Lahat ng Kabanata ng CEO's Hot Encounter: Kabanata 151 - Kabanata 160
165 Kabanata
Chapter One Hundred Fifty One
     Chapter One Hundred Fifty One:     ISANG buhay na buhay na tawa ang naghari. Hindi naman makapaniwalang nakatitig si Minnie sa lalaki. May isang bahagi ng sarili niya namiss niya ang masiglang tawa nito. Napakasarap pakinggan iyon sa kanyang pandinig."Bakit ka ba ganiyan huh," sabi niya matapos na magtigil ito sa walang humpay na tawa na umabot lang naman ng isang minuto.Sapo-sapo pa nito ang tiyan pagkatapos."Ikaw kasi, masiyado kang paranoid. Mag-relax ka naman, ako ito si Gideon. Hindi ka mapapahamak kapag ako ang kasama mo," pagpapakalma nito sa kanya.Inirapan na lang ni Minnie ito dahil sa masiyado itong kumpiyansa sa sarili.Tuluyan na siyang naglakad at nagpatuloy sa pamimili ng mga kulang pa sa listahan niya."Hey! lalayasan mo na lang ako. Mag-usap pa tayo, ngayon lang tayo nagkita pero bakit pakiramdam ko ang layo mo pa rin," may pagka-emosyonal ang tinig ni Gideon kaya upang matigil sa ginagawang pagtutul
Magbasa pa
Chapter One Hundred Fifty Two
NAGING busy man sa trabaho si Aevo ay tuloy-tuloy pa rin ang update sa kanya ni Kit. Ang body guard na kinuha niya para sa asawa.Magmula ng  malaman niyang patuloy pa rin na nagkakaroon ng komunikasyon ito at kay Gideon ay nawalan na siya ng tiwala sa babae. Katulad ng ama ay hinding-hindi siya makakapayag na makuha ng  ibang lalaki ito.Halos magmamadaling-araw na ng makauwi siya sa mansyon. Patay na rin ang lahat ng ilaw sa loob ng mansyon, tiyak niyang natutulog na ang mga kasama niya. Pansin niya ang malamlam na ilaw sa kanilang silid mula sa kanyang kinatatayuan.Dali-dali na siyang pumasok sa loob. Nakita naman niya kaagad si Kit na nakatayo mula sa harap ng pinto. Napatango ito upang pagbati sa kanya."Sige na pumunta ka na sa guard house, bumalik ka na lang ng umaga pagkaalis ko," bilin niya rito. Tumango naman itong muli at saka ito  naglakad paalis.Nang pumasok siya sa loob ng silid nila ay nakita niyang nakahiga sa kama si M
Magbasa pa
Chapter One Hundred Fifty Three
NAG-AAYOS na nga si Minnie ng kanyang sarili nang makarinig siya ng katok mula sa pinto. Inaakala naman niya na si Kit iyon, kaya binuksan na niya at baka may mahalaga itong sasabihin.Ngunit nagulat siya at labis na nagtaka, dahil si Gideon iyon."P-paano kang nakapasok?" Hindi niya makapaniwalang tanong. Nagpalinga-linga pa siya dahil baka may makakita rito na ibang tao.Sa mabilisan galaw ay agad na niya itong hinila papasok at ini-lock ang pinto."Magsalita ka bakit ka narito?" Pang-uulit ni Minnie sa tanong niya. Paano ba naman, hindi ito sumasagot, nakatitig lang naman ito sa mukha niya habang may masiglang ngiti sa labi."Ano ba! Ngi-ngiti ka na lang ba riyan huh!" Isang malakas na tampal ang ginawa niya sa braso ni Gideon."Aray! ang sakit niyon... grabe ang bigat pala ng kamay mo." Iiling-iling nitong sabi.Pinakatitigan naman siya ni Minnie, naalala niya dati na iyon din ang sinabi ni Aevo sa kanya."H
Magbasa pa
Chapter One Hundred Fifty Four
   HINDI maiwasan ni Minnie na mapalunok ng laway habang inilapit pa ni Gideon ang sarili sa kanya. Halos kadangkal na ang distansiya sa pagitan nilang dalawa ng mga sandaling iyon.Sa nagpa-panic na galaw ay mabilis niyang itinulak palayo si Gideon."W-what do you think your doing?" halos nanginig ang tinig niyang tanong sa lalaki."Relax! ano ba sa tingin mo ang gagawin ko sa'yo rito sa mismong silid niyo ng asawa mo," aliw na sabi naman ni Gideon."Lumabas ka na, baka may makakita pa sa'yo na narito ka," inis niyang pagpapalayas sa lalaki."Fine, tawag ka lang kapag may lalakarin ka." Saka ito tuluyan naglakad palabas.Nang mawala ito sa harapan niya ay nahahapong naupo na lang si Minnie sa sariling kama.Hindi niya aakalain na muli silang magkakasama ni Gideon. Akala niya ay hindi na sila magkikita nito."Gosh! paano na, parati na lang kami magkikita ni Gideon. Paano kung hindi ko mapigilan at matangay ako a
Magbasa pa
Chapter One Hundred Fifty Five
   UMUWI na masayang-masaya si Minnie at ang mga bata. Maaga pa rin naman sila nakauwi at tiniyak nilang hindi sila gagabihin.Kahit pumayag kasi si Aevo na pumasok si Gideon sa kanila ay nag-iingat pa rin si Minnie na makagawa ng kamalian.Kahahatid lang niya sa loob ng mismong silid si Vonie na maagang natulog dahil sa napagod ito sa paglalaro sa playground.  Matapos na mapaliguan at mapalitan ito ng damit pantulog ay pumasok na siya sa sariling silid.Maalikabok sa pinuntahan nila kaya nahlinis na muna siya ng katawan bago muling bumaba. Isang desenting pantulog na lang ang pinili niyang isuot. Nag-bra rin siya dahil may kakausapin pa siya.Nakita nga niya si Gideon na abala ng umiinom sa mini bar ng kanilang mansyon."Bakit hindi ka pa umuuwi?" tanong ni  Minnie habang bumababa siya sa hagdan.Tinapunan naman siya ng tingin ng lalaki at nginitian, naalala niya si Aevo sa ngiting iyon."Hinihintay ko kasing umuwi ang
Magbasa pa
Chapter One Hundred Fifty Six
 INIS na inis si Aevo dahil nahuli pa siya ni Gideon na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Kaya wala na siyang nagawa kung 'di payagan ang gusto nitong mangyari: Ang makalapit kay Minnie. "Hindi ko alam kahit na nawala na ang memorya mo ay mahal mo pa rin siya..." usal ni Aevo na nagpupuyos. Itinago na niya ang mga ginamit at piniling umalis ng maaga sa opisina. Gusto niyang puntahan ang Lolo Ghad niya at Lola Saifa sa mansyon ng mga ito. Kung hindi pa kasi siya gagalaw ngayon ay mauubos na ang oras niya. Mapupurnada ang lahat ng plinano niya kapag nagkataon. Akmang tatayo na siya nang marinig niya ang sunod-sunod na pagkatok mula sa nakasaradong pinto. "Come in!" Nakita niyang si Aizo ang pumasok. Kita niyang napadako ang tingin nito sa lamesa niyang nakaayos na. "Aalis ka na bro?" tanong ni Aizo na naglakad palapit sa kinaroroonan niya. 
Magbasa pa
Chapter One Hundred Fifty Seven
  TULUYAN hinila ni Aizo ang manggas na suot ng lalaki na humahalak lang. "Halika! sa labas tayo mag-usap de punggal ka!" mataas ang tinig na sigaw ni Aizo. Mabilis naman niyang nahila ito sa labas ng mansyon. Isang suntok muli ang ipinadapo niya sa mukha nito. " 'Yan lang ba ang kaya mo, dapat ganito ka sumuntok!" Dahil sanay sa pakikipag-basag ulo ito ay walang-wala sa kanya ang pagsusuntok sa kanya ni Aizo. Sinipa muna niya ito sa sikmura kaya sumadsad sa semento ito. Hindi ito nakatayo sa lakas ng impact niyon. "Hindi ko aakalain na mabilis mong madidiskubre na hindi ako si Aevo. Matalino ka talaga, kaya mas may karapatan ka na maging CEO ng company ni Dad," nakangising sabi nito na hinila si Aizo palapit. " Pero alam mo hindi ko papayagan pa na may isa sa inyo na umagaw sa lahat ng kayaman na para sa akin lang dapat. Ako ang panganay sa atin kaya ma
Magbasa pa
Chapter One Hundred Fifty Eight
MARAHAS na binuksan ng nagpanggap na Aevo ngunit totoong Gideon Laurzano sa totoong buhay ang pinto ng roof dect ng apartment kung saan siya nagtago sa kasalukuyan. Hangga't mainit pa rin ang mata sa kanya ng lahat. Sinindihan niya ang switch ng m bombilya na patay-sindi. "Puny*ta talaga!" pagmumura ni Gideon. Pabagsak siyang naupo sa kama niya na iniigkasan ng spring dahil sa lumang-luma na iyon at sira-sira pa. Kahit saan ka tumingin, ay makikita ang kalumaan ng buong silid. Ang mga kurtina na nakasabit ay puti pa ang dating kulay, ngunit dahil sa matagal ng nakasabit na ang huli pang gumamit sa silid ay naroon na iyon. Dahil sa tatlong taon na nawala siya roon ganoon na rin katagal iyon doon. Halos napuno na ng alikabok at ang ilang mga gamit ay hindi nakaayos sa tamang lagayan. Agad kumuha ng t-shirt si Gideon sa lagayan at pinunit iyon para may maipangtapal siya sa bala ng baril na tumama sa kan
Magbasa pa
Chapter One Hundred Fifty Nine
 NANLALAKI ang mata niyang tinitigan ang lalaki. Takot na takot siya habang pinagmamasdan pa rin itong nakatitig din naman sa kanya. "P-papatayin niyo ho ba ako mister?" ang maiiyak na tanong ni Gideon na sinalsal ng kaba ang dibdib. Isang manipis na ngiti ang pumunit sa labi ng lalaki at saka ito humalakhak ng walang humpay. Hindi alam ni Gideon kung bakit ganoon ang naging reaction nito. Muli na naman niyang sinubukan na buksan ang katabing pinto ng kotse. Nagbabakasali siyang makakatakas siya! "Natutuwa ako sa iyo alam mo ba, dahil diyan sasamahan mo akong mag-dinner," wika nito na nakatitig pa rin sa kanya. Binalingan niya ito at nakita naman ni Gideon na walang halong biro ang nasa mukha ng lalaki. Kaya kahit kabado pa rin ay nanahimik na lang si Gideon sa kanyang kinauupuan, habang hinihintay ang bawat sandali na sakay siya ng mamahalin kotse ng la
Magbasa pa
Chapter One Hundred Sixty
HANGGANG sa paglaki niya ay nangibabaw ang hinanakit niya sa Ama. Kahit nang mamatay ang ina niya ay hindi nagpakita si Gustav, pakiramdam ni Gideon ay tinalikuran na siya ng mundo sa mga sandaling iyon. Dahil sa walang-wala siya at nasa edad benti lamang siya noon ay kinailangan niyang mangutang sa isang loan shark ng pampalibing sa ina. Maging ang pagkakautang niya sa ospital kung saan na-admit ng ilang Buwan ito ay kinailangan niyang mabayaran para mailabas niya ito noon. Umabot din iyon ng isang milyon, natapos man ang pagpapalibing ng ina ay hindi natapos-tapos ang paghahanap niya ng paraan para mabayaran ang lahat ng utang niya kay Don Quixote isang Intsik na nagpahiram sa kaniya ng malaking halaga.Iba't ibang trabaho ang pinasukan niya, hanggang sa dumating na makilala niya si Don Vladimir ang ama ni Shamcey. Binigyan siya nito ng isang trabaho na hindi aakalain ni Gideon na siyang magsasalba sa kanya sa lahat ng pinagkakautangan niya: Ang maging bayaran mamatay
Magbasa pa
PREV
1
...
121314151617
DMCA.com Protection Status