Lahat ng Kabanata ng Secrets of Tajana: Kabanata 11 - Kabanata 20
48 Kabanata
Kabanata 11
Nakahanda na ang pamilya ng Campoverde para sa pagsakay sa barko. Ngayon ay idinadala na rin papasok sa kani-kanilang mga kwarto ang kanilang mga gamit.  "Ismael." masayang bati ng isang matandang mukhang kasing edad lang din ni Don Ismael. Yumakap ito sa kanya kaya naman ganoon rin ang ginawa ng matanda. "Fred. Masaya akong nagkita mulit tayo." masayang sabi ni Don Ismael bago sila magbitaw sa pagbating yakap. "Mabuti nga at hindi ka nakatuon gaano sa negosyo mo. Noong araw ay talagang hindi kita maimbitahan dahil sa abot ang bantay mo sa negosyo." tatawa-tawang sabi ni Fred. "Nakaraan na 'yon. Ang mahalaga ay nandito na ako ngayon." Nagtawanan sila dahil sa sinabi ni Don Ismael. "Kasama mo pala ang iyong pamilya." puna ni Fred ng lumipat ang tingin niya sa kasama n
Magbasa pa
Kabanata 12
Binabalot ng inis si Tajana dahil sa nakita niyang ginawa ni Terrence. Hindi niya maintindihan kung anong pumasok sa isip nito. Kahit kailan talaga ay hindi ko dapat pagkatiwalaan ang lalaking 'yon.  Simula ng araw na 'yon ay pinili na lang ni Tajana na manahimik at layuan si Terrence. Hindi niya gustong intindihin ang gano'ng klaseng tao. "Catalina makinig ka na lang sa'kin. Gusto mo ba talaga ang lalaking 'yon? Nakita mo ba 'yong ginawa niya no'ng gabing 'yon? Muntik ka na niyang masaktan pero hindi man lang siya nakonsensya." naiinis na sabi ni Tajana. Hanggang ngayon ay hindi pa rin napapawi ng kahit anong bagay ang inis na naramdaman niya kaya Terrence.  "Baka marami lang siyang iniisip. Lahat naman tayo hindi perpekto." "Hindi 'yon gawain ng matinong tao." "Naiintindihan ko siya."
Magbasa pa
Kabanata 13
Sumunod na lang si Tajana sa gusto ni Sofia para walang gulo. Pero hindi siya sigurado kung hindi nga magkakagulo. Alam niyang kakaiba ang ugali ni Sofia. Pero kailangan niyang kumalma at pagpasensyahan na lang ito.Nang makapasok sila sa karaoke room ay dumiretso agad si Sofia sa karaoke para buksan ito.Sinubukan niyang pindutin ang power button para dito pero walang nangyari."Bakit hindi 'to gumagana?" sambit ni Sofia habang patuloy pa rin sa pagkalikot."Baka naman sira.""No." sagot nito sabay tingin kay Terrence na umimik. Nagkibit balikat lang ang binata sa reaksyon ni Sofia.Bumalik muli ang atensyon nito sa karaoke. Samantalang si Terrence naman ay hindi naiwasan na mapatingin kay Tajana na halatang hindi komportable. Nakahawak lang ang kamay nito sa kanyang braso habang nagmamasid sa paligid."Hayyst! Nakakainis! Sinabi kong ihanda nila itong karaoke room eh.""Sa iba na lang tayo. Sira naman--""Hindi. I want
Magbasa pa
Kabanata 14
Hindi na alam ni Tajana ang mga sumunod pang nangyari ng makatulog siya. Sobrang himbing ng kanyang tulog kaya naman hindi na talaga siya nagising ng gabing iyon. Paggising niya ay nagulat na lang siya ng mapagtanto niyang nasa kwarto na siya sa barko. Paano ako nakabalik sa kwarto ko? Nagtataka pa rin siya hanggang sa mag-umagahan na sila. Hindi niya maiwasang mapaisip kung paano siya nakabalik.  "Bakit? May problema ba?" tanong ni Tajana sa kanyang pinsan ng maramdaman niyang abot ang sulyap nito sa kanya. Ngumiti lang si Catalina at saka umiling. Nawala na rin sa isip ni Tajana na nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan dahil sa akupado ang isip niya sa mga tanong kung anong nangyari. "Hindi kita nakita sa party kagabi. Saan ka nagpunta?" tanong ni Calvin ng makita niya si Tajana. "Sa karaoke room.
Magbasa pa
Kabanata 15
Patuloy lang si Terrence sa pag-inom ng alak sa kanyang baso habang nililibang ang sarili na hindi na maisip pa ang huling napag-usapan nilang magkapatid. Pilit niyang inaalala kung paano niyang nasabi ang sagot sa tanong ng kanyang kapatid. Ang sagot na hindi niya gustong sabihin."Ako may gusto kay Tajana?" tatawa-tawang sabi ni Terrence. Samantalang si Calvin ay tinitingnang mabuti ang kanyang reaksyon."Bro. Mas may taste naman ako sa babae kesa sa'yo. Kaya ligawan mo siya kung gusto mo. Okey lang sa'kin 'yon."Napasabunot ang dalawang kamay ni Terrence sa kanyang buhok habang iniisip ang nangyari."Tajana, magandang tanghali." bati ni Eloisa sa dalaga ng salubungin niya ito pagkababa pa lang ng sasakyan."Magandang tanghali tiya." balik na bati ni Tajana kahit na puno pa rin ng tanong sa kanyang isip dahil sa inaasta nito.Patuloy ang pagtatanong ni Elois
Magbasa pa
Kabanata 16
"Kumusta naman si Ginoong Simon?" tanong ni Tajana sa gitna ng usapin nila ni Calvin.Nasa isang restaurant sila sa probinsya. Makikita ang ilang mga ilaw na may katamtamang dalang liwanag lamang para sa lugar."Okey naman na siya. Sinabi ng doctor na kailangan lang niyang magpahinga."Dala ng sunud-sunod na pangyayaring hindi nagkakaintindihan si Simon at si Terrence ay nagdulot ito ng masamang epekto sa kanyang kalusugan."Sigurado ka ba? Baka kailan-" Nahinto sa pagsasalita ang dalaga ng hawakan ni Calvin ang kanyang kamay at binigyan siya ng ngiti nito."Tajana, okey na si dad. Wala kang dapat ipag-alala.""Napapadalas kasi na nagkakaganyan siya kaya gusto ko lang sanang tumulong. Okey lang naman sa'king magbantay sa kanya minsan kung kailangan." Nakatitig pa rin ang maamong mata ni Tajana kay Calvin at pilit itong kinukumbinsi.Ilang beses na rin nilang napag-usapan ang tungkol dito. Nais ni Tajana na tulungan ang kasintahan kahit man lang sa pagtingin
Magbasa pa
Kabanata 17
Sumikat na ang araw at tila nasisinagan na ang magandang mukha ni Tajana. Kaya naman nagising na siya ng tuluyan dahil dito. Nang makaupo siya ay agad siyang napahawak sa kanyang ulo. Medyo napadaing siya ng mapamulat siya ng tuluyan. Nararamdaman pa rin niya ang epekto ng alak na kanyang ininom. Dama niya ang hilo. Nang mapatingin siya sa hindi pamilyar na paligid ng kwarto ay doon lamang siya nagising ng tuluyan. Agad siyang napabangon. Hindi na niya matandaan kung ano ang nangyari. At hindi niya din alam kung bakit siya nandito ngayon. Teka nasaan ako? Hindi ba ako nakauwi?! Dali-dali niyang tiningnan ang oras sa kanyang cellphone. Ramdam din niya ang kanyang katawan na wala ng saplot kaya naman agad na din siyang nagbihis. Hanggang sa makabalik siya sa probinsya ay paulit-ulit niyang sinusubukang isipin kung ano ang nangyari. Pero kaunti lamang ang naaalala niya. Karamihan pa ay ang mga pinag-usapan lang nila ni Zoe. Nakaramdam siya ng takot, iniisip niya
Magbasa pa
Kabanata 18
"Kumusta naman kayo nitong si Calvin? I'm glad na nadalaw niyo ako dito." masayang sabi ni Sabel. Siya ay tiya ni Calvin sa side ng kanyang tunay na mga magulang. Paborito siya ng kanyang tiya kaya naman may uganayan pa rin sila nito.Ngumiti pabalik si Tajana bago sumagot sa tanong sa kanya."Maayos naman po kaming dalawa. Saka wala naman po akong problema kay Calvin. Hindi pa nga po kami nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan."Tuloy pa rin ang pag-aayos nilang dalawa sa ilang mga bulaklak. May-ari ng isang malaki at kilalang flower shop si Sabel. "Wow, that's good. Calvin is a good man. You're very lucky." Makikita sa mga mata ni Sabel na masaya siya para sa dalawa. Gusto niya din si Tajana para sa kanyang pamangkin.Hindi naiwasan ng dalaga na mapatingin sa kanyang minamahal na nakatayo hindi kalayuan sa kanila habang may kausap sa cellphone. Sobrang masaya siya at kontento sa kanilang relasyon."By the way hija. Ano ba ang trabaho
Magbasa pa
Kabanata 19
Hindi naiwasan ni Calvin na magdabog papasok ng kanyang kwarto. Si Terrence naman ay tila nagtataka sa ikinikilos ng kanyang kapatid. Babatiin sana niya ito ng makita niyang pumasok sa loob ng mansyon pero hindi naman din siya napansin ni Calvin. Tuloy lang ang paglakad nito.Gusto sana ni Terrence magtanong sa nangyari. Kaya lang mukhang gustong mapag-isa ni Calvin.Lumipas ang araw na iyon ay pinuntahan agad ni Calvin si Tajana sa kanilang mansyon. Wala doon si Don Ismael at ang buong pamilya ng Campoverde. Abala sila sa mga sari-sariling lakad nila. Pero nagtanong pa rin ang binata sa mga kasambahay na nandoon. Hinahanap niya si Tajana sa mga ito."Ah pasensya na po. Pero hindi po siya nakauwi kagabi. Sinilip na rin po namin sa kanyang silid.""Sigurado ba kayo?"Hinanap ni Calvin sa buong mansyon at maging sa mga taniman ng Campoverde si Tajana pero hindi siya natagpuan. Hindi na niya alam ang gagawin niya. Gusto niyang makausap agad si Tajana. Nagsisisi
Magbasa pa
Kabanata 20
Sa ilang araw na lumipas. Naisip ni Terrence na wala na ang nararamdaman niya para kay Tajana. Naisip niyang nag-aalala lang siya sa dalaga dahil sa magiging parte na ito ng kanilang pamilya.Napakaganda ng ngiti ng mga tao sa paligid ni Terrence. Puno ng kasiyahan ang lahat. Sumasabay ang pagkislap ng kanilang mga mata sa pagkinang ng magagandang ilaw sa loob ng malapalasyong lugar.Pero isang tao lang ang halos madurog na ang puso habang pinagmamasdan ang mahal niyang binibini kasama ang ibang lalaki. Alam niya na hindi pa dito natatapos ang sakit na mararamdaman niya sa gabing ito.Sumagi sa isip niya ang huling mga salitang sinabi ni Calvin bago sila makarating sa lugar na ito."Terrence." Lumingon agad si Calvin sa kanyang kapatid at napansin niya ang hindi maitagong ngiti nito."Aayain ko ng magpakasal si Tajana bukas ng gabi. 'Wag kang mawawala ah. Suportahan mo ko."Umiwas agad ng tingin si Terrence ng makita niya ang nangyayari ngayon sa ka
Magbasa pa
PREV
12345
DMCA.com Protection Status