All Chapters of CEO's Hot Encounter: Chapter 141 - Chapter 150
165 Chapters
Chapter One Hundred Fourty One
 PINAGMASDAN lang ni Aevo ang paglabas ng silid ni Minnie. Tuluyan na siyang nahiga at napapikit, totoo ang sinabi niya kanina. Pagod siya kaya hindi niya makayang makipag-kwentuhan kay Aizo."Stupid woman, panay drama tsk!" bulong niya. Nangapa siya sa bulsa at isang matamis na ngiti ang pumunit sa labi niya. Nagmadali siyang bumangon at nag-locked ng pinto. Tingin naman niya ay matagal pa bago bumalik ang asawa...Nagpunta nga si Minnie sa playroom at nakita niyang masayang naglalaro ang mga bata, habang nasa gilid naman ang mag-asawang Aizo at Lauren na nagkwe-kwentuhan.Maluwang ang kwarto, iba't ibang kulay at mga sticker ang nakadikit sa ding-ding. may basketball court din doon na pweding makapaglaro si Vonie. Sa batang edad nito ay nahihilig na ito sa pagba-basket ball.Kasalukuyan ngang nagdri-dribell ang anak ng bola habang ang kambal at mga anak naman nina Lauren ay naglalaro naman ng bahay-bahayan sa mini town na in-arrange
Read more
Chapter One Hundred Fourty Two
   PAGKATAPOS na makakain sila ay pinili na nilang umuwi, dahil tulog na sa kalasingan si Aizo ay si Aevo ang nagmaneho.Habang si Minnie naman ang nag-drive kasama ang mga bata at si Lauren.Ang dalawang matanda naman ay kasama ang family driver ng mga ito. Halos madiin ang pagkakatapak ni Minnie sa preno nang biglang sumingit ang kotse ni Aevo at pinaharurot iyong ng sobrang bilis."My gosh! Ivana, nakita mo asal ng asawa mo. Para siyang kas-kasero sa gitna ng higway! Hindi ba niya alam na kasama pa natin ang mga bata. Habang siya, nasa kotse niya ang asawa ko!" inis na sabi ni Lauren na iiling-iling at nakasimangot pang nakatitig sa harapan. Tumanghod-tanghod pa ito para tanawin ang nakalayo ng sasakiyan ni Aevo."Sorry Ren, don't worry pagsasabihan ko si V pagka-uwi natin." Hinging-paumanhin niya rito."Thank you, sana naman makinig ang asawa mo sa'yo. Kumpara dati ay mas matigas ang ulo niya ngayon," sambit pa nito. Hindi p
Read more
Chapter One Hundred Fourty Three
  TULUYAN nagpahila si Shamcey sa lalaki na hindi man lang inaalis ang malagkit na pagkakatitig sa kanya. "Wala pang isang linggo pero sobrang na-miss na kita. Sana nga matapos ko na ang dapat kong tapusin para makapagsama na tayo uli," malambing na saad nito at masuyong hinawakan ang palad niya. " K-kung itigil na lang natin ito, magpakalayo na lang tayo at muli tayong mag-umpisa ng anak mo. Natitiyak ko maiintindihan ni Jenina, dahil malaki na siya," pangungumbinsi ni Shamcey na hinawakan din ang palad nito. Bigla naman nawala ang ngiti sa labi ni Aevo at tuluyan binuhusan ng red wine ang baso na nasa tabi niya at tuloy-tuloy na lumagok doon. " Do you understand what I'm sayin hon, please..." may pakiusap sa tinig ni Shamcey. Ngunit isang malakas na pagbagsak ng kamao ang ginawa sa lamesa ni Aevo na ikinatigil pa ng ibang sasabihin ni Shamcey. "Ikaw!"
Read more
Chapter One Hundred Fourty Four
   TUMAYO na rin si Shamcey makaraan ang isang minuto na nanatili lamang siyang nakaupo sa kama. At tulad ng ginawa ni Aevo ay kailangan na rin niyang umuwi. Dahil hindi niya rin gusto na mapaghinalaan siya ng asawa. Patayo na siya ng marinig niya ang sunod-sunod na doorbell mula sa pinto ng unit. Inaakala niya na si Aevo iyon at naisipan bumalik. Ngunit laking gulat niya ng buksan niya ang pinto ay si Gideon ang tumambad sa kanya mula sa labas. "P-paanong nalaman mo ang lugar na ito?" kinabahan niyang tanong. Ngunit hindi nagsalita ito, kung 'di tuloy-tuloy itong naglakad papasok. "Sumagot ka bakit ka narito anong ginagawa mo rito?" Sunod-sunod na tanong ni Shamcey na sinusundan ng tingin ang pagpasok at ginawang pagmamasid ni Gideon sa loob ng unit na nanatili pa rin magulo dahil sa namagitan sa kanila ni Aevo. Hinigpitan ni Shamcey ang pagkakapul
Read more
Chapter One Hundred Fourty Five
 KUNG hindi pa dumating ang police patrol na nakakita sa kanya ay hindi pa titigil si Gideon sa kasusuntok sa semento. "Sir, ihahatid na ho namin kayo," ani ng pulis na lumapit sa kanya. Akma siyang hahawakan nito, ngunit itinaas na lang ni Gideon ang kamay para umiwas. "Huwag na kaya ko ang sarili ko," sabi ni Gideon na pinili ng tumayo. "Sir, duguan po ang kamay niyo. Idaan na lang namin kayo sa pinakamalapit na pagamutan," wika naman naman ng kasama pa nitong pulis. "Hindi na kailangan, kaya ko. Sige na salamat." Saka na naglakad at bumalik sa sasakiyan si Gideon. Pinaharurot na niya ang kotse, ngunit hindi gaanong kabilis. Mahirap na baka masita pa siya ng mga pulis na naagaw niya ng atensyon. Isa lang ang nasa isip niya ng mga sandaling iyon. Isang lugar na maari niyang puntahan para palipasin ang lahat ng problema niya ngayon. 
Read more
Chapter One Hundred Fourty Six
   NAGISING sa pagbukas-sara ng pinto ng kanilang silid si Minnie. Unti-unti ay iminulat niya ang mata at nakita niyang si Aevo ang pumasok. Nagpunta ito sa banyo, maya-maya ay lumabas ito roon at linapitan siya. Nanatili lang naman siyang nakapikit, pero gising na gising ang diwa niya. "Are you wake up, can we talk?" tanong ni Aevo sa kanya. Unti-unti ay nagmulat naman si Minnie, nagkasalubong ang kanilang mata nito. Tuluyan na siyang bumangon at napaupo sa kanilang kama. "Ano bang gusto mong pag-usapan." Nakaiwas ang tingin na sagot niya. Sa mga oras na iyon ay nanatiling masama ang loob niya sa asawa. Hindi pa rin niya ito napapatawad sa ginawa nito sa kanya. "Gusto kong mapag-usapan natin ang nangyari kanina. First, inihihingi ko ng sorry. Sa totoo lang nabigla ako. Nagpadalos-dalos ako at aminado akong nasaktan kita. P-pero hindi mo naman ako m
Read more
Chapter One Hundred Fourty Seven
UMUWI na nga sina Minnie at Aevo sa dating mansyon nila na nasira lang naman ng sumugod doon si Xiamvylle.Si Aizo ang umasikaso sa pagpapaayos ng mansyon. Mabilis naman natapos ang pagpapa-renovate dahil hindi naman problema ang pera.At katulad ng inaasahan ni Minnie ay pinanitili ni Aizo ang dating estilo nito."Welcome back Daddy!" Sabay-sabay na hayag ng mga anak nila."Kayo talaga ang kukulit niyo, sige na samahan mo na sila Candy para makapag-palit. May darating tayong bisita mamaya, tawagin ko na lang kayo kapag nandito na siya," bilin naman ni Minnie sa yaya ng mga anak na agad naman naman naintindihan ang ipinag-uutos niya.Habang nagbaba naman si Aevo ng mga maleta nila ay napatanong ito kay Minnie."Sino ba ang darating mamaya?""Si Mama Sandy, marami siyang pasalubong sa mga bata at sa atin galing Europe," balita niya sa asawa."Ah, ganoon ba..." ang tila walang-gana na sabi naman nito. Isang boy ng mansyon nila ang lumapit sa kanila at nagb
Read more
Chapter One Hundred Fourty Eight
IYON ang unang araw na pagpasok sa opisina ni Aevo. Kaya maagang nagising si Minnie para maasikaso ang asawa.Nang bumangon siya ay tulog na tulog pa ang lalaki, kaya tumayo na siya. Bumaba muna siya sa kusina at nagluto ng mabilisang scramble egg, fried bacon. Naglagay na rin siya sa toaster ng bread pagkataas niya. Maging ang kape ni Aevo ay tinimpla niya.Natitiyak naman niyang bumangon na ang asawa dahil alam din naman nitong first day ulit nitong pumasok bilang CEO sa kumpaniya ng pamilya nito.Ngunit laking gulat niya na nanatili pa rin itong nakahiga sa kama at tulog na tulog. Nakat-shirt at sweat pants pa ito. Sa ilang gabi na nagtatabi sila nito ay marami na talaga siyang napapansin dito.Dati-rati ay hindi ito sanay na magdamit kapag matutulog. Parating naka-sindi ang aircon na naka-full pa.Pero ngayon, naka-low iyon. Ang idinahilan nito ay baka ubuhin ito."V... gising na mala-late ka na sa pagpasok mo sa opisina," panggigising niya sa a
Read more
Chapter One Hundred Fourty Nine
  BUSY pa rin sa ginagawang pagbabasa ni Aevo ng kaharap niyang monitor ng computer sa mga sandaling iyon.Bagama't malayo ang kinaugalian niyang gawain ay tila nasa dugo na niya ang pag-aasikaso sa mga  trabaho sa araw na iyon.Sa tatlong oras na kaharap niya ang monitor ay tuluyan na muna niyang inalis ang pansin doon. Sinapo na niya ang noo at hinilot-hilot iyon.Doon naman siya napasukan ni Aizo."Kamusta ka bro, mukhang ginanahan ka sa first day mo huh! sobra mo bang na-miss ang pagta-trabaho dito sa opisina mo," ani naman ni Aizo na nakasandig sa nakabukas na nitong pinto."Yeah, hindi ako napapagod, but my eyes literally tired," sagot nito."Maybe you have to take a break, tara sa baba let's eat!" Aya sa kanya ni Aizo."Mauna ka na, may tatapusin lang ako."Hindi naman nangulit si Aizo at tuluyan umalis na ito.Si Aevo naman ay muling ibinalik ang pansin sa monitor. Ma
Read more
Chapter One Hundred Fifty
   UMALIS na papuntang opisina si Aevo ng umagang iyon. Habang si Minnie ay nasa loob lang ng bahay, kinailangan niyang sundin ang utos ng asawa. Dahil pinagbantaan pa siyang sasaktan lalo kapag hindi siya susunod sa gusto nito.Katatapos lang niyang magpatuyo ng buhok at nakaharap siya ngayon sa salamin. Kung saan kitang-kita niya ang sugat sa noo. Napangiwi siya nang maramdaman niya ang hapdi ng gamutin niya iyon ng bulak na may antseptic."Hindi lahat ng babaeng nakakatagpo ng prince charming nila ay may magandang happily ever after... katulad mo na lang Minnie," tuya niya sa sarili habang nakaismid sa sariling repleksiyon. Inilihis niya ang manggas ng suot niyang long sleeve at nakita niya ang nagmarkang itim na pasa na si Aevo rin naman ang may kagagawan.At sa tuwing makikita niya ang mga iyon ay labis-labis na hinanakit ang nadarama niya.Sobra siyang nasasaktan, dahil ang matamis nilang pagmamahalan ay tuluyan ng naglaho.
Read more
PREV
1
...
121314151617
DMCA.com Protection Status