Share

CHAPTER 88

Author: Michelle Vito
last update Huling Na-update: 2025-10-04 09:53:04

OMENG’S POV:

NAGISING ako sa kalagitnaan ng gabi na pangalan ni Pamela ang isinisigaw ko. Nilingon ko si Clarisse na mahimbing na natutulog. Bumangon ako at nagtungo sa terrace. Ewan ko ba kung bakit may kung anong malakas na pwersa ang tila naririnig ko sa kaibuturan ng aking puso.

Aminado ako, kaninang nasa opisina ako ay hinahanap ko ang presence ni Pamela. Ayoko mang aminin sa aking sarili ay nangungulila ako dito.

Naguguluhan na nga ako ngayon. Pananagutan ko ang dinadala ni Clarisse ngunit hindi na ako ganuon kasigurado sa nararamdaman ko para dito. Hindi ko alam ngunit parang unti unti nang lumalabas ang tunay na ugali nito. Ngunit alam kong hindi ang ugali nito ang dahilan kung bakit parang lumalabnaw ang nararamdaman ko para dito.

Siguro ay dahil mas lumalakas ang pwersa ng nararamdaman ko para kay Pamela. Damn. Ayoko ng ganito lalo pa at nangako ako sa aking sarili na magiging isa akong mabuting ama sa aking magiging anak.

Pero kapag ganitong pinagdududahan ko na ang narar
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
poxibatiforra
updates pls..
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Someone Is Secretly In Love With You   CHAPTER 88

    OMENG’S POV:NAGISING ako sa kalagitnaan ng gabi na pangalan ni Pamela ang isinisigaw ko. Nilingon ko si Clarisse na mahimbing na natutulog. Bumangon ako at nagtungo sa terrace. Ewan ko ba kung bakit may kung anong malakas na pwersa ang tila naririnig ko sa kaibuturan ng aking puso. Aminado ako, kaninang nasa opisina ako ay hinahanap ko ang presence ni Pamela. Ayoko mang aminin sa aking sarili ay nangungulila ako dito.Naguguluhan na nga ako ngayon. Pananagutan ko ang dinadala ni Clarisse ngunit hindi na ako ganuon kasigurado sa nararamdaman ko para dito. Hindi ko alam ngunit parang unti unti nang lumalabas ang tunay na ugali nito. Ngunit alam kong hindi ang ugali nito ang dahilan kung bakit parang lumalabnaw ang nararamdaman ko para dito.Siguro ay dahil mas lumalakas ang pwersa ng nararamdaman ko para kay Pamela. Damn. Ayoko ng ganito lalo pa at nangako ako sa aking sarili na magiging isa akong mabuting ama sa aking magiging anak. Pero kapag ganitong pinagdududahan ko na ang narar

  • Someone Is Secretly In Love With You   CHAPTER 87

    CLARISSE'S POV:UMAYOS ako nang higa at nagkunwaring nanghihina nang makita kong dumating si Rommel. Ang totoo, naiinis akong hindi ako nakunan. Ayokong dalhin ang batang nasa aking sinapupunan lalo pa at alam kong kay Jay itong dinadala ko. Pero matibay ang kapit ng bata. "Love, naisip kong wag ng magsampa ng kaso laban sa babaeng yun. Basta siguraduhin mo lang na hindi mo na sya pababalikin pa sa opisina mo. Ayokong magkaroon ka pa ng kahit na anong ugnayan sa bruhang yan dahil malakas ang pakiramdam kong may gusto sya saiyo."Wala akong nakuhang sagot kay Rommel bagkus ay hinagod lang nito ang buhok ko. Ngunit nasilip ko ang pag aalala sa mukha nito."Love, may problema ba?" Tanong ko dito.Tiningnan ako nito nang matiim, "Hindi ka itinulak ni Pamela, hindi ba?" Tanong nito sa akin.Nagulat ako. Hindi ko inaasahang iyon ang sasabihin nito sa akin. Nagpanic ako Pero hindi ako nagpahalata. "Pinagbibintangan mo ba akong nagsisinungaling?" Hinimas ko ang aking tiyan at umakting na nas

  • Someone Is Secretly In Love With You   CHAPTER 86

    “ANONG gusto mong sabihin kay Rommel bago ako dumating?” kompronta sa akin ni Clarisse nang sundan ako nito sa banyo. And since alam ko na ang baho ng babaeng ito, hindi na ako nangingilag pa. Nilabanan ko rin ang nakamamatay nitong tingin. Itinaas ko ang baba ko.Ngumiti ako nang me pagkamisteryosa, “Hulaan mo,” pang aasar ko dito. Bigla ako nitong hinila sa braso, napapikit ako dahil ramdam ko ang pagbaon ng mahahabang kuko nito sa braso ko. “Huwag mo akong idinadaan sa paganyan ganyan! Alam kong gusto mong ahasin sa akin si Rommel pero sorry, hinding hindi mo sya maaagaw sa akin. Lalo na ngayong malapit na kaming magka baby.”“Sya ba talaga ang ama ng batang dinadala mo?” Matapang na tanong ko dito. Nakita kong natigilan ito at for the first time ay nabakas ang takot sa mga mata nito. Lihim akong napangiti. Akala yata ng babaeng ito ay uurungan ko sya. Sino ngayon ang mukhang takot na takot.“Oh, bakit bigla kang namutla?” may sarcasm na tanong ko dito. Matagal tagal rin akong na

  • Someone Is Secretly In Love With You   CHAPTER 85

    HINDI pa rin mabura sa isip ko ang natuklasan ko tungkol sa kataksilan ni Clarisse. Napasulyap ako kay Omeng na abala sa pinag aaralan nitong documents. Nasa loob ito ng kanyang private room na gawa sa salamin. Tinatawagan lang ako nito sa intercom kapag may kailangan itong iutos sa akin. O di kaya ay lumalabas ito ng kwarto nito. Sa bungad lang naman kasi nito ang aking espasyo. Ilang gabi na rin akong hindi nakakatulog ng maayos dahil sa aking nadiskubre. Nakokonsensya akong manahimik lamang lalo pa at mahalaga sa akin ang kaligayahan ni Omeng. Alam kong tapat ito sa nararamdaman nito para kay Clarisse pagkatapos ay lolokohin lang ito ng babaeng iyon? Asan ang hustisya?Parang sinisilihan ang katawan ko, di ako mapakali. Tumayo ako at kinatok ito. Huminto ito sa ginagawa at sinenyasan ako na pumasok sa loob.“Sir. . .” di ko alam kung paano ako magsisimula. OMENG’S POV:RAMDAM ko ang pagkabalisa ni Pamela habang kaharap ko ito. Tila may gusto itong sabihin ngunit waring nag aalinla

  • Someone Is Secretly In Love With You   CHAPTER 84

    ISANG engrandeng selebrasyon ang idinaos para sa ika 75th birthday ni Don Raul Jamboy, ang Papa ni Omeng. Invited ang lahat ng mga empleyado ng kompanya. Hindi na sana ako pupunta ngunit kinailangan ang presensya ko para sa ilang documents na ipinagawa sa akin ni Omeng. Maraming mga negosyante ang dumalo. Marami ring mga pamilyar na mukha. Mga naglalakihang pangalan sa industriya ng negosyo. Nang tawagin ng host si Don Raul para magsalita ay nagulat ako sa ini anunsyo nito.“Ang gabing ito ay hindi lang celebration ng aking kaarawan kundi selebrasyon rin ng nalalapit na pag iisang dibdib ng aking anak na si Rommel at ang kasintahan nitong si Clarisse.”Nagpalakpakan ang lahat habang parang babaligtad ang sikmura ko sa narinig na balita.Expected ko nang mangyayari ito pero hindi pa rin pala ako handa. Ang sakit sakit na waring dinudurog ang puso ko.Napainom tuloy ako nang magkasunod na champagne. Ramdam ko ang pag iinit ng aking mga mata lalo na nang tawagin ng matanda ang magkasinta

  • Someone Is Secretly In Love With You   CHAPTER 83

    NAKAHIGA na ako nang magmessage si Omeng sa akin. Sabi nito sa message, can I speak to you? Bumangon ako at nagsuot ng robe. Pagbukas ko ng pinto ay nanduon na ito sa labas. Daming bumabalik sa mga alaala ko pero kinalma ko ang sarili ko."Sir?""Gusto ko lang sabihin saiyo na mag ingat ka kay Captain Torre. Lalaki ako at kabisado ko likaw ng bituka ng mga ganung pormahan." Sabi kaagad nito sa akin."I think nasa tamang edad na ako para sa mga bagay na yan," sagot ko dito, "Kung kakagatin ko ang mga gimik nya, labas ka na siguro dun, Sir. As long as wala itong kinalaman sa trabaho ko at. . .""Habang nagtratrabaho ka sakin, may pananagutan ako saiyo kaya hindi pakikialam ang sinasabi ko!" Giit nito saka tumiim ang mukha, "Pero ikaw na rin ang may sabi, nasa tamang edad ka na para sa mga bagay na yan! Basta wag mong kalimutang binalaan kita.""Salamat sa babala mo. Kung wala ka nang ibang sasabihin, gusto ko nang magpahinga."Nag awang ang mga labi nito na parang tila may gusto pa sana

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status