All Chapters of The Billionaire's Crazy Obsession: Chapter 31 - Chapter 40
380 Chapters
Chapter 7 (Part 4)
Hindi siya pinansin ng anak ko at patakbong yumakap sa akin. Tinukod ko ang isa kong tuhod sa sahig upang salubungin ang yakap niya. Nang magkalapit kami ay mahigpit ko siyang niyakap at ganoon din ang ginawa niya. "I miss you, Mommy!" Lumayo siya at inosenteng tiningnan ako. "Ilang araw rin p-po kitang hindi n-nakita." Sinsero akong ngumiti at ginulo ang kan'yang buhok. "I miss you, too, Ashy. Sorry kung ilang araw nawala si Mommy." "It's fine po. I know po... na may asikaso ka!" Marahan kong pinagmasdan si Ashy, sunod ay si Nash na naiiyak na nakatingin sa akin. Sinenyasan ko siyang lumapit sa akin at patakbo niya akong niyakap. "Mommy!" Umiyak siya sa dibdib ko at marahan kong hinagod ang kan'yang buhok. Nakaramdam ako ng matinding kalungkutan nang marinig ang bawat paghikbi niya. "Na-miss po kita. H-Hindi po ako makatulog kapag wala ka." "Shhh... I am now here, Anak." Lumapit si Ashy sa amin kaya niyakap ko silang dalawa. "Pasensya na kung nagkulang ako sa inyo." "Mommy, we
Read more
Chapter 7 (Part 5)
Tumango ako at tipid siyang nginitian. Binuksan niya ang pinto ng kuwartong aming kaharap. Ramdam kong humigpit ang pagkakahawak ng mga anak ko sa aking dalawang kamay. Nagbaba ako ng tingin sa kanila at binigyan sila ng tipid na tango. Tumango rin sila sa akin at saka nagpasyang pumasok sa bukas na kuwarto. Sumunod din ako sa kanila at ang unang bumungad sa akin ay si Lily na nasa tabi ng kama ni Cassie. Kausap niya ang aking pinsan at napatingin sa amin nang napansing pumasok kami. "Hi, Lily!" Lumapit si Ashy kay Lily at excited na kinausap ito. "Nandito ka rin pala! L-Let's play!" "Ashy," pagtawag ko sa kan'ya. "I didn't bring you here to play. Hospital isn't also a playground." Humarap sa akin si Ashy at napayuko. "I'm sorry, M-Mommy." Lahat kami ay natahimik at tiningnan si Lily na lumingon kay Cassie na maamong nakatingin sa kan'ya. Sunod siyang tumingin sa amin at maya-maya ay tumango. "I'll leave na po, Tita Cass. Magandang umaga rin po, Mommy Shianna." Saglit na yumuko si
Read more
Chapter 7 (Part 6)
"Shianna!" Bumakas ang galit sa kan'yang mukha ngunit pinili kong ignorahin ito. "Ano'ng ginagawa mo?" "What do you think, Cassie?" Tuluyan akong lumuhod sa harapan niya at kalmado siyang tiningnan. Ngunit ang totoo ay nasasaktan ako na nakikita siya sa ganitong sitwasyon. Nag-iwas ako ng tingin upang hindi niya makita ang mga mata kong unti-unting naluluha. "Dahil sa akin, n-nasaktan ka, Cass. Dahil sa akin ay hindi ka na m-makalakad ngayon." "S-Stop it!" Suminghap si Cassie at pinigilan ang sariling mapaluha. "Wala kang kasalanan, Shianna!" "I k-know." Mapait akong ngumiti. "Pero hindi niyon matatabunan ang katotohanang isa ako sa mga dahilan kung bakit ka napahamak. Kung wala lamang ako ay paniguradong ligtas ka ngayon—" "You're wrong!" napasigaw si Cassie kaya napatingin ako sa kan'ya. Nangangatal ang kan'yang mga kamay. "I don't hate you, Shianna. So, please, stop doing this. H-Huwag namang ganito. I don't blame you. Alam nating lahat na walang may nagnais na mangyari ito."
Read more
Chapter 7 (Part 7)
"At anong mga p-plano 'yon?" Lumuluhang tiningnan niya ako. Tumayo ako at tiningnan siya habang siya ay nakatingala sa akin. "Cassie." Nabalot ng matinding lamig ang aking mukha. "Sisuguruhin ko na madudurog ang lahat ng nanakit sa akin. It's too impossible to retreat now. Huwag mo rin akong diktahan na kalimutan ang mga paghihirap na naranasan ko." Umatras ako at tinalikuran siya. "Dahil nagbago na ako. Handa akong maging isang masamang tao para lamang makausad sa tinahak ko. Dahil kayo ang nagdala sa akin sa ganitong sitwasyon." "Shianna!" Hindi ko na pinansin si Cassie at lumabas sa kuwarto. Sakto ay dumating din ang doctor at mga nurse na paniguradong narinig ang pagsigaw ni Cassie. Mas nagwala ang pinsan ko, at bago ko sinara ang pinto ay nakita ko pa siyang humahagulhol na nakatanaw sa akin. Sumandal ako sa pinto at dito na ako bumigay. Tahimik akong napaluha habang pinapakinggan ang palahaw ni Cassie. Unti-unti itong humina hanggang sa tuluyan itong nawala. Napayuko na laman
Read more
Chapter 7 (Part 8)
"Mag-s-stay po ako sa Kalinga House." Bumaling si Solei sa mga nakatuping damit na nasa kan'yang kama. Kinuha niya ang mga ito at nilagay sa maleta na tila ay wala siyang pakialam sa magiging reaksyon ng kan'yang ina. "A-Ano?" Naglakad papalapit ang ginang kay Solei. Samantala, ang kasambahay naman ay napaatras. Nagtago siya sa gilid ng kuwarto habang kinakabahang pinakinggan ang usapan ng mag-ina. "Mag-s-stay ka sa Kalinga? At bakit naman? Hindi ka na ba masaya rito?" Nang nalapitan ni Asunta ang kan'yang anak ay kinuha niya ang mga damit na hawak nito. Nabigla si Solei sa kan'yang ginawa at pinagmasdan na lamang nito ang mga damit na nasa sahig. "WALANG AALIS!" Galit na kinuha ni Asunta ang maleta at pinagtatapon ang mga laman nito sa sahig. "Ako ang masusunod!" "Mom!" Napalingon siya kay Solei nang mabigat nitong hinawakan ang kan'yang braso. "Anak mo ako at hindi robot!" Marahas na napabuga ng hangin ang ginang. "Ano'ng sinabi mo?" "PAGOD NA PAGOD NA AKO! Hindi ba puwedeng ha
Read more
Chapter 7 (Part 9)
Umigting ang kan'yang panga at dumilim ang kan'yang mukha. "Si Carolina ba ang gumawa nito?" "No." Blanko siyang tiningnan ni Solei at itinulak siya nito palayo. Mas dumilim ang mukha ni Dmitri nang tinalikuran siya ng kan'yang asawa at dumiretso sa banyo. "Solei Aurora!" Galit niyang sinundan ito. "Kinakausap pa kita!" Marahas niyang binuksan ang pinto ng banyo ngunit agad siyang natigilan nang makita si Solei na tinatanggal ang butones ng kan'yang basang damit. Napalunok siya at nag-iwas ng tingin. 'Damn,' he muttered inside his mind. Sinandal niya ang kan'yang kamay sa hamba ng pinto at mariing tinitigan si Solei. Ramdam niya na may nabubuhay sa kan'yang baba. He cussed again and looked away. Samantala, tuluyang hinubad ni Solei ang kan'yang pantaas dahilan upang lumantad ang kan'yang malulusog na dibdib. "Oh fuck," Dmitri mumbled. Napatiim-bagang siya at nag-iwas ng tingin. Ngunit tuluyan nang nabaling ang kan'yang atensyon nang maglakad si Solei papalapit sa kan'ya. "May gus
Read more
Chapter 7 (Part 10)
"Seriously?" Halos matawa si Solei habang pinoproseso ang sinabi ni Dmitri. Mapait siyang ngumiti. "I really hate you, Dmitri." Kinuha niya ang kumot at bumangon. Umalis siya sa kama at tumungo sa pinto upang pabagsak itong isara. "You really will never change." Hinarap niya ito at humalukipkip. "What should I expect? Kulang na lang ay itrato mo akong bayarang babae kahit asawa mo ako—" "Solei Aurora!" Halos mapaigtad si Solei nang biglang sumigaw si Dmitri. Nakasuot lamang ito ng boxer nang lumapit ito sa kan'ya. Matapang na tiningnan ni Solei ang kan'yang asawa na galit siyang hinarap. "I never treated you like that." Umigting ang panga nito. "Kasal tayo, Solei, so why will I do that—" "That's true." Napatiim-bagang si Solei. "Kasal tayo, Dmitri. Pero kailanman ba ay trinato mo ako bilang asawa?" Tinulak niya ang lalaki palayo. "To be honest, hindi naman ako magagalit kung mangangaliwa ka—dahil in the first place, I've never seen you as my husband!" "You ask me to cheat?" Hindi m
Read more
Chapter 7 (Part 11)
"My goodness!" Napabuga ng hangin si Mrs. Aurora. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo. Balak mo ba kaming ipahamak?" "But Shianna already forgave me. Siya rin ang nag-aya sa akin na mag-stay sa Kalinga." Bumuntong-hininga si Solei. "She'll probably get her revenge on you!" sumapaw si Carolina. "Imposibleng palagpasin ni Shianna ang ginawa mo! Hindi mo ba alam na palaban ang babaeng iyon?" Nilapitan ni Carolina si Solei at sinubukang hatakin ito palayo sa entrance ng mansion. Akmang magsasalita pa ito nang kumawala si Solei sa kan'ya at sunod-sunod na malakas siyang sinampal. Lahat nang nanonood ay natigilan dahil ngayon lamang nila nakitang lumaban si Solei. "What the?!" Naiiyak na sinapo ni Carolina ang kan'yang pisngi. Nakasalampak din siya sa sahig dahil hindi niya kinaya ang mga sampal ni Solei. She gasped. "Dmitri!" Malamig na tiningnan ni Solei ang kan'yang asawa at ina. Tinalikuran niya ang mga ito at naglakad palabas sa mansyon. Lahat ay hindi nakahuma sa nangyari, malib
Read more
Chapter 7 (Part 12)
KINABUKASAN, 11:55 AM "Are you sure about this, Freya? Shianna isn't someone to be mess with." "Don't worry about it." Lumingon si Freya kay Chanel habang ang kan'yang kamay ay nasa steering wheel. Matamis siyang ngumiti. "There's nothing to be afraid of. Come on, pinalayas na si Shianna sa Kalinga Charity. Although nandoon na pa rin siya sa house—aalis na rin siya after one day." She chuckled. "‘Buti nga sa kan'ya." Bumuntong-hininga si Chanel at humalukipkip. "I will ask you for the second time around, are you sure about this? I'm afraid na baka magalit sa'yo si Vincent once he finds out na pinapakialaman mo si Shianna." Natunaw ang ngiti ni Freya at nilingon si Chanel na tumaas ang kilay habang nakatingin sa kan'ya. Maya-maya ay ngumiwi siya at binalik ang tingin sa daan. "Why, Chanel? Vincent doesn't care about that woman, at saka ako ang partner niya—" "Partner ka lang niya." Mas tumaas ang kilay ni Chanel. "You see, sinubukan kong awayin si Shianna nang dumating siya sa firs
Read more
Chapter 7 (Part 13)
"What the hell?" Pinagmasdan nila ang dalawang palapag na mini house sa backyard. Gawa ito sa isang makapal at makintab na kahoy. Malaki din ito at paniguradong malawak sa loob. Agaw-pansin din ang mga bata na naglalaro sa paligid nito. Ang iba naman ay labas-pasok. "Ano 'to?" Ngumiwi si Freya. "Where's Shianna?!" "Ako ba ang hinahanap n'yo?" Napalingon ang dalawang magkaibigan nang makarinig ng boses sa kanilang kanan. Dito ay nakita nila si Shianna na nakasuot ng mahabang purple dress. Agaw-pansin ang nagmamahaling aksesorya na nasa kan'yang katawan. Mukha siyang mamahaling senyorita. "Himalang bumisita kayong dalawa?" Bahagyang tumaas ang kilay ni Shianna. Katabi niya si Hudson at Cayer na seryosong nakatingin sa dalawa. Kung titingnan ay parang naging alalay ang dalawang lalaki na nasa magkabilang gilid ni Shianna. "Nandito kami para sa mga bata," si Freya ang sumagot. "Nami-miss namin sila." "Oh?" Kumunot ang kilay ng dalaga nang tila'y nakita niyang halos matawa si Shianna.
Read more
PREV
123456
...
38
DMCA.com Protection Status