All Chapters of My Boss, My Fiancé: Chapter 51 - Chapter 60
70 Chapters
Chapter 51
 “Uuwi ka pa ba sa tinutuluyan mo, Leonel?” tanong ni Mama kay Leon habang kumakain kami ng hapunan. Medyo malalim na ang gabi pero nagyaya pa rin si Mama na kumain kami. Imbes tuloy na makauwi nang mas maaga si Leon, heto siya ngayon at kasabay naming kumakain. Paminsan-minsan ay nagtatama ang aming paningin. Kapag nangyayari iyon ay ngumingiti ako sa kaniya.Wala nang nagbanggit ng kahit ano tungkol kay Troy. I know Chase wanted to know all about it pero hindi ko pa kaya. I know one day, masasabi ko rin sa kaniya ang tungkol sa bagay na ito. Kailangan ko lang munang alagaan ang sarili ko ngayon. Pakiramdam ko kasi, sa ilang linggong pananatili ko kasama si Troy, naubos ako. Naubos ako sa kakaasa na bumalik ang lahat sa dati.“Opo Tita.” tipid na sagot niya kay Mama.Bumaling naman agad si Mama sa wall clock at tiningnan doon ang oras. Nakakunot ang kaniyang noo nang muling bumaling siya kay Leon.“Alas onse na.
Read more
Chapter 52
 Matagal akong napatitig kay Leon. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o totoo ang sinasabi niya. He looked at me with his serious expression. It took me minutes to realized he’s serious.Napayuko naman ako. Hindi ko alam kung paano iyon sasagutin. Bakit naman niya ako bigla-biglang niyayaya sa El Nido? Sinabi niya ba iyon para mapagaan ang loob ko?“El Nido has a great scenery, Louise. Malay mo kahit paano kapag naroon ka, makapag-isip isip ka. It might lessen the stress you’re feeling right now.”Muli akong bumaling kay Leon at ngumiti sa kaniya.“Hindi ko pa kayang magdesisyon ngayon, Leon.”He nodded.“Alam ko, Louise. Hindi naman kita minamadali. You can take all the time you need to think. Basta kapag nakapagdesisyon ka na sabihin mo agad sa akin.”Hindi ko alam kung bakit ginagawa ito ni Leon. Hindi ko talaga alam kung paano niya nakakayanang tulunga
Read more
Chapter 53
 “Ready ka na ba sa bakasyon mo ate?” nakangiting tanong sa akin ng kapatid ko habang nag-aasikaso ako ng mga gamit ko. Nakadungaw siya sa may pintuan ng kuwarto ko. Tinawanan ko siya nang makita ko ang kaniyang hitsura roon. Hindi naman ganoon karami ang dadalhin ko. Ang sabi kasi ni Leon, mayroon naman daw bilihan ng mga gamit doon. Mas madadalian ako sa biyahe kung konti lang ang dadalhin kong damit at mga basic necessities lang.Maya-maya ay nakita kong naroon na rin si Mama sa may pintuan, nakikisilip na rin sa ginagawa ko.“Anong oras daw ba darating si Leon?” tanong ni Mama.Baka sang excitement sa kaniyang boses. Parang mas excited pa siya sa akin, samantalang ako naman iyong aalis. Pagkatapos kong asikasuhin ang mga gamit ko ay tumayo na ako. Tumingin ako sandali sa wristwatch na suot ko. Alas diyes pa lang ng umaga. Ang sabi niya ay 10:30 siya pupunta rito para sunduin ako. Kailangan pa raw niya kasing tapusin ang m
Read more
Chapter 54
 Maaga akong nagising kinabukasan. Tulog na tulog pa si Leon sa couch sa mga oras na iyon. Humugot ako ng malalim na hininga at pinagmasdang maiigi ang kaniyang hitsura kapag tulog. Talagang may mga taong biniyayaan ng labis na kaguwapuhan. Kahit anong posisyon yata nito sa pagtulog, mananatili pa rin siyang guwapo.Halos sampung minuto akong nakatitig sa kaniya. Kundi pa nag-vibrate ang phone ko ay hindi pa ako matatauhan. Alas singko palang ng umaga ng maka-receive ako ng text galing sa kapatid ko.From Chase: Enjoy your vacation, Ate. We will miss you. Pasalubong pag-uwi.Napangiti naman ako habang nagtitipa ako ng reply sa kapatid ko. Pagkatapos ay iniwan ko na ang phone ko sa kama para mag-asikaso ng damit na susuotin ko pagkatapos kong maligo.“Kanina ka pa gising?” tanong ko nang makita si Leon na nakamasid sa labas ng bintana ng kuwartong tinutuluyan namin.Bumaling siya sa akin at
Read more
Chapter 55
 Pagkatapos naming kumain ng agahan at magligpit ng aming pinagkainan ay lumabas ako ng rest house. Sa hindi kalayuan ay may natanaw ako na mga turista na naliligo malapit sa pampang. May kasama ang mga ito na bata. Ang hula ko ay isang pamilya ito na nagbabakasyon.“Gusto mo bang maligo?” tanong sa akin ng kararating lang na si Leon.Bumaling ako sa kaniya at umiling.“Baka nakakalimutan mo, hindi ako marunong lumangoy.”Kagaya ko ay nakatingin din siya sa dagat.“Hindi ko ‘yon nakakalimutan, ako kaya ang sumagip sa’yo noon.”Napangiti ako nang maalala ang nangyari no’ng araw na iyon. Siya ang sumagip sa akin sa pagkakalunod. Hanggang ngayon sinasagip niya pa rin ako.Inabot ko ang kaniyang kamay at hinawakan ito nang mahigpit. May mga pagkakataong iniisip ko, paano kung si Leon ang minahal ko at hindi si Troy, masasaktan din kaya ako nang ganito? Gusto kong matutunan
Read more
Chapter 56
  For the past days we’ve tried different beach activities. Leon has been there for me. Ilang beses niya akong tinuruang lumangoy but he failed. Mukhang wala na rin talaga akong pag-asa na matutong lumangoy. I teach him several self-defense techniques. Nakakainis lang na napakadali niya itong natutunan. Siya na talaga ang fast learner. Ngayong nandito na ulit kami sa farm, ang sabi niya, sa gubat naman daw kami mag-iikot.“Anong gusto mo, scrambled eggs o sunny side up?”Ngumuso ako kay Leon nang marinig ang tanong niya.“Three weeks na tayong magkasabay kumakain ng agahan, hindi mo pa rin alam ang gusto ko?”Pinagtaasan niya ako ng kilay.“Malay ko ba kung nagbabago ang taste mo araw-araw. Ayaw mo pa noon? Tinatanong ka kung anong gusto mo? Ibig sabihin, importante ka.”Sinamaan ko lang siya nang tingin. Nakangiti namang nakatingin lang sa amin ang kaniyang
Read more
Chapter 57
 Mahigpit kong hinawakan ang strap ng suot kong backpack habang matamang nakatitig sa gate ng bahay nina Troy. Kung kanina ay desidido ako na pumunta sa kanila at makita siya, ngayon naman ay nagdadalawang-isip na ako.“Miss Louise?”Bigla akong natauhan nang marinig ko ang boses ng isa nilang kasambahay. Nang makita ako nito ay agad nitong binuksan ang gate.“Bakit ho narito kayo sa labas? Kanina pa po ba kayo?” nag-aalalang tanong nito.Umiling naman ako.“Hindi po, kararating ko lang.”Hindi ako mahilig magsinungaling, pero ngayon ay nagawa ko. Pinapasok ako nito agad. Naging marahan lang ang paglalakad ko. At bawat hakbang ko ay napapalunok ako. Alam kong hiniling sa akin ni Riye na bumalik dito at samahan ang kuya niya. Pero ilang araw na ang lumilipas ngayon lang ako nakapagdesisyon tungkol sa bagay na ito.Ilanga raw kong pinag-isipang mabuti kung kaya ko na bang harapin si Troy.
Read more
Chapter 58
 “Ako na riyan, Sir Troy.” sabi ko saka kinuha ang mga papeles na tapos niya nang pirmahan.Ang ginagawa niya kasi, kapag tapos niya nang pirmahan ang bawat papel ay sinasalansan niya iyon agad. Kanina pa ako nakatingin sa kaniya at kanina ko pa rin siya nakikita na nahihirapan. Minadali ko tuloy agad ang pag-aasikaso ng kaniyang schedule para sa susunod na linggo. Ang nangyayari kasi, ipanapadala sa kaniya ni Riye lahat ng mga documents para i-review at mapirmahan niya. In short, parang siya pa rin ang CEO ng kumpanya, work from home set up nga lang.“Alam mo ba kung paano ayusin ‘yan? Eh yung trabaho mo?” tanong niya sa akin, nakataas pa ang isa niyang kilay. Kung makatingin siya akala mo ay wala siyang tiwala sa akin.Napahawak naman ako sa aking dibdib at nagpanggap na nasasaktan.“Aray ang sakit!”Napatayo naman agad siya sa kaniyang upuan at lumapit sa akin. Nabigla pa ako nang hawakan ni
Read more
Chapter 59
 “Louise, diba gusto mo nito?”Kumuha si Troy ng isang slice ng buko pie na nasa center table at inilagay niya iyon sa pinggan ko. Kauupo ko lang at hindi ko in-expect ang move na iyon galing sa kaniya. For the past two months, he became clingy. Hindi naman sa hindi ko gusto ang ginagawa niya. In fact, gusto ko. Gustong-gusto ko. Ang kaso, yung pagiging sweet niya, walang pinipiling lugar. Kahit sa harap ng mga kapatid niya o harap ng mga katulong, kapag gusto niya, gagawin niya.“May kamay ako, Sir Troy.” paalala ko sa kaniya.Nakita ko ang pabirong pag-irap sa akin ni Riye. Sumubo ito ng buko pie at matamang nakamasid sa amin ni Troy.“Sana all.” Saad naman ni Rio na kumakain pero ang atensiyon ay naka-focus sa laptop nito.“Kuya saan pala tayo sa birthday mo?” biglang tanong nito.Napaayos naman nang upo si Troy at diretsong tumingin sa dalawa niyang kapatid.“Saan
Read more
Chapter 60
 “Louise, narito ang boss mo.”Marahan kong iminulat ang aking mga mata nang marinig ang boses ni Mama sa labas ng aking kuwarto. I rubbed my eyes using my hand at saka marahan akong bumangon sa kama. Maya-maya nakarinig na naman ako nang pagkatok sa aking pinto. Sa pagkakataong iyon ay kumunot na ang noo.“Louise!”“Sandali lang naman, ‘Ma.” sagot ko habang hinahanap ang isang pares ng tsinelas sa ilalim ng aking kama. Hindi ko alam kung bakit palagi ko nalang nasisipa ang isang pares noon sa ilalim ng kama ko. Nang makuha ko ito ay agad akong tumayo. Nang mapatingin ako sa oras sa wall clock ay saka ko napagtanto na alas sais pa lang ng umaga.Seriously? Ganito kaaga ako gigisingin? Kaya naman pala sumakit bigla ang ulo ko eh. Walang gana akong naglakad patungo sa pintuan para pagbuksan ang nasa labas.“’Ma naman, aga pa oh. Hindi mo ba nakikita yung oras at isa pa—“
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status