Share

Chapter 26.13

Ilang linggo rin na nananatili si Vena sa incubator bago siya tuluyang naiuwi at ang masaklap ay ipinanganak nga siyang malusog ngunit nawala naman ang ina niya dahil lang sa batang dumating sa bahay nila noong araw na iyon.

Labis niya itong sinisisi noon sa pagkawala ng kaniyang asawa ngunit alam niya na wala din itong kaalam- alam sa mga nangyayari dahil bata pa lamang ito. Ang ina nito ang may kasalanan sa lahat pero kahit sisihin pa niya ito ay wala na siyang magagawa pa dahil nga namatay din ito sa isang aksidente nang araw na iyon kung saan ay plinano talaga nitong magpakamatay kaya nag- iwan pa ito ng sulat.

Para nga mailayo siya sa kahihiyan maging ang pamilya niya ay ipinabago niya ang pangalan ng batang lalaki at inirehistro sa pangalan nilang mag- asawa bilang ikaapat nilang anak at si Vena ang ikalima. Pineke din nila ang taon nito at inilagay na sumunod ito kay Thirdy at mas hamak na bata ito ng isang taon rito kahit na ang totoo ay halos magkasing edad lang din naman ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status