All Chapters of The Impostor Wife: Chapter 91 - Chapter 100
118 Chapters
CHAPTER 91
       NAPAHAWAK si Monica sa ulo nang isang matining na kirot ang naramdaman niya roon na para bang binibiyak ang kaniyang ulo. Ipinilig niya ang ulo at sa ginawa niya ay nabawasan ng kaunti ang sakit.Hinawakan siya ni Valentina nang mahigpit sa isa magkabila niyang braso at iniharap siya nito rito.“Wala kang choice kundi ang tulungan ako sa pagkakataong ito, Monica! Iniligtas kita sa kamatayan at sa pagkakakulong. Binigyan kita ng bagong buhay. Bukod sa ako ang nagsilang sa iyon ay napakalaki na ng utang na loob mo sa akin. Kung hindi mo ako tutulungan kay Rico ay pinapatunayan mo lang talaga sa akin na wala kang kwentang anak. Ito na ang pagkakataon mo para makabawi sa akin!” Nanlilisik ang mga mata ni Valentina habang nakatingin sa kaniya.Magkakasunod na alaala ang magkakasabay na pumasok sa utak ni Monica at hindi niya maintindihan kung bakit lahat ay alaala ni Milagros ang mga iyon. Nakikita niya
Read more
CHAPTER 92
  “MAY truck!” Malakas na sigaw ni Milagros.Nakita niya ang pagbangga ng truck sa sasakyan na kinalululanan nila ni Monica. Hindi na nito nagawa pang paandarin ang sasakyan dahil naunahan na iyong mabangga ng truck. Akala mo ay isang napakagaan na bagay na lumipad ang sasakyan at tuloy-tuloy iyong nahulog sa bangin. Sumabog iyon at napasigaw sa sakit si Milagros nang mabilis na yumakap sa kaniya ang apoy at sinunog niyon ang buo niyang katawan!Walang pagsidlan ang takot ni Milagros. Alam niya na maaaring iyon na ang kaniyang katapusan…   NAPASINGHAP si Monica nang magising siya mula sa panaginip na iyon. Hindi. Hindi pala iyon isang panaginip dahil totoo iyong nangyari. Ipinakita sa pamamagitan ng panaginip ang nangyari noong oras na naaksidente sila ni Milagros.Milagros? Ulit ng utak niya.“Mabuti at nagising ka na. Pin
Read more
CHAPTER 93
       NAITAKIP ni Martin ang isang kamay sa mukha nang masilaw siya sa napakaliwanag na ilaw mula sa paparating na sasakyan. Huminto iyon sa tabi niya. Pilit niyang inaninag kung sino ang sakay no’n ngunit dahil sa tinted ang salamin ay hindi niya makita ang loob ng sasakyan.Kanina, nang magising siya at malamang wala pa rin si Milagros sa bahay ay hindi na siya nagdalawang-isip pa na puntahan ito sa bahay ni Valentina. Ang usapan nila ay isang oras lamang itong mawawala pero inabot na ito ng madaling araw ay wala pa ito sa bahay. Naglakad siya mula sa bahay hanggang sa bahay ni Valentina dahil wala nang bumabyahe sa lugar nila ng ganoong oras na tricycle at jeep.Bumukas ang pinto ng sasakyan sa may driver’s seat at bumaba mula roon si Valentina. May pagtataka ito sa mukha. “Martin? Ikaw ang asawa ni Milagros, `di ba? Anong ginagawa mo sa harapan ng bahay ko ng ganitong oras?” tanong ng babae sa k
Read more
CHAPTER 94
       HINDI makapaniwala si Milagros na ganoon kabilis na malalaman ni Valentina kung sino ang taong pinagbigyan ni Rico ng mga ebidensiya. Nanlamig siya nang malaman na ang asawa nito ang may hawak no’n. Galit siya kay Rico pero labas na sa galit niyang iyon ang asawa nito. Kilala niya si Valentina at alam niya na hindi ito nagbiro noong sabihin nito na papatayin ito ang taong may hawak ng mga ebidensiya laban dito.Natatakot siya sa maaaring sapitin ni Danica sa kamay ni Valentina o sa mga tauhan nito na handang pumatay. Ngayon alam na niya kung sino ang may hawak ng ebidensiya ay nagkaroon siya ng pakiramdam na meron siyang responsibilidad na iligtas ang taong iyon. Nakakaawa ang mga anak ni Danica kung pati ito ay mawawala.Hindi kakayanin ng konsensiya niya kapag may nangyaring masama kay Danica at wala siyang ginawa upang ito ay iligtas at tulungan.“G-gusto niyo po ba na ako na ang kumausap kay Da
Read more
CHAPTER 95
            NAKAHINGA ng maluwag si Martin nang magawa niyang takasan si Charlotte. Ewan ba niya sa babaeng iyon kung bakit siya pa ang nagustuhan. Marami namang binata ay gwapong nagtatrabaho sa resort na hindi ito magkakaroon ng problema.Ang totoo nga niyan ay maraming kalalakihan ang nagkakagusto kay Charlotte. Alam niya iyon dahil may mga katrabaho siya na nagsasabi na ang swerte niya dahil sa kaniya nagkakagusto si Charlotte. Ngunit hindi niya magawang isipin na swerte iyon sapagkat nagugulo ni Charlotte ang kaniyang katahimikan.Nangangamba rin siya na baka iyon pa ang pagsimulan ng away nila ni Milagros. Kilala naman niyang hindi selosa si Milagros ngunit hindi niya rin kasi alam ang maaaring maging reaksyon nito kapag nalaman nitong may isang babae na lumalandi sa kaniya. Siya nga na hindi seloso ay nagselos nang makita na nagkakalapit ang kaniyang asawa kay Ambrose at hindi niya inasahan n
Read more
CHAPTER 96
      NAGHIHISTERIKAL na si Valentina habang paulit-ulit na sumisigaw ng tulong at binabayo nang paulit-ulit ang pinto ng kaniyang silid. Pakiramdam niya ay mababaliw na siya sa abot-langit na takot na kaniyang nararamdaman ng sandaling iyon. Hindi na niya alam ang gagawin. Sa buong buhay niya ay iyon ang unang pagkakataon na nakaramdam siya ng ganoong katinding takot. Ang nakakatawa pa ay sa isang patay!Mabilis siyang lumingon upang tingnan kung naroon pa si Rico at nanlaki ang mga mata niya nang malaman na halos isang dipa na lamang ang layo nito. Nagtatalon na siya sa takot. “Buksan ninyo ang pinto! Ano ba?!” hiyaw niya.“Valentina, samahan mo ako sa hukay…” Pabulong na wika ni Rico.Hindi na kinaya ni Valentina ang takot at napaihi na nga siya. Umagos ang mainit-init na ihi sa kaniyang binti hanggang sa sahig.Biglang bumukas ang pinto at nakita niya ang isa niyang kasambahay na babae na
Read more
CHAPTER 97
       MATAPOS ang lunch ay dumating na sa bahay ni Milagros ang kaibigang si Clemente. May kasama itong matabang babae na nakasuot ng itim na blouse at palda na umaabot na sa sakong nito. Maging ang lipstick nito ay itim at akala mo ay isang panda dahil ang eyeshadow ay itim din. Kulot at mahaba ang buhok ng babae na nakalugay na akala mo ay hindi kilala ang suklay.Ipinakilala ni Clemente ang kasamang babae bilang si Madam Ursula na siyang kilala nitong ispiritista at marunong din mag-cleanse ng bahay at tao. Ipinagmalaki pa ni Clemente sa kaniya na matagal na niyang kilala si Madam Ursula at alam nito na legit ito at talagang mahusay.“Saang costume party mo naman nahila ang babaeng iyan, Clemente? Sigurado ka ba talaga na kaya niyang paalisin ang multo sa bahay ko?” May duda pa rin na tanong ni Valentina.“Bastos ang bunganga mo, madam. Ako ay tunay na ispiritista. Kung ikaw ay may pagdududa sa
Read more
CHAPTER 98
       ISANG ngiti ng tagumpay ang sumilay sa labi ni Ambrose habang pinapanood niya ang pagtayo ni Valentina. Tunay nga na mabilis umepekto ang pampatulog na inihalo niya sa unang baso ng wine nito. Hindi pa rin siya tumayo at pinagmasdan niya lang si Valentina hanggang sa bumagsak na ito sa kama.Hindi niya ugali ang makuha ang gusto niya sa paraan na ganoon pero iba na sa pagkakataon na iyon. Kailangan na niyang gumamit ng pampatulog para magawa niya ang dapat niyang gawin kay Valentina. Hindi pa kasi makausad ang plano niyang DNA testing kina Monica at Valentina para malaman niya kung si Monica ba talaga ang babaeng inaakala nilang si Monica.Iba talaga ang pakiramdam niya sa babaeng iyon. Kahit nalaman niyang si Monica iyon ay sa una lang siya nakumbinse na iyon ang kaniyang girlfriend. Ngunit sa paglipas ng mga araw ay hindi niya makita sa babae na iyon ang pagkatao ni Monica. Napakalayo ng kilos at pananalita nito sa
Read more
CHAPTER 99
       AGAD na nilukob ng selos si Milagros nang makita niya ang isang babae na akala mo ay isang malaking ahas na nakalingkis kay Martin. Talagang sa may labas ng canteen pa nagyayakapan ang dalawa. Hindi na nahiya ang mga ito kahit maraming tao sa lugar na iyon. Sa dami ng mga iniisip niya, kahit pa mabait siyang tao at hindi siya selosa ay may galit siyang naramdaman. Sino ba naman kasing asawa ang hindi magseselos at magagalit kapag nakita niyang may nakayakap na ibang babae sa mister niya?“Sino ang babaeng iyan, Martin? Bakit siya nakayakap sa iyo?!” Hindi niya napigilan ang magtaas ng boses.Pakiramdam niya sa dami ng problema niya ngayon ay napakadali niyang magalit at uminit ang ulo. Dagdag pa ang pagiging buntis niya na totoo yata na kapag buntis ay mabilis na magbago ng mood.Nanatiling nakaupo sa lupa iyong babae. Umakyat ang dugo niya sa ulo nang titigan niya ito nang husto.Hindi niya
Read more
CHAPTER 100
       NAPABALIKWAS ng bangon si Valentina nang magising siya mula sa napakasamang panaginip. Kung panaginip pa bang matatawag iyon dahil ang buong akala niya ay namatay na siya nang bagsakan siya ni Milagros ng malaking bato habang nasa ilalim siya ng balon.Naiintindihan niya ang sarili kung bakit siya nananaginip ng ganoon. Aaminin niya na may takot pa rin siya sa mga maaaring mangyari nang dahil sa pagkakaroon niya ng responsibilidad sa kamatayan nina Rico at Milagros.Si Monica na anak niya ay nagpapanggap pa rin bilang si Milagros at kapag may nakaalam ng sikreto nito ay sigurado na siya ang babagsakan ng sisi ng lahat. Kaya dapat lang na matapos na ang pagpapanggap nito sa lalong madaling panahon. Ang kay Rico naman ay ang takot niya sa asawa nito. Dapat na niyang mailigpit si Danica at ang lahat ng ebidensiyang hawak nito para mawala na ang takot niya.Makailang beses na huminga nang malalim si Valentina hang
Read more
PREV
1
...
789101112
DMCA.com Protection Status