ANG lakas ng tibok ng puso ni Raid habang matamang nakikinig kay Don Ismael at kausap nito si Joshua Alarcon.
Bagama’t nasa panganib ng mga sandaling iyon ang kaniyang buhay ay nakatagpo siya ng kaunting pag-asa na hindi malalaman niya kung saan naroroon ang pinaghahanap nilang binata.
“Tarlac? Why are you doing there? I told you to look my documents!” mainit ang ulong sigaw ni Ismael sa anak sa kabilang linya.
Kahit hindi niya naririnig ang tugon ni Joshua sa kabilang linya ng telepono sapagkat hindi iyon naka-loud speaker ay nalaman niyang nasa Tarlac ang binata ngayon.
Mabilis na kinalkula ni Raid sa kaniyang isipan ang mga posibilidad nang kinaroroonan nito ngayon. Sa tagal niyang nagtatrabaho sa pamilya Alarcon at ilang taong pagiging undercover dito ay kabisado na ni Raid ang bawat lugar na pinupuntahan ng binata. Maging ang lahat ng properties ng mga ito ay nalagyan na niya ng mark
—Five Hours AgoHATING-GABI na subalit gising na gising pa rin ang diwa ni Cassandra. Pinakikiramdaman niya ang tatlong lalaking kasama niya sa lumang bodega na iyon habang nakahiga siya at nakatali sa maruming kama na naroroon.Narinig niya kanina nang kausap ni Joshua si Ian. Gusto niyang magsisisigaw at humingi ng tulong subalit may nakabusal sa kaniyang bibig kung kaya hindi niya magawa iyon, maliban pang pinagbantaan siya ng dalawang lalaking huwah maingay.“Damn it, what did you do?” kapagdakan ay hiyaw ni Joshua sa kabilang kausap nito sa cell phone. “I’ll see what I can do, Dad,” anito pa na animo ang ama ang kausap.Nang maibaba ang sariling cell phone ay hinilot-hilot pa ni Joshua ang sumasakit na sintido sa sunud-sunod na problema.Kanina ay agad ipinaalam ng binata sa ama at bodyguard nito ang tungkol sa spy na nagtatago sa kanilang bahay, si Raid Gonzales. Hinabilinan ng binat
NANG makita ni Raid mula sa butas ang nakahubad na dalaga bagama’t hindi niya ito kilala ay nasisigurado niyang ito na nga ang hinahanap nilang hostage ni Joshua Alarcon. Subalit hindi niya makita ang binata kung kaya nag-aalala siyang nagtatago ito at maaaring bitag lamang ang nakikita niya ngayon.Nagpalinga-linga ang binata kung may iba pang nagtatago roon maliban sa dalawang lalaking animo nagbabantay sa nakataling dalaga at sa lalaking may dala ng pagkain ng mga ito na sinundan niya kanina.“Pare, lapag mo na lang ‘yan diyan,” narinig pa niyang utos ng bantay sa bagong dating na hindi ito sinulyapan man lang. Hindi nito maalis ang tingin sa nakahigang dalaga.“Umalis na ba si Señorito Joshua?” kapagdakan ay tanong ng bagong dating na pinanlakihan niya ng mga mata sapagkat nakumpirma niyang ito nga ang pinagtataguan ng mga ito.Mariin niyang naikuyom ang mga k
“P-PLEASE don’t,” walang buhay na tanggi ni Raid sa ginagawa ng dalaga sa kaniya.Nawawalan na siya ng katuwiran sa sarili upang malaman ang tama at mali. Bagama’t alam niyang mali iyon ay lalaki lamang siya, paano niya tatanggihan ang palay na sa kaniya na lumalapit?“What? I thought you like it, honey?” namumungay namang tugon ng dalaga sa kaniya. Halatang half-asleep and half-awake ito at hindi alam ang ginagawa.“Y-yeah, I like it but not like this. You’re still in your not mind,” ang tugon naman niya at hinawakan ang kamay nitong patuloy pa ring naglalaro sa kaniyang alaga.Huminga nang malalim si Raid upang hamigin ang sarili upang makapag-isip siya ng matino sa sitwasyon nila ngayon. Hindi iyon ang dapat niyang unahin sapagkat nasa panganib pa rin ang kanilang buhay kapag may nakahuli sa kanila sa lugar na iyon.Nagpalinga-linga sa paligid si Raid at talagang natan
“ARGH!” daing ni Cassandra nang siya ay nagkakamalay niya dahil sa lamig ng panggabing hangin na tumatama sa kaniyang balat.Sinubukan niyang imulat ang mga mata subalit tanging kadiliman lamang ang naaaninag niya. Maliban pang hindi niya maigalaw ang kaniyang kamay at paa dahil nakatali ang mga ito.“Nasaan ako?” tanong pa niya sa sarili at nagpalinga-linga sa paligid. Hindi niya masigurado kung nasa lumang bodega pa rin siya ng mga sandaling iyon.Sa paghahanap niya ng kasagutan ay napansin niya ang isang nilalang na nakaupo sa may tabi niya habang yakap ang sarili. Napahinto siya sa pagpupumiglas upang hindi siya mapansin nito. Ikinalma rin ng dalaga ang kaniyang puso na mabilis na pumipintig dahil sa kabang nadarama pagkakita sa nilalang na hindi niya kilala.Bagama’t nahihinuha niyang hindi ito ang isa sa mga dalawang lalaki na nagbabantay sa kaniya kanina sa bodega sapagkat magkaiba ng physic ang
NAKITA ni Cassandra ang pag-aalala sa mukha ni Raid nang hindi nito makita ang sasakyan na gagamitin nila upang makatakas sila sa lugar na iyon.“Shit! Shit! Shit!” mahinang mura pa nito na animo hindi inaasahan iyon habang nagpapalinga-linga sa buong paligid.Sobrang dilim pa ng mga oras na iyon dahil napapalibutan pa rin sila ng buong kagubatan at ang liwanag ng buwan ang tanging tanglaw lang nila.Maging si Cassandra ay hindi alam ang lugar na pinagparadahan ni Raid ng sasakyan nito, malapit na kasi sila sa kalsada bagama’t natatandaan niyang dinaanan nila iyon nang dalhin siya ni Joshua roon.Sinubukan din niyang suriin ang paligid. Kahit na may kalayuan ang kinaroroonan nila sa villa ni Joshua ay siguradong pansinin kung may hihinto at paparadang sasakyan doon.Napabuntong-hininga na lamang ang dalaga at nagpasyang lapitan ang hindi mapak
SA pakiwari ni Raid ay ilang minutong huminto ang paghinga niya habang animo nag-uunahan sa pagtibok ang kaniyang puso dahil sa labis na tensyon na kaniyang nararamdaman sa mga sandaling iyon. Kung hindi ba naman kasi kamalas-malasan ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone na tila ba ay nang-aasar at kulang na lang ipagsigawan na ‘Look at me, I am here hiding from you’.Mahigpit niyang hawak ang kaniyang cellphone at bahagyang yumukod upang hindi makita ng lalaking nagtatanong sa cashier ang kaniyang mukha. Bagama’t walang binanggit na pangalan ito kung sino ang hinahanap na babae’t lalaki ay isang daang pursyento na silang dalawa ni Cassandra ang hinahanap at inaabangan ng mga ito.Ang pakiramdam tuloy ni Raid ng mga sandaling iyon ay ang tagal nang oras ang dumaan bago sumagot ang cashier dito. At nang ibuka ng babae ang bibig ay nahigit niya ang hininga at mataman itong pinakinggan kung babanggitin nito at ituturo siya.“
KASABAY ng malalakas na putok ng baril ay ang panggigilalas ni Cassandra habang mapangahas na sinasakop ng binata ang kaniyang mga labi.Gimbal ang makikita sa kaniyang mga mata habang nalulunod ang tili niya sa lalamunan dahil natatakpan iyon ng mga labi ng binata, kasabay pa niyon ang sunud-sunod na ingay na nagmumula sa baril at mga balang tumatama sa kanila. Maigi na nga lamang na hindi sila napupuruhan dahil nasa likuran sila ng malapad at malaking puno ng narra.Gayunpaman ay ramdam nila ang lakas ng umuulang bala na yumayanig sa punong kanilang pinagtataguan at maging sa paligid nila.Ilang sandaling nawala sa katinuan si Cassandra sa ginagawa sa kaniya ng binata. Oo nga’t malaki ang tiwala niya rito dahil kilala at mismong si Ian ang nag-hire dito, at ito ngang mga nakalipas na araw na kasama niya ito ay wala itong ginawang masama sa kaniya. Ngunit ngayon ay hindi niya maiwasang hindi mak
NAG-UUNAHAN sa pagtibok ang puso ni Ian habang mataman siyang nakatitig sa labas ng kalsada. Kasalukuyan silang nakasakay ngayon sa patrol car habang binabagtas nila ang daan patungong mansyon ng mga Alarcon.Kanina habang nare-report sa kaniya si Superintendent Ruel De Guzman na maingat na nilang binabantayan at sinusundan ang suspect na si Joshua Alarcon upang malaman ang kinaroroonan ng biktimang si Cassandra Alvarez ay muli itong nakatanggap ng balita sa mga tauhan.Base sa report ni Supt. De Guzman sa kaniya, bigla na lamang daw na nagpakita si Joshua sakay ng gray and white Ford na may plakang XXX 1024 sa checkpoint sa Bulacan, Bulacan.Hindi raw ito nakatimbre sa naturang lugar kung kaya walang kaalam-alam ang mga pulis na naka-assign doon na isa ito sa mga suspect na pinaghahanap nila. Subalit dahil over speeding ang lalaki kung kaya mabilis na naitawag ng mga ito sa CCTV monitoring upang masundan ng kanilang patrol car.Hindi ri