Lahat ng Kabanata ng Her Unexpected Marriage: Kabanata 11 - Kabanata 20
132 Kabanata
Kabanata 6: The Unexpected Gift
DAHAN-DAHAN kong iminulat ang mga mata ko at agad na tumambad sa akin ang maliwanag na silid na kinaroroonan ko. Bahagya pa akong napangiwi nang maramdaman ang bahagyang kirot ng ulo ko. Napagtanto kong nasa sariling silid ako. Inalala ko pa ang huling nangyari pero agad kong nasapo ang aking uko dahil sa pagkirot niyon. "Don't move, just be still." Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon at nakita ko si Zandy na nakaupo sa upuang malapit sa kama kung saan ako nakahiga habang hawak na niya ang cellphone at abala sa pagtitig doon. "B-bakit ka nandito?" nagtataka kong tanong. "Don't you remember? I'm already your husband," seryoso sabi ni Zandy. Ibinaba niya ang cellphone na hawak at nag-angat sa akin ng tingin, wala emosyon ang mukha. "Asawa mo na ako, Miles simula kanina nang ikasal tayo kaya huwag ka ng magtaka kung bakit ako nandito," dagdag pa niya. Laglag ang pangan
Magbasa pa
Kabanata 7: The Unexpected Driver
MATAPOS ang kasal na iyon o tama ko sigurong sabihing kasal-kasalan, nagbago na ang lahat. Ang tahimik kong mundo, nagulo. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ang bigat ng bawat galaw ng katawan ko. Pakiramdam ko nawawalan ako ng gana sa lahat ng bagay dahil sa frustration ko sa nangyayari at sa hindi mawala sa isip ko ang pwedeng mangyari sa amin ni Zandy. Iniisip ko pa lang na magsasama kami sa iisang bubong, nababaliw na ako. Nagkaroon lang ng konting salo-salo ang ilan sa mga bisita nila Mama at ng pamilya Saavedra na hindi ko nadaluhan dahil nga nawalan ako ng malay dahil sa pagod at puyat na pinagpasalamat ko na rin dahil hindi ko na kailangang humarap sa mga tao at magpanggap. Napabuntong-hininga ako matapos kong magbihis. Natapos na ang leave ko at simula na muli ng trabaho pero sa totoo lang wala akong ganang magtrabaho. Gusto ko sana munang magliwaliw at kahit pa paano mapanatag ang utak ko at mawala ang lahat lahat ng nasa isip ko na
Magbasa pa
Kabanata 8: The Unexpected Plan
"NAKAKAINIS talaga! Bakla!" mahina kong sabi na bakas ang inis doon habang mabilis akong naglalakad papasok sa hallway patungo sa opisina ng department na kinabibilangan ko. Patingin-tingin pa ako sa wristwatch ko dahil ilang minuto na lang at male-late na ako. Kung hindi talaga dahil sa baklang Zandy na iyon, kanina pa akong nasa opisina at hindi ko kailangang magmadali para habulin ang oras. Huminto ako sa tapat ng glass door ng opisina. Huminga muna ako ng malalim, saka inayos ang sarili ko. Hinawakan ko ang hawakan niyo at madiing tinulak papasok hanggang magbukas iyon. Naramdaman ko agad ang malamig na hanging kumawala mula sa aircon ng silid. Ipinasok ko ang sarili ko sa pinto. "Congrats!" Napapitlag ako sa gulat ng bigla na lang naghiyawan ang mga tao sa silid, kasabay ang mahinang pagsabog ng hawak ni Chad, ang isa sa mga katrabaho ko. May pa-confetti pa silang nalalaman at pa-banner na may nakalagay na 'Best Wis
Magbasa pa
Kabanata 9: The Unexpected Offer
HINDI PA rin maalis sa isip ko ang planong sinabi ni Andrea sa akin para kay Zandy. Nakukuha ko ang ibig niyang sabihin pero hindi ko alam kung sinong lalaki ang ipakikilala ko kay Zandy. Kagabi pa lang, iniisip ko na kung sino ang pwedeng ipakilala ko rito. Wala naman akong kilalang pwedeng pumatol sa lalaki. "Hindi mo ba natanong si Zandy kung ano'ng nangyari sa kanila ni Roven?" kapagkuwa'y tanong ni Andrea sa akin habang kumakain kami sa labas ng opisina. Katatapos lang ng article na ginagawa ko at oras na rin ng lunch. Pasalamat naman ako dahil paggising ko sa umaga, wala roon si Zandy para kulitin at asarin ako. Mag-asawa nga kami pero dahil sa set up namin, nararamdaman kong single pa rin ako at mas gusto ko iyong ganito. Kumunot ang noo ko at seryosong nag-angat ng tingin kay Andrea. Bakit nga ba hindi ko natanong si Zandy tungkol sa kanila ni Roven? Napaisip din ako. "Hindi," diretso kong sabi. "Hindi ko rin gus
Magbasa pa
Kabanata 10: The Unexpected Surprised
KINAUMAGAHAN, mas maaga akong nagising sa usual na gising ko sa hindi ko malamang dahilan. Baka marahil dahil sa gusto na ng katawan kong bumangon para mas maagang makapag-prepare sa pagpasok sa trabaho. Humarap ako sa salamin. Napasimangot ako nang makita ko ang hitsura ko roon. Gulo-gulo ang buhok ko na parang sinabunutan. Kinuha ko ang suklay sa tapat ng salamin at sinimulang suklayin ang gulo-gulo kong buhok. Napapangiwi pa ako dahil sa bahagyang sakit niyon sa anit dahil sa nahihila ko iyon. Matapos kong mag-ayos ng sarili ko, lumabas na ako ng silid na naka-pajama pa habang nakapusod ang buhok ko sa mismong tuktok ng ulo ko. Nang makalabas ako, ganoon na lang ang gulat ko nang nadatnan ko si Zandy na nandoon habang kausap si Mama at Papa. "Ano'ng ginagawa mo rito ng ganito kaaga?" seryosong tanong ko na pinipilit iyong maging malamig. "Maupo ka muna rito, 'nak," alok naman sa akin ni Papa.
Magbasa pa
Kabanata 11: The Unexpected Place (Part 1)
"SERIOUSLY, Miles magsasama na kayo sa iisang bahay ni Zandy na iniregalo ng pamilya niya?" gulat na tanong ni Miles sa akin nang sabihin ko sa kaniya ang sinabi ni papa sa amin bago ako pumasok ng trabaho. Kasalukuyan kaming palabas ng gusali para kumain ng lunch sa labas na naging routine na namin para kahit pa paano makalabas kami sa loob ng silid na iyon na puro trabaho ang nakikita namin. Malungkot at frustrated akong tumango sa kaniya. "I don't know what to do, Andrea ayaw kong makasama ang Zandy na iyon sa iisang bubong. Hindi rin naman kami magkakasundo. I'm ok with this set up, 'yong kasal lang kami sa papel at patuloy na mabubuhay sa sari-sarili naming buhay. Hindi ba't gusto lang naman nilang mawala daw 'yong sumpa sa akin kaya pinilit nila ako magpakasal?" katuwiran ko. Napangiti si Andrea. "May magagawa ka pa ba, Miles? Unang-una, pumayag ka sa kasal na gusto nila at ibig sabihin niyon, pumapayag ka sa gusto
Magbasa pa
Kabanata 11: The Unexpected Place (Part 2)
"SEE? Pareho lang tayong naiipit sa sitwasyon so don't act like you're the only victim, Miles. Hindi ko rin gusto ang kasal na ito pero dahil ito ang mas mabuting choice, ito ang pinili ko," paliwanag niya.   Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Zandy. Ano'ng ibig niyang sabihin na ang pagpapakasal sa akin ang mabuting choice? Umiling ako. "No, Zandy my choice ka pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi ka tumangging pakasalan ako," giit ko.   Saglit na napapikit si Zandy. "I don't want to argue with you this time," aniya. Naramdaman kong lumiko ang sasakyan pakanan.   Pasimpleng umirap ako dahil sa inis kay Zandy. Hindi ko maintindihan ang baklang ito kung bakit hindi ko maunawaan ang takbo ng isip niya. Hindi ko makuha ang punto niya sa mga sinasabi dahil ang alam ko may choice siya na hindi ako pakasalan noon pa man. Humalukipkip ako at hindi na lang umimik dahil nagmumukha lang akong bungangera sa harap niya.
Magbasa pa
Kabanata 12: The Unexpected Kiss
"HOY! Ok ka lang? Kanina ka pang tulala riyan? Simula nang bumalik ka galing sa kung saang lugar kasama ang Zandy na iyon, para kang na-engkanto. Ano bang nangyari?"   Napakurap ako at dahan-dahang humarap kay Andrea. Kanina pa akong hindi umiimik dahil hindi maalis sa isip ko ang ginawa ni Zandy sa akin sa bahay na iyon kung saan daw kami titira. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero kinabahan ako at nanghina ang tuhod ko nang naramdaman kong malapit na ang mukha niya sa akin. Akala ko nga'y mahihimatay uli ako at sana nga nangyari na lang iyon.   flashback...   "Huwag mo akong hahamunin, Miles dahil kaya kong gawin ang inaakala mong hindi ko kaya." Hindi ko mabakasan ng pagbibiro sa boses niya. "I can kiss you if I wanted too, Miles. Hindi ako ang inaakala mo. Hindi mo pa ako kilala."   Napalunok ako nang makita nang malapitan ang makinis na mukha ni Zandy. Hindi ako makagalaw at wala rin akong
Magbasa pa
Kabanata 13: The Unexpected Voice
HALOS HINDI ako makatulog nang nagdaang gabi kakaisip sa pwedeng mangyari sa oras na lumipat na kami ng bahay ni Zandy. Iniisip ko pa lang ang mangyayari, sigurado akong sasakit lang ang ulo naming pareho dahil alam kong hindi kami magkakasundo. Mahihirapan kaming pakisamahan ang isa't isa. Hindi ko rin alam kung kaya ko ba siyang pakisamahan. Ngumuso ako at humibi nang matapos kong ikwento kay Andrea ang pag-uusap namin ni Mama at Tita Mandy tungkol sa paglipat namin ni Zandy. "Wala na nga akong nagawa, Andrea kung 'di pumayag sa gusto nila. I hate him. Ayaw ko siyang makasama sa iisang bahay dahil sa tuwing nakikita ko ang lalaki—bakla o kung ano man siya, naaalala ko lang ang ginawa niya at ni Roven sa akin," reklamo ko habang hindi maipinta ang mukha ko. Kasalukuyan kaming nasa labas ng building kung saan kami nagtatrabaho para kumain. Oras ng lunch at nasa isang restaurant kami ni Andrea. Kanina ko pang hindi magalaw ang pagkain k
Magbasa pa
Kabanata 14: The Unexpected Action
"HONEY, I'm here." Para akong biglang nag-init kahit ramdam ko ang malamig na hangin ng gabi. How dare him to call me Honey sa harap ng mga katrabaho ko. Nahihibang na ba siya?  Hindi ko na sana papansin si Zandy at aakto na lang na walang narinig nang bigla na lang tumili si Melissa habang nagtatanong naman si Ate Shai at Chad kung sino raw ang lalaking iyon. Pumikit ako ng mariin at dahan-dahang, humarap kay Zandy. Aba't ang loku, nakangiti pa! Ano na namang naisip niya para tawagin akong Honey?  "OMG! Miles, is he your husband?" tanong ni Melissa na parang nakakita ng artista habang sapo ang dalawang pisngi at bakas ang kilig sa mukha. Lumingon pa siya sa akin at pinaghahampas ang braso ko. "Aw! Melissa, masakit," reklamo ko at inilayo ang braso ko sa kaniya. "Kilig na kilig? Sige, sa'yo na." "So, totoo he's your husband?" pagkompirma ni Ate Shai
Magbasa pa
PREV
123456
...
14
DMCA.com Protection Status