Share

A Favor

Hindi maiwasang mapangiti ni Jarred ng marinig ang naging pag-uusap nina Jasmine at Genesaret. Dapat na ba siyang kabahan sa pagbabago ni Jasmine. Nagbago ito simula ng magdalang-tao ito. Hindi kaya epekto iyon ng pagdadalang tao nito? Natawa siya sa isiping iyon.

Sa totoo lang, masaya siya dahil nagiging palaban na si Jasmine na dati ay hindi nito ginagawa. Masyadong mabait ito, pero ngayon natuto na ito sa mga pinagdaanan nila sa relasyon na mayroon sila. Pagdating naman sa kaniya ay malambing ito. Ang sarap sa pakiramdam na ipinaglalaban ka ng iyong katipan.

Napatayo siya mula sa kinauupuang sofa ng marinig ang ugong ng sasakyan na papasok sa compound. Marahil sina Jasmine na iyon, naglakad siya palabas ng bahay, naabutan niyang binubuksan ni Ronald ang pintuan sa backseat kung saan naroon ang kasintahan.

Hindi niya maiwasang mapangiti ng masilayan ang kagandahan ng katipan. Nakasuot kasi ito ng fitted black na skirt na hanggang taas ng tuhod ang haba na pinaresan ng white sleeve
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status