Semua Bab The Monster CEO's Twins: Bab 121 - Bab 127
127 Bab
Chapter 80
“HAPPY BIRTHDAY!” sabay-sabay naming sigaw pagkabukas ng pintuan ng bahay. Pagkatapos niyon ay bumungad sa aming paningin ang naka-wheelchair na si Jemuel. Sumabog din ang confetti na pinaputok namin at nagsiingay ang mga bata gamit ang torotot na humahaba ang dulo sa tuwing hinihipan. Namilog ang mga mata ni Jemuel dahil sa labis na pagkagulat. Samantalang ang kaniyang ina na nasa likod niya, at may hawak ng hawakan ng wheelchair na sakay niya, ay malawak ang pagkakangiti. “W-What the...” hindi niya halos mabigkas ang mga katagang iyon. Maya-maya’y isang liwanag ang kumislap sa harapan niya. “Hey, Kheil. You look handsome on your photo,” komento ni Alas sa larawang nakuha  roon sa kamera na hawak-hawak niya habang naglalakad papalapit sa pinsan.
Baca selengkapnya
Chapter 81.1
Dahil sa mga katotohanang naihayag ay walang sino man ang naglakas-loob na kumibo. Binalot kaming tatlo ngayon ng nakabibinging katahimikan. Isang tao lang pala ang siyang puno’t dulo ng mga ito. Dahil sa kaniya ay halos magdusa kaming lahat.Tiningnan ko si Alas na ngayon ay nakayuko lang at nakatuon sa tasa ng kape ang atensiyon. Sa aming dalawa ay siya itong tunay na nabilog at naloko ng taong iyon. Buong buhay niya ay ang taong iyon na ang kaniyang tinatakbuhan at pinagkakatiwalaan. Nakaramdam ako ng awa sa aking asawa. Naaawa ako sa kaniya sapagkat pinaglaruan lang siya ng mga taong nasa paligid niya at iyong mga taong kinakapitan pa niya.“Kung alam n’yo lang kung gaano kaganda ang relasyon ng mga magulang ninyo noon. Kaya nga hindi ko alam kung bakit nadala sila sa panunukso ng isang Segundo. Napakagahaman talaga ng taong iyon. Kahit noon pa man ay may nararamdaman na akong hindi maganda sa kaniya. Hindi nga ako nagkamali, nagtagumpay nga siyan
Baca selengkapnya
Chapter 81.2
“Love, tutal ay naging bukas na rin tayo sa isa’t isa para pakinggan ang sarili nating mga dahilan at doon ay nagkaroon tayo ng pagkakaunawaan. Bakit hindi natin hayaang pakinggan din ang iyong tiyo sa kaniyang mga sasabihin para naman maunawaan din natin ang bahagi niya? Love, kasi kung puro na lang galit ang nasa puso natin, hinding-hindi tayo uusad. Magiging ganito tayo habang-buhay.” Napayuko ng ulo si Alas dahil sa mga sinabi ko.“Please, hayaan natin siyang magsalita para sa sarili niya at doon na lang tayo huhusga. Ang hirap kasing humusga na lang na wala naman tayong alam sa mga pinagdaanan niya.” Tumingin ako kay Jemuel na kagaya rin ni Alas ay nakayuko na. “Wala akong magandang rason o dahilan na magsisilbing depensa sa sarili dahil mga mali naman ang ginawa ko.” Napatingin ako kay Mr. Segundo sa sinabi niya.“Mr. Segundo, hindi ako naniniwala na wala lang lahat ng mga ginawa mo. Alam kong may pinag
Baca selengkapnya
Chapter 82
Isang mahigpit na yakap at dampi ng mga labi ang nagpaputol sa akin mula sa mahimbing na pagkakatulog. Napangiti ako nang manuot sa aking ilong ang natural niyang amoy. Simula nang maamoy iyon noon ay ito na ang naging paborito kong amoy.  Nang imulat ko ang aking mga mata’y tumama sa akin ang sinag ng araw na nagmumula sa salaming dingding. Naalala kong hinayaan lang pala namin itong nakabukas kagabi para mapanood ang di-mabilang na mga tala na kumikislap sa kalangitan. Hanggang sa tumungo na nga kami sa bagay na kalimitang ginagawa ng mag-asawa. “Good morning, Love. I love you,” bulong niya sa aking tainga dahilan upang dumaloy sa buong sistema ko ang init ng kaniyang hininga nang dumampi ito sa leeg ko. Hindi ko napigilang mapapikit dahil sa sensasyon na bumubuhay ulit sa aking katawang-lupa. Naalala ko tuloy ang ginawa namin kagabi at ngayon nga’y gu
Baca selengkapnya
Chapter 83.1: Ang Pagwawakas
“Salamat po.”“You’re welcome,” nakangiti at magkasabay na tugon nina Hera at Herald sa batang ulila nang bigyan nila ito ng isang set na gamit pang eskuwela, na may kasamang laruan na naaayon sa kasarian ng bata kung ito ba ay babae o lalaki.Sunod-sunod na nakapila ang sari-saring mga bata sa kanila na mayroong malawak na ngiti sa kanilang mga labi at hindi na makapaghintay pa na tanggapin ang para sa kanila. Samantala ang mga nakakuha na ay nakaupo na sa kani-kanilang upuan at pinapakita sa kasama ang mga gamit na natanggap nila kahit na pare-pareho lang ay tila ba pinapasikat pa rin nila sa isa’t isa. Nakatutuwang tingnan.“Marami po talagang salamat, Mr. at Mrs. Fonteverde sa tulong ninyo sa mga bata at sa donasyon po ninyo sa ampunang ito. Malaking bagay po ito sa mga bata.” Pagkuha sa aming atensyon ng Senior Sister na siyang namumuno ng bahay-ampunan na napili ng kambal na lugar pagdarausan para sa kanilang
Baca selengkapnya
Chapter 83.2: Ang Pagwawakas
“Maraming salamat din sa ’yo,” tugon ko.Mula sa malayo ang tingin ay inilipat niya ito sa akin at ngumiti. “You are special to me, Ava. Kaya ingatan mo rin ang sarili mo. Alam kong matapang kang babae at matalino. Kaya alam kong kaya mong ipagtanggol ang sarili mo. Pero sana minsan turuan mo rin ang sarili mong sumandal sa iba. Hindi ka nag-iisa sa laban.”“Bawasan din ang pagiging kampante sa sarili na kaya mo, minsan matuto ka ring sumuko at tanggihan ang mga bagay na mahirap gawin. Hindi kasi lahat ng bagay ay kaya at kakayanin mo, minsan kaya mo nga pero masakit na.”“Narito naman kasi kami na handa kang tulungan pero binabalewala mo. Pinapamukha mo sa amin na wala kaming silbi para sa ’yo para akuin ang lahat ng pasanin na bitbit mo. Bilang kaibigan, nakatatampo. Pero dahil kinaya po nga, binabati kita. Ngunit sa susunod sana ay kumatok ka na. Ang kaibigan ay hindi lang maaasahan sa purong
Baca selengkapnya
Chapter 83.3: Ang Pagwawakas
Nagulat ako nang mapansin ang pagliwanag ng sahig na kinaaapakan ko. May liwanag na hugis palaso na tila ba nais akong sundan ang guhit na iyon. Pakiramdam ko ay tila ba nasa loob ako ng isang malaking silid na computer-based ang sahig dahil sa biglang paglitaw ng liwanag nito. Pinaglalaruan ba ako ng kung sino? Sinundan ko ang naturang arrow at tumigil iyon sa isang hugis bilog. Nang tingnan ko ang naturang liwanag ay may mga letra na biglang lumitaw roon. ‘Thank you for making me smile everytime I frown...’ Muli ay lumitaw ang arrow na liwanag sa sahig at tinuro na naman ako sa panibagong daan. Tila wala sa sarili na sinundan ko ang liwanag na iyon at tumigil sa liwanag na tatsulok ang hugis. Gaya ng unang hugis ay may mga letra ring lumabas doon. ‘Thank you for being a strength at my weakest...’ Muli ay lumitaw ang liwanag na arrow at muling gumuhit ang kahabaan niyon sa sahig na sinundan ko naman. Dinala ako niyon sa hugis parisukat na sahig. Muli
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
8910111213
DMCA.com Protection Status