All Chapters of My Boss, My Fiancé: Chapter 21 - Chapter 30
70 Chapters
Chapter 21
 Gulat na napabangon si Leon habang ako naman ay napaupo at mabilis na naitakip ang palad sa aking bibig. Alam kong hindi ito ang unang beses na naglapat ang aming labi. Pero yung kabang naramdaman ko, parang sasabog ang dibdib ko. Hindi pa rin natigil ang hiyawan ng mga audience na nakakita ng nangyari. Nang bumaling ako sa gawi nina Richard at Eunice ay tuwang-tuwa pa ito at pumapalakpak. Nang tumingin naman ako kina Tita Janina ay nakangiti ito habang nagpapalipat-lipat nang tingin sa amin ni Leon.Kinakabahang tumingin ako kay Leon. Bakas din ang kaba sa kaniyang mukha. Marahil ay nabigla rin siya sa nangyari. Sino nga ba naman kasing mag-aakala na ang pangalawang halik namin ay sa harap ng maraming tao. Pilit siyang ngumiti sa mga tao at marahang lumuhod sa harap ko at inilahad ang kaniyang kamay sa akin.Naghiwayan pa lalo ang mga lalaki pati na rin ang ilang mga nakatatanda.“Hindi pa po tapos ang laro natin. Puwede pa pong humabol. Ito
Read more
Chapter 22
 Isang malakas na katok sa pintuan ng kuwartong tinutuluyan namin ni Sir Troy ang nagpagising sa akin. Napipikit ang mga matang bumangon ako at napatingin sa digital clock na nasa lamesa katabi ng kamang hinihigaan ni Sir Troy. Alas kuwatro pa lang ng madaling araw. Sino namang siraulong mangangatok sa amin ng ganitong oras? Nasisiraan na yata iyon ng bait eh. Lumapit ako sa kama at niyugyog ang balikat ni Sir Troy.“Sir pagbuksan mo ‘yon, inaantok pa ako.”Mukhang tulog na tulog pa ito kaya hindi naririnig ang sinasabi ko. Niyugyog ko siyang muli pero wala pa rin. Nang subukan ko siyang hilahin ay saka lang siya gumalaw. Ang akala ko ay babangon na siya. Nagulat ako nang biglang niya akong yakapin kaya napahiga ako sa kamay. Anak naman ng tokwa. Kung kailan naman talaga ginigising saka pa ako kinulong sa yakap niya. Kung puwede lang kagatin ang braso nito ginawa ko na.Sinubukan kong umalis sa pagkakayakap niya, ang kaso lalo niya
Read more
Chapter 23
 Nagmadali kong inilabas ang laman ng kahon. Wow. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang damit. Parang pang-princess.“Ang ganda.” saad ko saka humarap kay Sir Troy. Napatingin naman siya sa damit na hawak ko. Tumango naman siya. Yung tipong aprubado niya ang disenyo at kulay nito.“Pastel ang color. Bagay sa’yo dahil maganda ang complexion mo.”Ibinaba ko ang damit na hawak at nag-thumbs up sa kaniya. Napailing na lang siya at muling nagtipa sa laptop. Ano ba ‘yan, araw na ng kasal ni Richard, nagtatrabaho pa rin siya. Halatang abala rin siya dahil panay ang tingin niya sa kaniyang cellphone. Mukhang may hinihintay na reply. Pasimple kong inabangan ang pagtunog ng kaniyang phone. Medyo matagal ang interval kumpara kanina. Pasimple akong naglakad patungo sa kama para tupiin ang kumot na ginamit niya kanina. Nang biglang umilaw ang kaniyang phone ay mabilis ko itong kinuha.Isang malakas na sigaw ang l
Read more
Chapter 24
 Pagdating namin sa simbahan ay agad na nagsilapitan sa amin ang ibang bride’s maid at groom’s men. Kakilala pala ng lahat si Leon. Nakipag-fist bump pa siya sa mga lalaki. Habang ang mga babae naman ay nakikipagkilala sa akin.“Hi, you’re Louise right?” tanong ng isang matangkad na lalaki na ngayo’y katabi ni Leon.Tumango naman ako.“I’m Ivo, Leonel’s friend.” Saad nito sabay lahad ng kaniyang kamay sa akin. Nang akmang hahawakan ko na ito ay agad na hinarang iyon ni Leon.“Bro, what the hell?!”Ngumisi si Leon at tinulak ito papalayo.“Your girlfriend is in there.” sabi nito sa lalaking nagngangalang Ivo.Tumawa lang ako sa ginawa niya. I know what he’s doing. He’s being protective and territorial kahit hindi naman kailangan. Nang makita kami ng Mommy ni Leon ay tinawag kami nito. Paglapit namin sa kanila ay ipinakilala ko n
Read more
Chapter 25
 “Kanina pa kita hinahanap.”Napasimangot ako nang marinig ang sinabi ni Leon. Pagkapasok namin ni Sir Troy sa mismong venue ay nabigla ako nang makita kong tumatakbo siya palapit sa akin. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao sa paligid. Karamihan kasi ay naroon na. Hindi naman ako aware na ang bibilis pala ng takbo ng mga sasakyan nila. Akalain mo nga namang nauna pa sa amin si Leon dito habang nauna kaming umalis ng church.Hindi ako umimik sa sinabi niya. Nanatili ang tingin ko sa ibang panig ng venue at nagpanggap na hindi ko siya nakikita kahit na nasa harapan ko lang siya.“Louise.” he called for my name apologetically.Kinalbit ko naman si Sir Troy na nasa tabi ko.“May naririnig ka bang tumatawag sa pangalan ko?” tanong ko sa kaniya.It’s not that I am making fun of Leon. Gusto ko lang maramdaman niya ang paghihiganti ng isang taong iniwan at kinalimutan. Alam kong ang OA nang g
Read more
Chapter 26
 Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Pakiramdam ko pina-prank ako ng mundo sa pagkakataong ito. May parte rin sa isipan ko na gustong matawa. Ayon kasi sa paniniwala, ang babaeng makakasalo ng bouquet at ang lalaking makakasalo ng garter ang susunod na ikakasal.“Louise, are you okay?” tanong ni Eunice sa tabi ko.Napalunok muna ako bago tumango. Alanganing ngumiti sa akin si Sir Troy at itinaas pa ang hawak na garter. Si Leon naman ay nagpalipat-lipat lang ang tingin sa aming dalawa.“Hindi ba passable itong ganito, Richard?” tanong ni Sir Troy.Tumawa si Richard at umiling.“Huwag ka ngang kill joy. Kung sino ang nakasalo, sila ang secondary partners namin for tonight. At isa pa, hindi puwedeng ibigay sa ibang participant ‘yan. Masisira ang tradisyon ng kasal.”Ngumuso ako sa sinabi ni Richard.“Ibig sabihin, ilalagay ko ang garter sa hita ni Richelle?”
Read more
Chapter 27
 “Sir Troy, uuwi na ba talaga tayo?” tanong ko sa boss ko habang nagliligpit kami ng aming mga gamit sa aming kuwarto.Simpleng tango lang ang isinagot niya sa akin. Napanguso naman ako. Kanina pa ako nakauwi sa hotel at kanina ko pa rin siya kinakausap pero hindi pa rin niya ako kinakausap nang maayos. Hindi ko alam kung anong problema niya. O baka may problema siya sa akin, ayaw  niya lang sabihin.“Sir Troy, galit ka po ba sa akin?” mahinang tanong ko habang tinutupi nang maayos ang kumot na ginamit ko. Napatingin naman ako sa couch at sandaling napabuntong-hininga. Kahit ilang gabi lang akong nakatulog doon, nararamdaman kong mamimiss kong higaan iyon. Dahil sa lahat ng couch na natulugan ko, dito lang ako naging kumportable.“Sir Troy.” untag ko sa kaniya nang hindi siya sumagot sa tanong ko.Napanguso akong muli. Pagkatapos kong tupiin ang kumot at ayusin ang mga unan na ginamit ko ay naglakad ak
Read more
Chapter 28
 “Ayos na mga gamit niyo?” tanong ni Richard.Kasalukuyan naming inaayos ni Sir Troy ang mga gamit sa compartment ng sasakyan niya. Karamihan kasi sa mga gamit ay kundi pasalubong, mga damit namin na nasuot na kaya sa likuran nalang namin nilagay.“Sigurado ba talaga kayong uuwi na kayo?” tanong naman ni Eunice.Tumango naman si Sir Troy. Pinagpag ko pa ang alikabok sa kamay ko bago nagmadaling kinuha ang alcohol spray sa bag ko para linisin ang kamay ko. Pagkatapos ay lumapit ako kina Richard at Eunice. Sumunod naman sa akin si Sir Troy at tumayo sa tabi ko.“Sure na kami. Ilang araw na rin kaming missing in action sa kumpanya. Baka pagbalik namin doon, baka magulo na.” saad ni Sir Troy.Ngumiti lang ako at saka pabirong hinampas sa balikat si Richard.“Galingan mo sa honeymoon ha, dapat may result agad next month. Ninang ako!”Dahil sa sinabi ko ay agad naman akong binatuk
Read more
Chapter 29
 It’s good to be back. Napangiti ako nang makita ang mga nagtataasang buildings habang nakasakay sa taxi. Ang sabi ko sa sarili ko pagkauwi sa bahay, hindi muna ako papasok ng opisina dahil magpapahinga ako. Nagpaalam na rin ako kay Sir Troy. Ang akala ko nga ay hindi niya ako papayagan. Pero pakiramdam ko ay nasayang din lang ang pagpapaalam ko dahil narito ako ngayon at excited na bumalik sa opisina.Paghinto ng taxi ay mabilis akong nagbayad at nagmadaling bumaba. Bitbit ko ang isang paperbag kung saan nakalagay ang mga keychains at sweets na pinamili ko para sa mga kasamahan ko sa trabaho. Pagpasok ko sa lobby ng building ay mabilis na sumaludo ang guwardiya roon. Huminto ako sa paglalakad at sumaludo rin pabalik dito.  “Welcome back, Miss Richelle.”“Thank you very much, Manong.” sabi ko. Mabilis akong naglakad papalapit dito at kumuha ng isang keychain at isang bar ng chocolate at nilagay sa lamesa nito.
Read more
Chapter 30
  “Ha?” tanong niya.“Ha?” balik-tanong ko rin sa kaniya.Ano ulit yung sinabi ko? Sandali akong nag-isip at sinubukang paganahin ang utak ko. Nang maalala ko kung ano ang eksaktong sinabi ko kay Sir Troy ay mabilis kong naitakip ang palad ko sa aking bibig.“May sinabi ba ako?” kunwaring tanong ko sa kaniya.“Meron.” sagot naman niya at seryosong nakatingin sa akin.Tumawa ako at nagpanggap na nakalimutan ang sinabi ko. Inilagay ko pa ang kamay ko sa aking batok at yumuko.“Meron ba? Wala talaga akong maalala. Kita mo, sa dami mong pinapagawa sa akin, nabablanko na yung utak ko.”Tumitig pa siya sa akin nang matagal bago siya nagpasyang tumalikod. Nakahinga naman ako nang maluwag nang sa wakas ay malayo na siya sa akin. Napahawak ako sa dibdib ko at tinapik-tapik ito upang kalmahin ang puso ko. Mabilis kong isinara ang baunan at nap
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status