Pigil ang mga hiningang sabay kaming lumingon ni Damian. Sabay din kaming napahawak sa dibdib at nakahinga ng maluwag.“Ikaw lang pala, Reneigh.” Nakangiting sabi ni Damian.May kung ano sa mga ngiti nitong hindi ko matukoy. Kung ano man iyon ay alam kong hindi ‘yon masama.“Pwede ba tayong mag-usap, Anastasia?” panimula ni Reneigh.Tumango lang ako bilang tugon. Tumingin siya kay Damian at naintindihan naman nito ang nais niyang mangyari. Pumasok si Damian sa kotse niya para nagkaroon kami ng privacy ni Reneigh.“Huwag mong iwan si Xeonne. Ikakasira niya iyon,” diretsong sabi niya na puno ng sinceridad.Tumalikod ako nang may dumaang kotse. Baka may makakilala sa ‘kin.“Please, Tasya, bigyan mo ako ng pagkakataong magpaliwanag,” pakiusap ni Reneigh.Kinuha ko ang kamay niya at hinatak patungong kotse ni Damian. Pumasok ako ng backseat at sumunod naman siya.“Pwede ka bang lumabas muna, DG?” suyo ko kay Damian na nakaupo sa driver’s seat.“Ay wow. Kotse mo? Kotse mo?” pabalang nitong
Read more