Lahat ng Kabanata ng The Monster CEO's Twins: Kabanata 111 - Kabanata 120
127 Kabanata
Chapter 74.2
“AT DAHIL NGA bantay-sarado ni Fred ang lahat ng paliparan at pantalan sa iba’t ibang panig ng bansa ay humingi na ako ng tulong sa isa ko pang kaibigan,” panimula ni Jemuel nang magkaroon kami ng pagkakataon na magkausap sa balkonahe ng modernong bahay-kubo. Mabuti’t nagsi-siesta ang mga bata at mahimbing na natutulog sa silid tulugan kung kaya’y nagkaroon kaming tatlo ng pagkakataon na magkausap muli. “Ano na ang plano natin?” nag-aalalang tanong ni Shaelza. “Hindi tayo basta-basta makaaalis dito at makapagtatago kung ganyang puno ng mga tauhan ng asawa mo ang lahat ng puwede nating daanan. Bukod doon ay hindi tayo pupuwedeng magtagal dito dahil sa dami ng source ni Alas ay paniguradong matutunton na niya tayo rito.” “Shaelza is right. Knowing my cousin ay gagawin no’n ang lahat mahanap lang kayo, Ava,” pagsang-ayon ni Jemuel na ikinanginig ng kalamnan ko. “Kailangan na nating makaalis dito as soon as possible,” sabat ko. “That’s why I ask m
Magbasa pa
Chapter 75
Nagising ako na tila ba may sementong nakadagan sa aking katawan dahil sa bigat nito. Iminulat ko ang aking mga mata at wala akong ibang nakita kundi kadiliman hanggang sa magising ang buo kong sistema at napansing may takip pala ang aking mga mata. Nang igalaw ko ang aking mga kamay ay doon ko rin napansing nakagapos ito maging ang aking mga paa. Doon ay naalala ko ang huling nangyari. Hindi man lang namin inaasahan ang mangyayari. Hindi man lang kami nakahanda. Biglang gumapang ang aking dugo patungo sa aking ulo at binalutan ng magkahalong takot at pag-aalala.‘Ang mga anak ko.’Sinubukan kong sumigaw ngunit maging ang bibig ko ay nakabusal rin. Mas lalo akong nakaramdam ng takot.‘Nasaan ako?’
Magbasa pa
Chapter 76.1
“I know some of them already know my real identity now. So, why not show up?”Pagkatapos niyang sabihin iyon ay halos naghintay kaming lahat na lumabas siya mula sa kadiliman na kaniyang kinatatayuan. Hindi ko inalis ang paningin ko sa kinaroroonan niya hangga’t hindi nasisiguro na tama ang hinala ko. Mula sa pag-apak ng paa niya sa liwanag ay ang paglantad ng kaniyang hitsura. Napahawak ako sa braso ni Shaelza dahil sa biglang paglambot ng aking mga tuhod. Kaagad niya namang nahawakan ang likod ko. Hindi ako nasorpresa dahil inaasahan ko na, ngunit ang paraan ng pagkakatitig niya ang hindi ko nagustuhan sa lahat. Iyong titig na hindi mo pagkakatiwalaan. Titig na walang sinasanto at dapat mong katakutan. Those eyes is now straightly looking at me. “It is nice to see you again, my favorite nephew’s wife,” ngisi niya.Bahagyang namuo ang katahimikan sa buong paligid. Napupuno iyon ng tensyon.“You are Tito Jem
Magbasa pa
Chapter 76.2
Umiiyak na ngayon ang mga bata dahil sa nangyayari. Naramdaman ko ang mga kamay ni Shaelza sa aking mga balikat. Napaluha na ako sa mga nangyayari. Ano ba kasi iyon na hindi ko alam? At bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang pinipiga ang puso ko. Naninikip ang dibdib ko dahil sa lakas ng pagtahip nito. Bakit para bang ayaw tanggapin ng buong sistema ko ang susunod na sasabihin nila ngunit gustong-gusto kong malaman ang buong katotohanan sa mga oras na ito?“J-Jemuel, what is it? Please, tell me,” humihikbing pakiusap ko sa kaniya.Nakita ko na lang na umalog-alog ang mga balikat ni Jemuel.“I’m sorry, Ava. I didn't mean to do that. I’m sorry.” Paghilamos niya ng sariling palad sa kaniyang mukha. “I didn't know that it will happened. I didn’t know that you will suffer after that. Ang alam ko lang... k-kapag ginawa ko ’yon ay tatakbo ka papunta sa akin at hihingi ng tulong. Upang sa huli ay mapasaakin ka pa r
Magbasa pa
Chapter 77
NAMUO ANG KATAHIMIKAN sa buong paligid pagkatapos ng rebelasyong iyon. Nakaupo halos ang lahat sa may sulok at tila lupaypay. Hindi na nila kami nagawang talian, busalan o takpan man lang ang aming mga mata. Maliwanag na rin ang buong paligid kung saan nakikita ko si Shaelza na nakaupo rin sa sulok at nakahilig ang ulo sa semento habang sinusuklay ng kamay ang buhok ng natutulog na si Herald, nakahiga ito sa mga binti niya. Kinuha niya sa akin kanina si Herald nang biglang mangalay ang mga binti ko dahil dalawa silang nakahiga ng kakambal niya. At kami ni Hera ay nasa gitnang bahagi kung saan ngayon ay nasa kanlungan ko ang aking anak na babae. Samantalang si Jemuel naman ay nakaupo sa dulong bahagi at nakapikit ang mga matang nakasandal sa konkretong dingding.Nang kunin niya kanina si Herald ay tumanggi ang bata at kay Shaelza tumungo nang alukin din ng huli. Nakita ko ang pagguhit ng sakit sa mga mata n
Magbasa pa
Chapter 78.1
“Don’t touch me or I’ll punch you all,” pagbabanta ni Alas sa mga lalaking gusto siyang hawakan ngunit hindi siya pinakinggan bagkus ay pilit pa rin siyang ginagapos ng mga ito.Tumayo na kami ni Hera at sa takot ng aking anak na babae ay isinuksok niya na ang kaniyang sarili sa akin.“Mom.” Biglang yakap sa akin ni Herald na tumakbo na pala papunta sa akin. Lumapit na rin sa akin si Shaelza.Niyakap ko ang mga anak ko.“I said don't touch me!” At maya-maya nga’y dinaanan na ng mga suntok ni Alas ang mga kalalakihan na pilit siyang ginagapos.“Alas,” bulong ko nang pagkaisahan na siya ng lahat. At laking pasasalamat ko dahil mukhang bihasa naman siya pagdating sa pakikipaglaban dahil halos hindi siya matamaan ng suntok ng mga sumusugod sa kaniya. Siya nga ang halos nakatatama ng suntok sa kanila at ang iba pa’y tumitilapon sa lakas ng kamao niya.Napansin ko sa gilid na
Magbasa pa
Chapter 78.2
Si Jemuel ay biglang natauhan at inagaw sa lalaking katabi ang hawak nitong baril na kanina pa nakatutok sa kaniya. Dahil likas na malakas ay nagawa niyang makipag-agawan sa lalaking nag-aalinlangan kung kakalabanin ba siya o hindi ngunit sa huli ay nagawa itong barilin ni Jemuel.Pinagbabaril niya rin ang mga lalaking nagbabantay kina Ava at Shaelza. Si Alas naman ay nanghablot lang rin ng baril sa namatay na tauhan ni Segundo at nakipagbarilan na rin sa mga tauhang sunod-sunod na pumasok rin doon.Sina Ava at Shaelza ay halos iharang ang sarili sa kambal at tumakbo sa likurang bahagi kung saan mayroong fire exit. Naiwan sa loob sina Jemuel at Alas na nakikipagbarilan at agawan ng baril sa ibang naroroon habang si Segundo naman ay hindi alam kung saan na ba sumuot o nagtago simula nang magkabarilan na sa buong paligid.Nakahanap ng matataguan sina Shaelza sa itaas na palapag ng abandonadong gusali. May tambak ng mga bakal na harang doon na puwedeng pagtaguan at
Magbasa pa
Note for Chapter 74 and 75
Mga mahal kong readers, Magandang araw po. Kapag nabuksan na po ninyo ang chapter 74 at 75, humihingi po ako ng paumanhin sa inyo dahil ang modification chapters ko po na Chapter 74.1 at 74.2 ay hindi pa po naaprobahan. Noong Friday pa siya at hanggang ngayon po (Wednesday) ay naghihintay pa rin po ako. Hindi po paulit-ulit ang Chapter 75, dapat po kasi sa unang 75 ay Chapter 74.2 po siya. Kung nabuksan ninyo po ito, please approach me here sa note na ito po. Pero you need to do lang naman po is log out your gn account and log in again. Mag-re-refresh po ang mga chapters noon. Kapag na approve po ang modification, I will leave a note again here po to inform you. Again, my apology po. Hope you understand me po. Lovelots. And thank you po for supporting me and my stories. Your support means a lot for me po. <3 <3
Magbasa pa
Chapter 79.1
“HULI KAYO! DITO lang pala kayo nagtatago, ha,” sigaw ng isang armadong lalaki. Halos mapasinghap sa gulat sina Shaelza at ang kambal nang makita ang lalaki sa kanilang likuran. Naroroon pa rin kasi sila at nagtatago sa likod ng naglalakihang bakal. Natatakot silang lumabas dahil baka mahagip ng ligaw na bala ang isa man sa kanila. Bukod doon ay wala rin silang dalang anumang armas upang ipanlaban sa mga armadong kalalakihan. May mga bata pa siyang kasama kung kaya’y limitado lang ang bawat galaw niya. Napasigaw silang tatlo nang tutukan sila ng baril ng lalaking iyon. Kasunod ng isang nakabibinging pagputok ng baril ay ang pagkakatumba sa sahig ng armadong lalaking may balak na bumaril sa kanila. “Ayos lang ba kayo? Ang mga bata, okay lang ba?” tanong ni Jemuel mula sa likuran ng natumbang lalaki. Siya pala ang bumaril sa taong iyon kaya bumulagta sa konkretong sahig ang lalaki. Iniligtas ni Jemuel ang buhay nila. “Maraming salamat, Jemuel. Oo, ayos
Magbasa pa
Chapter 79.2
HAWAK-HAWAK ni Alas ang kamay ni Jemuel habang nasa loob ng isang silid sa pribadong ospital na iyon. Ilang araw na ang nakalipas matapos ang kaguluhang iyon ngunit hindi pa rin nagigising ang isa man kina Ava at Jemuel. Sabi naman ng doktor ay ligtas na mula sa kapahamakan ang dalawa ngunit hindi pa rin maintindihan ni Alas kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising ang mga ito.Si Segundo Fonteverde ay sumailalim sa isang operasyon dahil sa natamo nito ngunit ligtas na rin naman daw ito sa kapahamakan. Ang importante ay buhay pa rin ang demonyong tiyuhin at anumang oras ay pupuwede pa rin niyang singilin. Wala siyang balak na singilin ang matanda sa sarili niyang mga kamay. Batas na mismo ang naghahanap dito at mas mabuti iyon dahil mararanasan nito ang bunga ng kasamaang ginawa nito sa buong buhay ng tiyuhin.Si Jemuel ang unang nais niyang makausap upang makipag-ayos rito. Sa dinami-dami ng kasalanan at sakit ng loob na ginawa sa kaniya ng pinsan ay tila
Magbasa pa
PREV
1
...
8910111213
DMCA.com Protection Status