“Uy. Anong meron sa inyo ni sir Tim? Bakit nginitian ka niya?” tanong ni Molly nang maghugas kami ng plato.“Hindi ko rin alam.” Ang sabi ko. Ayoko na isalaysay iyong nangyari kanina madaling araw at baka mamaya e mapagalitan ako ni sir Rico at ma’am Rachelle.“Hindi ako naniniwala. Bakit bigla nalang lalabas si sir Tim sa lungga niya tapos ay ngingitian ka pa niya? Alam mo kanina, gulat na gulat kami pati na sina sir Rico at ma’am Rachelle nang kusang sumama si sir Tim sa breakfast nila.”Nabigla ako nang marinig iyon. Kasi kung gising lang ako kanina at nakita iyon ng personal, baka ay magulat rin ako ng husto.“Hindi ko talaga alam, Molly. Saka pwede ba, maghugas nalang tayo ng pinggan.” Sabi ko na gusto ng takasan itong pang-iintriga niya.Ngumuso siya pero sinunod naman ang sinabi ko na magfocus kami sa paghuhugas. Maya-maya pa, biglang lumapit si ma’am Rachelle sakin.“Pwede ba tayong mag-usap, Keesha?”Nagkatinginan muna kami ni Molly bago ako tumango kay ma’am Rachelle.Sinunda
Last Updated : 2025-12-22 Read more