Share

Kabanata 13

Sumunod na lang si Tajana sa gusto ni Sofia para walang gulo. Pero hindi siya sigurado kung hindi nga magkakagulo. Alam niyang kakaiba ang ugali ni Sofia. Pero kailangan niyang kumalma at pagpasensyahan na lang ito.

Nang makapasok sila sa karaoke room ay dumiretso agad si Sofia sa karaoke para buksan ito.

Sinubukan niyang pindutin ang power button para dito pero walang nangyari.

"Bakit hindi 'to gumagana?" sambit ni Sofia habang patuloy pa rin sa pagkalikot.

"Baka naman sira."

"No." sagot nito sabay tingin kay Terrence na umimik. Nagkibit balikat lang ang binata sa reaksyon ni Sofia.

Bumalik muli ang atensyon nito sa karaoke. Samantalang si Terrence naman ay hindi naiwasan na mapatingin kay Tajana na halatang hindi komportable. Nakahawak lang ang kamay nito sa kanyang braso habang nagmamasid sa paligid.

"Hayyst! Nakakainis! Sinabi kong ihanda nila itong karaoke room eh."

"Sa iba na lang tayo. Sira naman--"

"Hindi. I want

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status