All Chapters of Stuck With The Billionaire: Chapter 21 - Chapter 30
136 Chapters
CHAPTER 21- THE MISUNDERSTANDING          
“Is that my thing you’re holding?” tanong niya sa akin.Hindi ko ini-expect na maaga siyang makakauwi. Ang akala ko, kagaya kahapon ay gagabihin siya ulit.Nakagat ko ang aking ibabang labi. Gusto ko sanang itago ang hawak na album ngunit huli na. Lumapit na siya sa akin at bahagyang yumuko para kunin ang album sa pagkakahawak ko.Nakakunot ang kaniyang noon ang buklatin niya ito.“Naglilinis kasi ako. Tapos habang naglalampaso, nakita ko ‘yan sa ilalim na cabinet kaya kinuha ko. Sorry, I got curious. Hindi ko alam na iyan ang laman,” paliwanag ko sa kaniya.Inisa-isa niya ang pagbuklat at matamang pinagmasdan ang bawat litrato na naroon. Nakatungo ako at hindi tumitingin sa kaniya. Natatakot ako na pagalitan niya ako kahit alam ko namang iyon ang mangyayari.“Hindi ba sinabi ko sa’yo na may darating na tagalinis sa bahay. Dapat hindi ka na naglinis pa. Look at you, ang dumi-dumi na ng suot mong damit.”Dahan-dahan akong nag-angat nang tingin sa kaniya. Sandali siyang tumitig sa akin
Read more
CHAPTER 22- THE JEALOUSY  
I was mad. Fuming mad because of what happened. Ang kapal ng mukha niya. Ang sabi niya sa akin, liligawan niya ako tapos ganoon ang gagawin niya? Ang sabi niya, gusto niya ako. But how could he flirt with other woman habang nasa paligid lang ako? Akala niya siguro ay hindi ko makikita ano? Akala niya hindi ako pupunta ng aplaya.Padabog akong naglakad papasok ng bahay. Kung puwede lang talaga umalis dito, gagawin ko. Ang kaso, wala naman akong ibang mapupuntahan dahil wala naman akong kakilala rito.“Andra, anong gusto mong lutuin kong agahan para sa iyo?” tanong ni Aling Maring pagpasok ko sa loob. Nasa living room ito at kasalukuyan nililinis ang sofa.Huminto ako sandali para tingnan ang matanda.“Hindi po ako kakain. Si Jacob nalang po ang paglutuan niyo.” Kumunot ang kaniyang noo sa sinabi ko ngunit agad din iyong napalitan ng pag-aalala.“Bakit hija, may nangyari ba?”“Wala po.”Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makapasok ako sa aking silid. Dumiretso ako sa banyo para
Read more
CHAPTER 23- THE SERENADE
Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya sa nalaman ko o mahihiya dahil sa ginawa kong assumption sa kanila ng pinsan niyang ang pangalan ay Luanne. Ngayon ko lang na-realize na ako lang pala ang nag-isip ng masama tungkol sa kaniya. Pero may kasalanan din naman siya. Kung hindi niya ako tinratong parang iba sa nakalipas na dalawang araw, hindi naman ako mag-iisip ng masama.They can’t blame me for what I feel. And I still do believe that my feelings for the last 48 hours is valid.Kinabukasan ay bumangon ako nang maaga dahil nauuhaw ako. Maliwanag na noong lumabas ako. Pagpasok ko sa kitchen area, napahinto ako agad nang makita si Jacob doon at ang babaeng kasama niya kahapon.“Hi?” alanganing bati nito sa akin. Nakaupo ito at may hawak na sliced bread na mayroong palaman. Mukhang kanina pa siya naroon. Si Jacob naman ay nakatitig lang sa akin.“Kukuha lang ako ng tubig,” sambit ko saka nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating sa tapat ng fridge. Kumuha ako ng baso at n
Read more
CHAPTER 24- THE PAYMENT FOR THE FINISHED PAINTING
“Galit ka pa ba?” tanong sa akin ni Jacob habang nakatanaw kami sa maalon na karagatan. Pagkatapos ng kanilang music session magkakaibigan, isa-isa na ring nagpaalam ang mga ito na uuwi na. Pare-pareho ang kanilang dahilan, kailangan daw nilang matulog nang maaga para maaga rin silang magising para sa pagpapalaot ng bangka para mangisda. At dahil kami ni Jacob ang walang gaanong gawain, kami ang natira sa dalampasigan. Sa hindi kalayuan ay mayroong ilaw na siyang nagbibigay ng liwanag sa paligid. Abot ng liwanag ang aming kinaroroonan kaya kahit paano nabawasan ang pangamba ko.Uuwi na rin sana ako. May plano ako kaninang sumabay kina Yael pero ang sabi ni Jacob samahan ko raw muna siya roon kahit sandali lang. Ang dapat na sandali lang ay tumagal ng kalahating oras. Walang nagsasalita sa aming dalawa kaya nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko ang kaniyang tanong.Galit nga ba ako sa kaniya? I thought of that question a while ago habang kumakanta siya. Sa totoo lang, pakiramdam
Read more
CHAPTER 25- THE BAR PROJECT
“Ano sa tingin mo?” tanong ni Jacob sa akin pagkapasok namin sa construction site. Inalagay ko ang aking kamay sa aking noo para magsilbing panakip ko sa aking may na nasisilaw sa liwanag ng araw.Mabilis naman niyang sinenyasan ang isa niyang staff na may hawak na payong. Lumapit ito sa akin at mabilis na binuksan ang payong para magsilbing lilim ko. Mainit na kasi at mataas na rin ang araw nang makarating kami rito sa General Luna.Ang sabi niya sa akin kanina, hindi na raw kami pupunta dahil tanghali na. Ewan ko ngayon kung bakit biglang nagbago ang isip niya. Marahan niya akong pinaisod sa tabi ng kaniyang staff dahil natatamaan ng araw ang balikat ko. Naka-sleeveless pa naman ako ngayon.“You’ll get burned by the sun.”I pouted at him. Pinaningkitan niya naman ako ng mata kaya inayos ko ang aking sarili. Ang sungit talaga.“Okay naman. The location is good. Good for you dahil naisip mong sa pagitan ng restaurant at fitness gym inilagay ang bar na ito. Marami ring mga establishme
Read more
CHAPTER 26- THE ISLAND HOPPING  
“May girlfriend pala ang kapatid mo ‘no? Ngayon ko lang nalaman.”Nakita ko ang pagngisi ni Jacob nang marinig niya ang tanong ko. Kasalukuyan siyang nagmamaneho ng sasakyan. Pauwi na kami ng San Isidro paghkatapos naming i-check muli ang site kanina. Bumaling siya sa akin. May halong pang-aasar ang kaniyang tingin.a“Bakit? Curious ka? You’re jealous? You like my brother?” suod-sunod niyang tanong.Sinalubong ko ang kaniyang mga tingin.“Nagtatanong lang ako, ang dami mo nang sinabi. Hindi ba puwedeng nagulat lang?”“Why would you be shocked? Eh guwapo ang kapatid ko, normal na maraming magkakagusto sa kaniya. Kaya ibig sabihin, normal din na magkaroon siya ng girlfriend.”Umangat ang sulok ng labi ko.“Eh ikaw rin naman guwapo ka, pero bakit wala kang girlfriend?”“Meron kaya.”“Sino?”Mas lumawak ang kaniyang pagngisi.“Ikaw.”Mabilis na nag-arko ang dalawang kilay ko sa sinabi niya. Ha! Ang assuming. Hindi ko pa nga siya sinasagot.“Sinagot na ba kita?”“Kailangan pa ba noon? Eh ‘
Read more
CHAPTER 27- THE ONSET OF CHAOS
Guyam, Pansukian, and Daku are the three beautiful islands that we’ve visited today. Bandang hapon, pagkatapos naming mag-ikot, niyaya ako ni Luanne na magpahinga muna kami sa isang tropical resort sa Pansukian. Doon na rin daw kami kakain dahil ayon sa kaniya, masarap ang mga pagkain doon.“Sigurado akong magugustuhan mo roon. Maraming puno ay mayroong magagandang villas. Gusto mo bang magpa-massage? My treat.”Umiling ako agad. “Naku, Luanne. Hindi na. Hindi naman ako mahilig sa pagpapamasahe. Saka hindi mo naman kailangang gumastos para sa akin.”Nakangiti siyang bumaling sa akin.“You’re like a sister to me now. Ano ka ba, walang problema sa akin yung gastos. Ang gusto ko, mag-enjoy ka rito. Nabanggit din kasi ni Kuya Jacob na hanggang matapos lang ang construction ng bar ka mananatili rito sa Siargao. Might as well spend your days here in a very good and entertaining way.”Hinawakan niya ako sa braso at hinila patungo sa bangka.“Tara na at baka maiwan pa tayo ng bangka.”Sandali
Read more
CHAPTER 28- ANTON'S ANGER
Habang nakatingin ako kay Anton ay hindi ko mapigilang mapaisip kung bakit ganoon nalang ang kaniyang reaksiyon sa nangyari? Bakas ang galit sa kaniyang mga mata habang nakatingin kay Lara na kabababa lang sinakyan nitong jet ski. Naka-two-piece lang ito at konti nalang makikita na ang parte ng kaniyang katawan na dapat ay nakatago pero tila balewala sa kaniya ang tinginan ng mga tao. Pagkarating niya sa dalampasigan ay agad na may lumapit sa kaniyang isang naka-unipormeng babae at inabutan siya nito ng tuwalya. Kinuha niya ito at itinapis sa kaniyang katawan bago naglakad palapit sa amin.Nakaupo pa rin ako sa buhanginan, hingal na hingal habang pilit na pinakakalma ang aking sarili. Nasa tabi ko si Anton at panay ang tanong kung kumusta ang pakiramdam ko.“Oh, bakit mo ako hinahanap? How dare you shout for my name, Anton!” Dinig ko ang pagtaas ng boses ni Lara. Gusto kong matawa sa ugali ng babaeng ito. Siya na nga yung may hindi magandang ginawa, siya pa yung matapang.Inayos ko an
Read more
CHAPTER 29- THE FRIENDSHIP
Napaisip ako sandali sa sinabi ni Luanne. Napatitig ako sa aking baso at inisip paano kung ako nga si Gabriella? Pero agad din akong umiling. Masyadong malabo dahil mayroon akong pamilya. I have my parents. Kahit na hiwalay sila, at least, alam kong mayroon akong mga magulang.“Ikaw talaga, kung anu-anong iniisip mo,” naiiling na saad ko kay Luanne.“I wish you are Gabriella. I wish she didn’t die that early. Siguro ngayon, baka isa na rin siyang artist.”Kumunot ang noo ko.“Artist? Like painter? Ganoon ba?” Tumango si Luanne. “Bata palang kami, pangarap na ni Gabriella maging isang painter balang araw. Bata palang kami, magaling na siyang mag-drawing. Iyon ang nabanggit niyang pangarap niya noong bata kami, pero gusto niya rin namang maging isang house wife.”Habang patuloy ang pag-unlad ng aking kaalaman tungkol sa pagkatao ni Gabriella, hindi ko maiwasang humanga sa kaniya. Ang sabi nila, siyam na taon siya noong naaksidente siya at nawala sa dagat. Siguro talagang mahal na mahal
Read more
CHAPTER 30- ASKING QUESTIONS
“Kailangan ko ba talagang sumama? Hindi ba puwedeng iba nalang ang partner mo?” nakangusong pakiusap ko kay Jacob habang patuloy pa rin ako sa ginagawa kong painting. Narinig ko ang kaniyang pagbuntong-hininga. Hinawakan niya ang aking balikat at marahang minasahe iyon. “Andra, kapag hindi ka pumunta, wala akong ka-partner. Don’t tell me I could find another, ayoko ng iba, ikaw lang ang gusto ko.” Huminto ako sa aking ginagawa at pansamantalang ibinaba sa lagayan ng gamit ang paint brush na hawak ko saka humarap sa kaniya. Ilang beses niya nang binanggit ito sa akin. Kung hindi ako nagkakamali, ay pang-apat na beses na ito ngayon. Pinipilit niya akong sumama sa last practice ng wedding entourage para sa kasal ng kaniyang ama. Nahihiya naman akong pumayag dahil una, sino ba ako para sumali sa isang family event? At pangalawa, hindi naman ako importanteng tao para maging ka-partner niya. I am a nobody. Natatakot din ako na baka maging sentro ako ng atensiyon ng mga bisita sa kasal ng
Read more
PREV
123456
...
14
DMCA.com Protection Status