All Chapters of Beyond The Lines: Chapter 61 - Chapter 70
272 Chapters
Kabanata 60
Marahas na tumayo si Venus at hindi makapaniwalang hinarap si Daimler.“What are you doing here?” aniya sa galit na tono. Sinundan niya ng tingin ang bawat galaw ni Daimler.Prente itong umupo sa bakanteng upuan.“Daimler!” Venus ranted.Hinawakan ko siya sa braso para awatin. “Kalma, Venus. Maraming nakatingin...”Dahil sa galit kaya maging ang mga taong nakikiusyoso sa amin ay matalas na binalingan ni Venus. Nagulat ang mga ito at sila na rin ang kusang umiwas.“Magkita na lang tayo ulit sa ibang araw,” mahinang saad ko.Hindi iyon nakapagpakalma sa kaniya. Padabog siyang umupo sa harap ni Daimler. Nanatili akong nakatayo roon habang si Russel naman ay nasa tabi ko na.“Speak up! Come fucking on!” inip na singhal sa kaniya ni Venus.“I thought you're going to slap me... I'm waiting...” mabagal ngunit naghahamong sagot ni Daimler.Napabuga si
Read more
Kabanata 61
Nanatili ang hindi maipintang mukha ni Alodia kahit nang simulan ko ang birthday message ko sa kaniya.“Uh, hi... I don't know you personally and I got invited here without knowing what for so I didn't know it's your birthday. I do hope you'll enjoy this day and, uh, happy birthday! You're beautiful!” tipid kong sabi.Ibinalik ko na ang mic sa lalaki.“Thanks,” hilaw na saad ni Alodia.May mga ilan pa rin namang pumalakpak at nag-cheer.“K, next!” Alodia exclaimed.Dumiretso ako kay Russel. “Ikaw na.”He nodded. “Wait for me here.”Siya naman ngayon ang pinanood kong pumunta sa unahan. Siguro dahil alam ng mga bisita na may nakaraan sila kaya kakaiba ang tono ng cheers na naririnig ko. And I admit, hindi ko iyon nagugustuhan.Iniabot ni Russel ang papel sa lalaki.“Five facts about Alodia!” malakas na anunsiyo nito sa mic.Malaki ang ng
Read more
Kabanata 62
Tumatakbo sa isip ko ang tungkol kay Lionel habang nag-uusap kami ni Russel. Napansin niya ang pananahimik ko kaya tumigil siya sa pagsasalita.“You're spacing out,” puna niya.Ibinaba ko ang baso matapos sumimsim sa juice.“Nalaman ko na... d-dalawa ang kinikilalang nanay ni Lionel. Is it true?”“Yeah but it's a long story. Kaunti lang ang alam ko tungkol doon, Alliyah. I can't feed your curiosity.”Tumango ako. Ayos lang naman. Nagtataka ako pero wala naman akong balak manghimasok. I'm just concerned because Lionel is my student.Hindi ko na muling binanggit pa kay Russel ang tungkol doon. Dismissal na't nag-aya si Lionel sa ice cream shop kaya't kasama rin ako papunta roon. Nakasabay pa namin ang ilang mga bata, pare-parehong nag-aaya sa kani-kanilang magulang.“You love ice cream?” tanong ko kay Lionel pagkapasok namin.“Yes po!”Naupo kami sa tatluhang mesa
Read more
Kabanata 63
Balisa ako habang naghahanda sa pag-alis. Hindi pa rin umuuwi si Russel kaya medyo tagilid ako ngayon. Nagpresinta si Luke na siya na ang maghahatid sa amin ni Lionel sa shop kaya't sinang-ayunan ko na lang. Ang huling mensahe ni Russel ay baka tanghali na siya makakaalis doon. Nadidismaya ako pero wala naman akong magagawa. Iintindihin ko na lang ang sitwasyon ni Denise. Gaya nga ng inasahan ko, kakaiba ang sigla ngayon ni Lionel lalo pa't ang papa niya ang mismong maghahatid sa kaniya. Sa biyahe ay panay ang kwentuhan ng mag-ama habang ako naman ay lumilipad ang isip. Nahihiya akong paghintayin si Luke kaya hindi na ako dumaan sa gallery. Mamayang hapon na lang ako bibisita roon. “Good luck, son.” Luke patted Lionel's head. Pagkatapos ay bumaling siya sa akin. “I'll send you the reference.” I nodded. Iginiya ko silang dalawa sa loob. Dahil kasabay ko si Lionel, siya pa lang ang estudyanteng narito. Saglit na inilibot ni Luke ang tingin sa loob at mu
Read more
Kabanata 64
Panay ang pangaral sa akin ni Nanay tungkol sa relasyon namin ni Russel lalo na't minsan ay nakikitulog ako sa condo nito. I can't blame her though. Ang mahalaga, alam ko ang ginagawa ko at kung mangyari man ang mga bagay na wala sa inaasahan, paninindigan ko. “Hayaan mo na, Allissa. Nasa edad naman na si Alliyah,” singit ni Tiya Marga sa usapan namin. Bihira akong makasabay sa kanila sa agahan dahil sa farm sila kumakain. Mas maaga silang nagigising kaya madalas akong naiiwan sa bahay. Ngayon naman, sadyang inagahan ko ang paggising dahil may commission ako kay Luke. “Oo nga. Basta ba'y pakakasalan ka, hija,” segunda ni Tiyo Carlos. I smiled at them. I appreciate their concern. Wala pa rin naman akong balak mag-asawa. It's just that... may mga pagkakataong hindi napipigilan ang bugso ng damdamin. Nobyo ko si Russel at imposibleng makaiwas ako sa tuksong dala niya. “Ang sinasabi ko lang, sana'y hindi magpadalos-dalos dahil alam niyo naman ang
Read more
Kabanata 65
Katatapos lang naming mag-almusal nang dumating si Luke kasama si Lionel. They both smiled at us. Nang alukin ko ng pagkain, tinanggihan ni Luke dahil nakapag-almusal na rin sila.“I'm excited!” si Lionel na kanina pa nanonood sa ginagawa ko. Kahit hindi niya sabihin, bakas na bakas ang galak sa kaniya.Kaming dalawa lang ang narito sa sala dahil sina Russel at Luke ay mukhang may seryosong pinag-uusapan sa kusina.Mayroon ding sariling canvas at easel si Lionel. Determinado siyang sundan ang gagawin ko. I can't help but smile at him sa tuwing namamangha siya sa bawat galaw ko. Hindi gaya sa huli kong commission, katamtaman lang ang sukat nitong pangatlo. I think the girl here is matured than the last pero hindi naman nabawasan ang ganda. Her face shows the same innocence and peace, bagay na sana'y 'wag mawala sa kaniya. Mas lalong tumindi ang kuryosidad ko kung bakit at paano nagkaroon ng malaking problema si Luke at ang asawa niya. Mukha kasi itong
Read more
Kabanata 66
Pagkagaling ko sa shop, umuwi muna ako sa bahay at ayos lang sana sa akin na mag-commute na lang pero nagpumilit si Russel kaya pati si Lionel ay nakarating doon. Tuwang-tuwa si Nanay. Natatandaan kong minsan na ring niyang pinangarap magkaroon ng anak na lalaki ngunit pinagdamutan siya ng kapalaran dahil maagang kinuha sa amin si Tatay. “Good afternoon po!” Lionel greeted them. Nasa terasa sina Nanay at Tiya Marga, nagbabalot ng suman. Si Tiyo Carlos naman ay nasa farm pa't mamaya pa uuwi. Samantala, parehong nasa eskwelahan pa ang magkapatid na sina Olive at Kleen. Bakas sa hitsura ni Lionel ang pagiging kuryoso sa ginagawa nina Nanay kaya lumapit siya sa kanila. Si Russel naman ay nanataling nakatayo sa tabi ko. “Aba, may naligaw na bata!” bulalas ni Nanay. Lumapad ang ngiti ni Tiya Marga matapos magmano ni Lionel sa kanila. “Anak po ni Luke... at estudyante ko,” pagbibigay ko ng impormasyon. Napasinghap si Nanay. “Kaya pala
Read more
Kabanata 67
Ipinaalam ko kay Russel ang lakad namin ni Eiser sa darating na Sabado, ilang araw pa mula ngayon. “Sasamahan kita.” Minamasahe niya ang palad ko, nilalaro pati ang mga daliri. Break time ng mga bata ngayon. May palaruan sa gilid nitong shop at halos ang lahat ay naroon kasama ang mga magulang. Ang tanging naiwan lang dito sa loob ay si Arianne at ang kaniyang ina. Nahihiwagaan nga ako kung bakit nariyan siya gayong palagi naman niyang iginagala noon si Arianne kapag break time. Pasulyap-sulyap si Rica sa gawi namin samantalang abala naman ang kaniyang anak sa pangungulit kay Lionel. “Medyo malayo pala iyon... kakailanganin ng suite na matutulugan,” napagtanto ko. “That's not a problem.” Nagbalik ang tingin ko kay Rica, sabay lihis kay Russel. “Arianne's mom likes you,” I understated. Ni hindi nawala ang mga mata sa akin ni Russel nang sabihin ko iyon. “Ilang araw ka nang pinagmamasdan,” dagdag ko. He lazily sig
Read more
Kabanata 68
Nasisira ang konsentrasyon ko sa pagpipinta dahil kay Ivan Herdima. Nakadagdag pa sa pagkabahala ko ang paalala ni Arcel kanina. Malakas ang pakiramdam kong kilala niya iyon sa paraan pa lang ng pagtingin niya rito hanggang sa pangangaral niya sa akin.Panaka-naka'y napapasulyap ako sa cellphone ko, pinag-iisipan kung tatawagan ko ba si Russel upang ibalita iyon. Subalit dahil alam kong nasa planta siya ngayon, ayaw ko siyang abalahin.Isang katok ang nakapukaw sa malalim kong pag-iisip. Tumayo ako't binuksan ang pinto. Si Kleen ang nabungaran ko roon.I smiled. “Ano iyon, Kleen?”“Magpapatulong po sana ako, ate... Hindi kasi ako marunong mag-drowing.”“Oh, sure!”He shyly nodded. “Tara po sa sala...”Sinundan ko siya't iniwan muna ang ginagawa ko. Sa kawayang mesa'y nakalatag ang ilang bond papers kasama ng mga nilamukos na papel.Sabay kaming naupo. Agad niyang nilinis ang mga k
Read more
Kabanata 69
Dumating sina Luke sa sinabing oras. Sa tabi niya'y naroon ang asawa. Patakbong nagtungo sa kaniya si Lionel at hindi na napigilang maiyak. Nakangiti ngunit may luha rin sa pisngi si Slyghen. Marahan niyang hinagod ang likod ng kaniyang anak. “I'm sorry, Clay...” aniya sa garalgal na tinig. Nagbara ang lalamunan ko sa nasasaksihan. Masyadong madamdamin ang tagpong iyon dahilan para mamasa ang mga mata ko. Kumurap-kurap ako upang mapigilan ang nagbabadyang luha. Nahahabag lang ako sa iyak ni Lionel. Hindi ko itatangging napamahal na rin sa akin ang bata. I sighed as I composed myself. Hindi naman ako ang ina ni Lionel pero damang-dama ko ang saya ng muli nilang pagkikita. Ilang sandali lang ay tumahimik na si Lionel. Naantala ang pagtuloy nila sa sala dahil sa mag-ina. Iginiya sila ni Luke sa couch. “I'm happy for you, bro,” halos pabulong na saad ni Russel. Luke smirked. Hindi gaya noong unang beses siyang nagpunta rito, medyo maaliwal
Read more
PREV
1
...
56789
...
28
DMCA.com Protection Status