Share

Chapter 51

A few hours ago before Joshua called Ian. 

Hindi malaman ni Cassandra ang dapat isipin sa sitwasyong kinahaharap niya ngayon. Labis ang kabang kaniyang nadarama habang kinakaladkad siya ng dalawang lalaki na animo tauhan ni Joshua. 

“A-anong gagawin n’yo sa ‘kin?” nanginginig ang boses niyang kausap sa dalawang lalaki. 

“Tsk!” iritableng tugon lang sa kaniya ng isa na sinulyapan siya nang bahagya. 

Samantalang ang isa ay napapailing na animo nanghihinayang. “Pare, sa tingin mo ipapatikim kaya sa ‘tin ito ni boss?” kapagdakan ay bulong nito sa kasamahan nang malapit na sila sa pintuan ng bodega.

“Tarantado ka rin pare, malamang hindi. Mukhang malaki ang presyo nito, kutis pa lang pang mayaman na,” mahinang tugon din naman ng isa. 

“Malay mo naman pare na ipatikim din sa ‘tin ito ni boss pagkatapos niyang pagsawaan,” nakangising muling

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status