Share

Kabanata 12

Binabalot ng inis si Tajana dahil sa nakita niyang ginawa ni Terrence. Hindi niya maintindihan kung anong pumasok sa isip nito.

Kahit kailan talaga ay hindi ko dapat pagkatiwalaan ang lalaking 'yon. 

Simula ng araw na 'yon ay pinili na lang ni Tajana na manahimik at layuan si Terrence. Hindi niya gustong intindihin ang gano'ng klaseng tao.

"Catalina makinig ka na lang sa'kin. Gusto mo ba talaga ang lalaking 'yon? Nakita mo ba 'yong ginawa niya no'ng gabing 'yon? Muntik ka na niyang masaktan pero hindi man lang siya nakonsensya." naiinis na sabi ni Tajana. Hanggang ngayon ay hindi pa rin napapawi ng kahit anong bagay ang inis na naramdaman niya kaya Terrence. 

"Baka marami lang siyang iniisip. Lahat naman tayo hindi perpekto."

"Hindi 'yon gawain ng matinong tao."

"Naiintindihan ko siya."

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status