Nakasunod si Alicia sa paglalakad ni Doc Via patungo sa office nito. Hindi niya alam kung gugustuhin niya bang tanungin ang doktor. Hindi niya alam kung tama ang naiisip niyang mga tanong. Pero isa lang ang alam niya, iba ang pakiramdam niya kay Tajana ngayon."Upo po kayo." malumanay na sabi ni Doc Via. Kahit na hindi pa gaanong kilala ng doktor si Alicia ay may kutob na siyang mukhang may nahahalata ito sa kanyang anak."Pasenya na sa abala Doc." nahihiyang sabi ni Alicia."Ayos lang po 'yon, Mrs. Canizales. Tingin ko naman po, hindi kayo pupunta dito kung hindi importante ang gusto niyong itanong."Hinawakan ni Alicia ang kanang kamay niya para mapigilan ang panginginig nito."Salamat sa pagiging maunawain niyo Doc.""Welcome po kayo lagi." Nagbigay ng ngiti si Doc Via kay Alicia para makampante ito sa kanya."Gusto ko lang malaman..." Huminga ng malalim si Alicia bago ipinagpatuloy ang kanyang sinasabi."Kung ano ang pinag-usapan niyo ni Tajana ng bumisita ka sa bahay?"Sa unang t
Nakarating si Terrence sa bahay ni Elisse para ihatid ang dalaga."Thank you so much Terrence for staying by myside." sabi ni Elisse bago pa man siya makababa ng sasakyan nito.Ngumiti si Terrence kay Elisse bago sumagot dito."Lagi mong tatandaan na para na tayong isang pamilya Elisse. You're like a sister to me. Kaya lagi akong nandito para sayo."Nakaramdam ng lungkot si Elisse sa kanyang puso dahil sa sinabi ng binata. Alam niyang magkaiba ang nararamdaman nila sa isa't isa pero hirap pa rin siyang masanay sa katotohanang iyon.Itinago ni Elisse ang lungkot na kanyang naramdaman, ngumiti lang siya sa binata."Lets have some dinner in my house first." aya niya."Uhh..." Tumingin si Terrence sa kanyang relo. Ngunit hinarangan iyon ni Elisse ng kanyang kamay."Com'on Terrence, hindi mo ba ko pagbibigyan? Wala akong kasamang mag-dinner." pagpupumilit ni Elisse.Bumuntong hininga si Terrence ng makita niya ang pagmamakaawa ni Elisse sa pamamagitan ng mga tingin nito."Fine... Pero mad
Umagang-umaga palang ay mainit na ang ulo ni Tajana, halata sa kanyang hitsura na wala siyang gana."Bakit ka nakasimangot?" nagtatakang tanong ni Alicia sa anak. "Ang aga-aga ganyan mo na sinalubong ang araw mo." dagdag pa nito."Wala naman po. Pagod lang sa trabaho." humigop ng kape si Tajana sa kanyang tasa at nabitawan niya ang tasa dahil sa pagkapaso niya dito."Aray!" Mas lalong nag-init ang kanyang ulo sa nangyari, pakiramdam niya ay wala ng magandang mangyayari sa kanyang araw."Ano ba naman 'to!" inis nitong sabi sabay pulot sa ilang nabasag na piraso ng tasa."Ako na diyan anak, magpahinga ka na lang sa loob." Kumuha ng dustpan si Alicia at tinulungan niya si Tajana na linisin ang nabasag na tasa."Ako na dito Ma.""Kaya ko naman 'to anak, sige na at magpahinga ka na lang."Bumuntong hininga si Tajana, tila ubos na rin ang lakas niya na makipagtalo kaya sinunod na lang ang kanyang ina.Si Terrence ay madalas kasama ngayon ni Elisse simula ng maospital ang ama nito. Dinadama
Hindi makapaniwala si Alicia sa mga nangyayari ngayon. Sinaksak siya ni Tajana. Bakit kailangang gawin ito sa kanya ng sarili niyang anak?Hingal na hingal si Alicia ng tuluyan siyang magising sa nakakakilabot na panaginip niya. Tumutulo na rin ang pawis niya na nasa kanyang noo.Alam niyang hindi maganda ang lahat ng mga panaginip niya tuwing kasama niya si Tajana. Naiisip niya ngayon na baka isa itong babala sa kanya."Bakit madalas gabi kang pumupunta sa trabaho mo? Minsan naman gabing-gabi na wala ka pa?""Ma, madami akong ginagawa sa bago kong trabaho. Kailangan hindi ako mareklamo kahit anong oras ang shift ko.""Bakit hindi mo na lang hayaan na tulungan ka ni Terrence?"Napahinto si Tajana sa pag-aayos ng gamit niya sa kanyang bag dahil sa sinabi ng kanyang ina. Tumingin siya kay Alicia."Bakit kailangan kong dumepende sa kanya? Kaya ko ang sarili ko.""Gabi na-""Tama na ang usapan na 'to. Hindi lang naman ito ang mga gabi na nasa labas ako. Noong panahon na hindi pa tayo nagki
Nang makalapit si Alicia sa kwarto ni Tajana ay dama niya ang mabigat na pagkabog ng kanyang puso. Napalulon pa siya ng ilang ulit dahil sa kabang nararamdaman niya. Hiling niya na sana nagkakamali siya sa kanyang naiisip ngayon."Tajana." tawag niya sa dalagang nakaupo at nakatingin sa salamin. Hindi agad ito humarap sa kanya kaya naman mas kinabahan pa siya."Ta-"Pinigilan ni Alicia ang pagkagulat niya ng humarap sa kanya ang anak niya."Mama." nakangiting bati ni Tajana."Para po ba sa'kin 'yan?" tanong nito ng mapatingin siya sa platong hawak ng kanyang ina.Nanatili ang tingin ni Alicia kay Tajana na tila binabasa niya ito.Kinuha ni Tajana ang plato at tinikman ang dessert na ginawa ng kanyang ina."Ang sarap nito ah. Mukhang may talent po kayo sa paggawa ng desserts." masayang mungkahi ni Tajana.Hindi makagalaw si Alicia sa kanyang kinakatayuan. Ang mga mata niya ay nanatili sa kanyang anak. Tatanungin niya ba ito kung sinong kausap nito kanina? O magpapanggap ba siya na wala
Nang makaalis si Elisse ay napunta na ang buong atensyon ni Terrence kay Tajana. Nakatahimik lang ang dalaga at hindi umiimik."Tajana... I'm sorry about Elisse." mahinahon na sabi ni Terrence na medyo nag-aalangan pang umimik."Totoo ba ang sinabi niya?" medyo mahinang tanong ni Tajana. "That's my choice."Umangat ang tingin ni Tajana kay Terrence at direkta din itong tumingin sa kanya pabalik."Bakit mo kailangang piliin ako? Pamilya mo si Ginoong Simon. Isa pa, pangarap mo ang mga 'yon, para makatulong ka sa pamilya mo.""Hindi naman ibig sabihin na nahinto ako sa mga plano ko, hindi ko na pwedeng magawa o maituloy.""Terrence, aalis na lang ako dito. Tama lahat ng sinabi ni Elisse. Ako lang naman ang natutulungan mo. Ako, wala akong nagagawa para sayo.""Hindi 'yan totoo.""Ano pa ba ang gusto mong sabihin ngayon? Gagawa ka na naman ng rason para hindi ko makitang pabigat lang ako sa buhay mo?""Kahit kailan hindi ko inisip 'yan. At kahit kailan hindi ko makikitang pabigat ka sa'