaharap na ang mga ito ng mga oras na iyon dahil nagpaubaya siya sa kanyang upuan.Dalawa lang kasi ang upuan sa silid na iyon kaya hinayaan niya na lamang ito. Nakatayo sila ni Luke sa tabi ng mga ito at kitang- kita niya kung paano ito tumitig sa kaharap nito.“Mario hindi mo pa ba nakikita?” mahinang tanong nito.Napalingon sa lalaking nasa harap niya. Mario pala ang pangalan ng lalaking ito, bulong niya sa kanyang isip.“Tumahimik ka! Isa kang traydor!” sigaw nitong muli.Unti- unti namang sumilay ang isang ngiti sa mga labi ni Cathy habang nakatitig pa rin ito kay Mario.“Tingnan mo nga ang sarili mo, nakagapos at pinipilit na
Magbasa pa
Chapter 27.6
Hindi na nga nag- aksaya pa ng oras sina Andrei at mabilis silang nag- ipon ng tao para sa gagawin nilang operasyon sa pagliligtas kay Vena. mabuti na lamang ang pinagdalhan sa kaniya ni Ceazar ay hindi ganun kalayo na kailangan pa nilang tumawid ng dagat.Pero ayon kay Cathy ay apat na oras din daw ang kailangan nilang byahe at nasa loob na siya ng sasakyan ni Finn. kasama niya ito sa sasakyan at sa likod naman ay nakasakay si Zake. hindi siya pinabayaan ng mga ito kahit na alam niyang pagod din ang mga ito sa kani- kanilang mga trabaho.“Hindi naman kaya isang bitag lang ito?” biglang tanong ni Zake habang tahimik na nakasandal sa likod ng sasakyan. Ilang minuto na rin silang nasa- byahe at dahil nga hindi nila alam ang daan ay minabuti nilang pasamahin si Cathy kung saan ay mine- maintain nila ang layo nila mula rito dahil ito na rin mismo ang nagsabi na marami raw nagbabantay sa pinagtataguan nila na mga tauhan ni Ceazar.“Mukha namang seryoso kanina si Cathy at parang hindi naman
Magbasa pa
PREV
1
...
181920212223
DMCA.com Protection Status